You are on page 1of 30

8 Edukasyon

sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan-Modyul 6
EQ: Emosyonal na Kagalingan
Tungo sa Matibay na Ugnayan
EsP8PIIf-7.4

English – Grade 7
Edukasyon sa Pagpapakatao– Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – EQ: Emosyonal na Kagalingan Tungo sa Matibay na Ugnayan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi
sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim : Leonor Magtolis Briones


Pangalawang Kalihim : Diosdado M. San Antonio

Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat : Emer E. Balin


Editor : Rosalie Estrella
Tagasuri : Elvina Mallari
Tagaguhit : Justine M. Dela Cruz
Tagalapat : Celeste C. Pingol

Tagapamahala:

Gregorio C. Quinto, Jr., EdD


Chief, Curriculum Implementation Division

Rainelda M. Blanco, PhD


Education Program Supervisor - LRMDS

Agnes R. Bernardo, PhD


EPS-Division ADM Coordinator

Glenda S. Constantino
Project Development Officer II

Agnes R. Bernardo, PhD


EPS – Edukasyon sa Pagpapakatao

Joannarie C. Garcia
Librarian II

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
8
Edukasyon
sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan-Modyul 6
EQ: Emosyonal na Kagalingan
Tungo sa Matibay na Ugnayan
EsP8PIIf-7.4
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling EQ: Emosyonal na Kagalingan Tungo sa
Matibay na Ugnayan.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa EQ: Emosyona na Kagalingan Tungo sa Matibay na Ugnayan.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan
ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang
kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking
kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-
akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

1
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala
sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
Pagyamanin unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

2
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
Susi sa Pagwawasto mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian - Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng


modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi:
Kaya mo ito!

3
.

Ang modyul na ito ay makatutulong na makamit ng mga kabataang mag-aaral


ang matimyas na pag-unawa sa emosyon at ang pagpapahalaga sa malalim na
pagtalakay ng mga birtud upang mapangasiwaan ng ayon sa mapagkalingang
pakikipagkapwa-tao.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
• Naipaliliwanag ang mga aspekto ng emosyon at mga wastong pamamaraan
upang mapamahalaan ito.
• Naisasagawa ng mag-aaral ang pagbuo ng mga hakbang upang baguhin o
paunlarin ang kaniyang paggamit ng kalayaan.
• Naisasabuhay ang mga angkop na kilos upang mapamahalaan nang wasto
ang emosyon.

Tara, Subukan Mo Ito!


Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot
sa iyong sagutang papel.
1. Nasaktan mo ang iyong kapatid dahil ginamit niya ang bago mong sapatos ng hindi nag-
papaalam. Ano ang idinulot ng iyong kilos?
a. Nailabas mo ang iyong sama ng loob.
b. Hindi na niya inulit ang kanyang ginawa.
c. Gumaan ang iyong loob dahil ikaw ay nakaganti na.
d. Nagkaroon ng suliranin sa ugnayan mo sa iyong kapatid.

2. Napatunayan ni Margiellene na tama ang pasya niya nang siya ay lumahok sa patimpalak
sa paaralan sa larangan ng pagsayaw.
a. Pamamahala sa sariling emosyon
b. Pagkilala sa sariling emosyon
c. Pamamahala ng ugnayan
d. Motibasyon

3. Hinanda ni Jashua ang sarili para sabihin ang nararamdaman niya sa babaeng gusto niya
at pinag-isipan niyang mabuti ang hakbang na kaniyang gagawin.
a. Pamamahala sa sariling emosyon
b. Pagkilala sa sariling emosyon
c. Pamamahala sa ugnayan
d. Motibasyon
6
4. Malaking abala ang hindi sinasadyang pagsisiga ng kapitbahay ni Karren sapagkat sa
tuwing siya ay magsasampay ay may usok na nanggagaling sa kabilang bakod. Isang
araw ay nagsadya na siya rito upang ito’y kausapin sa maayos na paraan ang kapitbahay.
a. Pamamahala sa sariling emosyon
b. Pagkilala sa sariling emosyon
c. Pamamahala sa ugnayan
d. Motibasyon

5. Muntik nang mapasigaw si Vanessa ng makita at dumaan sa kanyang harapan ang


kaniyang crush ngunit pinili pa rin niya na kumilos bilang isang dalaga.
a. Pamamahala sa sariling emosyon
b. Pagkilala sa sariling emosyon
c. Pamamahala sa ugnayan
d. Motibasyon

6. Ito ay isang mahalagang aspekto ng kalikasan ng isang tao.


a. Kayamanan
b. Kapangyarihan
c. Emosyon
d. Respeto

7. Alin ang hindi kabilang sa mga mungkahing paraan upang mapangasiwaan, makayanan
at mapagtagumpayan ang emosyon?
a. Ipagmalaki na hindi na kailanganin ang tulong ng iba.
b. Isipin na ang lahat ng bagay ay may katapusan.
c. Tanungin ang sarili.
d. Isaisip na ang tagumpay ay hindi yaman, katanyagan at ganid.

8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa limang aspekto ng EQ?


a. Pagkilala at paggalang sa emosyon ng iba
b. Paghikayat sa sarili
c. Pangangasiwa ng relasyon at ugnayan
d. Pagkilala sa tagumpay ng sarili

9. Nag-aalala si Lawrence sa pwedeng mangyari sa kaniyang mga magulang kung ito ay


magtutungo sa ospital para magpa check-up lalo na ngayong may Covid 19 na mga
pasyente sa ospital.
a. Tanggapin na tayo ay takot na harapin ang takot.
b. Isipin na ang ahat ng bagay may katapusan.
c. Tanungin ang sarili.
d. Isaisip na ang tagumpay ay hindi yaman, katanyagan at ganid.

10. Ayaw paapekto ni Joy sa tsismis tungkol sa kaniyang asawa na ito ay may ibang babae.
a. Pagkilala at paggalang sa emosyon ng iba
b. Paghikayat sa sarili
c. Pangangasiwa ng relasyon at ugnayan
d. Pangangasiwa ng emosyon

7
11. Ang pagkakaroon ng __________, malawak at bukas na kaisipan at kalooban, paggalang,
pagtanggap sa mga pangyayari at ang pagiging tapat sa sinasabi ay mahalaga sa
pagpapanatili ng magandang ugnayan sa kapuwa.
a. masayang mukha
b. tiwala sa sarili
c. malusog na damdamin
d. panatag na isipan

12. Ang pakikisalamuha sa iba ay pagpapahayag ng ating emosyon sa pamilya, kaibigan at


sa ating kapwa.
a. Pagkilala at paggalang sa emosyon ng iba
b. Paghikayat sa sarili
c. Pangangasiwa ng relasyon at ugnayan
d. Pangangasiwa ng emosyon

13. Narinig ni Eric mula sa kanilang kapitbahay na ang kaniyang nanay ay isa sa mga
nagbabalita na si Aling Ebeng ay may nakakahawang sakit.
a. Pagkilala at paggalang sa emosyon ng iba
b. Paghikayat sa sarili
c. Pangangasiwa ng relasyon at ugnayan
d. Kamalayan sa sarili

14. Hindi alam ni Jacqueline na siya pala ay nakakasakit na sa tuwing siya ay nagbibiro sa
kaniyang mga kamag-aral.
a. Pagkilala at paggalang sa emosyon ng iba
b. Paghikayat sa sarili
c. Pangangasiwa ng relasyon at ugnayan
d. Kamalayan sa sarili

15. Akala ni Ambet ang pagkakaroon niya ng bansag sa kaniyang mga kasamahan sa trabaho
ay makabubuti dahil napapasaya at napapatawa niya ito, ngunit may kasamahan pala
siya na hindi lang masabi na siya ay nakakapanakit na ng damdamin.
a. Pagkilala at paggalang sa emosyon ng iba
b. Paghikayat sa sarili
c. Pangangasiwa ng relasyon at ugnayan
d. Kamalayan sa sarili

8
Panuto: Hanapin ang mga salita na may kaugnayan sa emosyon. Ang mga salita ay maaring
nakapahalang, naka-diagonal at pababa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

P A G A S A A B V H K P
I A L K L O N A X G Y D Pag asa

G C G H K I P Y I R E A
Pighati

H A K A T A T A G A N M Pag-asam

A Q W E S H I O A N M D Pagmamahal

T W U I P A B H L T T A Katatagan

I W U O P J M N I J L M Galit

Q A A J L M B I T P F I Damdamin

E T A Z D E M O S Y O N Dama

C H I N A H O N K A V N Hinahon

D K L M M C V G K I P M Emosyon

P A G M A M A H A L S D

Pamprosesong Tanong:

1. Ipaliwanag kung ano ang kaugnayan ng mga salitang nabuo sa word hunt sa malalim
na pag-unawa ng emosyon?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

9
Headline – Suri
Panuto: Suriin ang larawan ng headline. Sagutin ang tanong na: Bakit ito maituturing na
pagpapakita ng isang emosyon? Sagutin sa pamamagitan ng 2 hanggang 3 pangungusap at
isulat sa iyong sagutang papel.

________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
__________________
________________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
__________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
10
_____________________
EMOSYON
Bawat isa sa atin ay nakakaranas nag iba’t ibang uri ng emosyon, ngunit may kaniya-
kaniya tayong paraan ng pagpapakita at pagpapadama nito. May mga taong sanay at maalam
upang ito ay maipamalas. Mayroon din naman na mga tao na hindi kayang kontrolin ang
kanilang mga nadarama sapagkat sila mismo ay nadadala nito lalo na kung matindi at malalim
ang dahilan.

Paano nga ba mapapangasiwaan ang ating mga emosyon? Sapat ba na damdamin


lang at hindi isinasama ang ating isip upang lalo ito maipahayag na may puso? Alam mo ba
na malaki ang papel na ginagampanan ng emosyon sa pakikipagkapuwa-tao at pakikipag-
ugnayan sa kanila?

Sa araling ito ay ipapaunawa sa iyo ang pangangasiwa ng emosyon upang mapaunlad


nito ang ating pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa kapuwa. Nilalayon din ng araling ito
ang higit na maunawaan ang ating emosyon upang malinaw na maipadama ito sa mga taong
ating pinapahalagahan at upang mapamahalaan nang buong husay. Iba-iba ang emosyon na
nararamdaman sa buhay tulad ng saya, lungkot, pagsisisi, galit, tuwa, at iba pa. Maaaring ang
emosyon ng isang tao ay dulot ng kaniyang pag-ibig o pagmamahal.

Kahalagahan ng Pagpapahayag ng Emosyon


Ang ating emosyon ay mahalagang aspekto ng kalikasan ng isang tao. Ang may
masaya at malusog na emosyon ay nasasalamin sa ating pakikitungo sa ating kapuwa. Ang
paglinang sa kakayahang ito ay pagkakaroon ng mga positibong emosyon tulad ng pag-
ibig at pagmamahal. May mga pagkakataong kulang tayo sa mga kasanayang ito na
nagdudulot ng pagkamuhi, pagkalungkot, pamumutawi ng inggit at galit gayundin ang selos
na pagkaminsan ay humahantong sa di kaaya-ayang pagpapahayag ng emosyon.

Limang Aspekto ng Emotional Quotient (EQ)

1. Kamalayan sa sarili – Ang pagkilala at pagsuri sa sariling emosyon ay isang malinaw na


pagpapahayag ng kamalayan sa pagdama ng tao sa kaniyang emosyon.

2. Pangangasiwa ng emosyon – Ito ay ang epektibong pagkontrol ng makatuwirang


kaisipan lalo na isang sitwasyon tulad ng COVID 19.

3. Paghikayat sa sarili –Mahalaga sa atin na mapamahalaan ang emosyon, lalo na sa tuwing


tayo ay nakakaranas ng mga negatibong puna sa ating kapuwa. Tayo ay hinihikayat na
matutunang mabuti at magkaroon ng repleksyon sa bawat paglilimi nito. Unang – una
nating dapat isagawa ay manalangin sa Diyos upang tayo ay magkaroon ng positibong
pananaw.

11
4. Pagkilala at paggalang sa emosyon ng iba – Hinihikayat na tayo ay dapat kumilala sa
damdamin ng iba. Huwag nating hanapin ang ating ugali sa mga taong ating
nakakasalamuha, bagkus ay lawakan pa natin ang ating pang-unawa sa iba.

5. Pangangasiwa ng relasyon at ugnayan – Dapat nating alalahanin na sa tuwing tayo ay


nakikisalamuha sa iba ay naipapahayag natin ang ating emosyon nang nararapat sa
pamilya, sa kaibigan, sa kamag-aral, at sa iba pang tao. Maaaring ibigay natin ang respeto
sa ating kapuwa at iwasan na sa huli ay magsisi.

Ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili,


Tingnan natin na hindi lamang ang
malawak at bukas na kaisipan at
ating sarili ang nagiging biktima ng
kalooban, paggalang, pagtanggap sa
maling pangangasiwa ng ating
mga pangyayari at ang pagiging tapat
emosyon. Kinakailangan na
sa sinasabi ay mahalaga sa
maipahayag natin ito nang naayon sa
pagpapanatili ng magandang
ugnayan sa isa’t isa.
ugnayan sa kapuwa.

Naririto ang ilang mga mungkahing paraan upang mapangasiwaan, makayanan at


mapagtagumpayan ang emosyon:

a. Tanungin ang sarili. Mahalagang naipapahayag natin sa iba nang maayos ang
mabuting pakikipagkapuwa-tao. Dapat ay maisama natin ang ating sarili sa maling
pamamahala ng ating emosyon, upang matanto rin natin kung tayo ba ay
nagkulang.

b. Tanggapin na tayo ay takot na harapin ang takot. Maging positibo sa pagharap


sa hamon ng buhay. Harapin ang takot upang kapag ito ay napagtagumpayan ay
madali na para sa atin na pamahalaan ang ating takot.

c. Isaisip na ang tagumpay ay hindi sa yaman, katanyagan at ganid sa


kapangyarihan kundi mamuhay nang may pagpapahalaga sa kapuwa. Iwasan
natin na tayo ay magbuhat ng ating sariling bangko, kundi ipagpasalamat sa Diyos
na tayo ay nakaraos sa isang pagsubok.

d. Laging tatandaan na lahat ng bagay ay may katapusan. Totoo na lahat ay may


hangganan at lahat ng bagay dito sa lupa ay nauubos. Kaya laging isaisip na tayo
ay may halaga.

e. Sa tuwing nawawalan ng pag-asa ay laging iisipin na may taong sa atin ay


tutulong. Ayon sa isang awitin, “walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili
lamang ………. tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa….”

12
Hinahangad ng bawat isa ang pagkakaroon ng masaya, mapayapa, at
makabuluhang pamumuhay sa pamamagitan ng mabuting ugnayan sa sarili
at higit sa lahat sa ating kapuwa tao. Mahalaga na laging magtiwala sa
kakayahan ng ating sarili, sa ating kapuwa at higit sa lahat sa Panginoong
Diyos na siyang naging dahilan kung bakit nandito tayo sa ibabaw ng lupa na
sinisikap na umunlad sa pakikitungo sa ating kapuwa.

Pansinin natin kapag tayo ay laging nagmamadali o kaya ay padalos-


dalos. Ang nagiging bunga ay negatibong emosyon, nakalilikha ng hindi
magandang pangyayari o kaya ay walang magandang naidudulot at kung
minsan ay nadadamay pa ang ibang tao dahil lang sa bagay na iyon. Ito ba ay
hahayaan mo na lang na mangyari sa atin at sa ating kapuwa - ang magkaroon
ng hindi magandang ugnayan sa iba? Handa ka na bang pagtagumpayan ang
hamon na dulot ng iyong emosyon?

Pang-isahang Pagsusulit 1
Panuto: Buuin ang mga ginulong letra sa ibaba upang mabuo ang isang salita.

________________ 1. ( N I M D A D A M ) – pakiramdam ng tao na hindi nagagawa ng


pisikal kundi ng mental at sikolohikal na gawain ng kilos, gawa at
ugali.
________________ 2. ( D U T B I R ) – pagsunod ng naayon sa moral at prinsipyong etiko.
________________ 3. ( G U N A N A Y ) – may komunikasyon sa isang tao.
________________ 4. ( M A L A Y A N K A ) – may pagkakaunawa sa isang bagay.
________________ 5. ( L A K I D B A ) – sagabal sa isang gawain.

Pang-isahang Gawain 1
Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon. Lagyan ng salitang tsek kung maituturing itong
pagkilala sa sariling emosyon at isulat ang salitang ekis kung hindi.

_____ 1. Nasurpresa si Yuan sa pagtawag sa kanya ng kaniyang lola at pagpaabot ng


pagbati sa kanyang kaarawan buhat sa barangay Bambang.
_____ 2. Napagtagumpayan ni Marlon ang isang matinding pagsubok na nangyari sa
kanya.
_____ 3. Natalo sa eleksiyon ng pagkapangulo si Ginoong Artemio Peralta.
_____ 4. Nagbuwis ng buhay ang mga bayani ng bansa lalo na ang mga tubong Bulacan.
_____ 5. Tumatag ang damdamin at kalooban ni Arnulfo pagkatapos na siya ay gumaling sa
Covid-19.

13
Pang-isahang Pagsusulit 2
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod kung ito ay nagpapahayag ng masaya o malungkot
na pangyayari. Iguhit ang hugis puso kapag masaya at biyak na puso kapag nagpapahayag
ng malungkot na pangyayari. Iguhit sa kahon bago ang bilang.

- kapag masaya - kapag malungkot

1 Nakasagutan ni Joel ang kaniyang nakababatang kapatid dahil


lamang sa nakalimutang kalat na hindi naitapon sa basurahan.

2 Kinausap ng guro sa opisina ang mag-aaral na pumunit ng


aklat.

3 Maraming regalo ang natanggap ni Marlon noong kaarawan


niya.

4 Nakatanggap ng mensahe si Ruel buhat sa kaniyang ama na


nasa San Ildefonso, Bulacan na ito ay magbabakasyon sa
Bambang, Bulakan, Bulacan.

5 Nagconfirm sa facebook ang kaklase ni Maria na gusto niyang


maging FB friend.

6 Hindi na pinapansin ni Lalaine ang kaniyang kaibigan dahil sa


sama ng loob sa pangyayari.

7 Bumaba ang marka ni Jose sa Araling Panlipunan dahil sa


patuloy niyang pagpapabaya sa pag-aaral.

8 Dinala sa pagamutan ang matandang lalaki na nabundol ng


humahagibis na sasakyan sa barangay San Nicolas.

9 Nagwagi ang koponan ng Team Bambang laban sa koponan


ng Team Bagumbayan sa ginawang inter-barangay
competition sa basketbol.

10 Pinagsabihan si Annika ng kaniyang gurong tagapayo dahil sa


panunukso nito sa kaklase.

14
Pang-isahang Gawain 2
Panuto: Tukuyin kung anong naaayon na mga emoji sa bawat pahayag. Basahin at unawain
ang mga halimbawa ng pahayag. Matapos na basahin ay pumili ng mga emoji sa kahon at
iguhit ito sa loob ng kahon na nakalaan sa bawat bilang.

1 2 3 4 5

6 7 8 9 10

1. Hindi inaasahan ni Sir Jonathan ang pagkapanalo niya sa raffle na ginanap sa Bulakan
District noong Teacher’s Day.
2. Nanginig ang katawan ni Annalyn ng mabasa ang mensahe mula sa kanyang tiyahin
sa probinsya na nasa ICU ang kaniyang lola Minda.
3. Nagsalubong ang kilay ni Margie nang malaman niya na ang umagaw sa kanyang
boyfriend ay ang kaniyang bestfriend na si Rebecca.
4. Pinasalamatan ng punongguro sina G. Armando at Gng. Luzvimminda sa kanilang
pagkakaloob ng lupa para sa paaralan.
5. Natuwa si Margilline nang alayan siya ni Jashua ng labindalawang pulang rosas sa
araw ng kaniyang ikalabing-walong kaarawan.
6. Nagalak sa tuwa si JM ng dumaan sa harapan ng kanilang silid-aralan ang kaniyang
crush na si Mary Jean.
7. Sa pag-uusap ng dalawang magkaibigan ay naisahan ni Tonio si Lando.
8. Dahil sa naiwang mamanahing lupa kina Anna at Fe ang kanilang mga magulang ay
hindi nila napagkasunduan ang tamang parte ng lupa.
9. Marahang lumakad sa pasilyo si Andrew ng sabihin ng doktor na ang kaniyang
kaibigan ay may kanser sa dugo.
10. Napalundag sa tuwa ang mag-asawang Marge at Jash sapagkat dumating na ang
pagkakataon na sila ay magiging mga magulang na.

15
Pang-isahang Pagsusulit 3
Panuto: Isulat sa nakalaang patlang ang salitang WASTO kung ang may salungguhit na salita
ay nagsasabing tama ang pahayag. Kung mali ang may salungguhit na salita ay isulat ang
tamang sagot sa patlang.

___________ 1. Ang kamalayan sa sarili ay ang pagkilala at pagsuri sa sariling emosyon ay


isang malinaw na pagpapahayag ng kamalayan.

___________ 2. Balakid sa sarili na mapamahalaan ang emosyon, lalo na sa tuwing tayo ay


nakakaranas ng mga negatibong puna buhat sa ating kapuwa.

___________ 3. Sa tuwing nawawalan ng pag-asa ay laging iisipin na may taong sa atin ay


tutulong.

___________ 4. Ang pagkilala at paggalang sa emosyon ng iba ay humihikayat na tayo ay


dapat kumilala sa damdamin ng iba.

___________ 5. Ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili, malawak at saradong kaisipan at


kalooban, paggalang, pagtanggap sa mga pangyayari, at ang pagiging tapat
sa sinasabi ay mahalaga sa pagpapanatili ng magandang ugnayan sa
kapuwa.

___________ 6. Tanggapin natin na tayo ay takot na harapin ang takot at pagsubok sapagkat
hindi tayo handa.

___________ 7. Maging negatibo sa pagharap sa hamon ng buhay.

____________ 8. Magkakapareho ang uri ng emosyon.

____________ 9. Ang ating emosyon ay mahalagang aspekto ng kalikasan.

____________ 10. Sikapin natin na maging maingat sa paghuhusga.

Pang-isahang Gawain 3
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag na halimbawa. Tukuyin kung ito ay Pagkilala
at paggalang sa emosyon ng iba at Pangangasiwa ng emosyon sa pamamagitan ng
pagbilog sa tamang sagot.

1. Si Re-re ay isang mapagmahal na anak sa kaniyang mga magulang. Labis ang


kaniyang pagkalungkot ng maging positibo ang kaniyang ama sa virus.
(Pagkilala at paggalang sa emosyon ng iba, Pangangasiwa ng emosyon)

2. Natawa si Aga sa ikinuwento ni Amalia na namatay sa sakit na cancer ang babaeng


may-ari ng paupahan sa kanto.
(Pagkilala at paggalang sa emosyon ng iba, Pangangasiwa ng emosyon)

16
3. Nagpasalamat pa si Ana sa mga kaibigan niya ng magkasakit ang matalik niyang
kaibigan.
(Pagkilala at paggalang sa emosyon ng iba, Pangangasiwa ng emosyon)

4. Pinagkakalat ni Marissa ang nangyari sa bestfriend niyang si Analyn dahil iniwan ito
ng kaniyang boyfriend na nagdadalang-tao.
(Pagkilala at paggalang sa emosyon ng iba, Pangangasiwa ng emosyon)

5. Hindi hinayaan ni Maria na hindi sila magkaayos ng kaniyang matalik na kaibigan.


(Pagkilala at paggalang sa emosyon ng iba, Pangangasiwa ng emosyon)

6. Tinanggap na muli ni Armand ang asawang minsan ng nagkamali sa kaniya.


(Pagkilala at paggalang sa emosyon ng iba, Pangangasiwa ng emosyon)

7. Natuwa ang nalulungkot na ama sa muling pagbabalik ng kaniyang anak kahit na ito
ay nagkasala sa kaniya.
(Pagkilala at paggalang sa emosyon ng iba, Pangangasiwa ng emosyon)

8. Hindi naisip ni Marianne na magtatampo sa kanya si Maricel kapag naikuwento niya


sa kanilang barkada ang sikreto nito.
(Pagkilala at paggalang sa emosyon ng iba, Pangangasiwa ng emosyon)

9. Hindi inakala ni JM na masisira ang pagkakaibigan nila ni JJ sa ginawa niyang paninira


sa nobya nito na ayon kay JM ay may iba pang nililigawan si JJ, bagamat ito ay hindi
totoo at ginawa lang niyang biruan.
(Pagkilala at paggalang sa emosyon ng iba, Pangangasiwa ng emosyon)

10. Hindi inaasahan na magagalit si Margaret kay Rosalinda nang minsang ito’y kaniyang
biruin sa pananalitang hindi nito gusto.
(Pagkilala at paggalang sa emosyon ng iba, Pangangasiwa ng emosyon)

Sagutin mo!
Panuto: Kumpletuhin ang mga pahayag.

1. Ang aking mga magulang ay nagtuturo ng tamang pagpapahalaga sa aking


kapwa sapagkat
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

17
2. Ako bilang isang kasapi ng pamayanan ay nakikiisa at sumusunod sa batas
sapagkat
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________

3. Ang aking maaliwalas na mukha at malusog na damdamin ay nagpapahayag na


maayos ang lahat sapagkat
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________

4. Ang aking pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa aking kapwa ay dapat


maipadama sapagkat
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________

REPLEKSYON
Panuto: Mula sa iyong sariling pananaw, ikaw bilang isang indibidwal, paano mo
mapangangasiwaan ang iyong emosyon kung sa panahon ng pandemic ay may kaanak ka
na nagpositibo sa sakit na Covid 19? Sagutin sa pamamagitan ng lima hanggang anim na
pangungusap.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

18
IKAW NAMAN!
Panuto: Bumuo ng isang sanaysay ukol sa: Pagkilala at Paggalang sa Emosyon ng Iba.
Ano-anong mga hakbang o halimbawa ang iyong gagawin upang magawa mo ito sa iba?
Buuin mo ito sa sampung pangungusap.

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Rubrik sa pagmamarka ng Sanaysay

Deskripsyon Puntos Nakuhang


Pamantayan marka
Ang mga inilagay na salita, pahayag at
Kawastuhan pangungusap ay maliwanag at tumutugma sa 8
paglalarawan sa pagkilala at paggalang sa
emosyon sa iba.
Wasto at makatotohanan ang impormasyon. May
Nilalaman pinagbatayang pag-aaral at pagsasaliksik. 7
Kumprehensibo at malinaw ang daloy ng
Organisasyon pangungusap. Maayos na naipahahayag ang 6
konsepto ng paggalang sa emosyon ng iba.
Sarili ang istilo sa pagsasaayos ng mga katagang
Pagkamalikhain naisulat. 4

25

19
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong sagutang papel.

1. Ang pagkakaroon ng _________, malawak at bukas na kaisipan at kalooban,


paggalang, pagtanggap sa mga pangyayari, at ang pagiging tapat sa sinasabi ay
mahalaga sa pagpapanatili ng magandang ugnayan sa kapuwa.
a. masayang mukha
b. tiwala sa sarili
c. malusog na damdamin
d. panatag na isipan

2. Ang pakikisalamuha sa iba ay pagpapahayag ng ating emosyon sa pamilya, kaibigan,


at sa ating kapwa.
a. Pagkilala at paggalang sa emosyon ng iba
b. Paghikayat sa sarili
c. Pangangasiwa ng relasyon at ugnayan
d. Pangangasiwa ng emosyon

3. Narinig ni Ana mula sa kanilang kapitbahay na ang kaniyang nanay ay isa sa mga
nagbabalita na si Aling Ebeng ay may nakakahawang sakit.
a. Pagkilala at paggalang sa emosyon ng iba
b. Paghikayat sa sarili
c. Pangangasiwa ng relasyon at ugnayan
d. Kamalayan sa sarili

4. Hindi alam ni Jacqueline na siya pala ay nakakasakit na sa tuwing siya ay nagbibiro


sa kaniyang mga kamag-aral.
a. Pagkilala at paggalang sa emosyon ng iba
b. Paghikayat sa sarili
c. Pangangasiwa ng relasyon at ugnayan
d. Kamalayan sa sarili

5. Akala ni Ambet ang pagbibigay niya ng bansag sa kaniyang mga kasamahan sa


trabaho ay makabubuti dahil napapasaya at napapatawa niya ang mga ito, pero may
kasamahan pala siya na hindi masabi na siya ay nakakapanakit na ng damdamin.
a. Pagkilala at paggalang sa emosyon ng iba
b. Paghikayat sa sarili
c. Pangangasiwa ng relasyon at ugnayan
d. Kamalayan sa sarili

6. Ayaw paapekto ni Joy sa tsismis na ang kaniyang asawa ay may ibang babae.
a. Pagkilala at paggalang sa emosyon ng iba
b. Paghikayat sa sarili
c. Pangangasiwa ng relasyon at ugnayan
d. Pangangasiwa ng emosyon
20
7. Nag-aalala si Vanessa sa pwedeng mangyari sa kaniyang mga magulang kung ito
ay magtutungo sa ospital para magpa check-up lalo na ngayong may Covid 19 na mga
pasyente sa ospital.
a. Tanggapin na tayo ay takot na harapin ang takot
b. Lahat ng bagay may katapusan
c. Tanungin ang sarili
d. Isaisip na ang tagumpay ay hindi yaman, katanyagan at ganid.

8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa limang aspekto ng EQ


a. Pagkilala at paggalang sa emosyon ng iba
b. Paghikayat sa sarili
c. Pangangasiwa ng relasyon at ugnayan
d. Pagkilala sa tagumpay ng sarili

9. Alin ang hindi kabilang sa ilang mungkahing paraan upang mapangasiwaan,


makayanan at mapagtagumpayan ang emosyon.
a. Ipagmalaki na hindi na kailanganin ang tulong ng iba
b. Lahat ng bagay may katapusan
c. Tanungin ang sarili
d. Isaisip na ang tagumpay ay hindi yaman, katanyagan at ganid.

10. Mahalagang aspekto ng kalikasan ng isang tao.


a. Kayamanan
b. Kapangyarihan
c. Emosyon
d. Respeto

11. Muntik na mapasigaw si Vanessa ng makita at dumaan sa kanyang harapan ang


kaniyang crush, ngunit pinili pa rin niya na kumilos bilang isang dalaga.
a. Pamamahala sa sariling emosyon
b. Pagkilala sa sariling emosyon
c. Pamamahala sa ugnayan
d. Motibasyon

12. Malaking abala ang hindi sinasadyang pagsisiga ng kapitbahay ni Karren sapagkat sa
tuwing siya ay magsasampay ay may usok na nanggagaling sa kabilang bakod. Isang
araw ay nagsadya na siya rito upang ito’y kausapin sa maayos na paraan ang
kapitbahay.
a. Pamamahala sa sariling emosyon
b. Pagkilala sa sariling emosyon
c. Pamamahala sa ugnayan
d. Motibasyon

13. Hinanda ni Jashua ang sarili para sabihin ang nararamdaman niya sa babaeng gusto
niya at pinag-isipang mabuti ang hakbang na kaniyang gagawin.
a. Pamamahala sa sariling emosyon
b. Pagkilala sa sariling emosyon
c. Pamamahala sa ugnayan
d. Motibasyon
21
14. Napatunayan ni Margiellene na tama ang pasya niya nang siya ay lumahok sa
patimpalak sa paaralan sa larangan ng pagsayaw.
a. Pamamahala sa sariling emosyon
b. Pagkilala sa sariling emosyon
c. Pamamahala ng ugnayan
d. Motibasyon

15. Nasaktan mo ang iyong kapatid dahil ginamit niya ang bago mong sapatos ng hindi
nagpapaalam. Ano ang idinulot ng iyong kilos?
a. Nailabas mo ang iyong sama ng loob.
b. Hindi na niya inulit ang kanyang ginawa.
c. Gumaan ang iyong loob dahil ikaw ay nakaganti na.
d. Nagkaroon ng suliranin sa ugnayan sa iyong kapatid.

Panuto: Bumuo ng isang poster sa oslo paper tungkol sa kahalagahan ng pagpapahayag ng


emosyon lalo na ngayong may pandemya tayong nararanasan.

Rubrik sa pagmamarka ng Poster

Pamantayan Deskripsyon Puntos Nakuhang


marka
Kawastuhan Ang mga iginuhit na larawan at paliwanag ay 8
tumutugma sa kahalagahan ng pagpapahayag ng
emosyon at damdamin ngayong panahon ng
pandemic.
Nilalaman Wasto at makatotohanan ang impormasyon. May 7
pinagbatayang pag-aaral, artikulo o pagsasaliksik
Organisasyon Kumprehensibo at malinaw ang daloy ng poster. 6
Maayos na naipahayag ang konsepto.
Pagkamalikhain Sarili ang istilo sa pagsasaayos. Tumpak ang 4
disenyo at kulay.
25

22
23
24
Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao 8, Kagamitan ng Mag-aaral. Unang Edisyon, 2013.

Edukasyon sa Pagpapakatao 8, Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao. Unang


Edisyon, 2018.

25
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan

Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

26

You might also like