You are on page 1of 14

Senior High School

Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik
Modyul 5
Reaksyong Papel
Talaan ng Nilalaman

Para Saan ang Modyul Na Ito ..................................................................................................... i


Ano ang Inaasahan Mo ................................................................................................................. i
Paano Mo Matutunan .................................................................................................................. i
Ano ang Nalalaman Mo ............................................................................................................... ii

Aralin 1: Mabisang Paraan ng Pagpapahayag

Alamin ............................................................................................................ 1
Subukin…………………………………………………………………………… 1
Tuklasin: ....................................................................................................... 2
Suriin: ............................................................................................................ 4
Aralin 2: Reaksiyong Papel

Alamin ........................................................................................................... 5
Tuklasin: ....................................................................................................... 5
Isagawa ......................................................................................................... 7
Karagadagang Gawain…………………………………………………………..9
Tayahin……………………………………………………………………………9
Mga Sanggunian ................................................................................................................. 10
Para Saan ang Modyul na Ito

Ang modyul na ito ay tungkol sa mga uri ng mga teksto na matutunghayan ang
unang uri ng teksto ay tekstong impormatibo.
Sadyang inihanda ang modyul na ito upang makatuklas ng mga bagong konsepto
at kaalaman sa paggamit ng mga kaalamang matutuhan sa pakikipagtalastasan at
pananaliksik. Ang mga gawain ay maingat na inihanda upang lubos na malinang ang
kakayahan sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, pagsusulat at panonood. Tutulungan
ka ng modyul na ito na matukoy ang kahulugan at kabuluhan ng mga uri ng teksto at
pananaliksik at maiuugnay sa mga napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon sa
radyo, talumpati at mga panayam at pananaliksik.
Sa araling ito, ang iba pang uri ng teksto ay binibigyang pansin upang makuha na
ang uri ng teksto at ugnayan sa pakikipagkapwa-tao, ito’y pagkakakilanlan ng isang
bansa. Gagabayan ka ng modyul na ito sa iyong paglalakbay at pagtuklas sa mundo ng
kaalaman ng uri ng teksto
Sa Modyul na ito, matutunan ang mabisang pagpapahayag. Inaasahan ang mga
aralin sa modyul na ito ay tutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral.
Masusuri ang mga pagpapahayag na magagamit ng mga mag-aaral.

 Aralin 1 – Mabisang Pagpapahayag


 Aralin 2 – Reaksyong Papel

Ano ang Inaasahan Mo


Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay:

1. Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag:


a. Kalinawan b.Kaugnayan c.Bias sa reaksyong papel na isinulat F11PU-11fg-90
Paano Mo Matutunan

Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:


 Basahin at unawain ng mabuti ang mga mabisang pagpapahayag at reaksyong
papel
 Sundin ang mga bawat panuto na ibinibigay sa bawat gawain at pagsasanay.
 Sagutin ang lahat ng mga ibinibigay na gawain at pagsasanay.

i
Ano Ang Nalalaman Mo

Panuto: Basahin at unawain ang sumunod na mga taong o pangngusap.


Titik lamang ang iyong isulat sa sagutang papel.

1. Tumutukoy sa mga salaysay o mga pangyayari sa akda o balangkas


na inayos at pinag-ugnay ng isip.
a. tema b. banghay c. istilo d. tauhan
2. Ang binibigyang buhay ng manunulat sa kaisipan ng mambabasa.
a. tema b. banghay c. istilo d. tauhan
3. Ang binibigyang-diin sa kuwento o nobelang binabasa.
a. Tema b. istilo c. banghay d. tauhan
4. Pamamaraan ng manunulat upang makumbinsi ang mambabasa.
a. Tema b. istilo c. banghay d. tauhan
5. Tumtulong sa pagbibigay linaw sa paksa at sa tauhan.
a. Istilo b. banghay c. tagpuan d. tema
6. Ang tatlong bahagi sa pagsulat ng reaksiyong papel.
a. Simula, gitna at kongklusyon c. simula, gitna at wakas
b. Simula ,gitna at pagsusuri d. simula, gitna at katapusan
7. Tumutukoy sa parte na inilalahad ng paksa.
a. gitna b. simula c. wakas d. kongklusyon
8. Pangkalahatang resulta sa binasang akda o pelikula.
a. gitna b. simula c. wakas d. kongklusyon.
9. Dito inilalahad ang katarungan patas o balanseng paghuhusga.
a. gitna b. simula c. wakas d. kongklusyon
10. Tumutukoy sa paglalahad ng katarungan, patas o balanseng
paghuhusga o assestment sa mga pangyayaring tinatalakay.
a. Bahagi sa pagsulat c. reaksyong papel
b. Hakbang sa pagsulat d. element ng akda

ii
ARALIN Aralin 1: Mabisang Paraan ng Pagpapahayag

Alamin Natin
Sa katapusan ng Modyul, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag:
a.Kalinawan b.Kaugnayan c.Bias sa reaksyong papel na isinulat F11PU-11fg-
90
Subukin
Talasalitaan: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita at gamitin sa
pangungusap:
1.makahikayat
__________________________________________________________________
2.larangan
__________________________________________________________________
3. dignidad
__________________________________________________________________
4.maharaya
__________________________________________________________________
5.nagsasalimbayan
__________________________________________________________________
6.walang kawawaan

7.pagpapahayag
__________________________________________________________________
8. mabisa

9. sining
__________________________________________________________________
1
10.kawili-wili
__________________________________________________________________

Tuklasin
Anyo ng pagpapahayag
1. ANYO NG PAGPAPAHAYAG
2. Paglalarawan Ang paglalarawan ay isang paraan ng pang araw- araw na
pagpapahayag na dapat nating matutunan. Ang paglalarawan ay nauuri ayon
sa pakay o layunin ng pagpapahayag na inihahatid naman ng instrumentong
ginamit natin sa paglalarawan.
3. Uri ng Paglalarawan –Karaniwang Paglalarawan –Masining na Paglalarawan
• May tatlong paraan ng paglalarawan: o batay sa pandama o batay sa
nararamdaman o batay sa observasyon.
4. Pagsasalaysay Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang
magkaugnay. katulad ito ng pagkukwento ng mga kawil-kawil na pangyayari,
pasulat man o pasalita. Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag at
tampok na paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing
pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat;
epiko at mga kwentong bayan.
5. Katangian ng Salaysay • Kaakit-akit na Pamagat- may orihinalidad,
makahulugan at di pangkaraniwan • Mahalagang Paksa- makabuluhan, may
mabuting arall at kaisipan • Makatawag- pansin sa Simula- gumagamit ng
iba’t – ibang teknik sa pagsisimula tulad ng salitaan, pagtatanong,
paglalarawan sa tauhan, lugar o pangyayari • Angkop na Pananalita- gumamit
ng mga salitang angkop sa salaysay, dapat na nadarama o nararanasan ng
bumabasa ang isinasalaysay • Maayos ng Pagkakasunod-sunod o
Pagkakabuo- may sapat na dahilan ang bawat pangyayari, gumamit ng mga
pamamaraan upang maging kaaki-akit tulad ng parang patumbalik
(flashback), pag- uusap. • Kasukdulan- kapana- panabik na bahagi ng isang
salaysay • Magandang Wakas- nag-iiwan ng magandang aral, kakintalan at di
agad mahuhulaan ang wakas mula sa simula.
6. Hakbang sa Pagsulat ng Salaysay 1. Pagpili ng Paksa a) Kawili-wili ang
paksa- lumikha ng kapanabikan, tunggalian, damdaming pantao. b)
Magagamit na materyales- mga mapagkukunan ng paksa- sarili, kapwa,
kapaligiran c) Napapanahon- naaayon sa nagaganap sa kapaligiran 2.
Pagsusuri ng Paksa a) Diwa- ang mensahe na ipahahatid ng salaysay, ang
pagkakabuo ng tauhan b) Pananaw o Paningin- anggulo ng pagsasalaysay 
Unang panauhan  Pangalawang panauhan  Ikatlong panauhan  Obhetibo
 Maka-Diyos
7. Pagpili ng Detalye a) Naayon sa kaukulan, kahalagahan, layunin b)
Kaangkupan sa mambabasa 4. Pagpili ng Simula at Wakas • Simulan sa
paraang makakahikayat sa interes ng mambabasa at iwasan ang masalimuot

2
na pangwakas 5. Kapanahunan • Iangkop ang mga pangyayari sa panahon
na angkop sa salaysay
8. Paglalahad • Ang Paglalahad ay isang anyo ng pagpapahayag na
naglalayong mabigyang-linaw ang isang konsepto o kaisipan, bagay o
paninindigan upang lubos na maunawaan ng nakikinig o bumabasa. Sa
Pamamagitan ng paglalahad ay nagiging ganap ang pagkatuto ng isang tao
dahil nabibigyan siya ng pagkakataong makatuklas ng isang ideya o kaisipan
na makapaghahatid sa kanya ng kasiyahan at kalinawan sa paksang pinag-
uusapan. • Ang paglalahad ay kadalasang ginagamit sa kwento ibig sabihin
siya'y naglalahad ng kwento.
9. MGA URI NG PAGLALAHAD 1. Pagbibigay Katuturan - napalilinaw nito ang
pag- uunawa sa kahalagahan ng isang bagay, tao, pangyayari, dinarama o
konsepto. 2. Pagsunod sa Panuto/pamamaraan Halimbawa nito ang
pagsunod sa isang recepi o paraan ng paglaro ng isang uri ng laro. 3.
Pangulong Tudling/Editoryal - nagpapahayag ng opinyon o palagay ng editor
ng isang pahayagan o magasin tungkol sa napapanahong isyu. 4. Sanaysay -
anyong panitikan na naglalahad ng kuru- kuro, pananaw, paniniwala at
damdamin ng manunulat, hango sa kanyangkaranasan at sa inaakalang
palagay niya sa katotohanan.
10. Balita - naglalaman ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa loob at labas
ng bansa. 6. Pitak - karaniwang makikita sa mga pahayagan o magazin.
Naglalaman ng reaksyon, kuru-kuro at pansariling pananaw hinggil sa isang
napapanahong isyu o pangyayaring nagaganap sa kanyang paligid o sa iba
pang pook. Tinatawag din itong kolum. 7. Tala - paglilista ng mga bagay-
bagay na dapat gawin o tandaan. 8. Ulat - paglalahad ng mga kaisipan o
kaalamang nakuha, natutunan o nasaliksik mula sa binasa, narinig, nakita o
naranasan.
11. Pangangatwiran • Ito ay isang pahpapahayag na nagbibigay ng sapat na
katibayan o patunay upang ang isang panukala ay maging katanggap -
tanggap o kapani- paniwala. Layunin nito na hikayatin ang mga tagapakinig
na tanggapin ang kawastuhan ang kanilang pananalig o paniniwala sa
pamamagitan ng makatwirang pagpapahayag. • Sa pangangatwiran, ang
katotohaanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng mga
katwiran o rason.
12. Ang pangangatwiran ay isang sining sapagkat ang paggamit ng wasto,
angkop at magandang pananalita ay makatutulong upang mahikayat na
pankinggan, tanggapin at paniniwalaan ng nakikinig ang nangangatwiran. •
Ang pangangatwiran ay maituturing ding agham sapagkat ito ay may
prosesong dapatisaalang- alang o sundin upang ito ay maging mahusay at
matagumpay, lalo na sa formal na pangangatwiran gaya ng debate. • Ang
pangangatwiran ay isa ring kasanayan dahil ang kahusayan ay maaaring
matamo n imo man subalit hindi sa paraang madali at sa maikling panahon
lamang.
13. DAHILAN NG PANGANGATWIRAN: 1. upang mabigyang - linaw ang isang
mahalagang usapin o isyu. 2. maipagtanggol ang sarili sa mali o masamang
propaganda laban sa kanya. 3. Makapagbahagi ng kanyang kaalaman sa
ibang tao; 4. Makapagpahayag ng kanyang saloobin 5. Mapanatili ang
magandang relasyon sa kanayng kapwa
14. URI NG PANGANGATWIRAN 1. Pangangatwirang Pabuod o Induktivo -
nagsissimula sa mga halimbawa o partikular na kaisipan o katotohanan at

3
nagtatapos sa pangkalahatang simulain o katotohanan. 2. Pangangatwirang
Pasaklaw o Pedaktivo - sinisimulan ang pangangatwiran sa pamamagitan ng
paglalahad ng pangkalahatan o masaklaw na pangyayari o katotohanan at
mula rito ay iisa-isahing ilalahad ang maliliit o mga tiyak na pangyayari o
katotohanan.

Mabisang Paraan ng Pagpapahayag


a. Kalinawan- malinaw ang paliwanag at angkop o tama ang mga salitang
ginagamit.
b. Kaugnayan- magkakaugnay ang mga pangungusap o talata.
c. Bisa- Ito ay maaaring pumupukaw sa interes ng mambabasa; sa damdamin,
kaisipan at kaasalan.
Suriin

GAWAIN: Gamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag, sumulat ng sanhi


ng
reaksyong papel tungkol sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 ng Lunsod ng
Cagayan de Oro.
Sanhi ng Pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Lungsod Cagayan de Oro

4
ARALIN
Aralin 2: Reaksyong Papel
2
Alamin Natin

Sa katapusan ng Modyul, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag:
a.Kalinawan b.Kaugnayan c.Bias sa reaksyong papel na isinulat F11PU-11fg-
90

2. Nakakasulat ng mga reaksyong papel batay sa binasang teksto ayon sa


katangian at kabuluhan nito sa: a. sarili b. Pamilya c. Komunidad d. Bansa e.
Daigdig F11EP-111-37

Tuklasin
Reaksyong Papel- ay tumutukoy sa paglalahad ng makatarungan, patas o
balanseng paghuhusga o assessment sa mga sitwasyong may kinalaman sa mga
tao, bagay, pook at mga pangyayari. Sumasaklaw rin ito sa matalinong pagtataya sa
kalidad, kakayahan, pamamaraan, katotohanan at kagandahan ng obra maestra.
Isang halimbawa ay ang pagbibigay ng reaksyon ng mga tao sa mga
pangyayaringpampolitikal, pang-ekonomikal o pansosyal. Puwede ring ipahayag ang
reaksyon o puna sa panood ng pelikula, dula, konsiyerto o ipinintang disenyo o
larawan.
Bahagi sa Pagsulat

1.Simula- Ito ang parte na inilalahad ang paksa.


2.Gitna-Ito ay paglalahad ng makatarungan, patas o balanseng paghuhusga o
assestment sa mga sutwasyong may kinalaman sa mga tao,bagay,pook , o
pangyayari .Ang parte kung saan dito inilalagay ang pananaw o reaksyon sa bawat
aspektong may kaugnay sa sinusuri.
3. Konklusyon-Pangkalahatang reaksyon ukol sa paksa o reaksyon sa pelikula.
Hakbang sa Pagsulat

 Ilahad ang mga pangyayari sa akda o pelikulang iyong napanood.


 Isalit ang komentaryo o reaksyon sa bawat pangyayari.
 Ilahad ang pangkalahatang obserbasyon at assestment tungkol sa sinuri,.
 Isa-isang bigyang puna o komentaryo ang bawat aspektong may
kaugnayan sa sinusuri.
 Bumuo ng pangkahalatang reaksyon sa sinusuri.

5
 Pagsusuri sa elemento
 Pagbibigay sa pangkalahatang puna
 Paglalahad sa mga pangyayari sa akda o pelikulang napanood
 Paglalahad sa kabuuang reaksyon sa bawat pangyayari

Elemento ng akda
1. Tauhan-binibigyang buhay ng manunulat sa kaisipan ng mambabasa, dapat
gumalaw alinsunod sa hinihingi ng tunay na buhay.
2. Tagpuan- tumutulong sa pagbibigay linaw sa paksa, sa banghay at sa
tauhan.
3. Tema- paksang diwang binibigyang-diin sa nobela tulad ng damdamin na
nagbibigay kulay sa mga pangyayari.
4. Istilo-pamamaraan ng manunulat,pananalita o simbolismo
5. Banghay- Ito ang salaysay o mga pangyayaring bumubuo sa akda o mga
pangyayari,balangkas ng mga pangyayari na inayos at pinag-ugnay ng isip.

Reaksyon sa isang Nobela o Maikling Kuwento

 Ilahad ang buod o lagom ng nobela


 Pagsusuri sa mga elemento
 Ibigay ang pangkalahatang puna sa kadang sinuri

Reaksyon sa isang pangyayari,isyu, tao o bagay.

 Ilahad ang pangkalahatang obserbasyon at assestment tungkol sa sinusuri


 Isa-isang bigyang puna o komentaryo ang bawat aspetong may kaugnayan
sa bawat sinusuri
 Bumuo ng pangkalahatang reaksyon sa sinusuri

Mga paraan sa pagsulat

 Maghanda
Ihanda ng sarili dapat alam na kung ano ang dapat na isusulat, planado na
ang mga nilalaman sa bawat kabanata.
 Magsimula
o Isulat ang mga reaksyon mo sa iyong paksa at dapat rin na sigurado
lka sa paksang iyong nilalaman.
o Tiyakin ang nilalaman at nakatungo sa tanong at di basta-basta ang
pagsulat.
o Dapat alamin mo rin kung ang iyong sinusulat ay tama.
o Nararapat lamang na ang iyong sinusulat ay maikli at madaling
intindihin ang nilalamang talata.
o At di rin dapat basta sagot nang sagot ,ito’y dapat tumugon sa tanong.

6
REAKSYONG PAPEL BATAY SA BINASANG TEKSTO AYON SA KATANGIAN AT
KABULUHAN NITO SA PAMILYA

Sandigan

Pamilya. Ang pamilya ang pinakamahalagang pundasyon ng buhay. Dito


natin unang naranasan ang dakilang pagmamahal. Ang kauna-unahang paaralan
kung saan tayo ay natutong makisalamuha sa ibang tao. Pamilya ang ating
kasangga sa lahat ng bagay. Iwanan ka man ng lahat, mananatiling aagapay ang
pamilya sa iyong tabi.

Ang kuwentong nabasa ko na pinamagatang “Ang Shelter” ay tungkol sa


pamilyang sinubok ang katatagan. Ang Shelter na sinasabi dito ay isang bahay-
ampunan. At iyong nanay sa kuwento ay dinala ang mga anak sa shelter. Siyempre
nalungkot ang mga anak dahil nagkahiwalay-hiwalay sila. Ngunit sa huli naging
masaya sila dahil binalikan sila ng nanay nila.

Masayang umuwi ang mag-anak dahil kumpleto na ang kanilang pamilya.


Totoo nga ang kasabihan na “Kung mahal ka, babalikan ka.” Minsan talaga
dumarating ang pagkakataon na nakakaranas tayo ng mga pag-subok sa buahy.
Mga pag-subok na nagpapatatag upang mas lumalim pa ang relasyon ng isang
nagkaka-isang pamilya.

Iba-iba ang pamilyang mayroon tayo dito sa lipunan. Ngunit kahit


magkakaiba iisa lang naman ang layunin, ang magmahalan at magka-isa. Dahil ang
ang pamilyang nagmamahalan at nagkakaisa ay mahalagang isaalang-alang upang
malutas ang bawat pagsubok na darating.

Lagi nating isipin na ang pamilya ang humubog sa atin kung ano man tayo
ngayon. Sila ang pinanghuhugatan ng lakas kung tayo man ay mahina at dumaranas
ng pigahti. Sila ang parating nandiyan upang iparamdam sa atin na hindi tayo nag-
iisa. Bagkus andiyan sila na handing saluhan tayo sa hirap man o ginahawa.

Yan ang pamilya nanatiling matatag hanggang sa huli. Pamilyang pina-titibay


ang pundasyon sa kabila ng kahirapan. At nagtatagumpay dahil sa pagtutulungan at
pagmamahalan ng bawat isa.

jazrealfdmerc.blogspot.com/2017/03/reaksyong-papel-batay-sa-binasang.html

ISAGAWA!

7
Panuto: Sumulat ng reaksyong papel sa iyong binasang teksto ayon sa katangian at
kabuluhan nito na binubuo ng anim na saknong (6). Mababasa sa itaas ang
halimbawa sa pagsulat ng reaksyong papel.
1. Sa sarili
2. Sa Pamilya
3. Komunidad
4. Bansa
5. Daigdig

1. Sarili

__________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Pamilya

__________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3. Komunidad

__________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

4. Bansa

__________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

8
______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

5. Daigdig

__________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Karagdagang gawain

Pagsulat ng Dyurnal

1.Ikaw bilang kabataan, paano mo magagawang positibo ang mga problemang


dumarating sa iyo at saiyong pamilya?

Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang sumunod na mga taong o pangngusap.
Titik lamang ang iyong isulat sa sagutang papel.

1.Tumutukoy sa mga salaysay o mga pangyayari sa akda o balangkas na


inayos at pinag-ugnay ng isip.

a. tema b. banghay c. istilo d. tauhan

2.Ang binibigyang buhay ng manunulat sa kaisipan ng mambabasa.

a. tema b. banghay c. istilo d. tauhan

3.Ang binibigyang-diin sa kuwento o nobelang binabasa.

a.Tema b. istilo c. banghay d. tauhan

4.Pamamaraan ng manunulat upang makumbinsi ang mambabasa.

9
a. Tema b. istilo c. banghay d. tauhan

5.Tumtulong sa pagbibigay linaw sa paksa at sa tauhan.

a. Istilo b. banghay c. tagpuan d. tema

6.Ang tatlong bahagi sa pagsulat ng reaksiyong papel.

a. Simula, gitna at kongklusyon c. simula, gitna at wakas


b. Simula ,gitna at pagsusuri d. simula, gitna at katapusan

7.Tumutukoy sa parte na inilalahad ng paksa.

a.gitna b. simula c. wakas d. kongklusyon

8.Pangkalahatang resulta sa binasang akda o pelikula.

a. gitna b. simula c. wakas d. kongklusyon.

9. Dito inilalahad ang katarungan patas o balanseng paghuhusga.

a.gitna b. simula c. wakas d. kongklusyon

10.Tumutukoy sa paglalahad ng katarungan, patas o balanseng

paghuhusga o assestment sa mga pangyayaring tinatalakay.

a.Bahagi sa pagsulat c. reaksyong papel

b.Hakbang sa pagsulat d. element ng akda

MGA SANGGUNIAN

Binolhay, Luzviminda & Labnotin, Miraflor. DepEd CDO SHARED


Options Learning Activities. https://bit.ly/3dF9Kdb
https://www.slideshare.net/akivakirin/anyo-ng-pagpapahayag
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/1451 6
https://beverleymendoza.wordpress.com /2013/08/16/mga-aralin-sa-masining-
napagpapahayag/
https://www.scribd.com/doc/63721147/P agsulat-Ng-Reaksyong-Papel-Bilang

10

You might also like