Professional Documents
Culture Documents
Ika-Apat na Markahan-Modyul 9 at 10
PANGKALAHATANG PANUTO:
1.Huwag magsulat ng kung ano- anosaModyul ]]
2.Maglaan nangsapatnaorassapagsasagot at sagutinlahat ng Gawain.
3 Basahin at unawainnangmabutiangmgaPanuto.
4. Maglaan ng sarilingsagutangpapel.
PAGPAPALALIM NG GAWAIN: ,
➢ Inaasahan ang mga mag-aaral na sa pagtatapos ng araling ito ay makasusulat
ng halimbawa ng mga paksang tinalakay.
I. LAYUNIN:
➢ Nalalaman ang mga hakbang o pamamaraan sa Pagsulat ng Report, Pagsulat
ng Proposisyon at Pagsulat ng Konseptong Papel.
➢ Nailalarawan ang paksang tinalakay.
➢ Nailalapat ang natutunan sa paksa sa pamamagitan ng pagsulat ng halimbawa.
I. PAKSA
PaksangAralin:Pagsulat ng Report,Pagsulat ng Proposisyon,Pagsulat ng
Konseptong Papel
Sanggunian:Teresita M. Anastacio,et.al. Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’tIbangTekstoTungosaPananaliksik( PinagyamangPluma), PHOENIX
Publishing House
Kagamitan: Batayang Aklat, www.depedtambayan.gov.ph
II. PAMAMARAAN
A. BALIK-ARAL
Sa pamamagitan ng isang pangungusap( makabuluhangpangungusap) ibigay ang
katuturan o kahulugan ng Iba’tIbang Uri ng Teksto.
1. Tekstong Impormatibo 6. Tekstong Argumentatibo
2. Tekstong Deskriptibo 7. Tekstong Prosidyural
3. Tekstong Persuweysibo
4. Tekstong Naratibo
5. Tekstong Argumentatibo
B.MOTIBASYON
Iaayos ang mga ginulong letra batay sa inilalarawan ng sumusunod na pahayag.
R O P E T R- nakatuon tungkol sa paghahanap ng mga kaalamang nasusulat tungkol
sa isang paksa at nasusulat sa paraang medaling maunawaan.
Ngayong may ideya na kayo sa paksang ating tatalakayin. Halina’t ating simulan.
C. PAGTALAKAY SA PAKSA
Pagsulat ng Report
Una sa lahat, ang pananaliksik ang simulang bawat pagbabago ng tao sa mundo.
Dahil sa mga pangangailangan ,gumawa ng mga pag-aaral at pagsubok ang mga tao
at bunga nito, unti-unting nagawa ang mga kasangkapang nakapagpapabago sa tao
nang malaki sa kanilang buhay.
Halimbawa:
Unang Linggo- Pagbubuo ng Outline
Ikalawang Linggo- Pagsasaliksik
Ikatlong Linggo- Pagsulat ng Report
Ikaapat na Linggo- Pagbasang muli at Pag-edit ng report
Ikalimang Linggo- Pagsulat ng Pinal na Draft at Pagpasa ng Report.
4. Isulat ang Kabuuan ng Report. Hayaan lamang dumaloy ang mga ideyang
pumapasok sa iyong isipan habang kaharap ang balangkas. Kung minsan nagiging
balakid ang pahinto-hintong pagsulat para lamang magwasto ng nais iwasto.
Kapag nakasulat na ng isang bahagi, maaari nang balikan ang isinulat. .sa muling
pagbasa ,bigyan ito ng inisyal na pagwawqasto. Tama ba ang paghahanay ng
kaisipan? Gusto mo bang magdagdag ng mga paliwanag o ng halimbawa? May
kaisahan ba ang pangungusap sa loob ng talata? Wala bang pangungusap na
naligaw?
^ idagdag
Cap gawin itong malaking titik
Lc gawin itongmaliit na titik
Sp iwasto ang baybay
Pagsulat ng Proposisyon
AngPagsulat ng Proposisyon ay para sa mungkahing proyekto ay isang magandang
hakbang ng anumang organisasyon. Sa pamamagitan ng isang proposisyon ,
maliwanag at maayos na nailalahad ang mga layunin kung bakit may ganitong
mungkahi; inilalatag din ang mga hakbang na gagawin , kasama na ang mga taong
magiging responsible sa nasabing mga hakbang; at kasama na ring mailalahad kung
may gastusin – magkano ang magagasta at kung saan kukunin ang paggastos.
Halimbawa ng Proposisyon
A. Panimula:
Kami po, na mga Opisyal ng Student Council , ay nagmumungkahi ng Fun Run
bilang isang pambungad na aktibidad sa darating na Foundation day ng ating
Paaralan.
B.Layunin:
Inaasahan po namin na ang mga aktibidad na ito ay magdudulot ng sumusunod na
kapakinabangan para sa aming mga mag-aaral:
C. MgaTuntuningSusundin:
1. Ang mga sasali ay kailangang magpasa ng aplikasyon na may pirma ng kanilang
mga magulang. Ang mga aplikasyon ay maaaring makuha mula sa opisina ng Student
Council ng Paaralan.
Kasama nito ang kinakailangang Health Certificate napirmado ng doctor na
nagpapatunay na kaya ng kanilang kalusugan ang nasabing aktibidad.
2.. Ang mga sasali ay may kaukulang bayad na 20 pesos at maaari ring bumili ng T-
Shirt na may logo ng aktibidad. Mabibili rin ito mula sa opisina ng Strudent Council.
3. Ang lahat ng lalahok at makakatapos sa pagtakbo ay pagkakalooban ng Sertipiko
ng Partisipasyon sa nasabing aktibidad.
D. MungkahingPinansiyal:
4. Kung mayroon po kaming sobrang kikitain sa aktibidad na ito, nais po sana naming
itong ilaan para sa pagbili ng portable sound system para sa ating paarala.
Bilang pagpapatunay ng lahat nng ito , narito po ang lahat ng kaukulang pirma
ng lahat ng mga opisyal ng Student Council
Pangulo: _________________
Pangalawang Pangulo: _________________
Kalihim: _________________
Ingat-Yaman: _________________
Tagasuri: _________________
Tagapamahala: __________________
Tagapamayapa: __________________
Aking pinatitibayan ang proposisyong ito ng mga opisyal ng student council.
Ang Konseptong Papel ay isang saliksik na pabuod. Hindi ito mahaba , bagkus
ay buod lamang ng mga ideya o isyu na nagpapakita sa interes, karanasan at
kahusayansa isang larangang pinag-aralan ng mananaliksik. Sa pangkalahatan,
layunin nito na magbigay ng malalim na pagtalakay sa isang paksa. Kalimitang
napagpapalit ng kahulugan ng “ konseptong papel “ at “ proposal” na ipinalalagay na
may pareho ring tungkulin.
1. Paksa 7. Katawan
2. Rationale o Kahalagahan ng Pag-aaral 8. Paglalagom at konklusyon
3. Tiyak na Layunin o inaasahang bunga.
4. Saklaw at Delimitasyon
5. Metodolohiya
6. Kaugnay na Literatura
GAWAIN 1:
Panuto: Unawain at sagutan ang mga sumusunod na katanungan.
GAWAIN 2.
Panuto: Ilarawan ang Paksang ating tinalakay batay sa inyong sariling pagkaunawa.
Gawing maikli ngunit makabuluhan ang bawat pangungusap.
Pagsulat ng Report
Pagsulat ng Proposisyon
V. BUOD:
PAMANTAYAN PUNTOS
Nailalapat ang mga hakbang /
5 puntos
pamamaraan sa pagsulat
May mga kaugnayan ang bawat
5 puntos
pangungusap
Nakakakuha ng interes ang ginamit na
5 puntos
paksa
Malinis at maayos ang pagkakagawa 5 puntos
KABUUAN: 20 puntos
Inihanda ni:
Binigyang-Pansin ni:
MYRNA S. PANGAN
SHS Program Coordinator