You are on page 1of 24

Ikatlong Kwarter - Modyul 3:

Tekstong Persuweysib
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik – Senior High School
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Kwarter – Modyul 3: Tekstong Persuweysib
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman. Kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit
sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Alain Del B. Pascua

Mga Bumubuo ng Modyul para mga Mag-aaral


Manunulat: Dexie P. Dilag, Maricar C. Ranara,
Bonifacio N. Gegato Jr, Marben A. Oco
Content Editor: Johanna Vanessa C. Obedencio
Language Editor: Mary Ann A. Maglangit, Russel Kerr E. Galarroza
Proofreader: Louella Jean B. Mariano
Mga Tagaguhit: Perlito L. Lomongo
Naglayout: Jupiter B. Acosta
Mga Tagapamahala:
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director

Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V


Assistant Regional Director
Jonathan S. dela Peña, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent
Rowena H. Para-on, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD

Members: Neil A. Improgo, PhD,EPS-LRMS; Bienvenido U. Tagolimot, Jr.,PhD, EPS-ADM;


Erlinda G. Dael, PhD, CID Chief; Sally S. Aguilar, PhD, EPS Filipino; Celieto B.
Magsayo, LRMS Manager; Loucile L. Paclar, Librarian II;
Kim Eric G. Lubguban, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Misamis Oriental
Office Address: Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000
Telephone Nos: (088) 881-3094 | Text: 0917-8992245
E-mail Address: misamis.oriental@deped.gov.ph
Ikatlong Kwarter - Modyul 3
Tekstong Persuweysib

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri


ng mga edukador mula sa mga pampublikong paaralan.
Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng
edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
Ang modyul na ito ay sadyang ginawa para maipagpatuloy ang daloy ng
kaalaman sa kabila ng mga pagsubok na nakaamba sa paligid. Bahagi lamang ito sa
serye ng mga modyul na iyong tatapusin bilang bahagi ng asignaturang Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Bigyan mo lamang ng
sapat na panahon para unawain ang bawat bahagi ng modyul na ito at tiyak na
maraming kaalaman ang iyong mapupulot sa iyong sariling pagsisikap.

Sa modyul na ito sinasanay ka na maging lohikal at kritikal sa pagsusuri ng


iba’t ibang anyo ng teksto sa pamamagitan ng mga simpleng aralin at Gawain na
maghahanda sa iyo sa pagbuo ng makabuluhang pananaliksik. Ang modyul na ito
ay hinati sa iilang mga bahagi na may magkatimbang na halaga sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay hinati sa mga sumusund na bahagi:

Alamin – Sa bahaging ito nilalahad ang mga Kasanayang Pampagkatuto na


sisikapin nating matamo sa buong semester.
Subukin – Dito susubukin ang iyong sarili sa lawak ng iyong kasalukuyang
kaalaman tungkol sa paksa.
Yugto ng Pagkatuto – Sa bahaging ito mo matututunan ang araling itinakda
sa modyul na ito na hinati pa sa iilang mga bahagi gaya ng balikan, tuklasin, suriin,
pagyamanin, isaisip at isagawa.
Tayahin – Malalaman mo sa bahaging ito kung sadya bang naunawaan mo
ang bagong aralin na mababatid mo sa pamamagitan ng pagtataya na ito.
Karagdagang Gawain – Upang mas mapalawak at mapatagal pa ang iyong
kaalaman sa araling ito, isa pang Gawain ang iyong tatapusin sa bahaging ito.

Lahat ng iyong mga sagot sa mga gawain ay isusulat mo sa kalakip na Activity


Sheets. Maaari kang gumamit ng ekstrang papel bilang burador bago mo pinal na
isulat sa Activity Sheets.

Ayon kay Aristotle, “Ang ugat ng karunungan ay mapait, subalit ang bunga
ay matamis”, kaya hinihikayat kita na pag-igihan ang makabagong paraan ng
pagbahagi ng karunungan. Maaaring may mga pagkakataon na malulumbay o
mawawalan ka ng dahilan upang matuto ngunit pakatandaan na ang iyong
pagsisikap ay tiyak na magbubunga ng kasaganahan.

Halina’t matuto!

Mga May-akda

1
ALAMIN

Sa modyul na ito makikita ang yugto ng pagkatuto na balikan, tuklasin,


suriin, pagyamanin, isaisip at isagawa. Sa simula at wakas ng modyul ay may mga
pagtataya na naglalayong subukin ang iyong kaalaman bago at matapos ang aralin.
Sa bawat yugto ng pagkatuto ay may inihandang gawain upang mapaunlad ang
iyong kasanayan sa pangkabatiran (cognitive), pandamdamin (affective), at sayko-
motor (psychomotor).
Nakapaloob sa modyul na ito ang mga kasanayang pampagkatuto na dapat
malinang bilang isang mag-aaral:

1. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahalagang salitang ginamit ng


tekstong Persuweysib.
(FIIPT-IIIa-88)
2. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong Persuweysib.
(FIIPS-IIIb-91)
3. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng tekstong Persuweysib.
(F11PU – IIIb – 89)
4. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang tekstong Persuweysib
sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig.
(F11PB – IIId – 99)
5. Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang tekstong
Persuweysib.
(F11PS – IIIf – 92)
6. Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag: kalinawan, kaugnayan at
bisa sa reaksiyon ng sinulat
(F11PU – IIIfg – 90)

Bago pa sagutan ang kasunod na bahagi,


siguraduhing aasahan lamang ng mag-aaral ang
sariling kaalaman tungkol sa paksa. Sa
pagkakataong ito, hindi mahalaga ang iskor na
kanyang makukuha. Iwasang ipasilip ang mga
mga kasunod pa na pahina.

2
SUBUKIN

PANUTO: Batay sa iyong personal at kasalukuyang kaalaman, sagutin ang mga


sumusunod na tanong at pumuli ng sagot mula sa kahon sa
ibaba. Isulat sa patlang ang titik na katumbas ng inyong
sagot.

_____ 1. Ayon kay Aristotle, ang elementong ito ng panghihikayat ay tumutukoy


sa lohikal na pagmamatuwid ng manunulat.

_____ 2. Ayon kay Aristotle, ang elementong ito ng panghihikayat ay tumutukoy


sa emosyon ng mambabasa
_____ 3. Ayon kay Aristotle, ang elementong ito ng panghihikayat ay tumutukoy
sa reputasyon ng manunulat

_____ 4. Ito ay isang uri ng propaganda device na nagbibigay ng hindi


magandang puna sa isang produkto

_____ 5. Ito ay isang uri ng propaganda device na gumamit ng isang sikat na


personalidad upang mailipat sa produkto ang kasikatan nito
_____ 6. Ito ay isang uri ng propaganda device na pinalalabas na ordinaryong
tao ang isang sikat na tao.

_____ 7. Ito ay isang uri ng propaganda device na hinihikayat ang iba pa na


gumamit ng produkto dahil marami na ang gumagamit nito.

_____ 8. Ito ay isang uri ng propaganda device na gumagamit ng magagandang


pahayag ukol sa produkto
_____ 9. Ito ay isang uri ng propaganda device na gumagamit ng sikat na tao
upang direktang i-endorso ang produkto
_____ 10. Ito ay isang uri ng propaganda device na binabanggit lahat ng
magagandang katangian ng produkto at hindi ang masasama.

_____ 11. Kung ang tagapagsalita ay may mainam na reputasyon ay mas


madali siyang makakumbinse. Ibig sabihin ay epektibo ang
elementong ____.

_____ 12. Konsiderasyon ng tagapagkumbinse ang sitwasyon at damdamin ng


kanyang tagapakinig upang mas madali ang panghihikayat. Paraan
ito upang mahasa ang elementong ____.

_____ 13. Ang maayos na daloy ng mga impormasyon sa pagsasalita sa


pangungumbinse ay isang patunay na isinaalang-alang ng
nangungumbinse ang kanyang _____.

_____ 14. “Nirerekomenda ng lahat ng mga dentista ang HIMALA TOOTHPASTE


kontra pangingilo.” Ito ay halimbawa ng propaganda device na ____.

3
_____ 15. “Mula pa pagkabata, ito na ang ginagamit kong germicidal soap kaya
natitiyak ko ang pagiging epektibo nito.” Ito ay halimbawa ng
propaganda device na ____.

B. CARD- C. GLITTERING
A. BANDWAGON
STACKING GENERALITIES
D. ETHOS E. TRANSFER F. LOGOS
G. PATHOS H. NAME-CALLING I. PLAIN FOLKS
J. TESTIMONIAL K. PERSUWEYSIB L. PANGHIHIKAYAT

BALIKAN

Ilarawan ang imahe sa ibaba gamit ang karaniwan at malikhaing


paraan.

KARANIWAN MALIKHAIN
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________

4
TUKLASIN

A. PANUTO: Ang mga sumusunod ay mga tagline ng mga kilalang


patalastas na makikita sa telebisyon. Anong produkto kaya ang
tinutukoy nila?

1. Bida ang saya! _________________


2. Hari ng Padala! _________________
3. I-bottomless ang saya! _________________
4. We find ways. _________________
5. In the service of the Filipino. _________________

Sa puntong ito ay panibagong


aralin na naman ang matututunan ng
ating mag-aaral. Tulungan siyang
ihanda ang sarili para sa
makabuluhang paglalakbay na ito!

5
SURIIN

TEKSTONG PERSUWEYSIB

KAHULUGAN
Isang uri ng teksto na umaapela o pumupukaw sa damdamin ng mambabasa
o tagapakinig upang makuha ang simpatya nito at mahikayat na umayon sa ideyang
inilahad.
MGA LAYUNIN

1. manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto.


2. umapela o mapkukaw ang damdamin ng mambabasa upang
makuha ang simpatiya nito at mahikayat na umayon sa ideyang
inilalahad
3. manghimok o mangumbinsi sa pamamagitan ng pagkuha ng
damdamin o simpatiya ng mambabasa
MGA KATANGIAN
1. may subhetibong tono
2. personal na opinyon at paniniwala ng may-akda
3. karaniwang ginagamit sa mga iskrip para sa patalastas, propaganda para
sa eleksiyon, at pagrerekrut para sa isang samahan o networking

ELEMENTO NG PANGHIHIKAYAT AYON


KAY ARISTOTLE

1. Ethos: Ang Karakter, Imahe, o Reputasyon ng Manunulat/ Tagapagsalita


Ang salitang ethos ay salitang Griyego na nauugnay sa salitang etika
ngunit higit itong angkop ngayon sa salitang “Imahe”. Ginamit ni Aristotle
ang ethos upang tukuyin ang karaktero kredibilidad ng tagapagsalita
batay sa paningin ng nakikinig. Ang elementong ethos ang magpapasiya
kung kapani-paniwala o dapat pagkakatiwalaan ng tagapakinig ang
tagapagsalita, o mambabasa ang manunulat. Madaling mahikayat ang
mga tagapakinig kapag ang tagapagsalita ay kilalang may pag-uugali,
maayos kausap, may mabuting kalooban, at maganda ang hangarin.

6
Halimbawa:
Ang isang Artistang nanghihikayat ng mga turista upang bisitahin ang
isang isla sa Pilipinas.

2. Logos: Ang Opinyon o Lohikal na pagmamatuwid ng manunulat/


Tagapagsalita
Ang salitang Griyego na logos ay tumutukoy sa pangangatwiran.
Nangangahulugan din itong panghihikayat gamit ang lohikal na
kaalaman. Tumutukoy rin ito sa pagiging lohikal ng nilalaman o kung may
katuturan ba ang sinasabi upang mahikayat o mapaniwala ang
tagapakinig na ito ay totoo. Sa ating lipunan, Malaki ang pagpapahalaga
sa lohika at pagiging makatwiran ng mga estratehiya gamit ang mga
retorikal na pangangatwirang pabuod (Deductive) at pasaklaw (Inductive).
Halimbawa:
Ang isang taong naghihikayat na bumili ng kanilang sabon dahil ang
sabon na iyon ay makakaputi.

3. Pathos: Emosyon ng mambabasa/ Tagapakinig


Pathos ang elemento ng panghihikayat na tumatalakay sa emosyon o
damdamin ng mambabasa o tagapakinig. May kakayahan ang tao na
gumawa ng sariling desisyon dahil mayroon siyang pag-iisip at lahat ng
ginagawa ng tao ay bunga ng kaniyang pag-iisip. Subalit hindi niya
nakikita na Malaki rin ang impluwensiyang mga emosyon kagaya ng galit,
awa, at takot sa pagdedesisyon at paghuhusga. Emosyon ang
pinakamabisang motibasyon upang kumilos ang isang tao.
Halimbawa:
Ang pagsasalaysay ng isang kuwentong makaantig ng galit o
awa ay isang mabisang paraan upang mahikayat silang pumanig sa
manunulat.

PROPAGANDA DEVICES

Ang panghihikayat sa taong bumili ng isang produkto o iboboto ang


isang kandidato ay isang bagay na dapat ay masusing pinag-iisipan. Kung
mapapansin, ang mga patalastas sa telebisyon, sa mga diyaryo, at magasin
ay kinakailanagang makapukaw ng atensiyon upang mapansin. Ang mga
eksperto sa likod ng mga propagandang ito ay may mga ginamit na
propaganda device. Ating alamain kung ano-ano ito:

1. Name-Calling- Ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang puna o taguri


sa isang produkto o katunggaling politiko upang tangkilikin. Karaniwang
ginagamit ito sa mundo ng politika.

Halimbawa:
Ang pekeng sabon, bagitong kandidato

2. Glittering Generalities- Ito ay ang magaganda at nakakasilaw na


pahayag ukol sa isang produktong tumutugon sa mga paniniwala at
pagpapahalaga ng mambabasa.

Halimbawa:
Mas nakakatipid sa bagong Tide. Ang iyong damit ay mas magiging
maputi. Bossing sa katipiran, bossing sa kaputian.

7
3. Transfer- Ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa
isang produkto o tao ang kasikataan.

Halimbawa:
Pagpromote ng isang artista sa isang hindi sikat na brand

4. Testimonial- Kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang nag-


endorso ng isang tao o produkto.

Halimbawa:
Ang isang taong nagpapatunay na siya ay pumuti dahil sa ginamit niyang
sabon sa pamamagitan ng pagpapakita ng ebedensiya.
Kapag eleksyon, sinasabi at nagbibigay ng testimonya ang kandidato na
huwag ding kakalimutan ng sambayanan ang kanyang kapartido.

5. Plain Folks- Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersiyal kung


saan ang mga kilala o tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong taong
nanghihikayat sa boto, produkto, o serbisyo.

Halimbawa:
Ang kandidato tuwing eleksyon ay hindi nagsusuot ng magagarbong damit
at pinapakita nila na nagmula at galing rin sila sa hirap.

6. Card Stacking- Ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng


produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi magandang katangian.
Halimbawa:

Lucky Me, Pinapakita dito ang magandang dulot nito sa pamilya,


ngunit sa labis na pagkain nito, nagdudulot ito ng sakit sa bato at UTI.

7. Bandwagon- Panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin


ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali
na.

Halimbawa:
Buong bayan ay nag-e- LBC peso padala na.

8
PANUTO: Buuin ang web map sa ibaba batay sa iyong pang-unawa sa bagong
aralin.

PAGYAMANIN

Basahin ang isang halimbawa ng tekstong Persuweysib. Ang


tekstong ito ay isa sa apat na liham na isinulat Mary Jane Fiesta Veloso
habang siya ay nasa bilangguan ng Republika ng Indonesia. Isa siya sa mga
nasa death row ng nasabing pamahalan dahil sa pagkasangkot niya siya sa
isang kaso. Para sa karagdagang kaalaman tungkol ditto ay maaaring
bisitahin ang website na ito: https://en.wikipedia.org/wiki/Mary_Jane_Veloso

9
Liham ni Mary jane Veloso, isang Pilipinang nasa deathrow sa Indonesia, para sa mga kabataang Pilipino.
Pinatili ang porma ng sulat ngunit itinama ang baybay ng ilang salita. Mula sa
http:/www.gmanetwork.com/news/story/476718/news/pinoyabroad/look-in-Handwritten-letter-mary-jane-
veloso-tells-youth-to-stay-away-from-drugs

10
Kompletuhin ang talahanayan sa ibaba batay sa Pagyamanin A.

a. Kilalanin ang mga elemento ng panghihikayat na ginamit sa pahayag.


b. Bigyan ng marka ang bawat elemento kung ikaw ba ay nakumbinse
nito dahil sa kaugnayan nito sa iyong sariling karanasan.
c. Pangatwiranan kung bakit iyan ang binigay mong marka.

Marka
5- Sobrang Kumbinsido
ELEMENTO Paliwanag
4- Bahagyang Kumbinsido
3-Hindi Masyadong Kumbinsido
Ethos
Logos
Pathos

May ilang sitwasyon na makikita sa ibabang bahagi. Tukuyin kung anong


propaganda device ang ginamit sa bawat sitwasyon. Isulat ang inyong sagot sa
patlang na makikita sa dulo ng bawat bilang.

1. Isang sobrang sikat na artista na nag-eendorso sa hindi sikat na brand ng produkto.


____________________
2. Instant Noodles ad na pinapakita ang magandang dulot nito sa pamilya,
ngunit sa labis na pagkain nito, nagdudulot ito ng sakit sa bato at UTI.
____________________
3. Isang commercial ng dishwashing liquid na pinapakita nila na ang mga tao sa iba’t
ibang parte ng Pilipinas ay gumagamit nito sa paghuhugas ng pinggan dahil ito ay
epektibo sa pagtanggal ng sebo.
____________________
4. Kapag eleksyon, nagbibigay ng testimonya ang kandidato na huwag ding kakalimutan
na sa mga nakaraang eleksyon ay mula sa kanilang partido ang may pinakamataas na
trust rate survey sa kanilang serbisyo publiko.
____________________
5. Sa isang commercial ng face cleanser ipapakita na sa kahit anong sitwasyon, kapag
ginamit mo ang produktong iyon ay GWAPO AT MAKINIS ka sa lahat ng
pagkakataon.
____________________
6. Sinisira ang isang produkto upang hindi ito tangkilin ng mamimili.
____________________
7. Ang kandidato sa eleksyon ay hindi nagsusuot ng magagarbong damit at pinapakita
niya na nagmula at galing rin sila sa hirap.
____________________

11
Sagutin ang sumunod na tanong.

Ano ang mensaheng nais iparating ni Mary Jane sa kabataan? Ipaliwanag ang
epekto nito sa iyo?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

RUBRIK SA PAGSULAT NG TEKSTONG PERSUWEYSIB


Pamantayan Puntos Natamong
Puntos
Malawak na pang-unawa sa tekstong binasa 10
Kahusayan sa paggamit ng wika 5
Sumusunod sa wastong balarila, baybay at 5
panuntunan sa pagsulat
KABUUAN 20 puntos

Kung nakukulangan ang mag-aaral sa


pag-unawa sa aralin, maaaring bisitahin
ang site na ito para sa karagdagang
paliwanag:
https://www.slideshare.net/NoldanneQuiapo/ang-
tekstong-persweysib-pagbasa-at-pagsusuri-ng-
ibatibang-texto-sa-pananaliksik

12
ISAISIP

Mahusay! Binabati kita sa panibagong biyaya ng kaalaman na


iyong natutunan mula sa modyul na ito.
Sa puntong ito, natitiyak kong may sapat ka nang kaalaman
tungkol sa Tekstong Persuweysib. Tandaan lang na…
Ayon kay Aristotle, upang mas kapanipaniwala ang
panghihikayat kailangang bigyan ng konsiderasyon ang iyong
reputasyon o ______, ang kahusayan sa pagsasaayos ng ideya o ________
at ang kahandaan ng tagapakinig o mambabasa sa iyong panghihikayat
o ______.
May pitong (7) propaganda devices na maaaring gamitin upang
mas madali ang pangungumbinse:

1. ______________ 5. _________________
2. ______________ 6. _________________
3. ______________ 7. _________________
4. ______________

ISAGAWA

Halimbawang magtitinda ka ng isang produkto, paano mo kukumbinsehin


ang iyong mga mamimili na tumangkilik sa iyong produkto?
Gagawa ka ngayon ng sarili mong patalastas. Mamili ka ng kahit na anong
bagay na makikita sa loob ng inyong bahay. Gumawa ng script ng magiging artista
sa iyong patalastas. Buuin lang ang hinihinging detalye sa ibaba:

13
Sa ibaba ay halimbawa ng isang iskrip ng patalastas na siya niyo ring
gagawin.

Produkto:
Propaganda Device: Card-Stacking
Script: (Iisang tauhan lang ang patalastas.)

Ikaw ba ay nababahuan na sa iyong hininga? Ikaw ba ay nahihilo na kapag


ika’y nagsasalita? Ikaw ba ay pagod na pagod na sa tuwing nabibili mo ang mga
toothpaste na panira sa iyong dila? Gusto niyo bang magkaroon na ng toothpaste
na garantisadong gagawin ang iyong ngipin na mas malinis, matibay, malakas, at
maputi? Puwes, ito ang nababagay sa inyo, ang bagong BLITZKRIEG
TOOTHPASTE.

Endorser: Patay agad ang germs at bacteria sa ngipin at dila.


Parang isang “Blitzkrieg Warfare” na ginamit pa ng mga Aleman/Germans
noong ikalawang giyera dahil magugulat ka nalang na kasing-puti na ng iyong ipin
ang mga sampaguita
Ikaw rin ay makakasalita ng mas mabilis kumapara dati dahil ang dila mo’y
mas malinis at makinis. Wala ng gagamala sayo.
Magiging masayahin ang mga mambibili nito.
Presyo’y di katumbas ng halaga dahil ito’y mumurahin lamang.
Hindi mamahalin na parang ginto
Meron itong kakaibang epekto sa iyong kalusugan.
Hindi ka na magiging ubuhin, sakitin, sipunin, pawisin, lamigin, at initin.
Sa sobrang lakas ng ngipin mo, pag ika’y sinuntok, ang nanuntok pa ang
nasaktan.
Maraming iba’t ibang lasa, nalulunon ito ng hindi nalalason.
Ano pa ang hinihintay mo? Lumipat ka na sa mas-pinagkakatiwalaang
toothpaste ngayon, walang iba kung hindi and BLITZKRIEG TOOTHPASTE!

Ang mag-aaral ay maaaring mamili


kung ilang karakter ang kanilang
gagamitin sa kanilang patalastas.
Pagalawin ang imahinasyon at
maging direktor sa sariling
produksyon.

14
Produkto (maaaring magdikit ng larawan ng produkto kung kakayahin):
____________________________________

Propaganda Device: _____________________________________________________________


Script:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

RUBRIK SA PAGSULAT NG TEKSTONG PERSUWEYSIB


Pamantayan Puntos Natamong
Puntos
Kahusayan sa paglipat ng kaalaman sa 10
Tekstong Impormatibo, Deskriptibo,
Naratibo at Persuweysib
Malinaw na mababatid ang Ethos, Logos at 10
Pathos ng manunulat
Kaangkupan ng propaganda device na 10
napili sa mga dayalogo ng teksto
Sumusunod sa wastong balarila, baybay at 5
panuntunan sa pagsulat
KABUUAN 35 puntos

15
TAYAHIN

Piliin ang pinakaangkop na sagot sa bawat katanungan. Isulat ang titik


lamang ng iyong sagot sa nakalaang espasyo.

______1. Ang salitang Griyego na _______ ay tumutukoy sa pangangatwiran.


a. Logos b. Ethos c. Pathos d. Ethospathos
______2. Paraan ito ng panhihikayat kung saan ginamit ni Aristotle ang ethos
upang tukuyin ang karaktero kredibilidad ng tagapagsalita batay sa
paningin ng nakikinig
a. Logos b. Ethos c. Pathos d. Ethospathos
______3. Ito ay elemento ng panghihikayat na tumatalakay sa emosyon o
damdamin ng mamababasa o tagapakinig
a. Logos b. Ethos c. Pathos d. Ethospathos
______4. Ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang puna o taguri sa isang produkto
o katunggaling politiko upang tangkilikin. Karaniwang ginagamit ito sa
mundo ng politika.
a. Name -Calling c. Transfer
b. Testimonial d. Plain folks
______5. Ito ay isa sa propaganda devices na ginagamit kapag ang isang sikat na
personalidad ay tuwirang nag-endorso ng isang tao o produkto.
a. Name -Calling c. Transfer
b. Testimonial d. Plain folks
______6. Ito ay panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang
produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali na.
a. Name -Calling c. Transfer
b. Bandwagon d. Plain folks
______7. Ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng produkto ngunit
hindi binabanggit ang hindi magandang katangian
a. Name -Calling c. Transfer
b. Bandwagon d. Card Stacking
______8. Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersiyal kung saan ang mga
kilala o tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat
sa boto, produkto, o serbisyo.
a. Name -Calling c. Plain Folks
b. Bandwagon d. Card Stacking
______9. Ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang
produkto o tao ang kasikataan.
a. Name -Calling c. Transfer
b. Bandwagon d. Card Stacking
______10. Ito ay ang magaganda at nakakasilaw na pahayag ukol sa isang
produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng
mambabasa
a. Glittering Generalities c. Transfer
b. Bandwagon d. Card Stacking
_____ 11. Kung ang tagapagsalita ay may mainam na reputasyon ay mas madali
siyang makakumbinse. Ibig sabihin ay epektibo ang elementong ____.
a. Logos b. Ethos c. Pathos d. Ethospathos

16
_____ 12. Konsiderasyon ng tagapagkumbinse ang sitwasyon at damdamin ng
kanyang tagapakinig upang mas madali ang panghihikayat. Paraan ito
upang mahasa ang elementong ____.
a. Logos b. Ethos c. Pathos d. Ethospathos

_____ 13. Ang maayos na daloy ng mga impormasyon sa pagsasalita sa


pangungumbinse ay isang patunay na isinaalang-alang ng
nangungumbinse ang kanyang _____.
a. Logos b. Ethos c. Pathos d. Ethospathos

_____ 14. “Nirerekomenda ng lahat ng mga dentista ang HIMALA TOOTHPASTE


kontra pangingilo.” Ito ay halimbawa ng propaganda device na ____.
a. Name -Calling c. Bandwagon
b. Testimonial d. Plain folks
_____ 15. “Mula pa pagkabata, ito na ang ginagamit kong germicidal soap kaya
natitiyak ko ang pagiging epektibo nito.” Ito ay halimbawa ng propaganda
device na
a. Name -Calling c. Bandwagon
b. Testimonial d. Plain folks

PARA SA MAG-AARAL
Kumusta ang daloy ng pag-
unawa? Sigurado akong
maraming kang natutunan sa
modyul na ito. Isang gawain na
lang at tiyak magtatagumpay ka
na naman. BINABATI KITA!

17
KARAGDAGANG GAWAIN

Tukuyin kung anong propaganda device ang ginamit sa mga sumusunod na


commercial taglines at political ads.

3. ___________________________
1.
________________________

4. ___________________________

2. ___________________________

5. ___________________________

18
SUSI NG PAGWAWASTO

19
TALASANGGUNIAN

A. MGA AKLAT

Atanacio, Heide C., Yolanda S. Lingat, and Rita D. Morales. 2016. Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: C & E
Publishing Inc.

Bandril, Lolita T., Voltaire M. Villanueva, Alma T. Bautista, and Diana F. Palmes.
2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.
Quezon City: Vibal Group Inc.

B. WEBSITE

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fold.marketing-
interactive.com%2Fwatch-lbc-express-silently-
rebrands%2F&psig=AOvVaw1AcfXAoMRKU8XPZrD4tH-
B&ust=1590396878161000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCPiC1J6
QzOkCFQAAAAAdAAAAABAJ

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.canzmarketing.c
om%2F7-types-of-propaganda-techniques-advertisers-
use%2F&psig=AOvVaw2WPprildJomiRHDtm1Doex&ust=1590199206763000&sour
ce=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCPibtO6vxukCFQAAAAAdAAAAABAD

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.pinterest.ph%2F
pin%2F241998179956523149%2F&psig=AOvVaw07xzE5rvEwde-
Y6hyncJGY&ust=1590196651530000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwo
TCNjh36qmxukCFQAAAAAdAAAAABAh

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fphilnews.ph%2F2013
%2F05%2F10%2Fgrace-poe-profile-bios-platform-senatorial-candidate-
28%2F&psig=AOvVaw1yGOQaZuE_F2JzpXRkHTQm&ust=1590197215107000&so
urce=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCKjQ482pxukCFQAAAAAdAAAAABAU

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.pinterest.com%2
Flbrumfield1%2Ftypes-of-propaganda-
5th%2F&psig=AOvVaw0cxW5__uNz6_4PD6Crc9GM&ust=1590199438532000&sou
rce=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCJi8ge6wxukCFQAAAAAdAAAAABAD

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.canzmarketing.c
om%2F7-types-of-propaganda-techniques-advertisers-
use%2F&psig=AOvVaw2w8l5cldIkxHlJRMCnhEWL&ust=1590198643817000&sour
ce=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCJD_jYOuxukCFQAAAAAdAAAAABAD

20
For inquires or feedback, please write or call:

Department of Education – (Bureau/Office)

(Office Address)

Telefax:

Email Address

You might also like