You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON SA ESP 6


Unified Quarterly Test – Unang Markahan
S.Y. 2022-2023

ANTAS NG PAGTATASA /
Bilang
KINALALAGYANG AYTEM
ng
Bilang Bahag
Araw
Bilang Nilalaman ng dan
ng
Aytem ( % )
Pagtu -
MADALI KATAMTAMAN MAHIRAP
turo

Pag-unawa Pagtataya Paglikha


Pagbabaliktanaw Paglalapat Pagsusuri
(Understand (Evaluatin (Creating
(Remembering) (Applying) (Analyzing)
ing) g) )

1 Nakapagsusuri nang mabuti sa mga bagay


na may kinalaman sa sarili at pangyayari. 4 10 16.67 1,2,4,5,6,7 3,8,9,10
EsP6PKP- Ia-i– 37
2 Naisa-Isa ang mga tamang hakbang sa
pagbuo ng desisyon. EsP6PKP- Ia-i– 37 4 10 16.67 14,18,19 12,17 11,16 13,15,20
3 Nakasasang-ayon sa pasya ng nakararami
kung nakabubuti ito. 4 9 15 21,22,25 28,29 23,26,27 24
EsP6PKP- Ia-i– 37

4 Naipahahayag at nakabubuo ng pasya batay


sa malayang pananaw ng ibang tao sa 31,32,33,3
4 9 15 30,38 35,36
sitwasyon. 4,37

5 Naisasagawa ang mga tamang hakbang na


makatutulong sa pagbuo ng isang desisyon 4 10 16.67 39 43,45,46 40,41,42 44,47,48
na makabubuti sa pamilya
6 Nakagagamit ng impormasyon ( wasto / 49,52,53,5
tamang impormasyon) EsP6PKP- Ia-i– 37 50 51,57 4,55,56,58,
5 12 20
59,60
25 60
100 7 11 9 9 23 1

Inihanda ni:

JANINA DM. AMARILA


Master Teacher I
Matangtubig Elementary School

Provincial Capitol Compound, Brgy. Guinhawa, City of Malolos, Bulacan


https://bulacandeped.com
bulacan@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN

Unang Markahang Pagsusulit


Edukasyon Sa Pagpapakatao 6

Pangalan: _______________________________________________ Petsa: __________________


Baitang at Pangkat: ______________________________________ Iskor: ___________________

Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Pareho kayo ng kapatid mo na kailangang bumili ng tela para sa inyong kasuotan sa isang palabas
ngunit kulang ang inyong pera. Ano ang gagawin mo?
A. Kukuha ng kasuotan sa kaibigan nang walang paalam.
B. Uutang ng pera sa mayamang kamag-aral.
C. Maghahanap ng damit na maaaring magamit mula sa mga lumang kasuotan.
D. Sasabihin sa nanay na kailangan ibili niya kayo pareho ng tela dahil kailangan ninyo ito.

2. Galing ka sa isang malaking pamilya. Alam mong nahihirapan ang mga magulang mo sa
pagbibigay ng mga kailangan ninyong magkakapatid. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi na mag-aaral.
B. Babawasan ang dami ng kinakain.
C. Hahanap ng trabaho upang kumita ng pera.
D. Iiwasang bumili ng mga bagay na hindi kailangan.

3. Binigyan ka ng nanay mo ng tatlong tiket para makapasok sa museo. Dati ka nang nakapunta sa
museo na iyon pero interesado ka pang pumunta muli. Nais ng mga kaibigan mo na pumunta pero
apat kayo at tatlo lang ang tiket ninyo. Ano ang gagawin mo?
A. Bibili ng isa pang tiket.
B. Magmumungkahi ng bunutan.
C. Iiwan ang isa ninyong kaibigan.
D. Hindi ka na lang sasama dahil dati ka nang nakapunta.

4. Madalas kang sumali sa paligsahan sa pag-awit sa paaralan. May isa kang kamag-aral na alam mong
higit na mahusay umawit kaysa sa iyo. Nais niyang patunayan ang kanyang kakayahan. Ano ang
gagawin mo?
A. Sasabihin sa klase na siya ang papalit sa iyo.
B. Ipakilala siya sa tagapagsanay para mabigyan ng pagkakataon.
C. Sabihin sa tagapagsanay na wala siyang disiplina sa pagsasanay.
D. Magkunwaring walang nalalaman sa kakayahan ng iyong kamag-aral.

5. Sinabi ng pinsan mo na ang iyong kapatid ay palaging lumiliban sa klase. Ano ang gagawin mo?
A. Pagagalitan ko ang aking kapatid.
B. Hindi papansinin ang sinabi ng aking pinsan
C. Isusumbong ko ang aking kapatid sa aming mga magulang.
D. Kakausapin ko ang aking kapatid at ipaliliwanag ang kahalagahan ng pag-aaral.

6. Pumapangalawa ka sa klase ninyo sa Spelling. Mayroong patimpalak sa inyong paaralan at ang kasali
sa paligsahan ay hindi pumasok ng araw na iyon. Ikaw ang napiling ihalili. Ano ang iyong gagawin?
A. Sasali sa paligsahan.
B. Hindi ka sasali sa paligsahan.
C. Sasabihin mo sa titser na hindi mo nais sumali sa paligsahan.
D. Sasabihin sa titser mo na hintayin na lang pumasok ang iyong kaklase na lumiban.
7. Niyaya ka ng iyong kamag-aral na maligo sa ilog. May pasok kayo sa araw na iyon at mahigpit na
ipinagbabawal ng iyong magulang ang maligo dito. Ano ang iyong gagawin?
A. sasabihin sa mga kamag-aral na sa susunod nalang sasama.
B. Hindi ka sasamang maligo sa ilog.
C. Sasama ka ngunit hindi maliligo.
D. Uuwi ka muna ng bahay at magpapaalam sa iyong mga magulang.

8. Nakita mong umiiyak ang kapatid mo habang nakikipaglaro sa batang kapitbahay ninyo. Ano ang
gagawin mo?
A. Pagagalitan ko ang aking kapatid.
B. Pagagalitan ko ang batang kapitbahay namin.
C. Tatanungin ko ang aking kapatid kung bakit siya umiiyak at pauuwiin.
D. Magsusumbong ako sa aking nanay upang mapagalitan ang batang kapitbahay.

9. Inutusan ka ng nanay mo na bumili ng kamatis sa tindahan. Pagkatapos mong bumili, nalaman mong
sobra ang isinukli sa’yo ng tindera. Ano ang gagawin mo?
A. Isasauli ko agad-agad sa tindera ang sobrang sukli
B. Uuwi ako sa bahay at hihingin kay nanay ang sobrang sukli.
C. Tatanungin ko muna si nanay kung ano ang gagawin sa sobrang sukli.
D. Ipambibili ko ng kendi ang sobrang sukli para sa aking nakababatang kapatid.

10. Noong isang taon, dumalo ang klase ninyo sa isang sesyon ng Sangguniang Bayan. Ngayong taon
dadalo muli ang klase ninyo pero sampung mag-aaral lamang ang papayagang dumalo. Isa ka sa napili.
Nais magmasid ng bago mong kamag-aral kung paano pinamamahalaan ng mga opisyal ng bayan ang
sesyon, pero hindi siya kasama sa pinayagang dumalo. Ano ang gagawin mo?

A. Sabihin sa kamag-aral na hindi naman masayang manood ng sesyon.


B. Magkunwaring hindi naririnig ang paggigiit ng kamag-aral.
C. Hindi na sasama at ibibigay na lamang ang pribilehiyo sa kamag-aral.
D. Sasabihin sa kamag-aral na ikukwento na lamang sa kanya ang mangyayari.

11. Ikaw ay may mapanuring pag-iisip kung ikaw ay___


A. Naglilista ng mga detalye ng isang suliranin
B. Nagtatanong sa iyong guro ng kanyang opinion
C. Nagpapaliwanag ng sariling punto at pagpipilit nito sa iba.
D. Nag-aaral nang mabuti sa mga patunay bago gumawa ng isang pasiya.

12. Naglalakad kang pauwi galing sa paaralan nang may napansin kang pitaka sa isang upuan
malapit sa bakod ng paaralan. Sa palagay mo ay naiwan ito ng isa ring mag-aaral na gaya mo.
Dinampot mo ang pitaka upang matukoy ang pagkakakilanlan ng may-ari. Nang buksan mo ito,
mayroon itongg Php 500. Nakita mo rin na ito pala ay pitaka ng isa mong kamag-aral na naunang
umuwi kaysa sa iyo. Ano ang gagawin mo?

A. Kukuhanin ang pera at ibibigay sa iyong nanay.


B. Kukuhanin ang pera at ibibili ng kendi para sa iyong kapatid.
C. Ibibigay ito sa guro at sasabihing nais mo itong maibalik sa may-ari.
D. Aalis at hindi kukuhanin ang pitaka.

13. Sinabihan ang inyong pamilya ng punong barangay na kailangan nang alisin ang lumang kotseng
hindi umaandar at nakaparada sa tapat ng inyong bahay. Nakaaabala daw ito sa mga nagdadaanang
sasakyan dahil maliit ang inyong kalsada. Bigay iyon sa tatay mo ng kapatid niya na nag-abroad.
Gusto sanang ipaayos ng tatay mo para may sasakyan na kayo, pero wala naman siyang sapat na
perang pampaayos nito. Tinanong ka ng iyong ama kung ipagbibili nalang ito sa motor shop para
magka pera kayo. Ano ang isasagot mo?
A. Sasang-ayon ako sa kanya na ipagbili ito.
B. Sasabihin ko na mangutang ng perang pampagawa ng kotse.
C. Imumungkahi ko na ibenta ang iba naming kasangkapan gaya ng telebisyon upang maipagawa
ang kotse.
D. Sasabihi ko na makiusap sa barangay na hayaan na lamang pumarada ang aming lumang kotse.
14. Nais mong sumali sa lakbay-aral na gaganapin sa isang lingo subalit sapat lang ang perang
kinikita ng iyong mga magulang sa pagtitinda ng gulay sa palengke. Ano ang iyong gagawin?
A. Sasabihin ko sa aking mga magulang na nais kong sumali sa lakbay-aral.
B. Imumungkahi ko sa aking ina na maghanap ng maaaring mautangan para may pambayad.
C. Manghihiram ako ng pera sa mayaman kong kamag-aral.
D. Hindi ako sasali sa lakbay-aral.

15. Kailangang kailangan ni Mina ng mga aklat para sa ginagawang research ng kanilang guro.
Kailangan niyang magpunta sa silid-aklatan ng kanilang barangay. Sinabihan niya ang ate niya
na kung maaari ay samahan siya ngunit may gagawin din ito. Huling araw ng pagsusumite ng
proyekto sa Lunes. Ano ang nararapat na maging pasya ni Mina?
A. Pilitin ang ate na samahan siya.
B. Hindi na magpapasa ng proyekto.
C. Magdamdam sa ate sa hindi pagsama sa kanya.
D. Maghanap ng kaibigan na maaaring makasama sa silid-aklatan.

16. Nais ni Romela na magkaroon ng bagong modelong cellphone para magamit niya sa paglalaro at
pagkuha ng larawan subalit nagpapabili rin ng cellphone ang kanyang ate na gagamitin naman sa
kanyang online class. Isang cellphone lamang ang kayang bilhin ng iyong ina. Ano ang dapat
mong gawin?
A. Sabihin sa nanay na ikaw ang dapat ibili ng cellphone.
B. Sabihin na ang iyong ate nalang ang ibili dahil mas kailangan niya ito.
C. Kumbinsihin ang ina na kayong dalawa ng ate mo ang dapat na ibili.
D. Kumbinsihin ang ate na ikaw muna ang ibili ng cellphone at sa susunod ay siya naman.
17. Pagod na dumating ang iyong ama mula sa trabaho. Nais mong magpatugtog ng masayang
tugtugin upang mag-ensayo sa inyong gagawing pampaaralan sa asignaturang Edukasyon sa
Pagpapakatao. Ano ang iyong gagawin?
A. Magpatugtog sandali upang makapagsanay.
B. Isali ang ama sa ginagawang pagsasanay.
C. Magpatugtog at ipaliwanag sa ama na ito ay para sa gawaing pampaaralan.
D. Hindi na muna mag ensayo at hayaan na tahimik na makapagpahinga ang ama.

18. Nais mong bumili ng bagong pantalon dahil luma na ang iyong ginagamit na pamasok sa
paaralan subalit walang perang pambili ang iyong ama. Ano ang iyong gagawin? 
A. Sasabihin sa ama na kailangan mo ng bagong pantalon.
B. tatanungin ang ama kung may pera ba siyang pambili ng bago mong pantalon.
C. Mag-iipon ng pera upang makabili ng bagong pantalon.
D. Manghihiram ng pantalon sa mga mayayamang kaibigan.

19. Nawalan ng trabaho ang iyong mga magulang dahil sa pandemya. Kailangan mong huminto sa
pag-aaral dahil sa kakulangan ng pera. Ano ang gagawin mo?
A. Magtatampo ako sa aking mga magulang.
B. Ikatutuwa ko ito dahil pagod na rin ako sa pag-aaral.
C. Huminto na lamang at sasama sa aking mga barkadang magliliwaliw.
D. Humanap ako ng magagandang paraan upang maipagpatuloy ko ang aking pag-aaral.

20. Niyayaya ka ng iyong kamag-aral na tingnan ang mga kopya ng pagsusulit na nakapatong sa
mesa na ibibigay sa inyo ng inyong guro. Sa ganitong paraan ay makikita ninyo ang mga tanong
at maaaring makakuha ng mataas na marka. Ano ang iyong gagawin?
A. Sasama sa kamag-aral na tingnan ang mga tanong sa pagsusulit.
B. Sasabihin sa kamag-aral na ayaw na niya itong maging kaibigan.
C. Sasabihin sa iba ninyong kamag-aral ang planong pagtingin sa mga kopya ng pagsusulit.
D. Sasabihin sa kamag-aral na mali ang kanyang balak at hihikayatin na mag-aral na lang ng
leksyon.

21. Bilang lider ng inyong pangkat, ikaw ay naatasan ng guro na gumawa ng mahalagang pasya. Ang
pasya na dapat gawin ay nararapat na nakabubuti
sa _____
A. Lahat
B. Lider
C. Nakararami
D. Hindi kabilang sa pangkat

22. Sa tuwing ikaw ay gagawa ng pasya, no ang dapat mong tandaan ?


A. Sundin ang sariling kagustuhan.
B. Gawin ang hinahangad ng mga kakilala at awtoridad.
C. Hayaan ang ibang miyembro ang magpasya para sa lahat.
D. Magpakita ng pagkamakatwiran sa mga maapektuhan ng pasya.

23. Ang inyong pangkat ay gumagawa ng isang proyekto na ibinigay ng inyong guro. Alin sa
sumusunod ang nagpapahayag ng pagsang ayon ng miyembro sa nakararami?
A. “Ibahin ang plano, hindi ako sang-ayon dito”
B. “Kaisa mo ako sa bahaging iyan, saludo ako sa iyong ideya.”
C. “pakinggan naman ninyo ang opinyon ko.”
D. “Wala na ba kayong maisip na paraan?”

24. BIlang isang mabuting lider ng pangkat, pinahahalagahan mo ang mga bagay at desisyon na
makakabuti para sa nakakarami. Bakit mahalagang maisakatuparan ito ?
A. Upang maipakita ang pagkamakasarili
B. Upang mamayani ang hindi pagkakaunawaan.
C. Upang masunod ang iyong ideya.
D. Upang mapangalagaan ang kapakanan ng bawat kasapi

25. Aling pasya ng nakararami ang dapat mong sasang-ayunan? 


A. Pasya ng kaibigan
B. Pasya ng mayayaman.
C. Pasya ng pinuno ng pangkat      
D. Pasyang makabubuti sa lahat.

26. Bakit mahalaga ang tulong ng ibang tao sa paggawa mo ng pasya? 


A. Upang malaman ko ang kanyang sekreto at problema sa buhay.
B. Upang magkaroon ako ng taong sisisihin kapag nagkamali ako sa aking pasiya.
C. Upang magabayan ako sa mga posibleng bunga ng mga pasiyang aking gagawin.
D. Upang may ibang taong gagawa ng desisyon para sa kain.

27.Bakit kailangan nating pahahalagahan ang pasiyang nakabubuti para sa nakakarami? 


A. Upang hangaan tayo ng mga tao.
B. Upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
C. Upang mayroong taong masisisi sa bandang huli.
D. Upang mabigyan ang bawat isa ng pagkakataong sumikat.

28. Hindi mo gusto ang naging desisyon ng lider ng inyong grupo subalit sinang ayunan ito ng lahat ng
miyembro ng inyong pangkat. Ano ang iyong gagawin?
A. Sabihin sa lider ang iyong saloobin.
B. Ipahayag ang iyong pagtutol sa desisyon ng lider.
C. Hikayatin ang ibang miyembro na sumalungat sa nagging pasya ng lider.
D. Tanggapin nang maluwag sa kalooban ang naging pasya ng lider ng grupo.

29. Napagdesisyunan ng inyong grupo na pula ang kulay na suotin para sa inyong pagsasayaw. Hindi
ito ang gusto mong kulay. Ano ang iyong gagawin?
A. Isuot ang kulay ng damit na iyong nais.
B. Sumunod sa napagdesisyunan ng inyong grupo.
C. Itanong sa mga miyembro kung maaari bang isuot na lamang ninyo ang kulay ng damit na inyong
nais.
D. Hikayatin ang mga miyembro ng grupo na magsuot lamang ng kahit anong kulay na damit na nais.

30. Bilang lider ng inyong samahan, ikaw ay naatasan na bumuo ng pasya ukol sa isang mahalagang
usapin. Ano ang dapat gawin sa pagbibigay ng pasya?
A. Magkaroon ng patunay.
B. Hingin lang ang opinion ng mga kaibigan
C. Hikayatin ang iba na umayon sa iyong opinyon.
D. Magbigay ng labis na pansin sa mga patunay na susuporta sa iyong personal na pananaw.
31. May dumating sa bahay ninyo na bagong katulong o kasambahay. Gabi na at bukas pa uuwi ang mga
magulang ninyo. Ano ang gagawin mo?
A. Pabalikin siya kinabukasan.
B. Patuluyin mo siya at patulugin sa gabi.
C. Hayaan mo siyang maghintay sa labas ng bahay.
D. Ipagbibigay alam sa kaniya na ang mga magulang mo ay umalis pa at uuwi ang mga ito kinabukasan.

32. May dumating, nagpapakilalang kolektor ng appliances. Wala sa bahay ang nanay at tatay mo.
Hinihingi niya ang numero ng selpon ng mga magulang mo. Ano ang gagawin mo?
A. Isara ang pinto at hayaang maghintay ang tao sa labas
B. Sabihin sa kanya na wala sa bahay ang iyong mga magulang.
C.Hindi papasukin ang tao at tawagan ang iyong ina sa selpon.
D. Papasukin ang tao sa bahay at papaghintayin sa tawag ng iyong ina.

33. May isang van na huminto sa tapat ng bahay ninyo. Lumabas ang isang lalaki at nagbalitang
naaksidente ang kapatid mo at kasalukuyang nasa ospital. Nasa trabaho pa ang mga magulang mo. Ano
ang gagawin mo?
A. Magtatanong sa kapitbahay ano ang gagawin
B. Isama ang iyong kaibigan sa pagsakay sa van.
C. Magmadaling sumakay ng van upang agad mapuntahan ang kapatid.
D. Ipaaalam sa mga magulang ang nangyari at hintayin ang kanilang desisyon.

34. Sinabihan ka ng nanay mo na dumalo sa pulong ng barangay ukol sa paglilinis sa inyong lugar.
Nagdadalawang-isip ka dahil mas nais mong nasa bahay na lang at monood ng telebisyon.
A. Mananatili ako sa bahay dahil mas ligtas dito.
B. Uunahin ko ang panonood ng telebisyon bago dumalo sa pagpupulong.
C. Susunod ako sa aking nanay at dadalo ako sa pagpupulong.
D. Dadalo ako sa pagpupulong upang makita ang aking mga kaibigan.
35. Sa susunod na pasukan ay mag-aaral ka na sa mataas na paaralan.Inaaya ka ng ilan mong kamag-aral
na sa pribadong paaralan kayo mag-aral dahil sigurado raw na maganda ang turo doon. Ngunit alam
mo na mahihirapan ang mga magulang mo sa pagbabayad kung sa pribadong paaralan ka mag-aaral.
A. Mag-aaral sa publikong paaralan upang hinndi mahirapan ang magulang sa pagbabayad.
B. Mag-aaral sa publikong paaralan upang makasama ang aking mga kaaibigan.
C. Mag-aaral sa pribadong paaralan upang higit na matuto.
D. Sasabihin sa mga magulang na sa pribadong paaralan mo nais mag-aral.
36. Napunit mo nang hindi sinasadya ang pahina ng kwaderno ng iyong kamag-aral. Natatakot kang
lapitan siya at magpaliwanag dahil alam mong masungit at madaling magalit ang kamag-aral mong ito.
A. Ililihim ko na ako ang nakapunit sa kanyang kwaderno.
B. Sasabihin ko na napunit iyon ng isa naming kamag-aral.
C. Aaminin ko ang aking pagkakamali at hihingi ng paumanhin.
D. Mananahimik ako sa aking upuan upang hindii niya mahalata.

37. Nakita mo ang kapitbahay ninyo habang pinapalo ang alaga niyang aso. Naobserbahan mo rin na
madalas na hindi niya ito pinakakain at inaalagaan nang mabuti. Alam mong mahigpit na
ipinagbabawal ng batas ang pananakit at pagpapabaya ng maraming uri ng hayop, kasama na ang
mga inaalagaang hayop tulad ng aso.
A. Ipagwawalang bahala koi to.
B. Mananahimik lamang sa nakita.
C. Magkukunwaring hindi nakita.
D. Ipagbibigay alam ko ito sa kinauukulan.
38. Malakas ang tugtog na nagmumula sa kapitbahay ninyo? Naaabala ka sa iyong pagbabasa at pag-
aaral para sa iyong nalalapit na pagsusulit. Ano ang gagawin mo?
A. Pupuntahan ang kapitbahay at sasabihing naaabala ng malakas na tugtog ang iyong pagbabasa.
B. Pakikiusapan ang kapitbahay na kung maaari ay hinaan ang pagpapatugtog.
C. Magpapatugtog rin ng malakas upang masabayan ang pagpapatugtog ng kapitbahay.
D. Ititigil na ang pagbabasa.

39. Ang pagpapahalaga at ang pagsang-ayon sa pasya ng nakararami ay isang katangian na kaaya-aya
bilang isang kasapi ng pamilya. Paano mo ito maipapakita?
A. Magsasawalang kibo na lamang kung sila ay nakapagpasya na.
B. Magbibigay ng iyong sariling pananaw at hindi susunod sa kanila.
C. Hayaan silang magdesisyon dahil wala ka namang maitutulong.
D. Bigyang halaga, respetuhin at tumulong upang maisakatuparan ang desisyon ng nakararami.

40. Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos at
matatag na pamilya?
A. Pagpapa-aral sa mga anak.
B. Pagbibigay ng luho sa mga anak.
C. pagsunod sa kagustuhan ng mga magulang.
D. Pagkakaroon ng responsableng ama at mapagmahal na ina na nagsasama nang matiwasay at payapa.

41. Ang pamilya Santos ay sama-samang nagtutungo at nagdarasal sa pook dalanginan sa araw na sila
ay walang gawain sa bahay o pasok sa trabaho. Anong katangian ang ipinapakita ng pamilyang ito na
dapat tularan?

A. Pamilyang nagkakaisa sa pananampalataya.


B. Pamilyang may malasakit sa karapatan ng bawat isa.
C. Pamilyang may pagmamahal at respeto sa isa’t isa.
D. Pamilyang nagkakaunawan at nagbibigayan suporta sa bawat kasapi.

42. Ininmbita ka ng iyong kamag-aral na magpunta pagkatapos ng inyong klase sa isang video shop na
malapit sa inyong paaralan. Ngunit nagbilin ang nanay mo na umuwi ka nang maaga dahil mayroon
siyang ipagagawa sa iyo.
A. Pupunta ako subalit uuwi rin ako kaagad.
B. Didiretso ako nang uwi sa aming bahay.
C. Sasama ako sa aking mga kamag-aral.
D. Sasabihin ko sa aking mga kamag-aral na sa susunod na lamang ako sasama.

43. Sinabihan ka ng guro ninyo na magbantay sa klase dahil kailangan niyang dumalo sa isang
pagpupulong. Bigla nagkaroon ng kaguluhan sa klase dahil sa pagtatalo ng dalawa mong kamag-aral.
A. Hindi ko papansinin ang aking mga kamag-aral.
B. Magkukunwari na hindi ko alam ang nangyayari.
C. Kakausapin ang mga kamag-aral at sasabihan na huwag mag-away.
D. Isusumbong ko sila sa aming guro pagbalik nito.

44. Nagkayayaan kayong magkaka barkada na pumunta sa bahay ng isa ninyong kamag-aral na malapit
lang sa paaralan. Ito ay upang magdiwang dahil tapos na ang isang mahalagang pagsusulit na
ibinigay sa mga mag-aaral sa ikaanim na baitang. Pagdating ninyo sa bahay, biglang naglabas ng
alak ang inyong kamag-aral. Hindi naman daw malalaman ng kanyang ama na kumuha kayo ng
alak sa kabinet niya. Alam mo na ayaw ng mga magulang mo na umiinom ka ng anumang klase ng
nakalalasing na inumin.

A. Iinom ako subalit agad rin uuwi sa aming bahay.


B. Iinom ako subalit kaunti lamang.
C. Magagalit ako sa aking mga kamag-aral dahil sa kanilang nais gawin.
D. Hindi ako iinom at pagsasabihan ang aking mga kamag-aral na mali ang binabalak.

45. Nagpunta sa isang party ang mga nagulang mo. Binilinan kang bantayan ang bunso mong kapatid.
Nagpasya kang hayaang maglaro mag isa ang kapatid mo dahil abala ka sa paglalaro ng
kompyuter. Sa hindi inaasahang pangyayari, nadapa at sasugatan siya habang naglalaro.
A. Gagamutin ko ang kanyang sugat.
B. Pagagalitan ko ang aking kapatid dahil hindi siya nag-iingat.
C. Ililihim ko ang nangyari sa aming mga magulang.
D. Pagsasabihan ang kapatid na huwag na muling maglalaro.

46. Nanawagan ng mga boluntaryo ang mga opisyal ng Sanggunianag Kabataan upang magkampanya
para sa pagresiklo ng mga plastik. Alam mong kapaki-pakinabang ang gawaing ito at mayroon ka
namang libreng oras.
A. Sasali ako sa gawaing ito.
B. Hindi ako sasali dahil nakakapagod ang gawaing ito.
C. Itatanong ko sa aking mga kaibigan kung sasali rin ba sila.
D. Sasabihin ko na marami pa akong kailangang gawin sa paaralan.

47. Naglalaba ang iyong nanay nang dumating ka sa inyong bahay. Nagugutom ka subalit wala pang
lutong kanin at ulan sa kusina. Kailangan mo pang mag-aral ng leksyon para sa nalalapit na
pagsusulit.
Ano ang iyong gagawin?
A. Tulungan ang ina na magluto.
B. Magluto ng pagkain at yayain ang inang kumain.
C. Mamahinga at mag-aral ng leksyon para sa pagsusulit.
D. Pakiusapan ang ina na kung maaari ay magluto muna ng pagkain.

48. Nagbigay ng pasalubong na tinapay ang iyong tatay. Paborito mo ito kaya dali dali mo itong
kinuha para kainin. Maya maya pa ay dumating ang iyong nakababatang kapatid at sinabing siya ay
nagugutom din. Ano ang iyong gagawin?
A. Hahatiin ko ang tinapay sa aming magkapatid.
B. Hihingi ako ng pera sa ating tatay at ibibili ng tinapay ang nakababatang kapatid.
C. Sasabihin ko sa aking tatay na sa susunod ay maraming tinapay ang ipasalubong niya.
D. Kakainin na agad nang mabilis ang tinapay para hindi Makita ng kapatid.
49. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagsasaad ng katotohanan tungkol sa wastong
paggamit ng impormasyon?
A. Sa pangangalap ng katotohanan, kinakailangan ang mga datos sa tunay na pangyayari at
katiyakan ng tamang impormasyon.
B. Alamin ang katotohanan mula sa mga nakatatanda.
C. Magtanong sa mga kaibigan kung ang isyu ay may katotohanan o wala.
D. Maniwala sa mga napapanood sa telebisyon.

50. Lilipat ka ng papasukang paaralan. Kakailanganin ang mga impormasyon ng pamilya mo sa iyong
mga sasagutin. Alin sa sumusunod ang hindi kasama?
A. Pangalan ng nanay mo sa pagkadalaga.
B. Edad at pangalan ng iyong mga kapatid.
C. Iyong mga kaibigan at nakaraang mga kaklase
D. Buong pangalan ng tatay at pinagta-trabahuhan niya.

51. Nakita mo sa facebook na kinansila ang pasok dahil sa malakas na hangin at pabugso-bugsong ulan.
Ano ang dapat mong gawin?
A. Maniwala at huwag ng pumasok.
B. Alamin sa mga kaibigan kung totoo na walang pasok.
C. Sasabihin sa iba mong kaklase na walang pasok.
D. Itanong sa guro kung totoo ang impormasyong iyong nabasa.

52. Nag-chat ang kaibigan mo tungkol sa programa para sa Buwan ng Pagbasa. Nagtatanong siya kung
ano ang isusuot sa palatuntunan. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi papansinin ang kanyang tanong.
B. Isusumbong siya sa guro dahil hindi siya nakinig.
C. Ipagbigay alam sa kaibigan ang mga palabas na gagawin sa palatuntunan.
D. Ibigay agad sa kaniya ang lahat ng impormasyong nalalaman tungkol sa programa sa Buwan ng
Pagbasa.

53. May umugong na balita na may naganap na nakawan sa Barangay. Isang araw, kumatok sa pinto ang
isang lalaki at sinasabing kaibigan siya ng kaniyang mga magulang. Pinapasok naman siya ng bata sa
kanilang bahay kaya malayang nakapagnakaw ang kawatan. Kung ikaw ang bata, ano ang iyong
gagawin?
A. Patuluyin sa tahanan at bigyan ng maiinom.
B. Papasukin ang tao sa bahay at pahihintayin sa iyong ina.
C. Humingi ng opinyon ng kapitbahay kung papasukin ang tao.
D. Hindi papasukin ang tao at tatawagan ang iyong ina upang itanong kung totoong kaibigan siya.

54. Una mong nabasa sa inyong group chat na mayroong Clean-Up Drive sa inyong paaralan upang
maiwasan ang pagbara ng estero at makaiwas sa sakit na dengue. Batid mong hindi pa ito alam ng iyong
mga kaklase at kaibigan. Ano ang gagawin mo?
A. Ikaw na lamang ang sasama sa Clean-Up Drive
B. Ipaaalam sa mga kaklase kung tapos na ang gawain dahil marami pa namang pagkakataon.
C. Ipagbibigay alam at hihikayatin ang mga kaibigan mo na sumama sa gawaing ito.
D. Sasabihin ito sa matalik na kaibigan.

55. Sinabi ng iyong kamag-aral na wala kayomg pasok bukas ng hapon dahil narinig niyang nag-uusap
ang mga guro na magkakaroon sila ng pagpupulong bukas ng hapon. Ano ang iyong gagawin?
A. Ipamamalita sa buong klase na wala kayong pasok bukas ng hapon.
B. Hindi na papasok sa hapon at mamamahinga nalang sa bahay.
C. Hihintayin na sabihin ito ng guro sa kanyang mga mag-aaral upang makatiyak.
D. Aayain ang mga kamag-aral na maglaro sa palaruan ng paaralan sa hapon.

56. Nalaman mo sa isang pagsaliksik sa social media na ang palagiang paglalaro ng mobile legend ay
nakakasama. Alam mo na ang iyong kapatid na lalaki ay palaging naglalaro nito. Ano ang gagawin mo?
A. Hahayaan ang kapatid.
B. Pagagalitan ang kapatid
C. Susubukan ang nilalaro ng kapatid.
D. Sabihin na iwasan ang palagiang paglaro ng mobile legend dahil may masamang epekto ito.

57. Tinatanong ka ng principal ng pangalan ng mga magulang mo. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hindi sasagot.
B. Isusulat mo sa papel ang mga pangalan nila.
C. Magkunwaring nakalimutan ang kanilang pangalan.
D. Sasabihin mo ang buong pangalan ng mga magulang mo.

58. Sa Personal Information Form na pinasasagutan ng iyong guro, kailangan mong isulat ang petsa ng
kapanganakan ng nanay mo upang malaman makasigurado sa edad niya ngayon? Ano ang dapat mong
gawin?
A. Mamaliin ang petsa.
B. Sasagutin at isusulat mo ang petsa.
C. Tatanungin mo ang nanay mo kung sasagutin ito.
D. Laktawan ang tanong sa form.

59. May nagtitinda ng gulay na dumating sa bahay ninyo. Hinihingi niya ang cellphone number ng tatay
mo. Ano ang gagawin mo?
A. Ibigay mo dahil saulado mo ito.
B. Hindi ibibigay ang cellphone number.
C. Humingi ng opinyon ng kapitbahay kung dapat bang ibigay ito.
D. Isara ang pinto at hayaang maghintay ang tao sa labas.

60. Tumawag ang lalaking nagpakilalang kapatid ng iyong nanay mula sa ibang bansa. Hinihingi niya
ang ATM PIN ng iyong nanay. Magpapadala siya ng pera. Ano ang gagawin mo?
A. Itanong sa kapatid ang tamang numero.
B. Ibibigay mo ang numero dahil saulado mo na ito
C. Sabihin na mamaya na lamang tumawag pagdating ng nanay.
D. Tingnan ang tamang numero sa listahan ng nanay bago ibigay.
Answer key
c
1C 31A
2D 32C
3D 33D
4B 34C
5D 35A
6A 36C
7B 37D
8C 38B
9A 39D
10C 40D
11D 41A
12C 42B
13A 43C
14D 44D
15D 45A

You might also like