You are on page 1of 7

Filipino 8

Ikatlong Markahan ANTAS NG WIKA:


Ikalawang Linggo Impormal
MELC : Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa
impormal na komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga) (F8WG-IIIa-c-30)

Tiyak na Layunin :
1. Nagagamit sa isang komiks na nagpapakita ng iba’t ibang sitwasyon ang
mga impormal na komunikasyon (balbal, kolokyal,banyaga)

Ating Alamin at Tuklasin


Magandang araw sa iyo… Kamusta ka na? Ngayon ay maghahatid muli
ako ng panibagong kaalaman. Alam mob a kung ano ang KOMUNIKASYON? Bakit
mahalaga na matutuhan ang mga antas nito? Paano ito makaaapekto sa ating
pang-araw-araw na pamumuhay?
Sa modyul na ito ay bibigyang-pokus natin ang iba’t ibang
pagpapakahulugan sa komukikasyon at ang mga kahalagahan nito. Bibigyang-
linaw din dito ang dalawang antas ng wika, lalo’t higit ang mga nakapaloob sa
impormal na komunikasyon.
Malaki ang gampanin ng wika sa ating pamumuhay sapagkat ito ang
pang-araw-araw nating ginagamit sa ating pakikipagtalastasan. Ito rin ang
nagiging salamin ng ating damdamin at kaisipan. Ngunit ano nga ba ang iba’t
ibang pagpapakahulugan sa wika ayon sa mga kilalang linggwista? Narito ang
ilang halimbawa:

 Ayon kay Austero et al (1999) mula kay Gleason na ang wika ay masistemang balangkas
ng mga sinasalitang tunog na inaayos sa paraang arbitraryo

 Ayon kay Webster, ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa
pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbolo. Binibigyang-diin ng lingguwistang ito
na ang wika ang ginagamit na paraan upang makipagtalastasan ang tao sa kapuwa nito sa
pamamagitan ng pagsusulat o pagsasalita.

 Ayon kay Whitehead, isang edukador at Pilosopong Ingles: “Ang wika ay kabuoan ng
kaisipan ng lipunang lumikha nito.”Ibig ipahiwatig nito na ang wika ay salamin ng lahi.”

 Ang wika ay isang penomenong pumapaloob at umiiral sa loob ng lipunan at may angking
kakayahang makaimpluwensya, magdikta, magturo, tumulong, kumontrol, manakot,
pumatay, magpaligaya at lumikha ng isang realidad sa kanyang ispesipikong kakayahan.

Isang katangian ng wika bilang penomenong panlipunan ay ang totalidad ng pag-


iral at patuloy na pagbabago ng wika kasama ang maraming gamit at antas ng
estruktura nito na malinaw na sumasailalim sa mga karanasan.

Sa pagsusuri natin sa sinasabi sa isang okasyon at sa salitang dapat gamitin,


pinag-uukulan natin ng pansin ang kaangkupan ng ginagamit na wika. Ang mga pormal o
Sa pagsusuri natin sa sinasabi sa isang okasyon at sa salitang dapat gamitin,
pinag-uukulan natin ng pansin ang kaangkupan ng ginagamit na wika. Ang mga pormal o
impormal na pulong, pagtatalumpati, kasal, binyag, pagdarasal, pagtuturo, talakayang
pang-akademiya at iba pang mga okasyon ay maaaring makabuo ng iba’t ibang diskurso
depende sa kasapatan at kaangkupan ng mga salitang gagamitin para sa isang
partikular na okasyon.

Katulad ng pagbabagong-bihis ng panitikan, kasabay nitong nagbabago ang wika.


Sa Panitikang Popular (magsin, komiks, pahayagn, dagli atbp.) mapapansin ang
paggaan ng paggamit ng wika upang mas maging malinaw o mabisa ang pag-unawa
ng mga mambabasa sa mga ito. Kung mapapansin sa mga ibinigay na halimbawa ng
pagpapakahulugan sa itaas, isa sa mga binigyang-diin ay ang “patuloy na
pagbabago ng wika kasama ang maraming gamit at antas ng estruktura nito
na malinaw na sumasalamin sa mga karanasan.”
Tingnan ang halimbawang dayagram.

WIKA

Pormal Impormal

Pambansa Pampanitikan Balbal Kolokyal Banyaga

Ipinapakita nito ang dalawang antas ng wika. Ang Pormal at Impormal. Paano
nga ba makikilala kung Impormal ang mga salitang gingamit natin sa
pakikipagtalastasan? Basahin at unawain ang paliwanag tungkol dito.

Mga Salitang Ginagamit sa Impormal na Komunikasyon

Ang mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap at


pakikipagsulatan sa mga kakilala at kaibigan ay kabilang sa mga impormal na salita.
Ang impormal na salita ay nauuri sa apat:

1. Balbal (Slang) – ang mga salitang ito ay tinatawag sa Inggles na slang. Ang mga salitang ito
noong una ay hindi tinatanggap ng matatanda at mga may pinag-aralan dahil hindi raw
magandang pakinggan. Ang mga salitang balbal ay tinatawag ding salitang kanto o kalye.

Hal. ermat – tatay lispu – pulis


tsikot – kotse yosi – sigarilyo
sikyo – security guard praning – baliw
2. Kolokyal (Colloquial) – ito ay mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan at pagkabulgar, bagama’t may anyong repinado at
malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita.
Hal.
Pormal Kolokyal
-aywan ewan
-piyesta pista
-nasaan nasan

3. Banyaga – ito ay mga salitang mula sa ibang wika. Ang ating wika ay mayaman sa wikang
banyaga. Karamihan sa mga ito ay pangalang tiyak, wika, teknikal, pang-agham, simbolong
pangmatematika o mga salitang banyagang walang salin sa wikang Filipino.
Hal.
Spaghetti Loafbread Facebook Good

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag,et.al.

Tayo’y Magsanay

Ngayon ay subukin ang iyong kakayahan at pag-unawa. Sagutin ang mga


sumusunod na pagsasanay batay sa hinihingi ng bawat panuto.

Pagsasanay 1
Panuto: Pagbibigay ng katumbas na impormal na salita sa mga halimbawa ng
salitang pormal na nasa talahanayan.

Pormal na Salita Impormal na Salita


1. kapatid
2. saan
3. pera
4. bahay
5. Mayor

Gamitin sa Sariling Pangungusap


1.___________________________________________________________________________.
2.___________________________________________________________________________.
3.___________________________________________________________________________.
4.___________________________________________________________________________.
5.___________________________________________________________________________.
Pagsasanay 2
Panuto: Basahing mabuti ang teksto at sagutin ang mga sumusunod na
katangunan. Isulat ang sa kahon ang iyong sagot.

Social Media at Ang Modernong Pilipino


Ano na lang ang buhay kung wala ang social media? Maraming Pilipino na ang
natulungan at patuloy na tinutulungan ng bagong teknolohiyang ito:
1. mga nalulungkot na OFW
2. mga kabataang hindi masyadong outgoing
3. mga taong gustong magtipid sa entertainment
4. mga gustong makahanap ng sideline income
5. mga naghahanap ng bagong impormasyon
6. mga gustong magpasikat.
Hindi kapani-kapaniwala ang bilis ng paglaganap ng impluwensya ng social media
sa buhay ng mga Pilipino. Pinagtitibay lang nito ang isang aspeto ng kultura natin, ang
pagpapa-halaga natin sa pakikipag-ugnayan.
Pinatunayan na natin ito dati pa sa mga naging popular na paraan ng
komunikasyon gaya ng pagte-text, pagbisita sa mga yahoo chat rooms, pakikipag-
talastasan sa mga online forums at sa pagtambay sa friendster.
Ngayon ay laman tayo ng blogs, twitter,facebook at iba pang social networking
sites. Basta isang website ang may komunikasyong maaaring gawin (kahit comment
portion lang), malamang may Pilipinong dumadayo doon.Kung kaya’t hindi
nakakapagtaka na napakataas ng porsyento ng mga online na Pinoy sa social networks.

1.Bakit sinasabing ang mga Filipino ay nasa modernisadong mundo?

2. Gaano kaepektibo ang social media sa aspeto ng kultura ng mga mamamayan?

3. Salungguhitan ang mga impormal na salitang ginamit sa teksto. Pumili ng isang


salita na itatala sa talahanayan batay sa hinihingi nito at pagkatapos ay gamitin sa
sariling pangungusap.

Impormal na Wika
Salita mula sa Teksto Sariling Pangungusap
Balbal

Kolokyal

Banyaga
4. Naging mabisa ba ang paggamit ng wika ng manunulat upang maipahayag ang
kaniyang saloobin o paniniwala? Patunayan.

5. Mahalaga ba ang antas ng wka sa pasalita o pasulat na komunikasyon? Ipaliwanag


ang iyong sagot.

Ang Aking Natutuhan


Tiyak na marami ka nang natutuhan! Kaya naman ito na ang iyong
pagkakataon upang ilahad ang iyong mga ito mula sa ating modyul.

Panuto: Bumuo ng isang makabuluhang kaisipan o konsepto tungkol sa paksang


tinalakay gamit ang mga salita batay sa pagkakasunod-sunod nito.

sitwasyon salita dinamiko balbal kolokyal


impormal kaisipan antas lengua
banyaga balangkas saloobin kaisipan
komunikasyon sistematiko
ideya wika

wika antas impormal

Balbal
Banyaga Kolokyal
Natutuhan ko na ….

______________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________.

Ating Tayahin

Panuto: Suriin ang halimbawang komiks. Punan ang lobo ng usapan gamit ang mga
impormal na salita ( balbal, kolokyal at banyaga) at salungguhitan ang mga ito.
Gabay sa Pagwawasto

Tayo’y Magsanay Aking Natutuhan

Pagsasanay 1 (Nakabatay sa sariling


kakayahan at pag-unawa ng
1. utol mag-aaral)
2. san
3. wataks
4. balay Ating Tayahin
5. yorme
(Nakabatay sa sariling
Paggamit sa Pangungusap kakayahan at pag-unawa ng
(Nakabatay sa sariling mag-aaral)
kakayahan at pag-unawa ng
mag-aaral)

Pagsasanay 2
(Nakabatay sa sariling
kakayahan at pag-unawa ng
mag-aaral)

Sanggunian
Aklat
Dayag, Alma M. et.al , Pinagyamang Pluma 8, Ikalawang Edisyon, pahina 351
Delima, Ronnel R. Filipino 8 ADM, Ikatlong Markahan

Internet
https://angelicasambuena.wordpress.com/2016/11/20/social-media-at-ang-modernong-pilipino/
https://verafiles.org/articles/comics-provide-laughter-comfort-and-sanity-during-covid-19

Inihanda ni:

ABEGAIL Q. LOZANTA
Teacher 1
Marinduque NHS
Schools Division of Marinduque

You might also like