You are on page 1of 18

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE

Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
Ikaapat na Markahan- Modyul 3:
Paraan at Proseso sa Pagsulat ng
Pananaliksik
(Week 3)

MELC: Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng


isang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo at etika
sa pananakilsik. (F11PU-IVef-91)

Inihanda ni:

VENALYN A. POLANGCO
Guro II
Bingao National High School
Filipino – Ikalabing-Isang Baitang
Share-A-Resource-Program
Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Mga Bahagi ng Pagsusuri ng Pananaliksik
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Venalyn A. Polangco
Editor: Catherine T. Antonio
Tagasuri: Editha R. Mabanag
Jon Jon D. Garcia
Tagasuri sa Wika: Maricon P. Agpoon
Tagapamahala: Joann A. Corpuz
Joye D. Madalipay
Santiago L. Baoec
Jenetrix T. Tumaneng
Editha R. Mabanag
Division Design & Layout Artist: Gracey O. Santiago

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Schools Division of Ilocos Norte


Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: ilocosnorte@deped.gov.ph
11
Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:
Paraan at Proseso sa Pagsulat ng
Pananaliksik
Paunang Salita
Ang Contextualized Learning Module o CLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral
sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman
ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat
ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang CLM na ito
upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang
guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng CLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay tungkol sa Paraan at Proseso sa Pagsulat ng


Pananaliksik. Ito ay kinapapalooban ng Alamin, Subukin, Balikan, Tuklasin,
Suriin, Pagyamanin, Isaisip, Isagawa, Tayahin at Karagdang Gawain na lilinang
sa mga kasanayang inaasahan ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pag-
aaral ng Modyul na ito, inaasahang malilinang ang kasanayan sa pag-iisa-isa
ng mga halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo
at etika ng pananaliksik.
Tutulungan ka ng modyul na ito na matukoy ang paraan at proseso sa
pagsulat ng pananaliksik sa mga iba’t ibang pagsasanay na nakapaloob
dito.
Gayundin mapapalawak ang iyong kaalaman kung bakit mahalagang
makakuha ng angkop na datos na siyang maaarinng magamit sa pagsusulat
ng pananaliksik.
Matutunan mo ring bumuo ng isang halimbawa ng pananaliksik.

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga aralin:


1. Mga Paraan at Proseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
2. Halimbawa ng Teksto batay sa layunin, gamit, metodo at etika ng
pananaliksik.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC):


1. Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng
isang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo
at etika sa pananakilsik. (F11PU-IVef-91)

Handa ka na ba? Halina’t simulan na natin!


Subukin

PAUNANG PAGTATAYA

Gawain 1: Panuto: Suriin ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino


batay sa layunin, gamit, metodo at etika ng pananaliksik. Isulat sa iyong
sagutang papel kung LAYUNIN, GAMIT, METODO at ETIKA ang mga ilang
bahagi ng pananaliksik.

1. Ginamit sa pananaliksik na ito ang deskriptibo at kuwasi-


eksperimental na uri ng pananaliksik.
2. Ginamit ang Likert Scale upang mabigyang-interpretasyon ang
balidasyon na isinagawa ng mga guro na nagtuturo sa ikalawang baitang.
3. Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok.
4. Ang paraang ginamit sa pag-aaral ay ang Correlation Studies kung
saan ikokompara ang dalawang baryabols para malaman kung mayroong
positibo o negatibong epekto ang isa sa isa.
5. Ang gamit na disenyo sa pag-aaral na ito ay deskriptiv at analitik
na pananaliksik.
6. Maipakita ang kaalaman ng mga mag-aaral sa K-12 batay sa salik
ng layunin at implikasyon.
7. Kinakailangang hindi pinilit ang sinumang kalahok o respondante
sa pagbibigay ng impormasyon o anumang partisipasyon sa pananaliksik.
8. Mabatid ang epekto ng paggamit ng iba’t ibang estratehiya sa
pagtuturo ng asignaturang Filipino.
9. Pagbalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik.
10. Pagkilala sa pinagmulan ng mga ideya sa pananaliksik.

Binabati kita! Natutuwa ako at nasagutan mo nang maayos ang paunang pagtataya.
At dahil diyan, magpatuloy ka na sa susunod pang mga gawain.
Paraan at Proseso sa
Aralin Pagsulat ng
1 Pananaliksik

Balikan

Gawain 1: Panuto: Isulat sa kahon ang mga hakbang sa pagbuo ng isang


makabuluhang pananaliksik. Makatutulong ang mga panandang pangungusap na
nasa ibaba.

1 2 3

6 5 4

1. Hindi dapat na maging masyadong masaklaw ang sakop nito.


2. Paglalagom ng kabuoang ideya o kaisipan na tumatalakay sa ibig tuklasin, linawin
at tukuyin.
3. Ang pagsasama-sama ng hinangong ideya mula sa iba’t ibang pinagkunan ng
impormasyon at mga datos.
4. Ang iskeleton ng anumang sulatin, hinati-hati ang mga kaisipan na isasama ang
pagsulat mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakapangunahing kaisipan sa dapat
isulat.
5. Pagkalap ng mga kailangang kaalaman, kung paano gagamitin at isaayos ang mga
datos.
6. Maaaring makita ang kahulugan sa nakalap na mga datos; maaaring marebisa nang
mas maaga ang ilang kamalian, pagkakaayos, estilo ng nilalaman ng sulatin at
makapagdaragdag pa ng mas mabisang ideya.
7. Inilalahad ang kabuoang isinagawang pananaliksik batay sa wastong pormat,
kawastuhan ng mga pamamaraan at dokumentasyon.
Tuklasin

Gawain 2: Panuto: Suriin ang ilang mga bahagi ng pananaliksik sa


Filipino. Lagyan ng 1 ang Layunin, 2 ang Gamit, 3 ang Metodo at 4 ang
Etika ng pananaliksik. Kopyahin at isulat ang wastong bilang sa inyong
sagutang papel.

A.

_______ Mangangalap ng tala sa Internet, aklat at journal at makikipanayam sa


mga doktor.
_______ Bubuo ng isang sulating pananaliksik na maaaring maging basehan ng
isang brochure na tumatalakay sa mga benepisyo at panganib ng
paggamit ng halamang gamot bilang gamot sa COVID 19.
_______ Sa mga mamamayan, ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay ng
mahalagang impormasyon sa kanilang pagpapasyag nauukol sa
paggamit ng halamang gamot.
_______ Pagbabalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik.

B.

_______ Tutukuyin ang mga epekto ng Quarantine sa mga batang nasa


preschool.
_______ Magpapasagot ng questionnaire sa magulang na may anak na
preschool tungkol sa epekto ng Quarantine.
_______ Pagkukubli sa pagkakakilanlan ng mga batang nasa preschool.
_______ Sa mga mag-aaral, nakatutulong nito upang malampasan ang
Psychological Fisrt aide.

C.

_______Bubuo ng isang sulating pananaliksik tungkol sa facemask. Maaaring


maging basehan ng isang artikulo na tumatalakay sa bagay na ito.
_______ Mananaliksik sa Internet. Gagawa ng sarbey tungkol sa paboritong isuot
ng mga frontliners at kapanayamin ang ilan sa mga nasarbey na
medical frontliners kung bakit nila paboritong isuot ang facemask.
Kapanayamin din ang ilang manufacturers ng facemask.
_______ Sa mga frontliners, ang magagawa ng pag-aaral na ito na kilatisin muna
ang uri ng materyales ng facemask bago ito gamitin.
_______ Pagbabalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik sa mga frontliner.
D.

_______ Sa mga gumagawa ng maikling pelikula, makatutulong ang paggamit ng


camera at editing app ng smartphone upang makagawa ng isang
maikling pelikula tulad ng Blog.
_______ Tutukuyin ang mga paraan ng pagbuo ng maikling-maikling pelikula
gamit lang ang camera at editing app ng smartphone.
_______ Makikipanayam sa mga direktor ng maikling pelikula at mag-oobserba
sa proseso ng paggawa ng ganitong pelikula.
_______ Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok.

Suriin

LAYUNIN, GAMIT, METODO AT ETIKA NG PANANALIKSIK

Layunin
Sa bahaging ito, inilalahad ang nais makamit sa pamamagitan ng pananaliksik.
Ito ang tinutukoy na adhikaing nais patunayan, pabulaanan, mahimok, maiparanas
o ipagawa ng pananaliksik. Isinusulat ito bilang mga pahayag na nagsasaad kung
paano masasagot o matutupad ang mga tanong sa pananaliksik.
Kapag natapos nang isulat ang buong pananaliksik, alalahaning balikan ang
mga layunin at siguruhing natupad o nagawa ang mga ito. Kung hindi nasagot sa
kongklusyon ang mga layunin, maaaring hindi nasunod ang wastong proseso,
lumihis sa pokus ng pananaliksik o naiba ang tunguhin nito.

Paano bumuo ng layunin?


Ang mga layunin ng pananaliksik ay kadalasang nabubuo pagkatapos mailatag ang
mga tanong sa pananaliksik. Ibinubuod dito ang mga bagay na nais makamit sa
pananaliksik. Sa pagbubuo ng mga layunin ng pananaliksik, mahalagang isaalang-
alang ang sumusunod:
1. Nakasaad sa paraang ipinaliliwanag o malinaw na nakalahad kung ano ang dapat
gawin at paano ito gagawin.
2. Makatotohanan o maisasagawa.
3. Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa at nagsasaad ng mga pahayag na maaaring
masukat o patunayan bilang tugon sa mga tanong sa pananaliksik.

Ilang mga halimbawa ng mga pandiwang nagpapaliwanag ng proseso:

Matukoy, maihambing, mapili, masukat, mailarawan, maipaliwanag, masaliksik,


makapagpahayag, maihanay, maiulat/makapag-ulat, masuri/makasuri, nakapag-
organisa, makilala, makapaghulo, makabuo, makabuo ng konsepto, mailahad,
maibuod, makagawa/makapili, maisa-isa, magamit/makagamit, makapagsagawa at
matalakay.

Gamit ng Pananaliksik

Isinasagawa ang pananaliksik upang tumuklas ng mga bagong kaalaman at


impormasyon na magiging kapaki-pakinabang sa mga tao. Isang halimbawa ang bagong
lumabas na datos na malaki ang tsansang maging malilimutin ang isang tao batay sa
dalas ng kanyang paggamit ng smartphone at Internet. Ayon sa pag-aaral ni Dr. Lee
Hadlington, may direktang kaugnayan ang pagbababad sa Internet at paggamit ng
smartphone sa unti-unting paghina ng isip at memorya ng isang tao.

1. Maaaring gamitin ang pananaliksik upang bigyan ng bagong interpretasyon ang


lumang impormasyon. Maaaring sa paglipas ng panahon ay magkaroon ng panibagong
imbensiyon na may kaugnayan sa dating pananaliksik. Halimbawa, noong una ay
sinusuri ang pagkatuklas ng paraan upang mapabuti ang produksiyon ng ilang uri ng
pagkain sa pamamagitan ng genetically modified organism o GMO. Ngunit ngayon,
naiuugnay sa ilang sakit ang pagkonsumo ng mga pagkaing sumailalim sa
modipikasyon o GMO.

2. Nagagamit ang pananaliksik upang linawin ang isang pinagtatalunang isyu.


Halimbawa nito ay ang mga bagong tuklas na gamot laban sa COVID 19. Sa kabila nito,
marami pa rin ang takot na magpabakuna sa ilang brands na inilabas sa merkado dahil
sa mga side effects na dulot ng mga gamot sa ilang naturukan na.

3. Nagsasagawa ng karagdagang pananaliksik upang patunayan ang bisa at


katotohanan ng isang datos o ideya. Maaaring kumpirmahin ng bagong pag-aaral ang
isang umiiral na katotohanan.

Metodo

Ilalahad ang uri ng kasangkapan o instrumentong gagamitin upang maisagawa ang


pamamaraan ng pananaliksik. Nakabatay sa disenyo at pamamaraan ang instrumento.
Halimbawa, kung magsasagawa ng pakikipanayam, kailangan ang gabay sa panayam
o talaan ng mga tanong. Kung obserbasyon, kailangan din ang isang talaan o checklist
na magsisilbing gabay sa mga dapat bigyang-pansin sa obserbasyon, o kung sarbey
naman ay questionnaire o talatanungan. Kailangang laging nasa isip ng mananaliksik
kung masasagot ng instrumento ang mga suliranin ng pananaliksik.
Etika ng Pananaliksik

Narito ang ilan sa mahahalagang prinsipyo:

1. Pagkilala sa Pinagmulan ng mga Ideya sa Pananaliksik. Gaya ng nabanggit sa


unang bahagi ng aralin, ang pananaliksik ay maihahalintulad sa paglahok sa isang
pampublikong diyalogo. Ibig sabihin, bukod sa mananaliksik ay maaaring marami nang
naunang nag-isip tungkol sa partikular na paksang nais mong unawain at pagyamanin.
Mahalaga ang pagbanggit at pagkilala sa iba pang mananaliksik at iskolar na naging
tuntungan at pundasyon ng iyong pananaliksik. Sa pamamagitan ng diyalogong ito,
nakalilikha ng isang komunidad ng mga mananaliksik na may malasakit at iisang
layunin.

2. Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok. Kinakailangang hindi pinilit ang


sinumang kalahok o respondante sa pagbibigay ng impormasyon o anumang
partisipasyon sa pananaliksik. Bago simulan ang pagsagot sa sarbey, pakikipanayam
o eksperimento, kailangang maging malinaw muna sa mga tagasagot ang kabuoang
layunin ng pananaliksik at halaga ng kanilang partisipasyon. Kung eksperimental,
mahalagang maunawaan din ng kalahok ang bigat o inaasahang peligro ng
eksperimento at kailangang buong-loob ang kanyang paglahok sa kabila nito.

3. Pagiging Kumpidensiyal at Pagkukubli sa Pagkakakilanlan ng Kalahok.


Kailangang ipaunawa sa mga kalahok na ang anumang impormasyon na magmumula
sa kanila ay gagamitin lamang sa kapakinabangan ng pananaliksik. Dapat ding pag-
isipan ng mananaliksik kung paano ikukubli ang pagkakakilanlan ng tagasagot lalong-
lalo na sa mga pananaliksik na may sensitibong paksa. Sa mga pagkakataong
kailangang isapubliko ang resulta ng pananaliksik o kaya’y ibahagi sa colloquium o
publikasyon, kailangan pa ring ipagpaalam at hingin ang permiso ng mga tagasagot na
pangunahing pinagmulan ng datos ng pananaliksik.

4. Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik. Mahalagang ipaalam sa mga


tagasagot ang sistematikong pagsusuri ng mananaliksik sa kinalabasan ng pag-aaral.
Madalas na nararamdaman ng mga kalahok, lalo na yaong mga nasa komunidad, na
ginagamit lamang sila ng mananaliksik upang kumuha ng datos at pagkatapos ay
parang bulang nawawala ang mga ito. Kailangang isaalang-alang ng mananaliksik ang
kapakanan ng mga tagasagot. Kung may awtput tulad ng modelo, pagbuo ng polisiya o
iba pang mahahalagang rekomendasyon ang pananaliksik, makabubuti ang ilabas ito
sa kinauukulan upang makatulong sa pagpapaunlad sa komunidad o kaugnay na
institusyong pinag-aaralan.
Pagyamanin

Gawain 3: Panuto: Maglahad ng sariling patotoo na ang PANANALIKSIK ay


nagbubunga ng mas malawak na kaalaman at kapakinabangan. Gamitin
ang dayagram sa ibaba.

PANANALIKSIK

Kaalaman Kapakinabangan
Isaisip

Gawain 4: Panuto: Punan ng salita ang patlang upang mabuo ang diwa
ng bawat pangungusap.

Maliban sa akademikong gawain, magagamit ko ang pananaliksik sa mga


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.

Mapahuhusay ko ang aking pagiging mausisa sa pamamagitan ng


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.

Ang katangian ng mananaliksik na lilinangin ko sa aking sarili ay ang


_________________________________________________________________________
dahil_____________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.

Isagawa

Gawain 5: Panuto: Basahing mabuti ang sitwasyon na nasa ibaba na may


kinalaman sa etika ng pananaliksik. Sagutin ang kasunod na tanong sa
pamamagitan ng pagsulat ng isang talata. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Maraming hamon ang kakaharapin ng isang mananaliksik sa pagbuo


ng kanyang sulating pananaliksik. Sa pagkuha o pangongolekta pa lamang ng mga
datos na kakailanganin ay maraming oras na ang kailangang gugulin. Sa iyong
paghahanap sa Internet ng isang gawaing pananaliksik na hawig sa iyong paksa,
pumasok sa isip mo na kung ito ay kokopyahin ay mapapadali ang paggawa mo ng
iyong proyekto ngunit naisip mo ring kung gagawin mo ito ay hindi mo naman
matututuhang gumawa ng sulating pananaliksik. Isa pa, ito ay tahasang paglabag sa
copywrite law.

Ipaliwanag ang iyong sagot kung itutuloy ang naunang naisip o hindi.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Pamantayan sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay

Puntos Pamantayan
10 Husay sa pagtalakay ng mga detalye.

7 Istilo sa pagsulat. (malinaw, masining at nababasa)

5 Paggamit ng Wastong Bantas

3 Organisasyon/ May angkop at karapat-dapat na


paraan ng pagsasaayos ng ideya

Tayahin

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Panuto: Suriin ang bawat pahayag patungkol sa layunin, gamit, metodo at etika sa
pananaliksik. Lagyan tsek (√) kung ang pahayag ay nagsasaad ng tama at ekis (X) kung
ito ay mali. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

______________ 1. Ang layunin ay tumutukoy sa paraang ginagamit ng mananaliksik


sa pagkuha ng datos at pagsusuri sa piniling paksa.
______________ 2. Tiyak ang layunin kung nagpapahayag ito ng kabuoang layon o nais
matamo ng pananaliksik.
______________ 3. Ang mteodo ng pananaliksik ay maaaring maging panlahat o tiyak.
______________ 4. Ang mananaliksik ay dapat pinaiiral ang katapatan sa mga
impormasyong ilalagay sa kanyang papel pananaliksik.
______________ 5. Hindi panlahat na layunin kung nagpapahayag ng mga partikular na
pakay sa pananaliksik sa paksa.
______________ 6. Ang halimbawa ng datos na kalidad o qualitative data ay mga kulay,
tekstura, lasa, damdamin at pangyayari.
______________ 7. Maaaring maging obhetibo ang tono ng pananaliksik.
______________ 8. Ang prinsipyo sa mahusay na pagsulat ay ginagamit din sa pagsulat
ng pananaliksik.
______________ 9. Ang paglalahad ng layunin ng papel sa unahang bahagi ng papel ay
makatutulong upang mapukaw ang pansin ng babasa ng papel.
______________ 10. Ang datos ng kalidad o qualitative ay ginagamitan ng mga
operasyong matematikal.
______________ 11. Isa sa gamit ng pananaliksik ang pagiging kumpidensyal at
pagkukubli ng identidad ng kalahok.
______________ 12. Ang layunin ay nagsasaad sa paraang pagpapaliwanag o malinaw
na nakalahad kung ano ang dapat gawin at paano ito gagawin.
______________ 13. Sa metodo, laging nasa isip ng mananaliksik kung masasagot ng
instrumento ang mga suliranin ng pananaliksik.
______________ 14. Isa sa etika ng pananaliksik ang boluntaryong pakikilahok ng mga
tagasagot.
______________ 15. Sa layunin, nakabatay dito ang disenyo at pamamaraan ng
instrumentong gagamitin sa pananaliksik.
Karagdagang
Gawain
Panuto: Magsaliksik gamit ang internet ukol sa mga halimbawa ng datos
na nagpapakita ng kalidad (qualitative data) at ang kailanan (quantitative
data). Sa iyong kwaderno o sagutang papel ay sumulat ng tig dalawang
halimbawa ukol sa iyong nabasa o napanood.

Susi sa Pagwawasto

Paunang Pagtataya: Balikan:


1. Metodo 1. Pagpili at pagbuo ng paksa
2. Metodo 2. Pagtatakda ng layunin, gamit, metodo
ng
3. Etika pananaliksik
4. Metodo 3. Malawakang pagbabasa ng mga
kaugnay
5. Metodo na literatura
6. Layunin 4. Pagsulat ng konseptuwal na
balangkas
7. Etika 5. Pangangalap ng datos
8. Layunin 6. Presentasyon ng datos
9. Etika 7. Pagsulat ng burador, pag-edit at
10. Etika pagrerebisa ng pananaliksik

Tuklasin: Suriin:
A. 3124 (Nakadepende sa sagot ng mga mag-
aaral)
B. 1342
C. 1324
D. 2134

Pagyamanin: Isaisip:
(Nakadepende sa sagot ng mga mag-aaral) (Nakadepende sa sagot ng mga mag-
aaral)

Isagawa:
(Nakadepende sa sagot ng mga mag-aaral at may rubriks sa pagmamarka)
Tayahin:
1. X 6. √ 11. X
2. X 7. √ 12. √
3. X 8. √ 13. √
4. √ 9. √ 14. √
5. √ 10. X 15. X

Karagdagang Gawain:
(Nakadepende sa sagot ng mga mag-aaral sa pagbibigay ng marka)
Sanggunian:
• Anatacio Heidi C., Yolanda S. Lungat, at Rita D. Morales.
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Quezon City: C&E Publiching Inc., 2016.
• Asuncioan, Amur M. At Mendoza, Elenita C. Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.
Quezon City. Abiva Publishing House, Inc. 2016.
• Dayag, Alma M. At Mary Grace G. Del Rosario. Pinagyamang
Pluma (Kto12) Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Phoenix Publishing
House, Inc., 2016.
• De laza, Crizel S. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Rex Book Store, 2016.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Ilocos Norte – Curriculum Implementation Division


Learning Resource Management Section (SDOIN-CID LRMS)

Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: sdoin.lrmds@deped.gov.ph

You might also like