You are on page 1of 22

8

Edukasyon
sa
Pagpapakatao
Quarter 1 - Module 4: week 7 & 8
(Ang Papel na Panlipunan at
Pampolitikal ng Pamilya)
Talaan ng Nilalaman

Talaan ng Nilalaman .............................................................................................. i

Leksyon 1: Mga Gawaing angkop sa Panlipunan na Papel ng Pamilya


Alamin ........................................................................................................... 1
Subukin ........................................................................................................ 2
Tuklasin ..................................................................................................... 4
Suriin ............................................................................................................. 5
Pagyamanin ................................................................................................ 7

Isaisip............................................................................................................ 8
Isagawa ........................................................................................................ 9

Leksyon 2: Pagbabantay sa mga Batas at Institusyong Panlipunan


Balikan .......................................................................................................... 10
Alamin ........................................................................................................... 10
Tuklasin…………………………………………………………………… 11
Suriin .......................................................................................................... 11
Pagyamanin .............................................................................................. 12
Isaisip ……………………………………………………………………. 13
Isagawa ..................................................................................................... 14

Buod…………………. . . . . . ….. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . … . 15
Assessment: (Post-Test) ……………………………………………………….. 17
Susi sa Kasagutan ......................................................................................................... 20
Sanggunian...................................................................................................................... 21

i
Ang Papel na Panlipunan at
Modyul Pampolitikal ng Pamilya
4
Alamin

Para sa Mag-aaral

Tungkol saan ang modyul na ito?

Gusto mo bang malaman ang papel na panlipunan at pampolitikal ng pamilya? Ano kaya
ang kaugnayan ng pamilya sa lipunan at politikal? Bakit mahalaga ang papel ng pamilya sa
lipunan at sa poltikal? Paano kaya naisasakatuparan ang papel na ginagampanan ng pamilya
larangang ito? Kung gusto mong malaman, paano mo ito sisimulan?

Ang modyul na ito ay naglalaman ng buong aralin tungkol sa: Modyul 4: Ang Papel na
Panlipunan at Pampolitikal ng pamilya. Ito ay nagbibigay ng kaliwanagan tungkol sa
kahalagahan ng papel na ginagampanan ng pamilya. Naging makabuluhan ang isang lipunan at
ang politikal na larangan sa pamamagitan nang pagsasagawa ng bawat pamilya ng kanilang
mga tungkulin. Nakasalalay sa uri ng pamilya ang uri ng mamamayan sa lipunan. Halimbawa sa
kasalukuyang panahon, nakadepende sa pamilya ang tagumpay sa pag-iwas sa Covid virus sa
pamamagitan ng pagsunod sa social distancing at pakikilahok sa ECQ o GCQ.

Para sa mga layunin ng modyul na ito:

A) Natutukoy ang mga Gawain o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng pagtulong sa


kapitbahay o pamayanan. (papel na panlipunan) at pagbabantay sa mga batas at
institusyong panlipunan (papel na pampolitikal) EsP8PBIg-4.1)
B) Nasusuri ang isang halimbawa ng pamilyang ginagampanan ang panlipunan at pampulitikal
na papel nito. (EsP8PBIg-4.2)
C) Nahihinuha na may pananagutan ang pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan sa
pamamagitan ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan (papel na panlipunan) at
pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan (papel na pampolitikal).
EsP8PBIh-4.3.
D) Naisasagawa ang isang gawaing angkop sa panlipunan at pampulitikal na papel ng pamilya.
EsP8PBIh-4.4.

Pangkalahatang Panuto:
Ngayong hawak mo na ang modyul na ito, gawin ang sumusunod:
1. Basahin at sundin ang panuto sa bawat paksa.
2. Itala ang mga paksa na nangangailangan ng ibayong pansin.
3. Gawin an gang mga Gawain nang may pag-unawa.
4. Sagutin ang lahat ng mga katanungan sa bawat gawain.

1
Subukin
Paunang Pagtataya (Pre-test)
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.Piliin ang titik ng tamang
kasagutan,Isulat sa papel ang inyong mga sagot.

1.Bakit sa ibang pamilya ang pagtutulungan ay HINDI natural na dumadaloy?


A. dahil takot sila na mabawasan ang kanilang pera
B. dahil hindi napaunlad ang pampolitikal na katangian
C.dahil kasalanan ng mahirap kung bakit wala silang pera
D.dahil kaligayahan nilang palaging naghihirap ang mahirap
2.Ang pagsusulat sa gobyerno upang maisasaayos ang nasirang tulay na nasalanta
sa bagyo na dinadaanan ng mga tao upang makapunta sa lungsod ay papel ng
pamilya sa anong aspekto?
A. Papel Pampolitikal
B. Papel Panlipunan
C. Papel Pangkalikasan
D. Papel de Liha

3. Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa mga karapatan at tungkulin?


A. Maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon.
B. Hindi maisusulong at mapoprotektahan ang mga karapatan at tungkulin ng
pamilya.
C. Bahagi ang mga ito ng papel na pmpolitikal ng pamilya.
D. Maraming pamilya ang karapatan lang ang ipinaglalaban ngunit hindi
ginagampanan ang tungkulin.

4. Ano ang paraan upang maisabuhay ang mga pagpapahalaga at birtud na itinuro
at natutuhan sa loob ng pamilya?
A. Ang pagpapayaman ng pamilya
B. Ang pagmamahalan ng pamilya
C. Ang pagtulong ng pamilya
D. A ng pagkawasak ng pamilya

5. Alin sa mga katangiang ito ang inilalarawan ng isang pamilyang may malasakit at
bukas ang tahanan para sa mga taong nangangailangan?
A. Pampalakas ng impluwensiya
B. Pampolitikal
C.Pangkalikasan
D. Para makilala sa lipunan
6.Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit dapat na mauna ang pagmamahal sa
kapwa tao bago ang debosyon sa pamilya maliban sa:
A. Ang labis na pagkiling sa pamilya ay maaaring paggamit ng kapangyarihan
at posisyon para sa sariling kapakanan.
B. Ang pagiging labis na makapamilya ay katumbas din ng pagiging makasarili.
C. Dapat matutuhan ng tao na iwaksi ang pagiging makasarili alang-alang sa
ikabubuti ng lahat.
D. Upang wala nang iba pang dapat isipin pa at payapang makakapamuhay
bawat araw.

2
7. Isa sa katangian ng mga Pilipino ay ang magiliw na pagtanggap sa mga bisita.
Paano na sa pagtanggap natin ay nagagampanan natn an gating papel sa
lipunan?
A. Gamitin ang lahat nang mamahaling mga gamit at gamitin lamang para sa mga
bisita.
B. Umutang ng pera upang makapaghanda ng masarap at sosyal na pagkain.
C. Piliin kung sino lamang ang tatanggaping bisita upang sigurado ang pabor na
maibabalik sa atin.
D. Tanggapin at paglingkuran ng maayos ang lahat ng taong nangangailangan.

8. Ang ibig sabihin ng karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng


pananampalataya at pagpapalaganap nito ay:
A. Malaya ang isang pamilya na mamili ng relihiyon.
B. Ikukulong ang pamilyang hindi nagsisimba at hindi naniniwala sa Diyos.
C. Malaya ang isang pamilya na magpunta sa ibang bansa.
D. Hindi kilalanin bilang isang Pilipino ang walang relihiyon.

9. Ang sumusunod ay mga karapatan ng isang pamilya maliban sa:


A. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya.
B. Ang karapatan sa paghingi ng tulong sa gobyerno kahit na ito’y hindi
pangangailangan.
C.Ang karapatan ng mga matatanda sa karapat-dapat na pamumuhay at
karapatan.
D.Ang karapatang mandayuhan sa ibang probinsya o bansa para sa mas
mabuting pamumuhay.

10. Bakit mahalaga ang pagboto sa panahon ng halalan at piliin ang tapat na
mamumuno o lider sa ating bansa?
A. Makatutulong sila sa pagpapaunlad ng pamumuhay.
B. Makapagbibigay sila ng malaking pera sa botante.
C. Matutugunan ang bawat karapatan ng pamilyang Pilipino.
D. Maiiwasan ang problema sa krimen sa ating bansa.

3
Tuklasin

Alam mo ba na pinakamahalaga ang papel na ginagampanan ng pamilya para


magkaroon ng kabuluhan ang lipunan at ang politikal na larangan? Sa pangkalahatang
kaisipan, wala ang mga bayani, wala ang mga tinitingalang tao, wala ang mga iniidolo
at ang mga mabubuting mamamayan kung wala ang pamilyang humuhubog sa isang
indibidwal, nag-aaruga, nagtuturo ng tamang pag-uugali at magandang-asal para sa
kaunlaran at kapayapaan ng isang lipunan. Ang kaunlaran at katiwasayan ay hindi
makakamit ng lipunan kung hindi mapapangalagaan ang pamilya. Sa paanong paraan
kaya inalagaan ng lipunan ang pamilya? Ikaw, paano mo kaya natulungan ang iyong
pamilya para magampanan ang papel na panlipunan at pampolitikal? Bago ang lahat,
gawin mo ang gawain sa ibaba.

GAWAIN 1

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Magbigay ng 5 gawaing Tukuyin ang mga Batay sa iyong sagot sa


pagtulong ng iyong pamilya pangunahing ikalawang bahagi, ano-ano
sa kapitbahay/pamayanan pangngangailangan ng kaya ang mga nahihinuha
pamilya mong karapatan ng
pamilya?
1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.
4. 4. 4.
5. 5. 5.

GAWAIN 2

Panuto: Isulat sa patlang ang iyong sagot.

_______Sa iyong palagay, ikaw, bilang isang kasapi ng pamilya, ano-ano ang mga
naitulong mo sa pagsasakatuparan sa ginagampanan ng iyong pamilya sa papel na
panlipunan at pampolitikal na larangan?
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

4
Suriin

Ihanda ang iyong sarili na tuklsain ang isang bago at pinakamahalagang aralin.
Hayaan mong mahasa ang iyong kakayahan at palawakin ang iyong pang-unawa sa
kabuluhan ng papel na panlipunan at pampolitikal ng pamilya. Kung kaya simulan na
natin ang pag-aaral.
PAPEL NG PAMILYA SA LIPUNAN

Sa loob ng pamilya dapat natututuhan ng tao na iwaksi ang pagiging makasarili at


magsakripisyo alang-alang sa kapwa – alang-alang sa ikabubuti ng lahat. Dito niya natututuhan
na ang pagkakawang-gawa ay katumbas ng pagmamahal; na ang paglilingkod sa kapwa ay
kinakailangan upang maging kabilang sa kapatiran ng tao. Ang kapatirang ito ay mangyayari
lamang kung mayroong pinag-ugatang pagkakapatiran sa pagitan ng mga tunay na
magkakapatid sa loob ng pamilya.
Nakatutuwang isipin na sa murang edad ay iniligtas nina Virginia Rojo, anim na taong
gulang, at James Baroro, pitong taong gulang, ang kanilang mga kapatid mula sa nasusunog
nilang bahay sa mga lalawigan ng Negros at Cebu. Hindi nila inuna ang kanilang sarili. Si
James ay paulit-ulit na bumalik sa nasusunog nilang bahay sa Lapu-Lapu City para sagipin ang
tatlo niyang kapatid. Si Virginia naman bagamat nasunog ang bahagi ng mukha at katawan ay
walang hinanakit o pag-aalinlangan sa kaniyang ginawa. Sa murang edad ay napakalawak ng
kanilang pag-unawa sa halaga ng pagsasakripisyo para sa ikabubuti ng iba. Ganito sana ang
kapatirang mayroon sa bawat pamilya. Isipin mo na lang ang kapatirang mangingibabaw sa
mundo!
“Ang pagtulong ng pamilya sa pamayanan ay paraan upang maisabuhay ang mga
pagpapahalaga at birtud na itinuturo at natututuhan sa loob ng tahanan.” Ang pagiging bukas
palad ay maipakikita ng pamilya sa pamamagitan ng mga gawaing panlipunan. Maaari itong
makilahok sa mga samahan na boluntaryong naglilingkod sa pamayanan o kaya’y tumutulong
sa mga kapus-palad. Higit sa lahat, dapat na tumulong ang pamilya sa mga nangangailangang
hindi naaabot ng tulong ng pamahalaan. Isang halimbawa ang mga pamilyang nagbukas ng
kanilang mga tahanan para sa mga naaapektuhan ng pagbaha at mga sakuna. Marami ang
mga pamilyang ito na hindi nagdalawang-isip at buong pagtitiwalang pinatutuloy ang mga
kapitbahay na kumakatok sa kanilang pinto at mga puso. Nakalulungkot lamang na mayroon
ding mga nagbibingibingihan sa mga daing ng mga kapitbahay dahil sa kawalang-tiwala sa
kapwa. Minsan kung sino pa ang higit na makapagbibigay sila pa ang nagsasara ng kanilang
pinto. Nakatali sila sa materyalismo at higit na nagpapahalaga sa mga ari-arian kaysa sa
pagtulong sa kapwa.
Ang pagtulong ng pamilya sa pamayanan ay paraan upang maisabuhay ang mga
pagpapahalaga at birtud na itinuturo at natututuhan sa loob ng tahanan. May mga pamilyang
naging tradisyon na kumukuha sila ng isang bata sa bahay-ampunan tuwing sasapit ang
panahon ng kapaskuhan, upang pansamantalang tumira sa kanila. Namimigay din sila ng mga
regalo sa mga batang nasa bahay-ampunan o sa mga batang-lansangan. May anak na sa halip
na maghanda para sa kaniyang kaarawan ay hinihiling sa kaniyang mga magulang na ibahagi
na lamang sa bahay-ampunan ang perang dapat gugulin sa kaniyang handa. Mayroon ding
gustong idaos ang kaniyang kaarawan sa bahay-ampunan o sa piling ng mga batang
lansangan.
Ang pagbabayanihan ay hindi na bago sa mga Pilipino. Isa ito sa ipinagmamalaki nating
pagpapahalagang Pilipino. Naipakikita ang pagbabayanihang ito sa lahat ng aspekto ng
pamumuhay ng mga Pilipino. Sa isang kapitbahayan ay hindi na bago ang pagbibigayan ng
ulam lalo’t may okasyon, ang pagbibilin sa mga anak sa kapitbahay kung walang magbabantay
ditong kapamilya, at ang pagpapahiram ng mga kagamitan sa bahay sa mga kapitbahay.

Isa sa ipinagmamalaki nating katangiang Pilipino ang magiliw na pagtanggap lalo sa mga
panauhin. Inihahain natin ang pinakamasarap na pagkain para sa kanila, ang pinakamainam na
5
higaan ang ating pinatutulugan, at ang pinakamaganda nating gamit ay inilalabas lamang kapag
may panauhin. Ngunit may mas malalim na antas ng pagtanggap ng mga panauhin.

Ang mabuting pagtanggap na higit na kinakailangan nating ugaliin ay ang pagbubukas


ng ating mga pintuan sa mga nangangailangan. Magagawa kaya nating maghain ng masasarap
na pagkain, patulugan ang pinakamainam nating higaan, at ipagamit ang pinakamaganda
nating gamit sa mga palaboy sa lansangan?

Ang guro ang magbigay ng pagpapalalim tungkol sa paksang pagtulong sa kapwa. Isa
itong pagpapahalaga na dapat magampanan ng bawat mag-aaral sa kanilang pang-araw araw
na buhay.
10 halimbawa ng pagtulong sa kapwa
1. Pag-alalay sa mga matatanda sa pagtawid sa kalsada.
2. Pagvovoluteer sa pag-ganyak ng mga tulong sa mga nasalanta ng kalamidad.
3. Pagbibigay ng mga pagkain, delata, at pangunahing pangangailan sa isang komunidad.
4. Pagbibigay ng mga lumang damit sa mga nasunugan.
5. Pag-aalok ng upuan sa lugar na maraming tao lalo na sa mga matatanda, buntis, may
kapansanan o mga bata.
6. Pagbibigay ng abuloy sa patay.
7. Pagbibigay ng direksyon sa mga taong naliligaw.
8. Pag-aayos ng gulo sa pagitang ng dalawang taong hindi magkasundo.
9. Pagbibigay ng payo sa mga kaibigan na may kinakaharap na problema.
10. Pagpapakain sa ilang mga batang lansangan

(Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1901272#readmore)


Papel ng Pamilya sa Lipunan

 Ang tao ay hind lamang binubuo ng katawan at ispiritu… siya ay isang panlipunang nilalang,
likas na kaugnay ng iba pang tao, hindi siya ipanganganak o mananatiling buhay kundi sa
pamamagitan ng ibang tao. Ang pakikipagniig sa ibang tao ay bahagi ng kaniyang pagiging
tao.” (Sheen, isinalin mula sa Education in Values: What, Why and For Whom ni Esteban,
1989.
 Ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa lipunan ay ang karanasan sa pakikibahagi at
pagbibigayan na dapat na bahagi ng buhay pamilya sa araw-araw.
 Sa loob ng pamilya dapat natututuhan ng tao na iwaksi ang pagiging makasarili at
magsakripisyo alang-alang sa kapwa – alang-alang sa ikabubuti ng lahat. Dito niya
natututuhan na ang pagkakawang-gawa ay katumbas ng pagmamahal; na ang paglilingkod
sa kapwa ay kinakailangan upang maging kabilang sa kapatiran ng tao. Ang kapatirang ito
ay mangyayari lamang kung mayroong pinag-ugatang pagkakapatiran sa pagitan ng mga
tunay na magkakapatid sa loob ng pamilya.
 Ang pagtulong ng pamilya sa pamayanan ay paraan upang maisabuhay ang mga
pagpapahalaga at birtud na itinuturo at natututuhan sa loob ng tahanan.
 Pantay-pantay ang tao sa mata ng Diyos. Nilikha ang mundo para sa lahat ng Kaniyang
nilalang. Hindi maaaring angkinin ng iilan ang hangin, tubig, at lupa. Ang tao ay
tagapamahala lamang at hindi lubos na nagmamay-ari ng lupa, hangin, tubig, at iba pang
nilikha ng Diyos sa mundo.
 Tungkulin ng pamilya ang pangangalaga sa kalikasan bilang likas na tagapamahala ng lahat
ng nilikha ng Diyos. Dahil sa tungkuling ito, nararapat na isulong ng pamilya ang mga
proyektong nangangalaga sa kalikasan tulad ng Clean and Green Program

6
Pagyamanin

Pagtatalakay sa araling binasa

Gawain 3.1

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1.Ano-ano ang papel na ginagampanan ng pamilya sa lipunan?


2.Bakit mahalaga ang mga kontribusyon ng pamilya sa lipunan? Ipaliwanag.
3.Gaano kalaki ang epekto ng pangangalaga ng kalikasan ng pamilya sa
panlipunan?
4.Bilang isang mag-aaral, na magiging isang mabuting mamamayan, sa tulong ng
paghubog sa iyo ng iyong pamilya, kaya mo bang gampanan ang iyong tungkulin
sa pamilya? Paano?
5.Ano-ano ang mga gawaing angkop sa panlipunang papel ng bawat pamilya sa
lipunan?
6. Sang-ayon ka ba na inaalagaan ng lipunan ang pamilya at inaalagaan din ng
pamilya ang lipunan? Oo o hindi? Bakit? Ipaliwanag.
7.Bakit panlipunang nilalang ang tao? Ipliwanag.

Gawain 3.2

Upang mas malinang ang iyong kaalaman subukan ang gawaing ito.

Panuto: Isulat sa journal ang sagot sa mga tanong na ito.

1. Bakit mahalagang magampanan ng pamilya ang kaniyang papel na panlipunan at


pampolitikal?
2. Bilang isang indibidwal, paano mo magagampanan ang iyong tungkulin sa lipunan
at sa politkal na larangan?
3. Mahalaga ba ang mga karapatan ng pamilya? Gaano kalaki ang kaugnayan nito sa
pagganap sa papel ng pamilya sa panlipunan at pampolitikal?

7
Isaisip

Gawain 4.1
Sa kasalukuyang panahon, sa kasagsagan ng isyung COVID 19 Virus, punan
ang tsart na nasa ibaba batay sa iyong obserbasyon.

Mga pagtulong ng pamilya sa Mga tulong ng pamahalaan Mga tungkulin ng bawat


pamayanan mamamayan

Tanong:

1. Bakit mahalagang pangalagaan ng pamilya ang pamayanan para maalagaan ng


pamayanan ang pamilya? Ipaliwanag.Magbigay ng isang halimbawa.

Gawain 4.2

A. Batay sa mga natalakay, bilugan ang mga salitang tinutukoy sa ibaba:

L P A G K A K A W A N G G A W A O W
S A B K A R A N A S A N M A B U T I
K A L I K A S A N K A P A L I G I R
O R A S B A N I L A L A N G A M I T
E M A K A S A R I L I D A S A L K O

1. Katumbas ng pagmamahal. --------------------


2. Ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa lipunan ay ang ----------------- sa
pakikibahagi at pagbibigayan ng buhay pamilya sa araw-araw.
3. Tungkulin ng pamilya ang pangangalaga sa --------------------.
4. Ang tao ay panlipunang ---------------.
5. Sa loob ng pamilya dapat natutuhan ng tao na iwaksi ang pagiging ------------.

8
Isagawa

Gawain 5

A. Magsagawa ng survey sa inyong lugar sa Sampung (10) mamamayan.


Itanong ang sumusunod sa iyong makakapanayam.

1. Tumutulong po ba ang inyong pamilya sa pamayanan o simbahan?

_____ Oo. Kung Oo, itanong ang Tanong Bilang 2 hanggang 4.


_____ Hindi. Kung Hindi, itanong: Bakit po? Dahilan: ______________
________________________________________________________

2. Paano po tumutulong ang inyong pamilya sa pamayanan o simbahan?


3. Bakit mahalagang tumulong ang inyong pamilya sa pamayanan o
simbahan?

4. Sa inyong palagay, ano-ano ba ang mga pangangailangan ng pamilya?

5. Sa iyong palagay, natutugunan ba ng ating pamahalaan ang mga


pangangailangan ng pamilyang Pilipino? Sa paanong paraan?

6. Sa kabilang dako, nagampanan ba ng mga mamamayan ang kanilang


tungkulin sa lipunan?

Bumuo ng paglalagom sa iyong nakalap na impormasyon at ipakita sa


graph
na paraan.

B. Gumuhit ng isang sitwasyon na nagpapakita ng papel ng pamilya sa lipunan


lalong-
lalo na sa panahon ng COVID 19 VIRUS. Kulayan at bigyan ng paliwanag

9
Lesson

2 PAGBABANTAY SA MGA BATAS AT


INSTITUSYONG PANLIPUNAN

Balikan

Gawain 1

“I am the Vine, You are the branches”


Panuto: Kailangan mong maghanda ng bondpapers, Crayola, pentel pens or pencils.
1. Gumuhit ng isang Puno o kahit anong bagay na nagsisimbolo ng iyong natutunan
sa nakaraang aralin sa gitnang parte ng iyong bondpaper. Sa mga sanga ng
puno isulat ang mga natutunan mo.
2. Kulayan ang iyong larawang naiguhit.
3. Ipaliwanag ang iyong guhit.

Alamin

Para sa Mag-aaral
Tungkol saan ang modyul na ito?
Gusto mo bang malaman ang papel pampolitikal ng pamilya? Ano kaya ang
kaugnayan ng pamilya sa politikal? Bakit mahalaga ang papel ng pamilya sa pampoltikal?
Paano kaya naisasakatuparan ang papel na ginagampanan ng pamilya sa larangang ito?
Kung gusto mong malaman, paano mo ito sisimulan?
Ang modyul na ito ay naglalaman ng buong aralin tungkol sa: Modyul 4: Ang Papel na
Panlipunan at Pampolitikal ng pamilya. Ito ay nagbibigay ng kaliwanagan tungkol sa
kahalagahan ng papel na ginagampanan ng pamilya. Naging makabuluhan ang isang
lipunan at ang politikal na larangan sa pamamagitan nang pagsasagawa ng bawat pamilya
ng kanilang mga tungkulin. Nakasalalay sa uri ng pamilya ang uri ng mamamayan sa
lipunan. Halimbawa sa kasalukuyang panahon, nakadepende sa pamilya ang tagumpay sa
pag-iwas sa Covid virus sa pamamagitan ng pagsunod sa batas tulad ng social distancing at
pakikilahok sa ECQ o GCQ. Maging mapagmatyag sa karapatan lalo na ang tungkulin ng
bawat isa.

Para sa mga layunin ng modyul na ito:

A.) Nahihinuha na may pananagutan ang pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na


pamayanan sa pamamagitan ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan (papel na
panlipunan) at pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan (papel na
pampolitikal). EsP8PBIh-4.3.
B.) Naisasagawa ang isang gawaing angkop sa panlipunan at pampulitikal na papel ng
pamilya. EsP8PBIh-4.4.

10
Tuklasin

Alam mo ba na pinakamahalaga ang papel na ginagampanan ng pamilya


para magkaroon ng kabuluhan ang politikal na larangan? Sa pangkalahatang
kaisipan wala ang mga mabubuting namumuno ngayon sa pamahalaan kung
hindi nagampanan ng bawat pamilyang Pilipino ang kanilang mga tungkulin.
Mahalaga ang poltikal na papel ng pamilya dahil sa tulong ng batas ay
napapangalagaan ang bawat karapatan nito at ang pagsasagawa ng bawat
tungkulin ay nakatutulong upang mas mapagtibay ang kabuluhan ng bawat
karapatan. Hindi mabubuo ang mga karapatang ito kung wala ang batas at wala
ang batas kung hindi pinili ang mga mabuting lider. Kaya kailangana sa halalan,
iboto ang karapatdapat na pinuno, hindi kailangang ibenta mo ang iyong boto.
May naobserbahan ka bang pangyayari na katulad nito? Simulan na nating
ungkatin ang nakatagong yaman na kalakip sa batas.

Suriin

Ihanda ang iyong sarili na tuklsain ang isang bago at makabuluhang aralin.
Hayaan mong mahasa ang iyong kakayahan at palawakin ang iyong pang-unawa
sa kabuluhan ng papel na panlipunan at pampolitikal ng pamilya. Kung kaya
simulan na natin ang pag-aaral.
Ito ang mga karapatan ng bawat pamilya sa lipunan na dapat bantayan para sa
masaya at matiwasay na buhay pamilya sa lipunan.

1. Karapatang Umiral At Magpatuloy Bilang Pamilya O Ang Karapatan Ng Tao ,


Mayaman O Mahirap Na Magtatag Ng Sariling Pamilya At Magkaroon Ng Sapat Na
Panustos Sa Mga Pangangailangan Nito.
2. Karapatang Isakatuparan Ang Kanyang Pananagutan Ang Pagpapalaganap Ng
Buhay At Pagtuturo Sa Mga Anak.
3. Karapatan Sa Pagiging Pribado Ng Buhay Magasawa at Buhay Pamilya.
4. Karapatan Sa Pagkakaroon Ng Katatagan Ng Bigkis At Ng Institusyong Kasal
5. Karapatan Sa Paniniwala At Pagpapahayag Ng Pananampalatayaat
Pagpapalaganap Nito.
6. Karapatang Palakihin Ang Mga Anak Ayon Sa Mga Tradisyon, Paniniwala, At
Pagpapahalaga Ng Kultura Sa Pamamamgitan Ng Mga Kailangang Kagamitan,
Pamamaraan At Institusyon.
7. Karapatan Lalo Na Ng Mga May Sakit Na Magtamo Ng Pisikal, Panlipunan,
Pampolitikal At Pang-Ekonomiyang Seguridad.
8. Karapatan Sa Tahanan O Tirahang Angkop Sa Maayos Na Buhay Pamilya.
9. Karapatan Upang Makapagpahayag At Katawanin (Ng Mambabatas O Asosasyon)
Sa Harap Ng Mga Namamahala O Namumuno Kaugnay Ng Mga Usaping
Pangekonomiyang Seguridad.
10. Karapatang Magbuo Ng Mga Asosasyon Kasama Ang Ibang Mga Pamilya At
Samahan, Upanng Magampanan Ng Pamilya Ang Mga Tungkulin Nito Sa Ng Mas
Karapat-Dapat At Madali.
11. Karapatang Mapangalagaan Ang Mga Kabataan, Sa Pamamagitan Ng Mga
Institusyon At Batas, Laban Sa Mapanirang Droga, Pornograpiya, Alkoholismo At Iba
pa.
12. Karapatan Sa Kapakipakinabang Na Paglilibang, Iyong Nakakatulong Sa
Pagpapatatag Ng Mga Pagpapahalagang Pampamilya.

11
13. Karapatan Ng Mga Matatanda Sa Karapat-Dapat Na Pamumuhay At Kamatayan
14. Karapatang Mandayuhan Sa Ibang Lugar/ Probinsiya O Bansa Para Sa Mas
Mabuting Pamumuhay.

Kung ang kabutihan ng pamilya ay napangangalagaan, naitataguyod, at


nabibigyang-proteksyon sa lipunan, ang bawat isa ay magkakaroon ng pagkakataong
lumaki at maging ganap na tao sa pinakamabuting kapaligiran - isang kapaligirang
nakatutulong sa paghubog ng mga birtud na dapat taglayin ng isang mapanagutang
mamamayan sa lipunan. Ang kapaligirang ito ay may lugar para sa kaniyang sarili na
nagpapatatag ng kaniyang kakayahang tumayo sa sariling paa at ng kaniyang pagiging
mapanagutan. May pagmamahalan dito na nagpapatingkad ng kaniyang pakikibahagi sa
lipunan at pakikipagkapwa. Ang pagiging epektibo ng iba pang mga institusyon sa lipunan
ay nakasalalay sa kabutihan ng pamilya.

Dapat pag-ibayuhin ng bawat pamilya ang pangangalaga at pagbabantay sa mga


karapatan at tungkulin nito dahil maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong
panahon. Ang pagsasabatas ng diborsyo, pagpapalaglag o aborsyon, at materyalismo ay
ilan lamang sa mga sumisira sa pangunahing institusyon ng lipunan. Kung tuluyan nang
masisira ang pamilya, mawawala na rin ang tunay na kanlungan ng moralidad.

Pagyamanin

Gawain 1

1.Ano-ano ang mga karapatan ng bawat pamilya sa lipunan na dapat bantayan para sa
matiwasay na buhay?
2.Bakit mahalaga ang mga kontribusyon ng pamilya sa pampolitikal na larangan?
Ipaliwanag.
3.Gaano kalaki ang kaugnayan ng pangangaIaga sa kalikasan sa papel ng pamilya sa
panlipunan at pampolitikal? Ipaliwanag.
4.Bilang isang indibidwal, na sa tulong ng paghubog sa iyo ng iyong pamilya, kaya mo bang
gampanan ang iyong tungkulin bilang isang lider o isang mabuting mamamayan pagdating
ng panahon? Paano?
5. Sang-ayon ka ba na inaalagaan ng lipunan ang pamilya at inaalagaan din ng pamilya ang
lipunan? Oo o hindi? Bakit? Ipaliwanag.
6. Bilang isang kasapi ng pamilya, paano mo mapapangalagaan ang mga karapatan ng
pamilya? Ipaliwanag.
7.Bakit paglabag sa moralidad ang pagpapakita ng nakakaeskandalong karangyaan ng ilang
pamilya?

Gawain 2
Upang mas malinang ang iyong kaalaman subukan ang gawaing ito.
Panuto: Isulat sa journal ang sagot sa mga tanong na ito.
1.Bakit mahalagang magampanan ng pamilya ang kaniyang papel na pampolitikal?
Ipaliwanag.

2. Bilang isang indibidwal, paano mo magagampanan ang iyong tungkulin sa lipunan at sa


politkal na larangan?
3. Mahalaga ba ang mga karapatan ng bawat pamilya? Sang-ayon ka ba na ang bawat
karapatan ay may katumbas na tungkulin? Ipaliwanag.
4. Gaano kalaki ang kaugnayan ng mga karapatan sa pagganap sa papel ng pamilya sa
pampolitikal na larangan? Ipaliwanag.
12
Isaisip
Gawain 3.1

Panuto: Punan ang sumusunod na tsart. Punan ang unang hanay ng karapatan o tungkulin
ng pamilya. Sa ikalawang hanay, ilahad ang kaugnay na isyu o insidente ng paglabag ng
katapat na karapatan o tungkulin sa unang hanay. Sa ikatlong hanay, ilahad ang paraan
kung paano binantayan, iginiit, o ipinaglaban ang karapatan o tungkulin ng pamilya sa
unang hanay.

Mga Karapatan at Mga Kaugnay na isyu o Paano ito binantayan,


Tungkulin ng Pamilya insidente ng paglabag sa iginiit, o ipinaglaban
karapatan at tungkulin ng
pamilya
Halimbawa: Ang aking pamilya ay Nakipag-usap ang aking mga
Ang karapatan sa paniniwala Katoliko, ngunit walang magulang sa ilan pang
at pagpapahayag ng simbahan o kapilya na pamilyang Katoliko sa
pananampalataya at malapit sa aming tirahan o pamayanan at lumiham sa
pagpapalaganap nito barangay. Obispo ng Diosesis upang
mapatayuan ng kapilya at
magkaroon ng pari na
magmimisa rito.
Ikaw naman:

GAWAIN 3.2

Pagkilala ng mga Paraan Upang Maisulong ng Pamilya ang mga Karapatan Nito

 Suriin ang mga nabuong mga karapatan at tungkulin ng pamilya.


Sagutin:
 Paano mababantayan at maisusulong ng pamilya ang mga karapatang ito?
Maglahad ng ilang mga paraan.

13
 Bilang isang mamamayan, paano mo mapapanatili at maisusulong ang mga
karapatan kung hindi mo naman kayang gawin ang kaakibat na tungkulin sa bawat
karapatan? Ipaliwanag.

 Sa iyong palagay, natutugunan ba ng ating pamahalaan ang mga pangangailangan


ng pamilyang Pilipino sa kasagsagan ng isyung COVID19 Virus Sa paanong paraan ?

 Nagagampanan ba ng mga mamamayang Pilipino ang kanilang tungkulin sa bayan sa


kasagsagan ng Isyung COVID19 Virus? Paano? Ipaliwanag.

Isagawa

Gawain 4.1
Panuto hanay ng “plataporma” kung nabanggit sa kaniyang
plataporma na nagtataguyod ng katapat na karapatan at tungkulin ng pamilya. Lagyan ng

na karapatan at tungkulin ng pamily


nagpapahayag ito ng prinsipyo na nagtataguyod ng katapat na karapatan at tungkulin ng
pamilya tungkol sa isyu o mga isyung pinagtatalunan sa kongreso o senado sa kasalukuyan.

Dapat na makakuha ng 21 na tsek

Mga Karapatan at Tungkulin ng Pamilya / Isyu Plataporma Proyekto Prinsipyo

a. Ang karapatang mapangalagaan ang mga


kabataan, sa pamamagitan ng mga institusyon at
batas, laban sa mapanirang droga, pornograpiya,
alkoholismo, at iba pa

b. Ang karapatang umiral at magpatuloy bilang


pamilya; o ang karapatan ng lahat ng tao,
mayaman man o mahirap, na magtatag ng
pamilya at magkaroon ng sapat na panustos sa
mga pangangailangan nito

c. Ang karapatang isakatuparan ang kaniyang


pananagutan sa pagpapalaganap ng buhay at
pagtuturo sa mga anak

d. Ang karapatan sa pagiging pribado ng buhay


mag-asawa at buhay pamilya

e. Ang karapatan sa pagkakaroon ng katatagan


ng bigkis at ng institusyon ng kasal

f. At iba pa

14
Sagutin sa iyong kwaderno.
1. Batay sa iyong mga naging pagsusuri, sino-sino ang nakapasa sa iyong tseklis?
Sino-sino naman ang mga hindi nakapasa?
2. Sa iyong palagay, dapat pa bang ihalal muli ang mga lokal na opisyal na hindi
nakapasa? Bakit?
3. Sa iyong palagay, ano ang dapat na pagbatayan sa pagpili ng mga lider sa
pamahalaan? Bakit?
4.Ano ang maaari mong gawin upang magampanan ng iyong sariling pamilya ang
papel na panlipunan at pampolitikal ng pamilya?

Buod
Papel ng Pamilya sa Lipunan

 Ang tao ay hind lamang binubuo ng katawan at ispiritu… siya ay isang panlipunang
nilalang, likas na kaugnay ng iba pang tao, hindi siya ipanganganak o mananatiling
buhay kundi sa pamamagitan ng ibang tao. Ang pakikipagniig sa ibang tao ay bahagi ng
kaniyang pagiging tao.” (Sheen, isinalin mula sa Education in Values: What, Why and
For Whom ni Esteban, 1989.
 Ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa lipunan ay ang karanasan sa
pakikibahagi at pagbibigayan na dapat na bahagi ng buhay pamilya sa araw-araw.
 Sa loob ng pamilya dapat natututuhan ng tao na iwaksi ang pagiging makasarili at
magsakripisyo alang-alang sa kapwa – alang-alang sa ikabubuti ng lahat. Dito niya
natututuhan na ang pagkakawang-gawa ay katumbas ng pagmamahal; na ang
paglilingkod sa kapwa ay kinakailangan upang maging kabilang sa kapatiran ng tao.
Ang kapatirang ito ay mangyayari lamang kung mayroong pinag-ugatang
pagkakapatiran sa pagitan ng mga tunay na magkakapatid sa loob ng pamilya.
 Ang pagtulong ng pamilya sa pamayanan ay paraan upang maisabuhay ang mga
pagpapahalaga at birtud na itinuturo at natututuhan sa loob ng tahanan.
 Pantay-pantay ang tao sa mata ng Diyos. Nilikha ang mundo para sa lahat ng Kaniyang
nilalang. Hindi maaaring angkinin ng iilan ang hangin, tubig, at lupa. Ang tao ay
tagapamahala lamang at hindi lubos na nagmamay-ari ng lupa, hangin, tubig, at iba
pang nilikha ng Diyos sa mundo.
 Tungkulin ng pamilya ang pangangalaga sa kalikasan bilang likas na tagapamahala ng
lahat ng nilikha ng Diyos. Dahil sa tungkuling ito, nararapat na isulong ng pamilya ang
mga proyektong nangangalaga sa kalikasan tulad ng Clean and Green Program.
Ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa lipunan ay ang karanasan sa
pakikibahagi at pagbibigayan na dapat na bahagi ng buhay pamilya sa araw-araw. Kaya
nga ang pagkakaroon ng tunay at ganap na pakikipagniig sa isa’t isa ng mga kasapi ng
pamilya ay pangunahin at hindi mapapalitang tagapagturo ng pamumuhay sa lipunan,
halimbawa at tagapagpalaganap ng mas malawak na pakikipag-ugnayan sa komunidad.
Kaya lang, ang labis ng pagkiling sa pamilya ay maaaring mangahulugan ng paggamit
ng posisyon at kapangyarihan para sa kapakanan ng pamilya na ikasasakripisyo ng
kabutihang panlahat. Halimbawa nito ay ang pagkakaroon ng poltical dynasties o
pagpapanatili ng mga posisyon sa gobyerno at ng kapangyarihan sa pamumuno ng
isang pamilya lamang. Ito ay taliwas sa papel na panlipunan ng pamilya.

15
Ito ang mga karapatan ng bawat pamilya sa lipunan na dapat bantayan para sa
masaya at matiwasay na buhay pamilya sa lipunan.

1. Karapatang Umiral At Magpatuloy Bilang Pamilya O Ang Karapatan Ng Tao,


Mayaman O Mahirap Na Magtatag Ng Sariling Pamilya At Magkaroon Ng Sapat Na
Panustos Sa Mga Pangangailangan Nito.
2. Karapatang Isakatuparan Ang Kanyang Pananagutan Ang Pagpapalaganap Ng
Buhay At Pagtuturo Sa Mga Anak.
3. Karapatan Sa Pagiging Pribado Ng Buhay Magasawa at Buhay Pamilya.
4. Karapatan Sa Pagkakaroon Ng Katatagan Ng Bigkis At Ng Institusyong Kasal
5. Karapatan Sa Paniniwala At Pagpapahayag Ng Pananampalatayaat
Pagpapalaganap Nito.
6. Karapatang Palakihin Ang Mga Anak Ayon Sa Mga Tradisyon, Paniniwala, At
Pagpapahalaga Ng Kultura Sa Pamamamgitan Ng Mga Kailangang Kagamitan,
Pamamaraan At Institusyon.
7. Karapatan Lalo Na Ng Mga May Sakit Na Magtamo Ng Pisikal, Panlipunan,
Pampolitikal At Pang-Ekonomiyang Seguridad.
8. Karapatan Sa Tahanan O Tirahang Angkop Sa Maayos Na Buhay Pamilya.
9. Karapatan Upang Makapagpahayag At Katawanin (Ng Mambabatas O Asosasyon)
Sa Harap Ng Mga Namamahala O Namumuno Kaugnay Ng Mga Usaping
Pangekonomiyang Seguridad.
10. Karapatang Magbuo Ng Mga Asosasyon Kasama Ang Ibang Mga Pamilya At
Samahan, Upanng Magampanan Ng Pamilya Ang Mga Tungkulin Nito Sa Ng Mas
Karapat-Dapat At Madali.
11. Karapatang Mapangalagaan Ang Mga Kabataan, Sa Pamamagitan Ng Mga
Institusyon At Batas, Laban Sa Mapanirang Droga, Pornograpiya, Alkoholismo At Iba
pa.
12. Karapatan Sa Kapakipakinabang Na Paglilibang, Iyong Nakakatulong Sa
Pagpapatatag Ng Mga Pagpapahalagang Pampamilya.
13. Karapatan Ng Mga Matatanda Sa Karapat-Dapat Na Pamumuhay At Kamatayan
14. Karapatang Mandayuhan Sa Ibang Lugar/ Probinsiya O Bansa Para Sa Mas
Mabuting Pamumuhay.

Kung ang kabutihan ng pamilya ay napangangalagaan, naitataguyod, at


nabibigyang-proteksyon sa lipunan, ang bawat isa ay magkakaroon ng pagkakataong lumaki
at maging ganap na tao sa pinakamabuting kapaligiran - isang kapaligirang nakatutulong sa
paghubog ng mga birtud na dapat taglayin ng isang mapanagutang mamamayan sa lipunan.
Ang kapaligirang ito ay may lugar para sa kaniyang sarili na nagpapatatag ng kaniyang
kakayahang tumayo sa sariling paa at ng kaniyang pagiging mapanagutan. May
pagmamahalan dito na nagpapatingkad ng kaniyang pakikibahagi sa lipunan at
pakikipagkapwa. Ang pagiging epektibo ng iba pang mga institusyon sa lipunan ay
nakasalalay sa kabutihan ng pamilya.

Dapat pag-ibayuhin ng bawat pamilya ang pangangalaga at pagbabantay sa mga


karapatan at tungkulin nito dahil maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong
panahon. Ang pagsasabatas ng diborsyo, pagpapalaglag o aborsyon, at materyalismo ay
ilan lamang sa mga sumisira sa pangunahing institusyon ng lipunan. Kung tuluyan nang
masisira ang pamilya, mawawala na rin ang tunay na kanlungan ng moralidad!

16
Pagtataya: (Post-Test)

A. Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang titik sa tamang sagot.

1. Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa mga karapatan at tungkulin nito?


A. Maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon?
B. Hindi maisusulong at mapoprotektahan ang mga karapatan at tungkulin ng
pamilya.
C.Bahagi ang mga ito ng papel na pampolitikal ng pamilya.
D.Maraming pamilya ang karapatan lamang ang pinaglalaban ngunit hindi
ginagampanan ang tungkulin.

2. Ano ang paraan upang maisabuhay ang mga pagpapahalaga at birtud na itinuro
at natutuhan sa loob ng pamilya?
A. Ang pagpapayaman ng pamilya
B. Ang pagmamahalan ng pamilya
C. Ang pagtulong ng pamilya
D. Ang pagkawasak ng pamilya

3. Ano ang katumbas ng pagkakawang-gawa na natututuhan sa paglilingkod sa


kapwa?
A. Pagtulong B. Pagmamahal C.Paglilingkod D.Pagdarasal

4. Ang sumusunod ay halimbawa ng hindi pagtulong sa kapwa:


A. Pagtanggap ng abuloy para sa patay.
B. Pagpapakain sa ilang mga batang-lansangan
C. Pag-alalay sa mga matandang tumatawid sa kalsada
D. Pagbibigay ng mga lumang damit sa mga nasunugan

5. Sa anong paraan mo maipapakita ang pangangalaga sa kalikasan?


A. Maging responsableng tagapangalaga sa likha ng Panginoon.
B. Kumain ng maraming gulay at prutas araw-araw.
C. Pagandahin ang bahay at bakuran upang maiwasang magkasakit.
D. Awayin ang lahat ng ilegal na namumutol ng puno.

6. Isa sa katangian ng Pilipino ay ang magiliw na pagtanggap ng mga bisita. Paano


na sa pagtanggap natin ay nagagampanan natin ang ating papel sa lipunan?
A. Gamitin ang lahat nang mamahaling mga gamit at gamitin lamang para sa
mga bisita.
B. Umutang ng pera upang makapaghanda ng masarap at sosyal na pagkain.
C. Piliin kung sino lamang ang tatanggaping bisita upang sigurado ang pabor na
maibabalik sa atin.
D. Tanggapin at paglingkuran ng maayos ang lahat ng taong nangangailanagan
ng tuloy.

7. Ang pagsusulat sa gobyerno upang maisaayos ang nasirang tulay na nasalanta


ng bagyo na dinadaanan ng mga tao upang makapunta sa lungsod ay papel ng
pamilya sa anong aspekto?
A. Papel Pampolitikal
B. Papel Panlipunan
C. Papel Pangkalikasan
D. Papel de Liha
17
8. Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit dapat na mauna ang pagmamahal sa
kapwa tao bago ang debosyon sa pamilya maliban sa:
A. Ang labis na pagkiling sa pamilya ay maaaring paggamit ng kapangyarihan at
posisyon para sa sariling kapakanan.
B. Ang pagiging labis na makapamilya ay katumbas din ng pagiging
makasarili.
C. Dapat matutuhan ng tao na iwaksi ang pagiging makasarili alang-alang sa
ikabubuti ng lahat.
D. Upang wala nang ibang dapat isipin pa at payapang makakapamuhay bawat
araw.

9. Ang ibig sabihin ng karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng


pananampalataya at pagpalaganap nito ay:
A. Malaya ang isang pamilya na mamili ang relihiyon.
B. Ikukulong ang Pamilyang hindi nagsisimba at hindi naniwala sa Diyos.
C. Mayala ang isang pamilya sa magpunta sa ibang bansa.
D. Hindi kikilalann bilag isang Pilipino ang walang relihiyon.

10. Alin sa mga katangiang ito ang inilalarawan ng isang pamilyang may malasakit at
bukas ang tahanan para sa mga taong nangangailangan?
A. pampalakas ng impluwensya
B. pampolitikal
C. pangkalikasan
D. para makilala sa lipunan

11. Bakit sa ibang pamilya ang pagtutulungan ay HINDI natural na dumadaloy?


A. dahil takot sila na mabawasan ang kanilang pera
B. dahil hindi napaunlad ang pampolitikal na katangian
C. dahil kasalanan ng mahirap na sila ay walang pera
D. dahil kaligayahan nilang palaging naghihirap ang mahirap

12. Ang sumusunod ay mga karapatan ng isang pamilya maliban sa isa,


A. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya.
B. Ang karapatan sa paghingi ng tulong sa gobyerno kahit na ito’y hindi
pangangailangan.
C. Ang karapatan ng mga matatanda sa karapat-dapat na pamumuhay at
karapatan.
D. ang karapatang mandayuhan sa ibang probinsya o bansa para sa mas
mabuting pamumuhay.

13. Ano ang mangyayari kung ang kabutihan ng pamilya ay napangangalagaan,


naitataguyod, at nabibigyang proteksyon sa lipunan?
A. Magiging mas marami pa ang gustong bumuo ng pamilya, magkaanak upang
maparami pa ang populasyon.
B. Ang bawat isa ay magkakaroon ng pagkakataong lumaki at maging ganap na
tao sa pinakamabuting kapaligiran.
C. Tataas ang bilang ng krimen at mga kriminal sa bansa at magkakaroon na ng
katahimikan.
D. Nanaisin ng mga tao na mabuhay ang hindi na kalianman mamatay upang
maranasan ang masaganag buhay.

18
14. Saan sa sumusunod nakasalalay ang pagiging epektibo ng ibang pang mga
institusyon sa lipunan?
A. Kabutihan ng mga politiko
B. Kabutihan ng mga mamamayan
C. Kabutihan ng Diyos
D. Kabutihan ng Pamilya.

15. Bakit mahalaga ang pagboto sa panahon ng eleksyon/halalan at piliin ang mga
matatapat na mamumuno sa ating bansa?
A. Makatutulong sila sa pagpapaunlad ng pamumuhay
B. Makapagbibigay sila malaking pera sa botante
C. Matutugunan ang bawat karapatan ng pamilyang Pilipino
D. Maiiwasan ang problema sa krimen sa ating bansa.

19
Sanggunian:
BOOK

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8, MODYUL PARA SA MAG-AARAL

Unified Detailed Lesson Plan in Edukasyon sa Pagpapakatao for Grade 8


First Quarter (Valencia City)

Writers:
SUSAN M. LUCEÑO VALENCIA NATIONAL HIGH SCHOOL

MARY ANNA E. TRAYA GUINUYORAN NATIONAL HIGH SCHOOL

MARLITA B. TAGALOGON VALENCIA NATIONAL HIGH SCHOOL

RIZALINA G. ESCOBILLO TONGANTONGAN NATIONAL HIGH SCHOOL

LOVELY ROSE G. BAUTISTA VALENCIA NATIONAL HIGH SCHOOL

LINKS:

https://www.google.com.ph/search?q=bayanihan&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ah
UKEwjLtZDHnoniAhUS4o8KHSKBDSgQ_AUIDigB

https://www.google.com.ph/search?ei=caXPXIyuG5n7rQG0lbbICQ&q=rubrics+for+poster+
making&oq=rubrics+&gs_l=psyab.1.4.0l10.10884144.10885948..10891726...0.0..0.512.3288
.3-4j3j1......0....1..gws-wiz.......0i71j0i131j0i67.FGZPfMkOz6k

20

You might also like