You are on page 1of 25

8 sa Pagpapakatao

Edukasyon

10
Ikalawang Markahan-Modyul 7
Kahalagahan ng Mapanagutang
Lider at sa
Tagasunod
Pagpapakatao
EsP8PIIg-8.1
Unang Markahan
Dignidad
EsP10MP-If-4.1

1
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Kahalagahan ng Mapanagutang Lider at Tagasunod
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang
akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyulna ito ay nagtataglay ng karapatangari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na
ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim : Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim : Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat : Carlo P. Dela Cruz
Editor : Everlasting N. Fernando
Tagasuri : Wilma P. Benedicto
Tagaguhit : Haydie Alcantara
Dibuhista : Carlo P. Dela Cruz

Tagapamahala
Gregorio C. Quinto, Jr., EdD
Chief, Curriculum Implementation Division
Rainelda M. Blanco, PhD
Education Program Supervisor - LRMDS
Agnes R. Bernardo, PhD
EPS-Division ADM Coordinator
Glenda S. Constantino
Project Development Officer II
Agnes R. Bernardo, PhD
EPS – EsP
Joannarie C. Garcia
Librarian II

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
8
Edukasyon
sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan-Modyul 7
Kahalagahan ng Mapanagutang
Lider at Tagasunod
EsP8PIIg-8.1
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kahalagahan ng Mapanagutang Lider at
Tagasunod.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong
o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Kahalagahan ng Mapanagutang Lider at Tagasunod.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan
ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang
kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking
kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-
akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

1
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay
sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
Pagyamanin unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang
antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

2
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
Susi sa Pagwawasto mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng
modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa
iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi:
Kaya mo ito!

3
Alamin

Pamilyar ka ba sa mga katagang, “Two heads are better than one” at “It
takes two to tango?” Ang mga katagang ito ay maihahalintulad din sa isang walis
tingting. Naranasan mo na bang gamitin ito nang isang tingting lang? Hindi ba’t wala
kang madakot’ ni mawalis? Magagamit lamang ito kapag ito ay isang bungkos.
Ang konseptong ito ay maihahambing sa isang samahan. Sa isang pangkat,
bawat isa ay may tungkuling ginagampanan. Ang lider at miyembro o tagasunod ay
may mahalagang papel tungo sa pagkamit ng iisang layunin. Kaya anoman ang
iyong papel sa pangkat na iyong kinabibilangan, ito ay mahalaga at nararapat
lamang na gampanan ito nang may pananagutan.
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang kaalaman,
kakayahan at pag-unawa na may layuning:

• Natutukoy ang kahalagahan ng pagiging mapanagutang lider at


tagasunod.
• Nabibigyang halaga ang mapanagutang pagganap ng papel bilang
lider at tagasunod sa pangkat.
• Naisasagawa ang angkop na kilos bilang isang lider at tagasunod
na nakabatay sa sitwasyon.

Subukin

Panuto: Ang bawat bilang ay may dalawang pahayag. Basahin at unawain ang mga ito.
Tukuyin ang kawastuhan o kamalian ng bawat pahayag. Piliin ang angkop na letra para sa
bawat bilang.
A. Tama ang una at ikalawang pahayag.
B. Tama ang una ngunit mali ang ikalawang pahayag.
C. Mali ang una ngunit tama ang unang pahayag.
D. Mali ang una at ikalawang pahayag.

______ 1. Nakasalalay sa pamumuno ng lider ang tagumpay ng isang pangkat.


Ang isang samahan ay magtatagumpay kung ang bawat miyembro ay
susuporta rito.

______ 2. Mas madali ang pagkamit ng layunin kung pananatilihin ng lider at tagasunod
ang kapayapaan at pagkakaisa sa pangkat.

Ang isang pangkat ay nangangailangan ng tagasunod na magdedesisyon at


magbibigay direksyon.

4
______ 3. Hindi na kinakailangan pang dumaan sa pagiging isang tagasunod ang isang
lider.
Karamihan sa mahuhusay na lider ay minsan ding naging tagasunod.

Nangangailangan ng isang responsableng pamumuno ang isang pangkat


______ 4.
upang makamit nito ang layunin.

Ang miyembro o tagasunod ang katuwang ng lider sa pangkat dahil hindi


lamang lider ang maaaring mag-isip at magdesisyon.

______ 5. Sa pamamagitang ng isang lider, maaaring maisakatuparan ang isang


layunin, maging ito man ay makatarungan o makasariling adhikain.

Hindi na kinakailangan paghusayan ng miyembro o tagasunod ang kanilang


gawain kung mayroon silang mahusay na lider.

Tungkulin ng lider na pagkaisahin ang hindi nagkakasundong miyembro ng


______ 6. pangkat.

Sadyang mayroong taong hindi mo magugustuhan kahit pa sabihin na kayo


ay nabibilang sa iisang pangkat. Normal lamang ang hindi pagkakaunawaan
at hindi ito makaaapekto sa mga bagay na kailangan ninyong gampanan.

______ 7. Isang kahihiyan sa lider na malamangan siya ng kaniyang tagasunod, kaya


nararapat lamang na hindi niya ito gabayan o turuan.

Mas madali ang trabaho ng tagasunod na may mahusay na lider sapagkat


.
maaari na lang silang umasa sa namumuno.

Mas masayang maging lider dahil may tagasunod na gagawa at kikilos para
______ 8.
makamit ang layunin ng pangkat.
Nakasalalay sa miyembro o tagasunod ang kalakasan at kahinaan ng isang
pangkat.

Bilang lider, mas nararapat na pagtuunan ng pansin ang pagkamit ng layunin


______ 9.
kaysa sa nararamdaman ng miyembro o tagasunod ng pangkat.
Sadyang may mga bagay at posisyon para sa bawat isa. Ang isang
tagasunod ay nararapat na makontento sa kanyang papel sa pangkat at
huwag nang umasang maging lider pa.

5
Ang lider ay nagsisilbing inspirasyon at modelo.
______ 10.
Mahalaga na malinang mo ang kakayahang sumunod dahil ito ay isang
hakbang tungo sa pagkamit ng iyong kaganapan.

______ 11. Mahalagang maunawaan ng bawat miyembro ang kahalagahan ng kanilang


papel sa grupo.

Ang pagganap sa iyong tungkulin ay maaaring magbunga ng magandang


ugnayan sa iyong kapwa.

______ 12. Ang pagiging lider ay nangangahulugang pagiging pinakamahusay sa lahat


ng aspekto kumpara sa tagasunod.

Sa pagpili ng lider, nararapat na piliin ang kasundo mo kaysa sa may sapat


na kakayahan.

______ 13. Mas mahalaga ang papel na ginagampanan ng lider kaysa sa tagasunod.

Ang bawat grupo ay may iba’t-ibang adhikain kaya nararapat na sumali sa


isang grupong may adhikaing kagaya ng sa iyo.

______ 14. Isa lamang sa kakayahang mamuno at sumunod ang nararapat mong
linangin.

Ang pagiging lider ay hindi basta-basta ipinagkakaloob, ito ay pinaghihirapan.

______ 15. Walang lider kung walang tagasunod.


Nararapat na isaalang-alang ng lider ang kanyang personal na interes kaysa
sa interes ng nakararami dahil ito ay kanyang pribilehiyo.

Balikan

Panuto: Basahin at unawain ang senaryo sa ibaba. Sagutin ang mga tanong na kaugnay nito.

Mahal na mahal mo ang iyong magulang at alam mong mahal na mahal ka rin
nila. Batid mong nagsusumikap sila upang matustusan ang iyong pangangailangan
lalo na ang iyong pag-aaral. Sa kabila ng kanilang pagpupursigi alam mong mahirap
ang buhay at minsan ay kinakapos pa rin ang inyong pamilya. Ito ang naging dahilan
upang makipagsapalaran ang iyong ama sa ibang bansa.

6
Kung ikaw ang nasa sitwasyong ito, ano ang mararamdaman mo?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Ano-anong mga hakbang ang nararapat mong gawin upang mapamahalaan


ang emosyong ito?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Tuklasin

Ang Aming Pangkat


ni Carlo P. Dela Cruz

Masipag, matalino, at mabait ang naitalagang lider ng aming pangkat, si Andrea.


Gusto siya ng lahat.
Sa araw na ito maaga kaming pumasok upang pag-usapan ang aming proyektong
comic strip sa EsP. Naupo kami sa upuang yari sa bato sa may lilim ng puno malapit sa
kantina.
“Pasensya ka na Andrea! Hindi ako mahusay gumuhit,” wika ni Joel, isa sa aming
kagrupo.
“Ako rin, hindi ako makatutulong, aalis kasi kaming pamilya, dadalaw sa aming kaanak
sa Pampanga,” tugon ni Janice.
“Magbabayad na lang kami, kayang-kaya mo na iyan,” sambit ni Sam na duda ko ay
maglalaro lang ng Mobile Legends kaya ayaw tumulong.
“Tama! Maghahati-hati na lang kami sa magagastos,” sang-ayon ni Joel.
Tumatango-tango lang si Andrea habang nakikinig sa aming mga kagrupo. “Ikaw
Clark?” tanong niya sa akin.

7
“T-tulong ako!” biglang sagot ko. Nangiti si Andrea. Hilig ko talaga ang gumuhit at
bukod pa doon hindi ko maaatim na hindi tumulong sa aming proyekto.
“Hindi natin pwedeng iasa na lamang ang proyekto nating ito sa iilang tao lamang!”
paliwanag ko habang nakatingin sa aking mga kagrupo na mga nakakunot ang noo.
Nakita kong tumayo si Andrea “Hindi porke hindi tayo mahusay sa isang bagay ay
wala na tayong maaaring maitulong sa isang samahan,” nakangiting paliwanag niya. “Mas
maaga nating matatapos ang isang gawain kung tayo at magtutulungan. Kung magsisimula
tayo ngayon, magkakaroon pa tayo ng panahon para sa kanya-kanya nating gawain,” dagdag
niya. Nakita ko ang determinasyon sa kaniyang mga mata.
Sa huli, nagkasundo na ang aming pangkat. Naghati-hati na kami ng gawain batay sa
aming kakayahan.
Habang naglalakad kami papunta sa aming silid-aralan, lumapit sa akin si Andrea.
“Salamat Clark, mas pinili mong tumulong sa kabila ng mga sinabi nila. Nagkaroon ako ng
lakas ng loob dahil sayo, dahil mayroong handang tumulong sa akin bilang lider,” paliwanag
niya.
Nagulat ako sa sinabi niya, dahil lingid sa kaniyang kaalaman ay hinahangaan ko siya
bilang lider. Hindi ko akalain na ang simpleng paggawa ko ng aking tungkulin bilang miyembro
ay may malaking impluwensiya sa lider at sa iba.
“Alam mo, magiging mahusay kang lider Clark,” sambit niya bago tuluyang humiwalay
sa akin.

Mga Tanong:

1. Paano mo mailalarawan si Andrea bilang lider at si Clark bilang tagasunod?


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2. Batay sa kuwentong binasa, nakaaapekto ba ang mga gawi ng lider at tagasunod sa isa’t
isa? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

3. Naniniwala ka ba kay Andrea na magiging mahusay na lider din si Clark? Ipaliwanag.


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

4. Kung ikaw si Andrea paano mo haharapin ang sitwasyong nabangit sa kwento?


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

5. Kung ikaw si Clark paano mo hihikayatin ang iyong mga kasamahan upang tumulong sa
proyekto?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

8
Suriin

Kahalagahan ng Mapanagutang Lider at Tagasunod

“Bumuo ng limang pangkat!” masiglang wika ni Ma’am. Isa sa pinakamasayang


gawain sa loob ng silid-aralan ay ang pangkatang gawain. Sa ganitong gawain, maaari mong
maranasan ang maging lider o kaya naman ay tagasunod. Ang lider at tagasunod ay
konseptong magkaugnay at mahirap paghiwalayin. Kinakailangan ng lider sa isang pangkat
dahil siya ang nagbibigay ng direksyon sa grupo, nagpapanatili ng kaayusan at
nagdedesisyon na isinasaalang-alang ang kabutihang panlahat. Ang tagasunod ay kasing
halaga ng lider. Walang saysay ang pagiging lider kung walang tagasunod. Sila ang katuwang
ng lider sa pagkamit ng layunin. May kakayahan din silang makapagbigay ng ideya at
suhestiyon dahil hindi lamang lider ang maaaring mag-isip sa isang pangkat.
Sa mga nakalipas na aralin, naunawaan mo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng
isang mabuting ugnayan sa kapwa sa paghubog ng iba’t ibang aspekto ng iyong pagkatao
tungo sa pagkamit ng iyong kaganapan. Magkakaroon ka ng mabuting ugnayan sa iyong
kapwa kung malilinang mo ang iyong kakayahang gampanan ang tungkulin batay sa hinihingi
ng sitwasyon, maaaring pagiging lider man o tagasunod.
Ikaw? Marahil naranasan mo nang maging bahagi ng isang pangkat. Sa paaralan man
iyan, isports o maging sa barkada o kung tawagin ay squad. Maging ano man ang iyong
tungkulin na ginagampanan sa pangkat na kinabibilangan, kailangang malaman mo na ito ay
mahalaga, kaya ito ay nararapat na mapanagutang gampanan.

Kahalagahan ng Pamumuno at ng Lider

Marahil sa iyong edad at sa yugtong ito ng iyong buhay ay naranasan mo nang


mamuno. Kamusta ang karanasan mo bilang lider? Kalugod-lugod ba o mahirap? Ano’t ano
pa man ang iyong naramdaman o naranasan sa mga pagkakataong ikaw ay namuno, alam
kong nabatid mo na ang namumuno ay nararapat na maging isang responsableng lider.

9
Isang patunay ang mga pangyayari noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig na sa
pamamagitan ng lider ay maaaring maisakatuparan ang isang makatarungang layunin maging
ang makasariling layunin na nakaaapekto sa dignidad ng kaniyang kapwa. Kagaya na lamang
nina Winston Churchill at Adolf Hitler. Si Churchill ay ang Punong Ministro ng Gran Britanya
noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ginawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang
hindi masakop ng grupo ng noo’y pinuno ng Nazi ng Alemanya na si Adolf Hitler ang Britanya.
Si Hitler naman ang diktador na nagpasimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Siya ay
may intensiyong palakasin ang kaniyang nasasakupan sa pamamagitan ng pagsakop sa iba’t
ibang teritoryo gamit ang dahas. Kilala rin siya sa pagkitil ng buhay ng milyon-milyong mga
Hudyo.
Sa ating panahon, hindi ba’t nasasaksihan din kung paanong sa tulong ng lider ay
nakakamit ang layunin ng isang pangkat positibo man ito o negatibo? Halimbawa na lamang
ay ang pagpupursiging ginagawa ng presidente ng Supreme Student Government sa inyong
paaralan upang makamit ang magagandang adhikain na kapaki-pakinabang para sa lahat. At
ang mga hindi kanais-nais na gawi ng mga grupong may mga masasamang adhikain kagaya
ng masasamang prat o gang.

Congratulations! sa iyong
matagumpay na
programa.

Nakasalalay sa lider ang tagumpay ng isang kompanya. Kagaya na lamang ni Steve


Jobs na isa sa mga tagapagtatag ng kompanyang Apple. Si Jobs ay umisip at gumawa ng
mga produktong may mga kakaibang katangian kumpara sa kakompitensiya nito. Naging
tanyang ang Apple at ang mga produkto nito gaya ng iPhone at MacBook at hinirang pa siya
bilang Person of the Year 2010 ng The Financial Times.
Isa pang halimbawa nito ay ang tagumpay ng SM Investments Corporation (SM) na
itinatag ni Henry Sy. Ang SM ay sinimulan bilang isang maliit na tindahan ng sapatos na kung
tawagin ay Shoemart ni Sy na may pangarap na makapagbenta nang maayos na pares ng
sapatos sa bawat Filipino. Bunga ng pagtitiyaga ni Sy, ito ay lumago at nakilala hindi lamang
sa Pilipinas kung hindi pati na rin sa ibang bahagi ng mundo.
Napakahalaga ng isang samahang nagkakaisa sa pagkamit ng layunin. Isa sa mga
kalugod-lugod na kakayahan ng lider ay ang mapanatili ang kaayusan at mapagkasundo ang
mga hindi nagkakaisang miyembro. Kagaya na lamang ng ginawa ni Mohandas Karamchand
Gandhi na mas bantog sa tawag na Mahatma Gandhi ng India. Napagtagumpayan ni Gandhi
na pagkaisahin ang hindi nagkakaunawaang mamamayan dahil sa pagkakaiba ng pananaw,
relihiyon at estado sa lipunan.

10
Hindi ba’t mas kaaya-aya ang ganitong klase ng lider? Isipin mo na lang kung ang
presidente o sinomang opisyal ay hahayaan ang hindi pagkakasundo sa inyong pangkat.
Hindi ba’t away at kaguluhan ang maaaring maganap? O kaya naman sa inyong pangkatang
gawain. May maisasakatuparan ba kayong layunin kung hindi nag-uusap ang miyembro ng
inyong grupo?
Ngayong nabatid mo ang mga bagay na kayang makamit at mapagtagumpayan ng
isang samahan na may mahusay na lider, mahalagang maunawaan mo ang bigat ng
responsibilidad na kinakaharap ng namumuno. Ayon nga kay uncle Ben sa pelikulang Spider-
Man (2002), “With great power comes great responsibility!” Ang lider ay dapat na isinasaalang-
alang ang ikabubuti ng lahat, nagsisilbing huwaran, nagbibigay inspirasyon at humuhubog o
humahasa sa kakayahan ng mga miyembro upang sa gayon balang araw ay maging lider din.

Kahalagahan ng Tagasunod
Ang pamumuno ay papel na hindi basta-basta ipinagkakaloob, ito ay pinaghihirapan.
Karamihan sa mga mahuhusay na lider ay naging tagasunod din. Kagaya na lamang ng
manager sa paborito mong fast food na McDonald’s o Jollibee. Hindi ba’t karamihan sa kanila
ay nagsimula muna bilang isang tauhan? Marahil base sa kanilang karanasan at pagpupursigi
sila ay nahasa at natuto hanggang sa sila may makatanggap ng promosyon. Ang isang lider
ay hindi rin naman namumuno sa lahat ng pagkakataon dahil ang lider ay may lider din.
Mahalagangang maunawaan mo na sa buhay natin mayroong isang tao na laging mas
nakatataas sa atin. Kaya mahalaga na malinang mo ang iyong kakayahang mamuno at
sumunod.
Sa paaralan may mga pagkakataon na nagtatalaga ng pangkatang gawain o
pagtatanghal ang guro. Ano kaya ang maaaring mangyari sa pangkatang gawain kung ang
samahan ay kulang o walang suporta mula sa miyembro? Basahin ang sitwasyon sa ibaba.

Kailangan nating Nakakatamad


pumasok bukas gumising Maglalaro
nang maaga nang maaga. ako e.
para sa ating
dula-dulaan. Ano sa
tingin
ninyo?

11
Magiging maayos kaya ang kalalabasan ng kanilang dula-dulaan? Marahil ay hindi,
sapagkat ang isang samahang walang suporta mula sa miyembro o tagasunod nito ay hindi
magtatagumpay.
Ayon kay Kelly (1992), hindi ka maaaring maging isang lider kung wala kang
tagasunod. Imposibleng mamuno kung walang pamumunuan. Kahit gaano pa kahusay ang
isang lider mahalagang maunawaan na sa miyembro o tagasunod nakasalalay ang kalakasan
o kahinaan ng isang pangkat. Ipagpalagay nating ikaw ay may ari ng isang kompanya o
negosyo na naghahanap ng bagong empleyado. Hindi ba’t mas pipiliin mo ang mas
mahuhusay na aplikante kumpara sa iba? Ayon naman kay Barbara Kellerman ng Harvard
University, ang layunin ng samahan ay naisasakatuparan ng mga epektibong tagasunod.
Kaya nga kapag gusto mong sumali sa isang samahan ng manganganta, mananayaw, isports
kagaya ng basketball o samahang pang-akademiko ay nangangailangan ka pang dumaan sa
awdisyon. Ito ay upang matukoy kung ang nagnanais na maging miyembro ay may katangiang
kinakailangan upang makamit ang layunin ng samahan.
Ang pagiging tagasunod ay hindi nangangahulugang pagiging mababa sa iba. Ang
pag-unlad ng iyong pagkatao ay nakasalalay sa pagtupad mo ng iyong tungkulin. Ano man
ang iyong papel sa pangkat na iyong kinabibilangan mahalaga na magampanan mo nang may
pananagutan ang iyong tungkulin dahil ito ay makatutulong upang mapagtagumpayan mo ang
iyong kaganapan.

Pagyamanin

Pang-isahang Pagsusulit 1
Panuto: Ang mga sumusunod ay mga pahayag na hango sa tekstong binasa. Ayusin ang
mga ginulong letra upang maitama ang diwa ng pangungusap.

1. Ang lider at tagasunod ay konseptong AGKOTKAENAMK at mahirap paghiwalayin.


2. NGPOIMBELIS mamuno kung walang pamumunuan.
3. Ang papel ng lider at tagasunod ay magkasing LAHGAA.
4. Ang pagiging tagasunod ay hindi nangangahulugang pagiging ABMAAB sa iba.
5. Napakahalaga ng isang samahang AISAGKAKNA sa pagkamit ng layunin.
6. Ang pagkakaroon ng isang mabuting ugnayan sa kapwa ay mahalaga sa paghubog
ng iba’t ibang aspekto ng iyong pagkatao tungo sa pagkamit ng iyong AGANKAANP.
7. Sa tulong ng lider ay makakamit ang YALINNU ng isang pangkat, positibo man ito o
negatibo.
8. Ang tagasunod ay may kakayahang makapagbigay ng ideya at HUSEIYTSON dahil
hindi lamang lider ang pwedeng mag-isip sa isang pangkat.
9. Ang lider ay humuhubog o humahasa sa kakayahan ng YOIBEMRM upang sa gayon
balang araw ay maging lider din sila.
10. Ang pamumuno ay papel na hindi basta-basta ipinagkakaloob, ito ay
GAIHNPAARIHIPN.

12
Pang-isahang Gawain 1
Panuto: Basahin ang at kumpletuhin ang diwa ng bawat aytem sa ibaba. Hanapin at bilugan
sa palaisipang krosword ang salitang kukumpleto sa bawat diwa ng mga pangungusap.

B P N A G K A K A I S A

H Z A X Q J O L N P A O

L R S M A B A B A N A U

O T O R U N B A Y A T E

V K L E N M A N A S A L

E M A D A O U P N U T I

K A H I N A A N G Y A R

W D T L C V B M U A K Y

R S U M U N O D K A A E

Y F G N A W U T A K N S

1. Napakahalaga ng isang samahang _____________ sa pagkamit ng layunin.

2. Ang tagasunod ay _____________ ng lider sa pagkamit ng layunin ng pangkat.

3. Isa sa mga kalugod-lugod na kakayahan ng lider ay ang mapanatili ang _________ sa


pangkat.

4. Ang ____________ ay dapat na isinasaalang-alang ang ikabubuti ng lahat,


nagsisilbing huwaran, nagbibigay inspirasyon at humuhubog o humahasa sa
kakayahan ng mga miyembro upang sa gayon balang araw ay maging kagaya rin niya.

5. Ang pagkakaroon ng ____________ sa iyong kapwa ay mahalaga sa paghubog ng


iba’t-ibang aspekto ng iyong pagkatao tungo sa pagkamit ng iyong kaganapan.
Magkakaroon ka ng mabuting ugnayan sa iyong kapwa kung malilinang mo ang iyong
kakayahang gampanan ang tungkulin batay sa hinihingi ng sitwasyon, maaaring
pagiging lider man o tagasunod.

6. Sa miyembro nakasalalay ang kalakasan o ____________ ng isang pangkat.

7. Mahalagang maunawaan mo na sa buhay natin mayroong isang tao na laging mas


__________ sa atin.

8. Mahalagang malinang mo ang iyong kakayahang mamuno at __________.

13
Pang-isahang Pagsusulit 2
Panuto: Magbigay ng apat na katangian na kinakailangang taglayin ng isang lider at
tagasunod. Ibigay ang dahilan kung bakit ito ang napili mo.

Katangian ng Lider Dahilan

1. ___________________ _____________________________________________
2. ___________________ _____________________________________________
3. ___________________ _____________________________________________
4. ___________________ _____________________________________________

Katangian ng Tagasunod Dahilan

1. ___________________ _____________________________________________
2. ___________________ _____________________________________________
3. ___________________ _____________________________________________
4. ___________________ _____________________________________________

Pang-isahang Gawain 2

Panuto: Itala ang mga kahalagahan ng mapanagutang lider at tagasunod mula sa nabasang
aralin.

Kahalagahan ng Mapanagutang Kahalagahan ng Mapanagutang


Lider Tagasunod

14
Pamprosesong Tanong

1. Alin sa mga kahalagahang iyong itinala ang nagawa o naranasan mo na bilang bahagi
ng isang pangkat?

Bilang lider
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Bilang tagasunod
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Ano ang kinahantungan ng karanasan mong ito?


Bilang lider
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Bilang tagasunod
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Ano-ano ang implikasyon ng pagkakaroon ng mapanagutang lider at tagasunod sa


isang pangkat? Magbigay ng halimbawa.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Isaisip

Panuto: Ngayong nalaman mo na ang kahalagahan ng mapanagutang lider at tagasunod,


nais kong basahin at buuin mo ang mga sumusunod na pahayag.

LIDER

Ang mga katangiang kinakailangan ko bilang isang lider ay _________________________


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Ang pangunahing tungkulin ko bilang isang mapanagutang lider ay___________________


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

15
Ang maipapayo ko sa ibang lider upang mapanagutan niyang magampanan ang kanilang
tungkulin ay ______________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

TAGASUNOD

Ang mga katangiang kinakailangan ko bilang isang tagasunod ay ____________________


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Ang pangunahing tungkulin ko Bilang isang mapanagutang tagasunod ay _____________


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Ang maipapayo ko sa ibang tagasunod upang mapanagutan niyang magampanan ang


kanilang tungkulin ay _______________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Isagawa

Panuto: Kumpletuhin ang hanay ng mga bagay na iyong gagawin kung ikaw ang lider o
tagasunod sa sumusunod na sitwasyon.

Mga nararapat mong gawin bilang:


Sitwasyon
Lider Tagasunod
1. Magkakaroon ng aktibidad ang
KAPANIG Club na iyong
kinabibilangan para sa nalalapit na
paggunita sa taunang Filipino
Values Month. Ang inyong
samahan ay naatasan ng inyong
tagapayo na mag-ayos ng
entabladong paggaganapan nito.
Tatlong araw na lamang ang
nalalabing araw para gawin ito.
2. Mahigpit na itinataguyod ng mga
namumuno sa paaralan na
mapanatili ang kaayusan at
kalinisan nito. Ito ay nagbunga ng
paligsahan na palinisan ng silid-

16
aralan. Bilang isa sa pangkat
Einstein, baitang walo, ano ang
gagawin mo?
3. Sa inyong barangay ay kasali ka
sa grupo ng mga kabataan na
nagsasagawa ng mga proyektong
may layuning mailayo ang iba
pang kabataan sa masasamang
bisyo. Ano-ano ang mga hakbang
na gagawin mo upang maitaguyod
ang “Smoke Free Campaign” sa
inyong barangay?

Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang ang L kung
ang pahayag ay tumutukoy sa lider, T kung sa tagasunod at LT kung pareho itong tumutukoy
sa lider at tagasunod.

1. Sa __________ nakasalalay ang kalakasan at kahinaan ng isang pangkat.


2. Nakasalalay sa ___________ ang tagumpay ang isang kumpanya.
3. Maaaring maisakatuparan ng ___________ ang isang layunin makatarungan man ito
o makasarili.
4. Ang pagganap sa tungkuling ito ay pagsisilbi sa kapwa na makatutulong upang
makamit mo ang iyong kaganapan. ______________
5. Mayroon siyang kakayahang pag-isahin ang hindi nagkakaunawaang samahan.
_____________
6. Ayon kay Barbara Kellerman, maisasakatuparan ang layunin ng isang samahang may
epektibong __________.
7. Ang papel sa pangkat na nangangailangang mapanagutang gampanan. __________
8. Sila ang katuwang upang makamit ang layunin ng isang pangkat. _________
9. May responsibilidad na magdesisyon at magbigay direksyon sa pangkat. __________
10. Ang samahang walang suporta mula sa __________ ay hindi magtatagumpay.
11. Nararapat lamang na iyong linangin ang iyong kakayahan bilang __________.
12. Nagsisilbing inspirasyon at modelo. _________.
13. Ang ________ ay nararapat na humubog at humasa sa kakayahan ng iba upang baling
araw sila ay mamuno rin.
14. Ito ay isang papel sa grupo na hindi basta-basta ipinagkakaloob bagkus ito ay
pinaghihirapan. ___________
15. Karamihan sa mahuhusay na lider ay minsan ding naging isang __________.

17
Karagdagang Gawain

Panuto: Lumikha ng magkahiwalay akrostik gamit ang salitang LIDER at TAGASUNOD na


nagpapakita ng kahalagahan ng pagiging mapanagutang lider at tagasunod. Ang akrostik ay
isang tula o iba pang malikhaing sulatin kung saan ang bawat letra ng isang salita ay
binibigyan ng kahulugan.

L _______________________________________________________
I _______________________________________________________
D _______________________________________________________
E _______________________________________________________
R _______________________________________________________

T _______________________________________________________
A _______________________________________________________
G _______________________________________________________
A _______________________________________________________
S _______________________________________________________
U _______________________________________________________
N _______________________________________________________
O _______________________________________________________
D _______________________________________________________

18
Gabay sa Pagpupuntos

1 2 3 4 5
Muling Kakaunti ang Ang bilang ng Wasto ang Wasto ang
isulat ang salitang wasto at hindi karamihan ng lahat ng
Kawastuan akrostik. nagamit ng wastong salitang salitang
ng salitang wasto. paggamit ng ginamit. ginamit.
ginamit mga salita ay
halos pantay
lamang.
Walang Bahagyang May May malaking Eksakto at
Kaugnayan kaugnayan may kaugnayan kaugnayan lubhang may
ng pahayag ang kaugnayan ang pahayag ang pahayag kaugnayan
sa paksa pahayag sa ang pahayag sa paksa. sa paksa. ang pahayag
paksa. sa paksa. sa paksa.
Sikapin Bahagyang Malikhain ang Malikhain ang Lubhang
pang malikhain ang pagkakasulat pagkakasulat. malikhain at
maging pagkakasulat may sukat at May sukat at nakagagan-
malikhain sa akrostik. tugma ngunit tugma at yak ang
Malikhaing sa Kakaunti ang may katamtamang pagkakasulat.
pagsulat pagsulat. sukat, tugmat. kakaunting inkonsistensi. Angkop ang
inkonsistensi. lahat ng
ginamit na
sukat at
tugma.

19
20
Pagyamanin
Subukin Pang-isahangGawain 1
1. A
2. B
3. C
4. A
5. B
6. B
7. D
8. C
9. D
10. A
11. A
12. D
13. C
14. C
15. B
1. Nagkakaisa 5. Ugnayan
2. Katuwang 6. Kahinaan
3. Kaayusan 7. Nakatataas
4. Lider 8. Sumunod
Tayahin
Pagyamanin 1. T
2. L
Pang-isahang Pagsusulit 1 3. L
1. magkakonekta 4. LT
2. imposibleng 5. L
3. halaga 6. T
4. mababa 7. LT
5. nagkakaisa 8. T
6. kaganapan 9. L
7. layunin 10. T
8. suhestiyon 11. LT
9. miyembro 12. L
10. pinaghihirapan 13. L
14. L
15. T
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Bognoy, Regina Mignon C. et al. (2014). Edukasyon sa Pagpapakatao 8.

https://www.bbc.co.uk/newsround/31043477

https://www.history.com/topics/world-war-ii/adolf-hitler-1

https://www.sminvestments.com/company/our-history

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan

Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

22

You might also like