You are on page 1of 8

11 Learning Activity Sheet

sa Pagbasa at Pagsusuri
ng Iba’t ibang Teksto
tungo sa Pananaliksik
Kuwarter 3 – MELC 2
Pagtukoy sa Kahulugan at Katangian ng
Salitang Ginamit sa Teksto

REGION VI – KANLURANG VISAYAS


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik 11 – Filipino 11
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon


ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik 11 -


Filipino 11 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit ng mga
Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t


ibang Teksto tungo sa Pananaliksik 11 – Filipino 11

Manunulat: Tessahnie S. Serdeña, T III

Editor: Lalice Joy J. Arquintillo, HT III

Tagasuri: Lalice Joy J. Arquintillo, HT III


Aileen N. Menor, MT I

Tagaguhit: Juvy Mae S. Consibit, MT I

Tagalapat: Mervic Hope G. Villanueva, T III

Division of Iloilo City Management Team:


Ma. Luz M. De los Reyes, SDS
Ernesto F. Servillon Jr., ASDS
Dr. Jerry M. Lego, SGOD Chief
Arlo L. Villalva, CID Chief
Leila G. Valencia, EPS-LRMDS
Dr. Cynthia J. Punsalan, EPS-Filipino

Regional Management Team:


Dr. Ramir B. Uytico
Dr. Pedro T. Escobarte, Jr.
Dr. Elena P. Gonzaga
Mr. Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV
MABUHAY!

Ang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik 11 –


Filipino 11 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa pamamagitan ng sama-
samang pagtutulungan ng Sangay ng Lungsod ng Iloilo at Kagawaran ng Edukasyon,
Region 6 – Kanlurang Visayas sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division
(CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating
mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng
K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan


nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan at
laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may
kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang
pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik 11 –


Filipino 11 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matugunan ang
pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy ang kanilang
pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning
center sa kanilang komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa mga
gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-unlad ng
mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik 11 –


Filipino 11 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matulungan ka, na
mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong paaralan. Pangunahing
layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at makabuluhang mga gawain.
Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.
Kuwarter 3, Linggo 1

Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 2

Pangalan ng mag-aaral: _______________________ Grado at Seksiyon: ____________


Petsa: ________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG


TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 11

Pagtukoy sa Kahulugan at Katangin ng Salitang Ginamit sa Teksto

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t


ibang uri ng tekstong binasa (F11PT-IIIa-88)

II. Panimula

Ang bawat salita ay may tiyak na kahulugan. Maaaring magbago ang


kahulugan ng isang pahayag kung mali ang gamit sa salita. Maraming salita sa
Filipino ang nagkakapalitan ng gamit. Ito ay bunga ng kakulangan ng pag-unawa sa
kahulugan ng salita at gamit nito sa pangungusap. At dahil dito, nagkakaroon tuloy
ng kamalian at hindi malinaw na pagpapakahulugan sa mensahe o pahayag.
Mahalaga ang pagtukoy sa kahulugan at katangian ng salitang ginamit sa
teksto upang mas maintindihan ang mga impormasyong nais ipabatid ng manunulat
sa kanyang mambabasa. Nakatutulong din ito upang mas malawak na maipagana
ang imahinasyon ng mambabasa at kung malinaw ang pagkakalarawan ng
manunulat ay madaling maiintindihan ang tekstong binabasa.
Ang kahulugan at katangian ng mga salita ay matutukoy ayon sa
pagkakagamit nito sa pangungusap o sa teksto. Ang ibang salita sa pangungusap o
sa teksto ang magbibigay pahiwatig sa kahulugan ng salita.
Narito ang mga paraan na makatutulong sa mga mag-aaral upang matukoy
nila ang kahulugan at katangian ng mga salitang ginamit sa teksto.
1. Alamin kung ang salita ay matalinghaga o idyoma.
Karaniwang hinahango ang kahulugan nito sa karanasan ng tao gaya
ng mga pangyayari sa buhay o mga bagay-bagay sa ating paligid.
Halimbawa: magdildil ng asin – maghirap

2. Alamin ang dalawang dimensiyon sa pagpapakahulugan ng mga salita.


Kung ang mga salita ba ay may konotasyong pagpapakahulugan o
denotasyong pagpapakahulugan
Halimbawa: Denotasyon – Lumalaki na ang punong itinanim ko sa
aming likod-bahay (halamang lumalaki nang mataas)
Konotasyon – Ang kanyang anak ay mabait. Nanggaling kasi sa
mabuting puno (magulang/angkan)

3. Alamin kung ano ang tindi ng kahulugan o clining


Ito ay pag-aayos ng kahulugan ng salita ayon sa intensidad o tindi ng
kahulugang nais ipahiwatig.
Halimbawa:

Poot (matinding galit na halos


gusto nang makapanakit)

Suklam (matinding galit sa dibdib


na matagal bago mawala)

Galit (tumatagal na inis)

Inis (tumatagal na tampo)

Tampo (munting galit na madaling mawala)

Pikon (damdamin ng pagkagalit bunga ng maliit na


bagay lamang)

4. Ang paggamit ng contextual clue.


Ang kahulugan ng salita ay mauunawaan ayon sa pagkakagamit sa
pangungusap.

Halimbawa:
Ang anak na bunso ni Mang Felipe ay sadyang masiba. Kapag
sila ay kumakain, halos kalahati ng kanin sa bandehado ang kinukuha
niya. Kapag ulam naman ang pag-uusapan, dalawa o tatlong piraso ang
kanyang kinukuha at mabilis din siyang kumain kaya nangangalahati pa
lang ang kain ng mga kapatid nakailang ulit na siyang kumuha at sabi nga
ng ina niya parang hindi nginunguya ang kinakain parang nilulunok na
lang ito.

Masiba- batay sa pagkakalarawan sa talata ay nangangahulugang


matakaw.

III. Sanggunian

Camiña, Ronamae T. (2020). Bulaklak na Gumamela. Hindi nailathalang tula.


https://www.academia.edu/35948913/Ang_Tekstong_Deskriptibo_o_Deskriptiv
https://www.slideshare.net/mobile/NicoleGala/tekstong-deskriptibo-filipino

IV. Mga Gawain

Pangkalahatang Panuto: Basahin at gawin ang mga pagsasanay sa ibaba.


Isulat ang lahat ng sagot sa iyong sagutang papel.

Gawain 1:

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa tula at


tukuyin ang katangian nito.

Bulaklak na Gumamela
ni: Ronamae T. Camiña

Kagandahan mo’y pilak ang kislap


Kawangis mo ang kinabukasang maliwanag
Nasa iyo ang halakhak ng aking pangarap
Na sa kinang ng iyong mga talulot nagliliwanag
Mga katangian mo’y nakabibighani
Bayani ng bagong henerasyon sa iyo’y nagsisilbi
Maging perlas ng silangan sa iyo’y sumasangguni
Sapagkat di ka namumulubi,

Kahit wala kang halimuyak


Ngunit katas mo’y luha ang katumbas
Matatamis mong bukadkad hinahangad
Dugo’t pawis naman ang panumbas,

Nasa likod ng iyong ganda ang aming hangad


Na sana katulad mo kami na maginhawa
Sa bulaklak mong laging dala
At sana’y di ka magsawa.

Salita Kahulugan Katangian


Halimbawa: (katangian ng isang tao, (isang babaeng may gandang
(kagandahan) hayop,lugar,bagay o pangyayari) taglay katulad ng isang pilak)
1. kislap
2. pilak
3. kawangis
4. pangarap
5. nakabibighani
6. halimuyak
7. bukadkad
8. dugo’t pawis
9. maginhawa
10.hangad

Gawain 2:

Panuto: Ibigay ang katangian ng salita ayon sa pagkakagamit sa teksto. Piliin


ang titik ng tamang sagot.

Maganda at madaling pakibagayan. Iyan ang impresyon ng sinumang


makakaharap ni Liza. Dala marahil iyon ng kanyang mapang-akit na mga mata na
nakahahalina sa sinumang makakikita nito. Ang kanyang namumurok na pisngi at
ang napakalalim na biloy ay lalong nagpapaganda sa kanyang mukha kung siya ay
tumatawa.

Parang iginuhit ang kanyang kilay at nagtataglay ng mga pilik-matang


malantik at mahahaba na lalong nakatutulong upang ikaw ay mahalina sa kanyang
mga mata. Sa kanyang pagtawa, mapapansin mo ang pantay-pantay at mapuputi
niyang ngipin. Ayon sa marami, ang mahaba at maitim niyang buhok ang
nagsisilbing pang-akit ni Liza sa mga kalalakihan.
Si Liza ay may matatag na paninindigan sa buhay.

1. Maganda at madaling pakibagayan.


a. isang taong may mabuting kalooban
b. isang taong madaling pakisamahan
c. isang taong madaling pakiusapan
2. Iyan ang impresyon ng sinumang makakaharap ni Liza.
a. ang pagkakakilala mo sa isang tao
b. paniniwala sa kakayahan ng iba
c. paghusga sa kapwa
3. Dala marahil iyon ng kanyang mapang-akit na mga mata
a. taglay ang mga matang nakikitaan ng saya
b. taglay ang mga matang puno ng kalungkutan
c. taglay ang magandang mga mata na sinuman ay hahanga
4. Ang kanyang namumurok na pisngi
a. makapal ang mukha
b. masayahing mukha
c. mabilog na pisngi
5. Si Liza ay may matatag na paninindigan sa buhay.
a. walang maayos na desisyon
b. may ganap na pagtupad sa isang ideya o pag-iisip
c. hindi pagtupad sa pangako

Sagutin ang sumusunod na katanungan.

1. Ano-ano ang makatutulong sa mga mag-aaral upang matukoy nila ang kahulugan at
katangian ng mga salitang ginamit sa teksto?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Paano nakatutulong ang pagtukoy sa kahulugan at katangian ng salita sa teksto?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

3. Bakit mahalaga ang pagtukoy sa kahulugan at katangian ng salitang ginamit sa


tekstong binasa?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

V. Repleksiyon

Paano mo mabibigyan ng kahulugan ang mga salitang ginamit sa tula? Kung


bibigyan ka ng pagkakataon na magsulat ng isang tula, gagamit ka rin ba ng mga
salitang katulad sa binasa mo? Bakit?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Gawain 1
Salita Kahulugan Katangian
1. kislap ningning iniugnay sa taong ang ganda ay
may kinang
2. pilak kulay abong metal taglay ang gandang may mataas
na kalidad
3. kawangis katulad katulad sa isang taong tiyak ang
magandang hinaharap
4. pangarap nais gawin,mangyari o siya ay katuparan ng minimithi sa
makamit buhay.
5. nakakabighani nakakapang-akit kahali-halinang angking taglay
6. halimuyak bango tumutukoy sa taong hindi
napapahalagahan
7. bukadkad nakabukang ganap tagumpay na gustong makamtan
8. dugo’t pawis pinaghirapan puhunan upang makamit ang
inaasam-asam sa buhay
9. maginhawa mapayapa, maaliwalas kalagayan ng isang taong
naghahangad ng magandang
buhay
10. hangad nais, gusto nais makamit ng isang tao
Gawain 2
1. b
2. a
3. c
4. c
5. b
Susi sa Pagwawasto VI.

You might also like