You are on page 1of 4

Sanayang Papel sa Filipino 7

Paksa 4: (Epiko: Prinsipe Bantugan: Sanhi at Bunga )


Mahahalagang Paalala: Gamitin ang sanayang papel nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o susulatan ang anumang bahagi ng sanayang
papel. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay. Ibalik ang sanayang papel na ito sa iyong guro o
tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Simulan mo!

Ang mga mag-aaral na gagamit sa sanayang papel na ito ay karaniwang nasa ika-pitong
grado na naapektuhan sa nararanasang pandemiya, ang CoVid-19. Matutunghayan sa
sanayang papel na ito ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.
Layunin din nang sanayang papel na ito na mula sa kurikulum guide na maipaliwanag
ang sanhi at bunga ng mga pangyayari F7PB-Id-e-3
Pasiunang gawain:Magbigay nang tatlong dahilan kung bakit nagkakaroon ng pag-
aaway? (15 pts)
Alam mo ba!

Ang epiko ay isang akdang pampanitikang nagmula sa iba’t ibang pangkat-etniko,


rehiyon o lalawigan ng bansa. Ito ay isang uri ng panitikang pasalindila. Isa sa katangian ng
epiko ay ang pagkakaroon nito ng mga pangyayaring di kapani-paniwala o puno ng
kababalaghan. Karaniwang may bida itong lubos na malakas at makapangyarihang
kinikilalang bayani ng rehiyong pinagmulan nito.
Ang epiko ay ginamit ng ating mga ninuno upang maipakita ang kanilang mga
pagpapahalaga, tradisyon, paniniwala, mithiin at layunin sa buhay.

 Epiko ng mga Iloko: Lam-ang


 Epiko ng mga Bikol: Handiong (Ibalon at Aslon)
 Epiko ng Ifugao: Hudhud
 Epiko ng Meranao: Bantugan
 Epiko ng Magindanaw: Indarapatra at Sulayman
 Epiko ng mga Malay: Bidasari

Sanhi at Bunga
Sanhi - ito ang dahilan o rason kung bakit nangyari ang isang bagay o pangyayari.

Hal:
1. Hindi siya nag-aral kaya siya bumagsak sa pagsusulit.
Bakit siya bumagsak?
Dahil hindi siya nag-aral (rason/dahilan)

2. Sumakit ang tiyan ni Dave dahil marami siyang kinain.


Bakit sumakit ang tiyan ni Dave?
Dahil marami siyang kinain (rason/dahilan)

3. Lumayas si Ana dahil napagalitan siya ng tatay niya.


Bakit lumayas si Ana?
Dahil napagalitan siya ng tatay niya (rason/dahilan)
Bunga - ito ang resulta o kinalabasang pangyayari

Hal:

1. Hindi siya nag-aral kaya siya bumagsak sa pagsusulit.


Hindi siya nag-aral ano ang magiging resulta
Kaya siya bumagsak sa pagsusulit (resulta/kinalabasan)

2. Sumakit ang tiyan ni Dave dahil marami siyang kinain.


Marami siyang kinain kaya?
Sumakit ang tiyan ni Dave (resulta/kinalabasan)

3. Lumayas si Ana dahil napagalitan siya ng tatay niya.


Napagalitan siya ng tatay niya kaya?
Lumayas si Ana (resulta/kinalabasan)

(Basahin at unawaing mabuti ang epiko at sagutin ang mga katanungan pagkatapos)

Prinsipe Bantugan
(Epiko ng Mindanao)
Ikatlong Salaysay ng Darangan

Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali ng Kaharian ng Bumbaran. Dahil sa


kanyang katapangan, walang mangahas na makipagdigma sa Bumbaran. Bukod sa pagiging
matapang ni Bantugan, siya pa rin ang naghahari at namamayani sa puso ng maraming mga
kadalagahan. Dahil sa inggit sa kanya ng kanyang kapatid na si Haring Madali, ipinag-utos nito
na walang makikipag-usap kay Bantugan at ang sinumang makikipag-usap sa kanya (Bantugan)
ay parurusahan ng kamatayan.
Nang malaman ito ni Bantugan, siya ay labis na nagdamdam at dahil sa laki ng kanyang
pagdaramdam, siya ay nangibang-bayan. Dahil sa matinding pagod sa paglalakbay kung saan-
saan, si Bantugan ay nagkasakit hanggang sa siya ay abutin ng kamatayan sa pintuan ng palasyo
ng kaharian ng lupaing nasa pagitan ng dalawang dagat.
Nang matagpuan siya ni Prinsipe Datimbang at ng kapatid nitong hari, sila ay
nagulumihanan sapagkat hindi nila kilala si Bantugan. Tinawag ng magkapatid ang konseho
upang isangguni kung ano ang kanilang dapat gawin. Habang sila ay nag-uusap, isang loro ang
dumating sa bulwagan at sinabi sa kanilang siya ay galing sa Kaharian ng Bumbaran at ang
bangkay ay ang mabunying Prinsipe Bantugan ng Bumbaran.
Nang magbalik ang loro sa Bumbaran ay ibinalita niya kay Haring Madali ang
pagkamatay ni Bantugan. Kaagad lumipad sa langit si Haring Madali kasama ang isang
kasangguni upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Samantala, dinala naman ni Prinsipe
Datimbang ang bangkay ni Bantugan sa Bumbaran. Pagbalik ni Haring Madali ay pinilit niyang
ibalik ang kaluluwa ni Bantugan. Nang muling mabuhay si Bantugan ay nagsaya ang lahat at
nagbago si Haring Madali.
Nang mabalitaan ni Haring Miskoyaw, kaaway ni Haring Madali na si Bantugan ay
namatay, lumusob si Haring Miskoyaw kasama ang marami niyang kawal sa Bumbaran.
Dumating ang pangkat ni Miskoyaw sa Bumbaran na kasalukuyang nagdiriwang dahil sa
pagkabuhay na muli ni Bantugan na hindi nalalaman ni Miskoyaw. Natigil ang pagdiriwang at
ito ay napalitan ng paglalabanan.
Pumailanlang sa himpapawid si Bantugan at siya ay nakipaghamok sa mga kalaban.
Dahil sa karamihan ng mga tauhan ni Miskoyaw at kagagaling lamang ni Bantugan sa
kamatayan, siya ay nanghina hanggang sa mabihag ng kanyang mga kaaway. Siya ay
iginapos subalit unti-unti ring nagbalik ang kanyang lakas nang makapagpahinga. Nalagot
niya ang pagkakagapos sa kanya at muling lumaban. Dahil sa malaking galit sa mga kaaway,
higit siyang naging malakas hanggang sa mapuksang lahat ang mga kalaban. Pagkatapos ng
labanan ay dinalaw ni Bantugan ang palibot ng Kaharian ng Bumbaran at pinakasalang lahat
ang kanyang mga katipan at sila ay dinala sa kanyang kaharian. Sinalubong sila ni Haring
Madali nang buong katuwaan at muli, lahat ay nagdiwang. Nabuhay nang maligaya si
Bantugan sa piling ng kanyang mga babaeng pinakasalan.

Magtulungan Tayo!

Paalala: (Sa bawat aktibidad o pasasagutan sa inyo kailangang gumamit ng isang


papel lamang at kung hindi magkasya maaaring magdagdag ng iba pang
papel)

Pagsasanay bilang 1: Sagutin ang mga katanungan na nagpapayaman ng pag-


unawa
sa binasang epiko.

1. Bakit umalis si Prinsipe Bantugan sa bayan nila?


___________________________________________________________
___________________________________________________________

2. Sa iyong palagay, dapat bang kamatayan ang magiging kapalit kung


humanga ka kay Bantugan?Oo o Hindi. Ibigay ang iyong paliwanag.
___________________________________________________________
___________________________________________________________

3. Kung ikaw si Bantugan, ano ang gagawin mo sa mga taong punong-puno


ng pagseselos? Bakit?
___________________________________________________________
___________________________________________________________

4. Kung ikaw si Bantugan, pakakasalan mo ba ang lahat ng mga babaing


iyong natitipuhan? Ipaliwanag ang sagot.
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Pagsasanay bilang2.
Panuto: Punan ng angkop na sanhi o bunga ang mga pangyayari.

4. SANHI Nakapasok angBUNGA


magnanakaw sa kanilang
1. Maraming kinain na kendi ang bahay.
5.Naiwangbatang
bukas babae
ang kalan
2. Bumaha ang paligid sa bayan

3. Hating gabi na kung matulog si


Analiza
Magagawa mo!
Panuto: Kumpletuhin ang talahanayan upang mabigyang ng paliwanag ang sanhi at bunga ng
mga pangyayari. Sa kahon ay nakatala ang mga pangyayaring naganap/nagaganap sa
Mindanao. Pumili ng isa, ipaliwanag ang posibleng sanhi at bunga ng mga ito, at saka
ibigay ang iba pang hinihingi sa bawat kahon.

Ulat bilang 1: Kahirapan sa Mindanao


Ulat bilang 2: Kaguluhan sa Mindanao
Ulat bilang 3: Krisis sa Koryente sa Mindanao

Napiling Ulat:

Ibigay ang iyong saloobin tungkol sa problemang ito:

Posibleng Sanhi Posibleng Bunga

Sumulat ng isang pangungusap na makahihikayat sa mamamayang


tumulong upang masolusyunan ang nasabing problema.

Inihanda ni: Iniwasto ni:

JUDA GRACE D. GARCIA ROSALIE T. SOMBILON


Teacher I MT I

Inaprobahan ni:

LOLITO L. DEDAL
Head Teacher III

You might also like