You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

December 14, 2020

I. LAYUNIN
Matapos ang aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan:
A. Naipaliliwanag ang konsepto at pagkakaroon ng Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity
at Prinsipyo ng Pagkakaisa.
B. Natutukoy kung ang mga sumusunod na Gawain o samahan ay tumutukoy sa Lipunang
Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity o Prinsipyo ng Pagkakaisa.
C. Napahahalagahan ang pagkakaroon ng Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at
Prinsipyo ng Pagkakaisa.

II. NILALAMAN:
A. Paksang Aralin : Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng
Pagkakaisa
B. Sanggunian : EsP Modyul, Unang Markahan, EsP9PL-lc2.1
Internet
C. Kagamitan : Laptop, Internet Connection, Google Meet Apps

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati ng Guro
2. Panalangin
3. Pagbibigay ng panuto sa mga bagay na dapat at di-dapat gawin habang nag-aaral online.
Hal.: - Palaging ilagay sa “mute mode” ang mga selpon o laptop habang nagka-klase
maliban kung tatawagin o kakausapin ng guro.
4. Pagtatala ng liban
5. Balik-Aral
a. Ano ang paksa na ating pinag-aralan sa nakaraang modyul?
Sagot: - Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
b. Anu-ano ang mga Kondisyon sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat?
Sagot: - Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong maka-kilos nang
malaya gabay ang diyalogo, pagmamahal at katarungan.
- Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na pangalagaan.
- Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kanyang
kaganapan.

B. Paglinang ng Aralin
Pakikinig sa maikling kwento.
Panuto: Pakinggan ang maikling kwento at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong:

Tatlong magkakaibigan ang muling nagkita-kita matapos ang matagal na panahon. Ang
una ay galing sa simbahan, ang ikalawa ay mula sa paaralan sa syudad at ang ikatlo ay
sa Baryo naiwan.

Ang sabi ng una, “Ako ay galing sa bayan, doon sa ating simbahan, limang taon matapos
ko matagpuan ang daan sa kabanalan. Kayong dalawa ay sumama sa akin upang
malaman ang aking Nakita. Kung hanap nyo ang lumikha, doon kayo magpunta.”

Sumagot ang ikalawa, “Ang karunungan, aking nalaman, ay daan pala sa katotohanan.
Kaya’t kung nais mamulat sa nilalaman ng nasusulat, bakit hindi sumama, sa paaralan
tayo magpunta?”
Agad na sinabi ng ikatlo, “Akin nang nakita ang dapat kalalagyan, ang piling lugar kung
saan ako hinirang. Sa piling ng pamilya rito sa tahanan, sa aki’y ibinigay na pananagutan.”

Sa lahat ng usapan, may isa palang nakarinig na opisyal na pamahalaan na biglang


tumindig. “Bakit ba tila nag-aalitan tungkol sa lugar na dapat kalagyan? Hindi man lamang
ba ninyo naisip na bawat bagay ay may layuning kalakip? Simbahan man o paaralan,
tahanan o maging pamahalaan, bawat isa’y dakila at may pananagutan, sa kaganapan ng
bawat nilalang. Hindi ba sa halip na kayo ay nagpapagalingan, ay dapat na kayo ay
nagkakasundo at nagbabayanihan?”

Mga Tanong:
1. Ano ang aral na iyong natutuhan sa maikling kwentong narinig? Ipaliwanag.
2. Sa iyong palagay, ano-ano ang mga tungkulin ng bawat sector ng lipunan na
binanggit sa kwento?
3. Paano nagkakaroon ng kontribusyon ang bawat sector ng lipunan sa kaganapan
ng ating pagkatao? Sa kabutihang panlahat? Pangatwiranan.

C. Pagtalakay sa Paksa.
1. Presentasyon ng paksa sa pamamagitan ng powerpoint.

2. Sagutin ang mga tanong:


a. Ano ang dalawang prinsipyo sa pagkamit ng kabutihang panlahat at ano ang masasabi
mo tungkol dito?
b. Bakit mahalaga ang prinsipyo ng pakikipagtulungan at pagkakaisa sa loob ng lipunan?
c. Sa paanong paraan maaaring maipakita ng bawat tao ang kahalagahan ng prinsipyo
ng subsidiarity at solidarity?

D. Pangwakas na Gawain.
1. Paghahalaw
a. Paglalahat
- Bakit mahalaga ang pag-iral ng Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng
Pagkakaisa?

b. Pagpapahalaga
- Para sa iyo, bakit mahalaga ang Prinsipyo ng pakikipagtulungan at
pakikipagbukluran, sa loob ng lipunan?
c. Paglalapat
Panuto: Sagutin ang bawat tanong sa iyong kwaderno.

-Ngayong nalaman natin kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng Prinsipyo ng


Solidarity at Subsidiarity, sa iyong sariling pananaw, paano mo maisasabuhay ang
mga kaisipang ito? Ipaliwanag.

-Sa tulong ng mga inilahad sa isipan, bigyan ng solusyon ang mga sumusunod na
sitwasyon. Ipaliwanag kung ano ang tulong na maibibigay sa iyo ng Prinsipyo ng
Solidarity at Subsidiarity.

* COVID-19 Pandemic
* Laganap na Bisyo
* Kahirapan
* Maruming Pamayanan
* Magkakaaway na Magkakapitbahay

IV. PAGTATAYA
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung ito ba ay tumutukoy sa
konsepto ng; Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity o Prinsipyo ng Pagkakaisa.
Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. Pagbibigay ng pamahalaan ng Social Amelioration Program sa mga Pilipinong higit na


nangangailangan.
2. Pag-uusap ng Home Owners Association na tulungan ang kanilang mga kapitbahay na
nawalan ng trabaho sa panahon ng pandemya.
3. Tinatawag na Secondary Importance.
4. Proseso ng paghahanap ng kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan
upang higit na matupad ang layunin nito.
5. Pagpapaayos ng tulay ng DPWH.

Susi sa Pagwawasto:
1. Prinsipyo ng Subsidiarity
2. Prinsipyo ng Pagkakaisa
3. Prinsipyo ng Subsidiarity
4. Lipunang Politikal
5. Prinsipyo ng Subsidiarity

V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Bumuo ng isang maikling kwento na naglalaman ng mga kaisipan na tumutukoy sa
Prinsipyo ng Solidarity at Subsidiarity. Pumili lamang ng isa sa mga sumusunod na pamagat na
Pagpipilian. Isulat sa isang buong papel.

- Kabataan para sa Solidarity at Subsidiarity


- Ang pamayanan at ang aking Pamilya
- Pagiging Lider ng Pamayanan
Inihanda ni:

Alberto P. Amoguis
Guro 1

Sinang-ayunan nina:

Wilma P. Benedicto
Ulong-Guro, EsP Dept.

Rosauro A. Villanueva, Ph. D.


Punong Guro IV

You might also like