You are on page 1of 11

7

Araling Panlipunan
Activity Sheet
Kuwarter 3 - MELC 2 (Wk 3)
Nasyonalismo sa Timog at
Kanlurang Asya

REHIYON VI – KANLURANG VISAYAS


Araling Panlipunan 7
Learning Activity Sheet (LAS) Blg. 3
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon


ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Araling Panlipunan 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang
magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang
Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – Araling Panlipunan 7

Manunulat: Nelsa R. Calzado


Editor: Ida Flor C. Ferraris, Ceferina M. Aplaon,
Tagasuri: Edita M. Ballesteros, Ronita T. Vingno
Tagaguhit: Anthony M. Cordilla
Tagalapat: Annamor M. Eleccion, Llaine Grace B. Coronel
Schools Division Quality Assurance Team:
Lorna G. Cajolo
Khan J. Montalvo
Ramona M. Bisonaya
Ronald B. Acson
Agnes L. Paraba
Schools Division of Sipalay City Management Team:
Renato T. Ballesteros
Regie B. Sama
Ronie T. Tababa
Annamor M. Eleccion
Agnes L. Paraba
Ronita T. Vingno
Regional Management Team:
Ramir B.
Uytico, Ed.D. CESO IV
Pedro T.
Escobarte Jr., CESO V
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Mary Hazel Vivien M. Pineda

2
Pambungad na Mensahe
MABUHAY!

Ang Araling Panlipunan 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa


pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Sangay ng Lungsod ng Sipalay sa
pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa
pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda ito upang maging
gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang
mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan


nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan at
laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may
kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang
pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Araling Panlipunan 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang
matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na
patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan
mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa mga
gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-unlad ng
mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Araling Panlipunan 7 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang


matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong
paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at
makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang mga
panuto ng bawat gawain.

3
Kuwarter 3, Linggo 3

Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 3


Pangalan:____________________________________Grado at Seksiyon: _____________
Petsa:______________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 7


Nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


● Nasusuri ang mga salik, pangyayari at kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo
ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya (AP7TKA-IIId-1.8 (WEEK 3)

II. Panimula (Susing Konsepto)

Ang pananakop, pagpapasailalim sa kapangyarihan at pagsasamantala ng mga


bansang Kanluranin sa mga bansang Asyano, ang nagbigay daan sa pag-usbong ng
nasyonalismo sa Asya.

Ang nasyonalismo ay damdaming makabayan na maipakikita sa matinding


pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang-bayan, ayon sa aklat na Kabihasnang Asyano
(SEDP Edisyon ). Ang nasyonalismo sa Asya ay may iba’t ibang anyo tulad ng defensive
nationalism o mapagtanggol na nasyonalismo gaya ng ipinakita ng bansang Pilipinas at
aggressive nationalism o mapusok na nasyonalismo na minsang ginawa ng bansang Hapon.

Ang pangunahing manipestasyon ng nasyonalismo ay pagkakaisa. Makikita ito sa


pagtutulungan at pagkakabuklod-buklod ng mamamayan sa iisang kultura, saloobin, at
hangarin.

Maituturing ding manipestasyon ng nasyonalismo ang pagmamahal at pagtangkilik


ng mamamayan sa mga produkto, ideya, at kultura ng sariling bayan.

Naipakikita rin ang nasyonalismo sa pagiging makatuwiran at makatarungan. Ang


kahandaan ng isang tao na magtanggol at mamatay para sa kaniyang bayan ay maituturing
na pinakamahalagang manipestasyon ng nasyonalismo.

Dahil sa hangarin ng mga Asyano na wakasan ang panghihimasok ng mga


Kanluraning bansa sa kanilang kinamulatang pamumuhay at makamtan ang kalayaan,
maraming makabayang samahan ang naitatag sa Asya, ang mga samahang ito ay
pinangunahan ng mga kabataang nakapag-aral. Tunghayan natin ang nasyonalismong
ipinakita sa Timog at Kanlurang Asya.

4
Basahin ang teksto

Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Timog Asya: Nasyonalismo sa India

Ang mga pananakop ng mga Ingles sa India ang nagbigay-daan upang magising ang
diwa ng nasyonalismo rito. May iba’t ibang wika at relihiyon ang mga Indian, sila naman ay
kumikilos at nagkakaisa upang umunlad at makabuo ng isang malayang bansa.
Si Mohandas Gandhi ang nangunang lider nasyonalista sa India. Siya ang nagpakita ng
mapayapang paraan sa paghingi ng kalayaan.

Pinakinabangan nang husto ng mga Ingles ang mga likas yaman ng India. Dahil sa
pananakop ay naranasan din ng mga Indian ang mga patakarang hindi angkop sa kanilang
kultura, tulad ng pagpapatigil ng mga Ingles sa suttee o sati. Ipinatigil din ng mga Ingles ang
female infanticide. Naging dahilan din ng paglaban ng mga Indian ay ang di pantay na
pagtingin sa kanilang lahi. Ito ang naging dahilan upang maisagawa ang pag-aalsa ng mga
Sepoy. Minsang naipatupad ng mga Ingles ang hindi pantay na pagtrato sa mga sundalong
Indian. Malimit na mas matataas ang ranggo at suweldo ang ibinibigay sa mga sundalong
Ingles kaysa sa mga sundalong Indian.

Tumutol din ang mga sundalong Indian, Hindu, at Muslim sa pagpapagamit sa kanila
ng langis na pinaghihinalaang nagmumula sa lingis ng hayop para sa paglilinis ng kanilang
mga riple at cartridge. Mas tumindi pa ang pagpapakita ng nasyonalismo ng mga Indian
nang maganap ang Amritsar Massacre noong Abril 13, 1919.

Suttee - ang pagpapatiwakal ng mga biyudang babae at pagsama sa libing na namatay na


asawa.

Rebelyong Sepoy - ito ang pag-alsa ng mga Sepoy o sundalong Indian sa mga Ingles
bilang pagtutol sa pagtatangi ng lahi o racial discrimination.

Amritsar Massacre - maraming mamamayang Indian ang namatay sa isang selebrasyon


dahil sa pamamaril ng mga sundalong Ingles. Sa kaganapang ito ay namatay ang may 379
katao at mayroong halos 1,200 na katao ang nasugatan.

Nagkaroon naman ng hiwalay na pagkilos ang mga Indian dahil sa kinalang


magkakaibang pananampalataya. Naitatag ang All Indian National Congress sa panig ng
mga Hindu na ang layunin ay matamo ang kalayaan ng India. Naitatag naman ang All Indian
Muslim League noong 1906. pinangunahan ito ni Ali Jinnah na kung saan ang interes ng
mga Muslim ang binibigyang-pansin. Layunin ng mga kasapi nito na magkaroon ng hiwalay
na estado para sa mag Muslim.

Nanguna si Homandas Gandhi sa layuning matamo ang kalayaan ng India. Isa


siyang Hindu na nakapag-aral. Nakilala siya sa kaniyang matahimik at mapayapang paraan
o non-violent means ng pakikipaglaban para sa kalayaan ng India. Naniniwala siya sa

5
ahimsa at satyagraha. Hinimok din ni Gandhi ang pagboykot ng mga Indian sa lahat ng
produkto ng mga Ingles at sa lahat ng mga may kaugnayan sa mga Ingles. Maituturing itong
isang manipestasyon ng nasyonalismo sa pagkat nagkaroon ng pagtangkilik at mataas na
pagtingin sa sariling mga produkto, bagay, ideya, at kultura na nagmula sa sariling bayan.
Idagdag pa rito ang hindi nila pagbabayad ng buwis sa mga Ingles.

Sinimulan din ni Gandhi ang civil disobedience o hindi pagsunod sa pamahalaan.


Dahil sa pamumuno sa mga protesta, naranasan ni Gandhi ang mahuli at maipakulong.
Nabaril at namatay si Mohandas Gandhi na hindi nagtagumpay na mapag-isa ang Hindu at
Muslim sa isang bansa.

Taong 1935 ng pagkaluuban ng mga Ingles ang mga Indian ng pagkakataong


mamahala sa India. Subalit ang mga Indian ay hindi nasiyahan sa pagbabagong ito kung
kaya’t nagpatuloy sa paghingi ng kalayaan hanggang sa ito ay makamtan noong Agusto 15,
1947. Lumaya ito sa kamay ng mga Ingles at pinamunuan ni Jawaharlal Nehru. Kaalinsabay
nito ang pagsilang ng bansang Pakistan na nabigyan din ng kalayaan sa ilalim naman ng
pamumuno ni Mohammed Ali Jinnah.

Nasyonalismo sa Kanlurang Asya

Ang nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay hindi katulad ng nasyonalismong naipakita


ng mga bansa sa Timog Asya. Hindi agad naipakita ng mga bansa sa Kalurang Asya nag
nasyonalismo dahil karamihan sa mga bansa rito ay hawak ng dating malakas at matatag
na Imperyong Ottoman, bago paman masakop ng mga Kuanluraning bansa noong 1918.
Matapos bumagsak ang Imperyong Ottoman,masakop at mapasailalim sa mga Kanluraning
bansa, naipatupad na sa mga bansa sa Kanlurang Asya ang sistemang
mandato.Nangangahulugan ito na ang isang bansa na naghahanda upang maging isang
malaya at isang nagsasariling ay ipasasailalim muna sa patnubay ng isang bansang
Europeo.

Nagsumikap ang mga bansa sa Kanlurang Asya na unti-unting makamtan ang


kalayaan mula sa Imperyong Ottoman at mga Kanluraning bansa. Ang nasyonalismo sa
Kanlurang Asya ay pinasimulan ng mga Arabo, Iranian, at mga Turko bago pa man ang
Unang Digmaang Pandaigdig.

Ang Kuwait ang isa sa mga bansa na unang lumaya sa Kanlurang Asya noong 1759.
Natamo na man ng Lebanon ang kaniyang kalayaan mula sa Imperyong Ottoman noong
1770, at noong 1926 ito ay naging ganap na republika sa ilalim ng mandato ng bansang
France.

Isa ang bansang Turkey, na humingi ng kalayaan sa pamumuno ni Mustafa Kemal


na nagsulong sa pagkakaroon ng isang republika. Sa pamamagitan ng Kasunduang
Layusanne noong 1923, naisilang ang Republika ng Turkey. Taong 1926 din ipinahayag ni
Abdul ang sarili bilang hari ng Al Hijaz, matapos niyang malipol ang lahat ng teritoryo at
pinangalanan niya itong Saudi Arabia. Ang Iraq naman ay naging protektado ng Englang
noong 1932.

6
Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1945, naisagawa rin ng mga
Jew ang Zionism, ito ay ang pag-uwi sa Palestine ng mga Jew mula sa iba’t ibang panig ng
daigdig. Mula nang manirahan ang mga Jew sa Palestine ay nagsagawa na ang mga ito ng
modernisasyon sa industriya, agrikultura, pagnenegosyo, at maging sa agham. Ito ang
nagbigay-daan upang ang mga Jew ay magkaroon ng mas mataas na antas ng pamumuhay
kaysa sa mga Arabo. Ito na man ang naging dahilan upang magkaroon ng hindi magandang
samahan ang dalawang pangkat. Kaya sa dandang huli ay hiniling ng mga Arabo na ihinto
na ang pagbabalik ng mga Jew sa Palestine. Simula nang maideklara ang Republika ng
Israel noong Mayo 14, 1948 nagsimula na ang tensyon sa Palestine.

Holocaust . Ito ang sistematiko at malawakang pagpatay ng mga German Nazi sa


mga Jew o Israelite

III. Sanggunian
Mula sa Aklat:
● Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Araling Panlipunan:
Modyul para sa mga Mag – aaral, pahina 226 – 229

IV. Gawain

Gawain 1: DATA-RETRIEVAL CHART

Panuto: Ayon sa nabasang teksto, suriin at punan ang tsart tungkol sa mga salik,
pangyayari at kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Timog at
Kanlurang Asya.

Rehiyon Mga Salik Mga Pangyayari Kahalagahan

Timog Asya

Kanlurang Asya

Gawain 2: Pag-uugnay ng Kaisipan!

7
Panuto: Base sa iyong nabasang teksto, suriin ang mga pangyayari at kahalagahan ng
nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya. Pagtambalin ang
hanay A sa hanay B ng mga pangyayari at mga kahalagahan nito.

Hanay A Hanay B
Pangyayari Kahalagahan
1.Maraming mamamayang Indian ang
namatay sa isang selebrasyon dahil sa
pamamaril ng mga sundalong Ingles. Sa
A. Rebelyong Sepoy kaganapang ito ay namatay ang may 379
katao at mayroong halos 1,200 katao ang
nasugatan.
2. Sa pangyayaring ito naganap ang
pag alsa ng mga Sepoy o sundalong Indian
B. Amritsar Massacre sa mga Ingles bilang pagtutul sa pagtatangi
ng lahi o racial descrimination
3. Ang pagpapamalas ng mga Indian ng
C. Civil disobedience masidhing pagmamahal sa Inang bayan.
4. Sa pamumuno ni Mohandas Gandhi
sa protesta laban sa pamahalaang Ingles
D. Nasyonalismo naranasan niyang mahuli at makulong. Ito ay
naging salik na sinimulan niya ang hindi
pagsunod sa pamahalaang Ingles.
5. Ayon sa iyong pagsusuri ito ay
naging salik sa pagusbong ng damdaming
E. Holocaust nasyonalismo ng mga Indian, ay ang
sistematiko at malawakang pagpatay ng mga
German Nazi sa mga Jew o Israelite.

Gawain 3: Suriin Na!

Panuto: Batay sa iyong pagsusuri sa nabasang Teksto. Sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.

1. Alin sa mga salik ng nasyonalismo ang nakatulong sa pagbuo ng mga bansa sa Timog
at Kanlurang Asya? Paano?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2. Batay sa iyong pagsusuri, alin sa mga pangyayari na naging tugon ng mga bansa sa
Timog at Kanlurang Asya ang naging mabisa sa pagpapakita ng nasyonalismo at
pagkakamit ng kalayaan?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

8
3. Paano maipapakita ang kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa
Timog at Kanlurang Asya?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

V. Repleksiyon:

Bunga ng iyong pagsusuri sa nabasang teksto, bilang isang mag-aaral at mabuting


mamamayan, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa iyong sarili, pamilya at bayan?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
______________________________________________.

9
VI. Susi sa Pagwawasto:

Gawain 1

10
11

You might also like