You are on page 1of 9

Mala-Masusing Banghay Aralin sa Filipino 8

I. Layunin:
a. Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa kaligirang
pangkasaysayan ng Florante at Laura.
b. Nakapaglalahad ang mga mag-aaral ng maaaring damdamin at saloobin ni
Balagtas sa kalagayan ng bansa at ng Florante at Laura sa kasalukuyan.
c. Natutukoy ng mga mag-aaral ang mga layunin sa pagsulat ng akda

II. Kagamitan at Sanggunian


a. Paksa: Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura
b. Sanggunian: Filipino 8, Modyul para sa mga Mag-aaral

c. Kagamitan: manila paper, pentel pen, worksheet

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
Tatawag ang guro ng isang mag-aaral upang pangunahan ang panalangin.

b. Pagbati
Isang maganda at mapagpalang hapon sa ating lahat.

c. Pagtala ng mga lumiban sa klase


Mayroon bang lumiban sa klase?

d. Pagbabalik-aral
Tatawag ang guro ng isang mag-aaral upang magbigay ng kaalaman ukol sa
tinalakay noong nakaraang araw.
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Pagganyak Punan ng mga impormasyon ang Slam Book ni Balagtas. Pangalan:
Palayaw: Kaarawan: Zodiac Sign: Kamatayan: Edad: Address: Paaralan: Paboritong
Kasuotan: Mga Magulang: Mga Naging Kasintahan: Asawa: Mga Anak: Mga Naging
Katungkulan: Mga Isunulat na Akda:

2. Paglalahad
Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral kung ano ang topikong tatalakayin.
Sasagot naman ang mag-aaral. Ang topikong tatalakayin ay ang Kaligirang
Pangkasaysayan ng Florante at Laura. Itataas ng isang mag-aaral ang kanyang kamay
upang sabihing siya ang mag-uulat sa hapong iyon.

3. Pagtatalakay
Tatawagin ng guro ang mag-aaral na siyang mag-uulat ng Kaligirang
Pangkasaysayan ng Florante at Laura. Aalamin ng mga mag-aaral ang mahahalagang
detalyeng tatalakayin tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng Florante at Laura.
Matatalakay ang kalagayan ng lipunan sa panahon ni Francisco Balagatas.

4. Paglalahat
Itatanong ng guro sa mga mag-aaral ang mga sumusunod:
1. Bakit sinulat ni Francisco Baltazar ang Florante at Laura?
2. Sa iyong palagay, nagkaroon ba ng impluwensya ang Florante at Laura sa mga
nangyayaring pag-aalsa/rebolusyon noong panahong naisulat ito?

5. Paglalapat (aplikasyon)
Kung ikaw ang nasa panahon ni Francisco Balagtas paano mo ilarawan ang
kalagayang panlipunan ng bansa sa panahong naisulat ang Florante at Laura.
IV. PAGTATAYA
Panuto: Mula sa iyong binasang teksto ay sagutin ang mga sumusunod na mga
katanungan. Isulat lamang ang titik ng iyong sagutang papel.

1. Ilahad ang kalagayan ng Pilipinas sa panahong naisulat ang Florante at Laura.


A. Maaliwalas at produktibong kalagayan
B. Madilim at masukal na lipunan
C. Madilim at puno ng kalupitan na lipunan
D. Matiwasay at puno ng kasaganaan

2. Ano ang naging pangunahing layunin ni Francisco Baltazar kung bakit niya isinulat
ang awit na Florante at Laura?
A. Maipabatid ang kawalang katarungan sa Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ng mga
Espanyol.
B. Maipahiwatig ang kabiguan ng may-akda sa pag-ibig
C. Paggabay sa mabuting pakikitungo
D. Pagpapahalaga sa sariling bayan at minamahal

3. Ang mga sumusunod ay nagpapahayag sa impluwensya ng akdang Florate at Laura


sa Pilipino maliban sa isa:
A. Ito ay naglalaman ng mahahalagang aral sa buhay tulad ng wastong pagpapalaki sa
anak;
B. Pagiging mabuting magulang, pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan;
C. Pagtulong sa kapwa kahit magkakaibang relihiyon tulad ng mga Muslim at
Kristiyano.
D. Pagiging sakim at paghahangad ng yaman sa bayan.
4. Paano napagtagumpayang mailusot ni Balagatas ang kanyang akda sa kabila ng
mahigpit na sensura?
A. Gumamit siya ng alegorya sa gayo’y naikubli ng makata ang kanyang tunay na
hangaring ibunyag ang kasamaang sumisikil sa kalayaan sa bawat isa
B. Ang paglalakbay ng mga Moro at Persiyano ay siya ring temang ginamit ni Balagtas
sa kanyang awit
C. Pakikipaglaban ni Balagtas sa mga Espanyol gamit ang dahas.
D. Sekretong pagbuo ng organisasyon na pamamaraan ang ginamit ni Balagtas upang
matagumpay ang pagpapalimbag ng kanyang akda.

5. Nagkaroon ba ng impluwensya ang Florante at Laura sa mga nangyaring pag-alsa ng


mga Filipino laban sa mga Espanyol?
A. Oo, sapagkat nagdulot ito ng kasamaan sa mga Pilipino na mag-alsa para sa
kalayaan ng bayan
B. Oo, sapagkat naging daan ito upang mamulat ang mga Pilipino na lumaban para sa
kalayaan ng inang bayan
C. Wala, sapagkat naging alipin pa rin tayo ng mga Espanyol hanggang ngayon
D. Wala, sapagkat walang pinag-aralan ang mga Pilipino sa panahong yaon

6. Alin sa mga sumusunod ang mahigpit na ipinatutupad ng mga Espanyol sa panahon


ng kanilang pananakop?
A. Mahigpit na ipinatupad na sensura kaya’t ipinagbawal ang mga babasahin at Walang
kalayaan sa pagsasalita. Wala ring kalayaan sa pananamplataya
B. Mahigpit na pagpapatupad ng Malayang Kalakalan.
C. Mahigpit na pagpapatupad ng pagbuwag at pagbawal ng lahat ng Partidong Politikal
D.Mahigpit na pagpapatupad ng Reorganisasyon ng Pamahalaan

7-10 Para sa bilang pito hanggang sampu ibigay ang “Apat na mga himagsik” na
naghari sa puso at isipan ni Balagtas.
V. Takdang Aralin
Panuto: Gamit ang grapikong presentasyon, ilahad kung paano nakapagbigay bisa o
epekto ang akdang Florante at Laura sa iba’t- ibang aspeto ng buhay ng mga Pilipino
noong panahon ng mga Espanyol hanggang sa kasalukuyang panahon.

FLORANTE AT LAURA
Akda
Mga Aspeto Mga Epekto
Lipunan
Pamilya
Minamahal
IV. PAGTATAYA
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan. Isulat B. Ang paglalakbay ng mga Moro at Persiyano ay siya ring temang
lamang ang titik ng iyong sagutang papel. ginamit ni Balagtas sa kanyang awit
C. Pakikipaglaban ni Balagtas sa mga Espanyol gamit ang dahas.
1. Ilahad ang kalagayan ng Pilipinas sa panahong naisulat ang D. Sekretong pagbuo ng organisasyon na pamamaraan ang ginamit ni
Florante at Laura. Balagtas upang matagumpay ang pagpapalimbag ng kanyang akda.
A. Maaliwalas at produktibong kalagayan
B. Madilim at masukal na lipunan 5. Nagkaroon ba ng impluwensya ang Florante at Laura sa mga
C. Madilim at puno ng kalupitan na lipunan nangyaring pag-alsa ng mga Filipino laban sa mga Espanyol?
D. Matiwasay at puno ng kasaganaan
A. Oo, sapagkat nagdulot ito ng kasamaan sa mga Pilipino na mag-
2. Ano ang naging pangunahing layunin ni Francisco Baltazar kung alsa para sa kalayaan ng bayan
bakit niya isinulat ang awit na Florante at Laura? B. Oo, sapagkat naging daan ito upang mamulat ang mga Pilipino na
A. Maipabatid ang kawalang katarungan sa Pilipinas sa ilalim ng lumaban para sa kalayaan ng inang bayan
pamamahala ng mga Espanyol. C. Wala, sapagkat naging alipin pa rin tayo ng mga Espanyol
B. Maipahiwatig ang kabiguan ng may-akda sa pag-ibig hanggang ngayon
C. Paggabay sa mabuting pakikitungo D. Wala, sapagkat walang pinag-aralan ang mga Pilipino sa
D. Pagpapahalaga sa sariling bayan at minamahal panahong yaon

3. Ang mga sumusunod ay nagpapahayag sa impluwensya ng akdang 6. Alin sa mga sumusunod ang mahigpit na ipinatutupad ng mga
Florate at Laura sa Pilipino maliban sa isa: Espanyol sa panahon ng kanilang pananakop?
A. Ito ay naglalaman ng mahahalagang aral sa buhay tulad ng
wastong pagpapalaki sa anak; A. Mahigpit na ipinatupad na sensura kaya’t ipinagbawal ang mga
B. Pagiging mabuting magulang, pagmamahal at pagmamalasakit sa babasahin at Walang kalayaan sa pagsasalita. Wala ring kalayaan sa
bayan; pananamplataya
C. Pagtulong sa kapwa kahit magkakaibang relihiyon tulad ng mga B. Mahigpit na pagpapatupad ng Malayang Kalakalan.
Muslim at Kristiyano. C. Mahigpit na pagpapatupad ng pagbuwag at pagbawal ng lahat ng
D. Pagiging sakim at paghahangad ng yaman sa bayan. Partidong Politikal
D.Mahigpit na pagpapatupad ng Reorganisasyon ng Pamahalaan
4. Paano napagtagumpayang mailusot ni Balagatas ang kanyang
akda sa kabila ng mahigpit na sensura? 7-10 Para sa bilang pito hanggang sampu ibigay ang “Apat na mga
A. Gumamit siya ng alegorya sa gayo’y naikubli ng makata ang himagsik” na naghari sa puso at isipan ni Balagtas.
kanyang tunay na hangaring ibunyag ang kasamaang sumisikil sa
kalayaan sa bawat isa
Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Isulat lamang ang titik ng tamang kasagutan. 16. Anong taon inutos ni Gobernador-Heneral Narciso Claveria na
ang bawat katutubong Pilipino ay nagkaroon ng Apelyidong
11. Saan sinasabing isinulat ni Francisco Baltazar ang kanyang Espanyol?
akdang Florante at Laura?
A. 1862 C. 1835
A. Selda C. Kumbento B. 1849 D. 1840
B. Palasyo D. Colegio de San Jose
17. Ang mga sumusunod ay nagbigay kulay sa buhay pag-ibig ni
12. Si Francisco Baltazar ay mas kilala sa palayaw na? Francisco Balagtas maliban sa isa.

A. Apolo B. Felipe C. Juan D. Kiko A. Maria Asuncion Rivera C. Magdalena Ana Ramos
B. Juana Tiambeng D. Maria Magdalena Rivera
13. Sino ang tinutukoy na MAR, na siyang naging inspirasyon ni
Baltazar sa pagbuo ng kanyang akdang Florante at Laura? 18. Ano ang buong pangalan ng may-akda sa sa Florante at Laura

A. Marie Anna Roco C. Maria Ana Ramos A. Francisco dela Cruz Baltazar
B. Magdalena Anna Rosal D. Maria Asuncion Rivera B. Franzisco Baltazar
C. Francisco dela Cruz
14. Si Francisco Baltazar ay mas kilala sa palayaw na Kiko. Siya ay D. Francisco Balagtas Baltazar
tinaguriang ______?
19. Sino ang nagpukolong kay Kiko? Ang lalaking ito ay umiibig din
A. Prinsipe ng manunulang Tagalog kay Selya ngunit ang tunay na minamahal ng dalaga ay si Kiko.
B. Hari ng Balagtasan
C. Nobelista A. Alferes Lucas C. Among Frayle
D. Kilala sa larangan ng musika B. Nanong Kapule D. Ninong Karlo

15. Saan unang nagpatula si Fancisco Baltazar? 20. Ano ang dahilan bakit nakulong sa unang pagkakataon si Kiko?

A. Unibersidad ng Pilipinas C. Colegio de San Juan de Letran A. dahil siya raw ay nagnakaw dahil sa kahirapan ng buhay
B. Colegio de San Jose D. Ateneo de Manila B. dahil ginupitan niya ng buhok ang isang aliping babae
C. dahil sinisiraan daw niya ng puri ang dalagang si Selya
D. dahil pinagbintangan siyang lumalaban sa pamahalaan
FRANCISCO “BALAGTAS” BALTAZAR
Kiko
IKA-2 ng Abril 1788 Panginay, Bigaa, Bulacan
Grammatika Castellana, Grammartika Latina Geografia y Fisca at Doktrina Christiana
San Juan De Letran
Humanidades, Teolehiya at pilosofiya

You might also like