You are on page 1of 12

7

FILIPINO
Ikaapat na Markahan
Ikaapat na Linggo

ANG IBONG ADARNA: Isang Obra Maestra


Karapatang Sipi 2020 ng

DepEd Bohol
Reserbado ang lahat ng karapatan. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring ilathala o ilabas sa
anumang anyo, kasama na rito ang mga video nang walang nakasulat na pahintulot ang tagalathala at may-
akda. Hindi sakop ng karapatang-sipi ang sariling-aklat na ilalathala sa mga pahayagang at magasin.

Inilathala at inilimbag sa Pilipinas ng Deped Bohol na may tanggapan sa 50 Lino Chatto Drive, Cogon District,
Tagbilaran City, Bohol .

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Elenita P.Visarra


Tagasuri: Wifreda O. Flor, Ph. D.
Josephine D. Eronico, Ph. D.
Jocelyn T. Rotersos, R.I.
Tagaguhit: Ginalyn Quimzon
Tagalapat: Ginalyn Quimzon
Tagapamahala: Bianito D. Dagatan, CESO V
Schools Division Superintendent
Carmela M. Restificar, Ph. D.
OIC-CID Chief
Josephine D. Eronico, Ph.D.
EPS, LRMS
Wilfreda O. Flor, Ph.D.
EPS Filipino

Inilimbag sa Pilipinas Pansangay ng Bohol


Department of Education, Region VII, Central Visayas

Office Address: 50 Lino Chatto Drive, Cogon District, Tagbilaran City, Bohol
Telephone No. (038)412-4938 (038)411-2544 (038)501-7550
Telefax: (038)501-7550
Email address: Deped.bohol@deped.gov.ph
Aralin
Pagsulat Ng Mahalagang Kaisipan
4
Ikaapat na
Relasyong Magkapatid
Linggo

Alamin
Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo ang Modyul na ito bilang kagamitan sa pag-aaral nitong
panahon ng bagong normal. Sa kabila ng krisis na ating hinaharap sa kasalukuyan, ang iyong pagkatuto ay
dapat maipagpatuloy. Magiging kasama mo itong modyul sa pag –aaral ng Filipino sa pagtuklas ng mga
bagong konsepto at kaalaman sa paggamit ng mga kaalamang natutuhan sa pakikipagtalastasan sa kapuwa
at magiging kaakibat sa papapaunlad ng bansang Pilipinas.

Ang modyul na ito ay dinisenyo at sinulat nang may pagpapahalaga sa iyong


kakayahan at interes. Ito ay naglalayong matulungan kang matuto tungkol sa tunay na kahulugan ng konsepto
ng nasyonalismo o damdaming makabayan. Dito ay madidiskubre mo rin kung paano sumibol ang kaisipang
liberal ng mga sinaunang Pilipino at kung paano ito humantong sa pagkagising ng kanilang damdaming
makabansa. Ang mga salitang ginamit dito ay akma sa iyo at sa lebel ng iyong bokabularyo. Ang daloy ng mga
aralin dito ay alinsunod sa wastong pamantayan.

Ito ay binubuo ng anim na aralin na may iba’t ibang kompetensi para sa unang
markahan. Ito ay ang mga:

 Aralin 4-Ikaapat at Ikalimang Linggo Pagsusulat ng Mahalagang Kaisipan.


Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
1. Naisusulat ang maaring solusyon sa ugaling “ Crab Mentality “(F7PB-IV-c-d-21 ));
2. Nasasagot ang mga katanungan tungkol sa Relasyong Magkapatid (F7PB-IV-c-d-22);
3. Pagsulat ng isang sanaysay tungkol sa Panaginip. (F7PB-IV-c
Subukin

Panahon na upang tuklasin natin kung gaano kalawak ang iyong kaalaman at pag-
unawa sa modyul na ito sa pamamagitan ng pagsagot mo sa sumusunod na mga tanong. Sagutin ang lahat ng
aytem. Pagkatapos masagot ang panimulang pagtatayang ito, malalaman mo ang iyong iskor. Pagkatapos
masagutan at maiwasto ang mga ito, isaalang-alang ang mga naging kamalian at tuklasin ang tamang sagot
sa mga ito habang pinag-aralan ang modyul.
Kung handa ka na upang sagutin ang panimulang pagtataya ng modyul na ito, umpisahan na natin.

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang
papael..
1. Hindi nakinig si Cain kay Abel dahil may patibong siyang inihanda,. Ang kasingkahulugan ng salitang
may salungguhit ay :
a. pana b.pain c. pasabi d. pasalubong
2. Napalundag sa galak ang mga tao nang nakitang gumaling na ang Hari .Ang kasalungat ng salitang
may salungguhit ay… .:
a. Tuwa b.saya c. pait d. lungkot
3. Ang parusa ni Cain ay ang mga sumusunod maliban sa . . . . .
a. Tinaboy siya sa Panginoon
b. Palaboy-laboy na siya sa lupa.
c. Siya ay hindi na hampaslupa
d. Di na binigay ang paglulupa.
4. Mula noon, nahuli ni Don Juan ang Ibong Adarna dahl sa. . . . . .
a. Tulong ng Ermitanyo
b. Binaril niya
c. Nilason niya
d. Patibong niya
5. Alin sa sumusunod na mga pahayag ang hindi totoo?
a. Nagkasakit si Haring Fernando
b. Namatay ang Ibong Adarna
c. Si Don Juan ang nakahuli ng Ibong Adarna
d. Hindi nagdala ng kabayo si Don Juan
6. Si ___________ ay isang tagapag-alaga ng hayop.
a. Zacaria b. Zenon c. Cain d.Abel
7. Sino ang mga magulang nina Cain at Abel?
a. Maria at Jose b. Adan at Eva c. Juan at Maria d.Isabel at Pedro

Maitim ang damit na sinuot sa mga tao kahapon.

8. Sa pangungusap sa itaas, alin ang pang-uri na siyang naglalarawan.


a. damit b. maitim c.kahapon d.sinuot
9. Ito ay ang kasabihang may kaugnayan sa relasyong magkapatid.
a.Ang dugo ay mas malapot kay sa tubig
b.Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo
c.Ang magandang asal ay kaban ng yaman
d. Kung ano ang itanim ay siya rin ang aanihin
10. Ano ang hindi matanggap ni Don Pedro nang siya ay nakauwi na sa palasyo?
a. Na siya ay bigo
b. Na siya ay natalo
c. Na hindi siya ang nakahuli ng Ibong Adarna
d. Na hindi siya ang nakadala kay Donya Juana
Ikaapat Na
Markahan Pagsulat Ng Mahalagang Kaisipan
Ikaapat na
Linggo
Relasyong Magkapatid

Balikan
Ang crab mentality ay isang pag-uugaling hindi maganda ,ito;y inihalintulad sa isang talangka na hinila ang
kapawa talangka upang hindi makaakyat sa itaas .Ang pag-uugaling ito ay nag-uugat sa pagka inggit o
kasakiman,dahil dito hinihila pababa ang kapwa sa pamagitan ng paninira o paggawa ng masama dito upang hindi
magtagumpay, Sinasabing na ang mga Pilipino ay may ganitong pag-uugali na Inggitera o may sinasabing Crab
Mentality, kaya hindi tayo umunlad bilang isang bansa. Marami raw sa mga Pilipino ang hinihila ang mga kapwa
Pilipino na nasa mataas na posisyon o kalagayan upang umangat o kaya naman upang magsama-sama sa di
magandang kalagayan sa buhay ang lahat.Mayroon raw sa mga negosyanteng Pilipino ang sinisiraan ang kalaban sa
negosyo upang bumenta nang malaki o kaya naman ay may mga politikong nagsisiraan sa panahon ng eleksyon.

SANGGUNIAN: htpp//emanila.com/Philippines/2010/01/19/crab mentality-is-universal/

Gawain 1:

Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang iyong mahalagang kaisipan sa pagbigay ng solusyon sa pag-
uugaling “ Crab Mentality “.ng ilang mga tao.

CRAB MENTALITY

Solusyon

1 2 3
Tuklasin

Balikan ang mahalagang detalye sa ikalawang bahagi ng Ibong Adarna

Sa tulong ng Ermitanyo ay nagtagumpay na mahuli ni Don Juan ang Ibong Adarna at nailigtas mula sa pagiging bato
ang kanyang mga kapatid na sila Don Pedro at Don Diego. Naging masaya ang muling pagkikita ng magkakapatid
subalit lingid kay Don Juan, isang maitim na balak na pala ang inihanda para sa kanya ni Don Pedro.

Hindi natanggap ni Don Pedro ang mapahiya sa buong kaharian kapag bumalik na sila at malaman ng lahat na si Don
Juan ang nakahuli sa ibong Adarna at sila si Don Pedro at Don Diego ay nailigtas lamang ni Don Juan. Sinabi ni Don
Pedro kay Don Diego na patayin nila si Don Juan subalit hindi pumayag si Don Diego. Pumayag lang ito sa
mungkahing bugbugin na lamang nila ang kanilang bunsong kapatid at saka iiwan sa malawak na kaparangan sa gitna
ng gubat. Iyon na nga ang nagyayari . Pagkatapos bugbugin si Don Juan ay iniwan nil ana halos wala ng buhay at
umuwi sila Don Pedro at Don Diego sa Berbanya dala ang Ibong Adarna. Gayunpamay hindi na lubos nagtagumoay sina
Don Diego dahil hindi na umaawit ang Ibong Adarna kaya’t hindi gumaling nag Hari. Samatala, isang misteryosong
matanda ang tumulong at nagpaggaling kay Don Juan. Nang magaling na umuwi siya sa Berbanya at saka doon na
umaawit ang Ibong Adarna. Ikinukwento ni Don Juan sa amang Hari ang kataksilang ginawa nina Don Pedro at Don
Diego sa kanya. Pagkarinig ng Hari sa awit ng Ibong Adarna ay kaagad gumaling ang Hari .Pinarusahan ng Hari si Don
Pedro at Don Diego subalit si Don Juan mismo ang nakiusap sa Hari na patawarin ang kanyang dalawang kapatid at
bigyan ng pagkakataon na magbago at pinagbigyan naman ito ng Hari.

Isaisip

Ang katotohanan tungkol sa panaginip :

a. Lahat ng tao ay nananaginip . subalit hindi lahat ng tao ay nakaaalala sa kanilang panaginip.
b. Limang minute pagkatapos managinip ang isang tao , nakakalimutan na niya ang 50% ng kanyang
panaginip,Pagkatapos ng sampung minute ,nakakalimutan na ang 90% nito.
c. Ang panaginip ay karaniwang tumatagal ng mula 10 hanggang 15 minuto,
d. Sa maraming pagkakataon ang paksa ng panaginip ay ang mga bagay na iniisip ng nanaginip.
e.Ang pinakakaraniwang emosyon o damdaming naramdaman kapag nananaginip ay takot o kabalisa.
Pagyamanin

Sinasabing “ Ang dugo ay mas malapot kay sa tubig “ o likas sa tao ang pagpapahalaga sa pamilya, subalit di
maiwasan na hindi magkaroon ng lamat sa isang relasyon tulad ng magkakapatid . Alamin natin sa kwento na nasa ibaba
kung ano ang nakasisira sa isang relasyon at iugnay ito sa aralin sa Ibong Adarna at sa sariling karanasan.
Basahin ang kwento ng magkakapatid na Cain at Abel sa Gnesis 4:1-16 at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong
kaugnay nito.
GENESIS 4: 1-16 Si Cain at Abel (Buod)

At nakilala ang lalaki na si Adan at si Eva ang kanyang asawa, may anak silang dalawa na si Cain at Abel. Si Abel ay
tagapag-alaga ng mga hayop at si Cain ay mangbubukid sa lupa. Mabilis lumakad ang panahon naisipan nila na nagbigay ng
handog sa Panginoon. Nagdala ng mga bunga sa lupa si Cain at si Abel ay nagdala ng mga kawan ng mga hayop na
matataba. Nilingap at nagustuhan ng Panginoon ang handog ni Abel subalit hindi nilingap ang kay Cain, namanglaw ang
mukha ni Cain. Ang sabi ng Panginoon kay Cain bakit namanglaw ang iyong mukha? Kung ikaw ay nagsipag at gumawa ng
mabuti sa iyong lupa, di ba ikaw ay mararapatin?
Umuwi ang magkapatid at habang sila ay nasa parang na daanan nagtindi ng galit si Cain laban sa kanyang kapatid
na si Abel. Dahil sa sobrang galit pinatay ni Cain si Abel. Tinanong ng Panginoon si Cain kung saan ang kanyang kapatid
ngunit sinagot lamang niya ito ng” Aywan ko , ako ba ay tagapagbantay sa aking kapatid? “. Anong iyong ginawa ? Ang tinig
ng iyong kapatid ay dumadaing sa akin mula sa lupa at ngayo’y sinumpa ka sa lupa na syang nagbuka ng bibig na tumanggap
sa iyong kamay ng dugo ng iyong kapatid. Ang pagbubukid mo sa lupa ay di ko na ibibigay mula ngayon . Ikaw ay
magiging palaboy at hampas sa lupa. Sinabi ni Cain sa Panginoon , ang aking kaparusahan ay higit kaysa mababata ko.
Narito ako at iyong tinaboy ngayon mula sa ibabaw ng lupa at sa iyong harapan Panginoon ay magtago ako at ako’y maging
palaboy at hampaslupa ay siguro kung sino ang makakita sa akin ay patayin ako . Sinabi ng Panginoon, kung sinomang
pumatay pumatay kay Cain ay makapitong gagantihan. Nilagyan ng Panginoon ng isang tanda si Cain baka siya ay sugatan
ng sinomang makasasalubong sa kanya . Umalis si Cain sa harapan ng Panginoon at nagtungo saa lupain ng Nod, sa
silanganan ng Eden.

GAWAIN 2

Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa konsepto sa itaas.

1.Kanino mo nakita ang iyong sarili kina kay Abel ba o kay Cain ? Bakit ?
Sagot: ________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

2.Ano ang iyong kahinaan bilang isang kapatid? Bakit ?


Sagot: __________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

3.Paano pagtibayin ang relasyon ng magkapatid ? Bakit ?


Sagot:__________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
GAWAIN 3:

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot na nagpapahiwatig sa mga kalagayang panlipunan sa lugar na
pinangyarihan ng akdaat isulat ito sa iyong sagutang papel.
1. Ang dala na handog ni Cain para sa Panginoon ay . . . . .
a. Lupa b.bunga sa lupa c.hayop d. pagkain.

2. Ano ang ginawa ni Cain kay abel nang sila ay umuwi na ?. . . . .


a. pinatay b.pinakain c.kinarga d.pinaliguan

3. Ano ang dahilan sa pagpatay ni Cain ky Abel ?


`a. galit b.suklam c. inggit d. sakim

4. Kanino mo maihahalintulad si Cain sa mga anak ni Haring Fernando ?


a.DonDiego b. Don Pablo c. Don Juan d. Don Pedro

Isagawa

GAWAIN 4:
Panuto: Dugtungan ng mahalagang kaisipan.ang mga naunang pahayag batay sa konsepto sa taas na nasa
pagyamanin.

1. Kinausap si Cain ng Panginoon at ang sabi na Panginon ....

______________________________________________________________________

2. Tinanong ng Panginoon si Cain kung nasaan si Abel, ang sagot ni Cain sa Panginoon ay….

______________________________________________________________________

3. Tinanggap ni Cain ang parusa ng Panginoon .,sinabi niya sa Panginoon na...

________________________________.______________________________________

4. Ang sabi ni Cain na “mula ngayon ako ay maging palaboy na sa lupa,kung sino ang makakita sa akin
ay patayin ako,” ang sagot ng Panginoon ay…..

. _________________________________________________________________
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang
papael..

1 Hindi nakinig si Cain kay Abel dahil may patibong siyang inihanda,. Ang kasingkahulugan ng
salitang may salungguhit ay :
a. pana b.pain c. pasabi d. pasalubong
2. Napalundag sa galak ang mga tao nang nakitang gumaling na ang Hari .Ang kasalungat ng
salitang may salungguhit ay… .:
a. Tuwa b.saya c. pait d. lungkot
3. Ang parusa ni Cain ay ang mga sumusunod maliban sa . . . . .
a. Tinaboy siya sa Panginoon
b. Palaboy-laboy na siya sa lupa.
c. Siya ay hindi na hampaslupa
d. Di na binigay ang paglulupa.
4 .Mula noon, nahuli ni Don Juan ang Ibong Adarna dahl sa. . . . . .
a. Tulong ng Ermitanyo
b. Binaril niya
c. Nilason niya
d. Patibong niya
5. Alin sa sumusunod na mga pahayag ang hindi totoo?
a. Nagkasakit si Haring Fernando
b. Namatay ang Ibong Adarna
c. Si Don Juan ang nakahuli ng Ibong Adarna
d. Hindi nagdala ng kabayo si Don Juan
6. Si ___________ ay isang tagapag-alaga ng hayop.
a. Zacaria b. Zenon c. Cain d.Abel
7. Sino ang mga magulang nina Cain at Abel?
a. Maria at Jose b. Adan at Eva c. Juan at Maria d.Isabel at Pedro

Maitim ang damit na sinuot sa mga tao kahapon.

8. Sa pangungusap sa itaas, alin ang pang-uri na siyang naglalarawan.


a. damit b. maitim c.kahapon d.sinuot
9. Ito ay ang kasabihang may kaugnayan sa relasyong magkapatid.
a.Ang dugo ay mas malapot kay sa tubig
b.Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo
c.Ang magandang asal ay kaban ng yaman
d. Kung ano ang itanim ay siya rin ang aanihin
10 Ano ang hindi matanggap ni Don Pedro nang siya ay nakauwi na sa palasyo?
a. Na siya ay bigo
b. Na siya ay natalo
c. Na hindi siya ang nakahuli ng Ibong Adarna
d. Na hindi siya ang nakadala kay Donya Juana
Karagdagang Gawain

Sa iyong Journal Notebook isulat ang ipapagawa sa loob ng kahon.

Isulat ang hindi mo malimutang panaginip

Sanggunian

 Pinagyamang Pluma 7, nina Ailene Baisa-Julian, et al.


Copyright: For Classroom Use ONLY
Pending For Permission
Susi sa Pagwawasto

SUBUKIN
TAYAHIN
1. b 1. b
2. d 2. d
3. c 3. c
4. a 4. a
5. b 5. b
6. d 6. d
7. b 7. b
8. b 8. b
9. a 9. a
10. c 10. c

You might also like