You are on page 1of 16

LEARNING ACTIVITY SHEET

QUARTER 3 WEEK-1
FILIPINO 7
NAME: __________________________ Grade & Section: _________________

Kasanayang Pampagkatuto

Magagamit nang wasto ang angkop na mga pahayag sa panimula, gitna at wakas ng isang akda. (F7WG-IIId-e-14)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga mababasang teksto. Piliin ang letra ng tamang sagot.

ANG PINAGMULAN NG LAHI

I.Isang araw, siya ay kumipal ng lupa, inihagis ito at iniluto sa isang hurno. Pagkahango sa niluto ay napuna niyang ito’y
ubod ng itim dahil sa pagkasunog. Ang kinapal na ito’y siyang pinagmulan ng mga negro natin sa kasalukuyan. II.Noong
unang panahon, wala pang tao sa daigdig, si Bathala ay umisip ng kaparaanan upang maging mapayapa, masaya at
masigla ang daigdig. Ipinasya niyang lumikha ng mga tao. III.Sa muling pagsasalang sa hurno ay nagkaroon ng agam-
agam si Bathala na baka masunog na naman ito kung kaya’y sa labis na pag-aalala ay hinango agad ang nakasalang. Ang
nangyari ay hilaw ang niluto. Ito ang pinagmulan ng lipi ng mga puti. IV.Sa wakas, ito ang siyang pinagmulan ng lahing
kayumanggi. V.Dahil sa kasanayan na ni Bathala sa paghuhurno, ang ikatlong salang Niya ay naging kasiya-siya sapagkat
hustong-husto sa pagkakaluto, hindi sunog at lalong- lalo namang hindi hilaw.

Panitikang Kayumanggi, Rosario U. Mag-atas, et al.

Mga Tanong:

1. Tungkol saan ang tekstong nabanggit sa itaas? A. pagpasyang lumikha ng tao B. kasanayang lumikha ng tao

C. pagluluto ng iba’t ibang tao D. pinagmulan ng lahi/lipi sa mundo

2. Ano ang panandang ginamit sa pagpapahayag ng simula? A. isang araw B. noong una C. sa wakas D. Ikatlo

3. Alin sa sumusunod ang di-kabilang sa gitnang pangyayari? A. I at IV B. I at III C. III at V D. II at IV

4. Ano ang mga panandang ginamit sa simula, gitna at wakas? A. noong una, sa muli, ikatlo, wakas B. isang araw, baka,
sa muli, kaya C. sa wakas, lalong-lalo, noong una, sa muli D. isang araw, noong una, ikatlo,kaya

5. Alin ang tamang pagsunod-sunod ng mga pangyayari sa teksto? A. I, II,III,IV,V B. II,I,III,V,IV C. II,I,III,IV,V D. I,III,II,IV,V

Gawain

Gawain A Panuto: Tukuyin kung saang bahagi matatagpuan ang pahayag. Isulat sa patlang ang A para sa simula, B
para sa gitna at C para sa wakas.

____1.) Ang mga panandang ginamit ay sa huli, sa wakas at sa dakong huli .

____2.) Nabubuo ang larawan at nakikita ang aksiyong magaganap sa isinalaysay. ____3.) Ito ang maiiwan sa isipan ng
tagapakinig o ng mambabasa.

____4.) Pinanatili ang kawing-kawing na mga pangyayari at paglalarawang nasimulan.

____5.) Ginagamit ang mga panandang noong una, sa simula pa lamang sa umpisa, una at unang-una.

Gawain B Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na pahayag upang mabuo ang salaysay o pangungusap.
Salungguhitan ang tamang sagot.

1. )_________(unang, ikalawang) dumating sa ating kapuluan ang mga Ita.

2. ) Ang ________( pagkatapos, sumunod) na dumating ay mga Indones.


3. ) ____________( saka, pagkatapos) ang mga Malayo.

4. ) ____________( saka, sumunod), dala nila ang kanilang kahihasnan gaya ng alibata, pananampalataya, paniniwala,
pamahalaan, kabuhayan at pasalindilang panitikan.

5. ) Ang mga Espanyol ang ( huling, ikatlong) dumating dala ang kanilang kultura at ang palaganapin ang Kristiyanismo.

Isaisip

Panuto: Punan ang nawawalang salita sa ibaba upang mabuo ang mga pahayag. Hanapin sa loob ng kahon ang
angkop na kasagutan nito. ( Maaaring magdoble ang sagot depende sa hinihingi ng pahayag.)

pang-ugnay mambabasa pananda(ng) simula gitna wakas hudyat

Sa modyul na ito, natutuhan kong may mga tungkuling ginampanan ang mga pananda sa 1.__________, 2.__________
at 3.___________.

Nalaman ko rin na ang mga4. ___________na tulad ng sa umpisa, sumunod, sa huli at iba pa ay tinawag na mga
5.___________ na namamagitan sa pangungusap o bahagi ng teksto.

Lubos ko ring natutuhan na sa 6._________ kailangang pukawin ang interes ng tagapakinig o ng


7._____________samantalang sa 8._________mabuting panatilihin ang kawing-kawing na pangyayari habang sa
9._________ kailangan ang mga pangyayaring maiiwan sa isipan ng tagapakinig o mambabasa na maaaring gamitan ng
10.______________ naghuhudyat ng makahulugang pagtatapos .

. Tayahin

Panuto: Tukuyin ang simula, gitna at wakas. Isulat ang bilang 1 sa simula, 2 hanggang 4 sa gitna at 5 sa huli o wakas.
Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

Hakbang sa Pagpapatala o Pagpapaenrol sa Paaralan ng Mag-aaral sa Baitang 7

____1.) Ikatlo, sulatan ang porma na nakuha.

____2.) Sa wakas, ikaw ay ganap o opisyal na mag-aaral na ng paaralan.

____3.) Una, kumuha ng diagnostic na pasulit.

____4.) Pagkatapos ay isumite ang filled-up form sa enrollment section.

____5.) Pangalawa ay kumuha ng enrollment form.

Panuto: Punan ng angkop na pananda o pahayag upang mabuo ang teksto. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

panghuli una pagkatapos saka sumunod

6._________ pakuluin ang mantika sa kawali.7. _____________kapag kumukulo na ay ilagay na ang mani
8._________halo-haluin iyon hanggang sa maluto. 9.____________hanguin na ang maning naluto.
10._______________ipagiling na ang mani. Kapag nagawa mo na ito, mayroon ka ng masarap na palaman. Karagdagang
Gawain Sumulat ng talatang naglalahad ng iyong hakbang sa paglalaba ng damit.(15 puntos)
LEARNING ACTIVITY SHEET
QUARTER 3 WEEK-2
FILIPINO 7
NAME: __________________________ Grade & Section: _________________

Kasanayang Pampagkatuto
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

❖ naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagpapangkat batay sa konteksto ng pangungusap,


denotasyon at konotasyon, batay sa kasingkahulugan at kasalungat nito;

❖ nasusuri ang katangian at elemento ng mito, alamat, at kuwentong-bayan mula sa Mindanao, Kabisayaan, at
Luzon batay sa paksa, mga tauhan, kaisipan at mga aspetong pangkultura.

Panuto: Basahin at unawain ang sumosunod na Elemento ng ibat-ibang panitikan.

Mga Elemento ng Mito, Alamat, at Kuwentong-bayan


1. Banghay – kung saan dito makikita ang maayos na pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa akda na binubuo ng mga
sumusunod:
a. Panimulang Pangyayari – pagpapakilala ng tauhan, tagpuan, at suliranin.
b. Papataas na Pangyayari – pagtatangkang lutasin ang suliraning magpapasidhi sa interes o kapanabikan.
c. Kasukdulan – pinakamasidhing bahagi kung saan haharapin ng pangunahing tauhan ang kanyang suliranin.
d. Pababang Pangyayari – nalulutas ang suliranin at natatamo ng pangunahing tauhan ang layunin.
e. Resolusyon – sa bahaging ito ay nagkakaroon ang kuwento ng isang makabuluhang wakas.

2. Tagpuan – ito ang pook o lugar, at panahon kung saan nangyayari ang kabuoan ng akda. Dito masasalamin ang
kaangkupan ng paksa, banghay, at mga tauhang nagsiganap sa akda. Dito nabibigyang linaw ang mga kilos ng mga
tauhan pati na rin ang kanilang hanapbuhay, paraan ng pag-iisip, at takbo ng mga pangyayari.

3. Tauhan – nakasalalay sa maayos at makatotohanang pagkakahabi ng mga tauhan ang pagiging epektibo ng isang
akda.

a. Pangunahing Tauhan – pinakamahalagang tauhan sa akda na sa kanya umiikot ang kuwento mula simula hanggang
wakas.
b. Katunggaling Tauhan – kumakalaban o sumasalungat sa pangunahing tauhan. Sa kanilang tunggalian nabubuhay ang
mga pangyayari sa akda.
c. Pantulong na Tauhan – karaniwang kasama sa pangunahing tauhan at maging kapalagayang loob o sumusuporta.
d. May-akda – ang pangunahing tauhan at ang awtor ay lagi nang magkasama sa loob ng katha. Sa likod ng bawat kilos
at tinig ng pangunahing tauhan ay laging nakasubaybay ang kamalayan ng makapangyarihang awtor.

Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao


Buod sa akda ni Simplicio P. Bisa)

Walang nakakakilala sa isang matandang kubang papilay-pilay na lumapit at naupo sa isang nakatumbang
lusong. Napansin lamang siya nang madagil siya ng mga katutubong nagkatuwaan sa paghahabol ng isang baboy na
iaalay nila sa idaraos na cañao, isang piging para mag-alay sa kanilang pinakadakilang bathala.

Sa pagtungo ni Lifu-o sa kaingin kanina ay nakakita siya ng uwak sa gitna ng daan na masamang pangitain.
Bumalik siya at ipinatawag ang mga intugtukon (lupon ng matatalinong matanda sa bayan-bayanan sa nayon na
hinihingian ng mga tao ng payo) at ibig niyang idaos ang cañao sa kanilang af-fong (tirahan). Ang pagdiriwang na iyon
ang bumubuhay sa ala-ala ng mga taga roon lalong –lalo na ang mga matatanda sa tunay na kahulugan ng pagdiriwang.
Ang mga ritwal, awitan, sayawan, kantahan kasabay ng tunog at alingawngaw ng gangsa ang magbibigay buhay sa
kanilang pook na parte na ng kanilang kultura at paniniwala.

Habang abala ang marami sa paghahanda ay abala rin ang ibang mga kabataang Igorot sa paghahabol ng baboy
na iaalay nila sa kanilang bathala. Napadako sila sa kinaroroonan ng matandang kuba na nakaupo sa lusong at natumba
ito kasama ang matanda ngunit inalalayan siya ng mga kabataan para bumangon at umupo muli sa lusong.
Sinimulan na ang ritwal at si Lifu-o ay nananalangin sa kanilang mga anito at bathala na iligtas sila sa panganib at
bibigyan sana sila ng masagana at mahabang buhay at ganoon rin ang panalangin sa mga nagsipagdalo sa cañao. Patuloy
ang pagmamasid ng matandang kuba habang ang lahat ay abala sa pag-aawitan, sayawan kasabay sa tunog ng gangsa.
Nilapitan ni Lifu-o ang matanda at inaanyayahan na makisali sa kanilang cañao ngunit nagpapasalamat lamang ang
matanda at itinaboy niya si Lifu-o pabalik. Dinulutan din ni Lifuo ng karne at kanin ang matandang kuba na inilagay sa
isang kiyag. Sa pagkakataong iyon, biglang nagsalita sa napakamakapangyarihang tinig ang matandang kuba at biglang
natigil ang padiriwang. Biniyayaan raw ng mga anito ang kanilang cañao at naghandog ang matandang kuba ng isang ala-
ala. Iniutos niyang takluban siya ng malaking kawa at ipagpatuloy lamang ang pagdiriwang. Iniutos din niyang hindi
gagalawin ang pagkakataob sa kaniya na sinunod naman ng mga katutubo. Ibinilin ng matandang kuba na sa ikatlong
araw ay mayroon daw susupling na punong kahoy at hindi dapat ito gagalawin. Bunga lamang nito ang maaring pitasin.
Pagkatapos ng pagtaob sa matandang kuba ay unti-unting sumigla ang pagdiriwang at sila ay nanalangin, nag-aawitan sa
aliw ng gangsa.

Isang puno ng ginto ang tumubo sa pagsapit ng ikatlong araw at ang lahat ay namangha sa kanilang nakita
matapos kunin ang kawa. Ang ilang araw nang pagdiriwang ay lalong sumaya, naghihiyawan at di-magkamayaw –
nangingibabaw ang awitan habang pataas nang pataas at palago nang palago ang kaninay munting puno ng ginto. Sa
simula ay bunga lamang ng puno ng ginto ang pinipitas ng mga katutubo ngunit nang wala na itong bunga ay unti-unti na
nilang pinutol ang mga sanga nito. Patuloy na tumaas at tumayog ang puno ng ginto sa paglipas ng maraming araw.
Habang nagbago ang panahon, nagbago rin ang kanilang paguugali at nangingibabaw na ang inggit at pagkamuhi sa
kapwa. Nakakalimutan na ng mga katutubo ang bilin ng matandang kuba na tanging bunga lamang ang kanilang
pipitasin. Nagaagawan, nagsisipaan, at nag-aaway na ang mga katutubo sa kung sino ang unang makakuha ng mga sanga
at dahon. Nang wala na silang maabot at mapuputol na mga sanga dahil sa ito na nga ay tumayog nang tumayog ay
nagsikuha ng mga palakol at iba pang gamit sa pamutol ang mga katutubo at tuluyan na nga nilang pinutol ang puno ng
ginto. Biglang kumidlat nang napakatalim, umulan ng napakalakas at ang puno ay tuluyan na ngang bumagsak at
kinalaunan, ang mahiwagang kahoy ay nabuwal sa ilamim ng lupa. Mula sa kalayuan ay may narinig silang tinig na
nagsasabing huhukayin na nila mula ngayon ang ginto. Doon, naisip nila ang matandang kuba na papilay-pilay na
dumating sa kanilang cañao sa hindi inaasahang pagkakataon na nakaupo sa isang lusong.

Alam mo ba? Alam mo ba na likas na makapangyarihan ang wika? Ang anumang pahayag ng isang tao ay
makapagdudulot ng ibang kahulugan depende sa pagkakaunawa nito sapagkat hinuhubog ng wika ang saloobin ng
bawat tao. Sa ganitong konteksto, nararapat na hindi lamang natin alamin kundi intindihin ang papel na ginagampanan
ng Denotasyon at Konotasyon sa wikang Filipino. Ano nga ba ang mga ito?

Denotasyon – ay ang literal at tiyak na kahulugan ng salita na makikita sa isang diksyunaryo.

Halimbawa: Pulang Rosas – ito ay isang uri ng bulaklak na matinik ang sanga at may berdeng dahon.

Konotasyon - ito ay pansariling kahulugan ng isang tao o pangkat liban sa iginigiit ng panahon. Ito ay
pagpapakahulugang iba kaysa sa karaniwang pakahulugan.

Halimbawa: – ito ay simbolo ng pagkalinga at pag-ibig.

Panuto: Alalahanin ang mga mahahalagang kaganapan mula sa akdang iyong binasa. Sagutin ang sumusunod
na tanong. Gawin ito sa sagutang papel. (5 puntos).

1.) Kung nangyaring isa ka sa mga katutubong Igorot na naninirahan sa naturang pook at nasaksihan ang hiwaga
ng isang gintong punong gantimpala, paano mo ipapakita sa iyong kapwa katutubo ang pagpapahalaga sa kaisa-isang
bilin ng nagbigay ng gantimpala? Ipaliwanag.

2.) Kung may gintong aral ka na napupulot mula sa akda, ano ito at paano mo ito pahahalagahan at ipakita sa
kapwa? Panuto: Isulat ang elemento na binibigyang diin sa sumusunod na pahayag. (2 puntos bawat bilang)

3.) Biglang kumidlat nang napakatalim, umulan ng napakalakas at ang puno ay tuluyan na ngang bumagsak at
kinalaunan, ang mahiwagang kahoy ay nabuwal sa ilamim ng lupa. Mula sa kalayuan ay may narinig silang tinig na
nagsasabing huhukayin na nila mula ngayon ang ginto. Doon, naisip nila ang matandang kuba na papilay-pilay na
dumating sa kanilang cañao sa hindi inaasahang pagkakataon na nakaupo sa isang lusong.

4.) Walang nakakakilala sa isang matandang kubang papilay-pilay na lumapit at naupo sa isang nakatumbang
lusong. Napansin lamang siya nang madagil siya ng mga katutubong nagkatuwaan sa paghahabol ng isang baboy na
iaalay nila sa idaraos na cañao, isang piging para mag-alay sa kanilang pinakadakilang bathala. Sa pagtungo ni Lifu-o sa
kaingin kanina ay nakakita siya ng uwak sa gitna ng daan na masamang pangitain.

Gawain
Panuto: Suriin at paghambingin ang elemento ng mito, alamat, at kuwentongbayan mula sa tekstong binasa
batay sa paksa, mga tauhan, tagpuan, at kaisipan ng mga aspetong pangkultura (halimbawa: heograpiya: uri ng
pamumuhay at iba pa na nagpapakilala sa lugar na pinagmulan). (5 puntos)

Kwentong Bayan Alamat Mito

Elemento

Paksa
Tauhan
Tagpuan
Kaisipan
Kultura
Gawain

Panuto: Suriin ang pangungusap na may nakasalungguhit na salita at isulat sa patlang bago ang numero kung
ito ba ay ginamit sa denotatibo o konotatibong paraan batay sa pagkakagamit sa pangungusap. Isulat lamang ang
denotasyon o konotasyon. _______________1. Sa pagtungo ni Lifu-o sa kaingin ay nakakita siya ng uwak sa gitna ng
daan na para sa kanya ay masamang pangitain. ________________2. Isang napakagandang bulaklak sa nayon ang
hinaharana at sinusuyo ng mga kalalakihan. ________________3. Kay raming bulaklak ang aking nakita ngunit
ang halimuyak nila ay kakaiba sa iyo. Hindi ka maaring ipaghambing kahit kanino. ________________4. Idinilat ng
isang ibong nahihimbing ang kanyang diwa, ipinayagpag ang kanyang napakalapad na mga pakpak upang hayuin ang
papawirin. ________________5. Si Sharon Cuneta ay isa sa pinakamaningning na tala sa pelikulang Pilipino
magpahanggang ngayon.

Panuto: Isulat sa patlang ang tamang sagot. Matagal nang parte ng panitikang Pilipino ang 1._____________,
2.________________, 3.___________________, at maikling kuwento na sumasalamin sa 4.__________ na kulturang
Pilipino. Bahagi ang mga anyo ng panitikang ito ng salindila o lipat-dila na ang ibig sabihin ay naipasa ang mga
kuwentong ito sa pamamagitan lamang ng 5.___________. Ang 6.________ ay isa ring anyo ng panitikan na
karaniwang nagtatalakay ng mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag kaugnay sa mga 7._______________________.
Ang 8.________________ ay kuwentong nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong-bayan na naglalaman ng pinagmulan ng
isang pook, bagay, halaman, hayop, pangalan o katawagan, o iba pang bagay. Ang 9.__________________ ay
anyo ng panitikang ito ay bahagi ng katutubong panitikan na nagsimula pa noon pa man na lumaganap at nagpasalin-
salin sa iba’t-ibang henerasyon sa paraang pasalindila. Nasa anyong tuluyan at karaniwang naglalahad ng mga
10.________________ng lugar kung saan ito nagsimula at lumaganap.

Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap at tukuyin kung anong elemento ng matatandang panitikang Pilipino.
Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

___1. Mula sa kalayuan ay may narinig silang tinig na nagsasabing huhukayin na nila mula ngayon ang ginto. Doon, naisip
nila ang matandang kuba na papilay-pilay na dumating sa kanilang cañao sa hindi inaasahang pagkakataon na nakaupo
sa isang lusong.
a. Panimulang Panyayari b. Kasukdulan c. Resolusyon d. Pababang pangyayari

___2. Walang nakakakilala sa isang matandang kubang papilay-pilay na naupo sa isang lusong sa kanilang pook.
Napansin lamang siya ni Lifu-o nang madagil ng mga katutubong nagkatuwaan sa paghahabol ng isang baboy na iaalay
nila sa idaraos na cañao, isang piging para mag-alay sa kanilang pinakadakilang bathala.
a. Papataas na pangyayari b. Kasukdulan c. Pababang pangyayari d. Panimulang Panyayari

____3. Nakaikot lamang kay Matandang Kuba, Lifu-o, at ibang mga katutubong Igorot ang kuwento.
a. Tagpuan b. Tauhan c. May-akda d. Banghay

____4. Tiningala at hinangaan ng maraming manunulat na Pilipino si Simplicio P. Bisa dahil sa kanyang obrang “Isang
Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao.”
a. Tagpuan b. Tauhan c. May-akda d. Katunggaliang tauhan

___5. Sa bahaging ito nalulutas ang suliranin at nagtatamo ng pangunahing tauhan ang layunin. a. Resolusyon b.
Pababang Pangyayari c. Panimulang Pangyayari d. Kasukdulan
Panuto: Isulat ang salitang “Tama” kung tama ang pahayag at “Mali” naman kung ang pahayag ay hindi tama.
________6. Ang kuwentong-bayan, mito, at alamat ay walang kaugnayan sa isa’t-isa.
________7. Mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino ang kuwentong-bayan, mito, at alamat.
________8. Ang mga matatandang panitikang ito ay bahagi ng panitikang salin-dila o lipatdila.
________9. Ang denotasyon ay hindi literal at tiyak na kahulugan ng salita na makikita sa isang diksyunaryo.
_______10. Pansariling kahulugan ng isang tao o pangkat ang konotasyon.
LEARNING ACTIVITY SHEET
QUARTER 3 WEEK-3
FILIPINO 7
NAME: __________________________ Grade & Section: _________________

Kasanayang Pampagkatuto

❖ Magagamit nang wasto ang angkop na mga pahayag sa panimula, gitna at wakas ng isang akda. (F7WG-IIId-e-14)

Suriin

ANG MITOLOHIYA

Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyonal na kuwento o mito (Ingles:
myth), mga kuwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala. Karaniwang tinatalakay ng mga
kuwentong mito ang mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan.

Halimbawa: paano nagkaroon ng hangin o karagatan

May kaugnayan ang mitolohiya sa alamat at kuwentong-bayan. Ang isa sa mga sikat na mitolohiya ng mga
Griyego o ang tinatawag na mitolohiyang Griyego. Ilan sa mga sikat na tauhan sa mitolohiya ng mga Griyego ay ang mga
diyos na sina Zeus, Aphrodite, Athena, at iba pa. Pinagyamang Pluma 7, Alma M. Dayag, et.al.

Ngayon ay alam mo na kung ano ang mito. Mababasa mo ngayon ang buod ng isang mito at alam kong
masasagot mo ang mga katanungang inihanda ko para sa i yo matapos mo itong mabasa. Handa ka na ba?
Umpisahan mo na.

SI MANGITA AT SI LARINA

Noong unang panahon, maraming taon na ang nakalilipas, sa pampang ng Laguna de Bay ay may naninirahang
isang mahirap na mangingisda at ang kanyang pamilya. Maagang namatay ang asawa ng mangigisda kaya’t siya na ang
mag-isang nagpalaki sa dalawang babaeng anak na sina Mangita at Larina. Kapwa napakaganda ng dalawang anak
bagama’t magkaibang-magkaiba ang kani-kanilang katangian. Si Mangita ay kayumangging kaligatan at may mahaba at
itim na itim na buhok. Mabait at mapagbigay siya kaya mahal na mahal siya ng lahat ng mga kakilala. Masipag din siya
saka katukatulong ng kanilang ama sa pananahi ng mga lambat at pagbibigkis sa mga sulong ginagamit sa gabi-gabing
pangingisda.

Ang kapatid naman niyang si Larina ay maputi at nagtataglay ng mahaba at manilaw-nilaw na buhok. Siya ay
ubod nang tamad at maghapon lamang nagsusuklay at nag-aayos ng mahaba niyang buhok. Malupit din siya at walang
pagmamahal sa mga bagay na nabubuhay sa kanilang paligid. Madalas siyang nanghuhuli ng paru-paro at pagkatapos
mahuli ay tinusok-tusok niya ito hanggang sa mamatay.

Isang araw, isang matandang babaeng pulubi ang nagtungo sa kanilang kubo upang humingi ng kaunting kanin
para sa kanyang maliit na mangkok.. Abala noon si Larina sa pagsusuklay ng kanyang buhok kaya’t hindi niya nagustuhan
ang pangaabala ng pulubi. Sinigawan niya ito at hindi pa nagkasya, at walang ano-ano’y kanya itong itinulak palayo.
Natumba ang matandang babae at nabagok ang ulo sa bato dahil sa tindi ng pagkakatulak. Narinig ni Mangita ang ingay
at humahangos na lumabas mula sa pagsusulsi ng lambat. Maagap niyang tinulungan at ginamot ang sugat ng matanda.
Nagpasalamat ito sa kanya at dahan-dahan itong umalis dala ang mangkok na puno ng kanin na bigay niya.

Isang araw, lumuwas ang kanilang ama sa lungsod upang ipagbili ang huli niyang isda ngunit sa kasamaang-palad
ay dinapuan siya ng sakit na laganap sa lungsod kaya sa kalaunan ay namatay ito. Napilitang magtrabaho si Mangita
upang may makain silang magkapatid. Ang sumunod na nangyayari ay nanghina ang kanyang katawan sa sobrang
pagod.. Nagmakaawa siya kay Larina na alagaan siya ngunit hinayaan lang siya nitong lumala ang kanyang sakit. Nang
naghihingalo na at malapit nang mamatay si Mangita ay bumalik ang matandang babaeng pulubi na may dalang supot ng
mumunting buto ng halaman. Inihabilin ng matanda ang supot kay Larina upang orasoras itong subuan ngunit hindi niya
sinubuan si Mangita at sa halip ay itinago niya ang mga buto sa kanyang mahabang buhok. Muling lumala ang sakit ni
Mangita at agawbuhay na siyang dinatnan ng matandang babaeng pulubi.Tinanong ng matanda si Larina kung sinunod
ba nito ang utos niya subalit nayayamot siyang nagsabing “Oo, sinubuan ko siya”. Batid ng pulubi ang pagsisisnungaling
ni Larina kaya biglang nagliwanag sa loob ng kubo. Nang maglaho ang liwanag ay hindi na pulubi ang kaharap niya kundi
isang napakagandang diwata. Kalong-kalong nito ang maysakit na si Mangita at nagpakilalang siya ang pulubing humingi
ng kanin subalit ipnagtabuyan niya.

At mula noon, doon na sa magandang tahanan ng diwata namalagi si Mangita.Si Larina naman ay nasadlak sa
ilalim ng lawa, walang tigil na sinusuyod ang kanyang buhok upang isa-isang matanggal ang mumunting butong itinago
niya rito .Sa huli ang mga butong natanggal sa buhok ni Larina ay naging luntiang halamang lumutang sa tubig na
tinatawag na water lily. At sa tuwing makikita ng mga tao ang halaman ay naalala nila si Larina at ang kanyang
kasamaang nagsadlak sa kanya sa kaawa-awang kalagayan.

Mga Tanong: (2 puntos bawat bilang )

1. Tungkol saan ang tekstong binasa?


___________________________________________________________________________________.

2. Maituturing bang akdang pampanitikan ang ga akdang gumagamit ng diyos, diyosa, bathala at diwata bilang mga
tauhan? Ano ang tawag dito?
___________________________________________________________________________________.

3. Ano ang napansin mo sa bahaging may salungguhit sa teksto?


____________________________________________________________________________________.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga mababasang teksto. Piliin ang letra ng tamang sagot.

ANG PINAGMULAN NG LAHI

I.Isang araw, siya ay kumipal ng lupa, inihagis ito at iniluto sa isang hurno. Pagkahango sa niluto ay napuna niyang ito’y
ubod ng itim dahil sa pagkasunog. Ang kinapal na ito’y siyang pinagmulan ng mga negro natin sa kasalukuyan.

II.Noong unang panahon, wala pang tao sa daigdig, si Bathala ay umisip ng kaparaanan upang maging mapayapa, masaya
at masigla ang daigdig. Ipinasya niyang lumikha ng mga tao.

III.Sa muling pagsasalang sa hurno ay nagkaroon ng agam-agam si Bathala na baka masunog na naman ito kung kaya’y sa
labis na pag-aalala ay hinango agad ang nakasalang. Ang nangyari ay hilaw ang niluto. Ito ang pinagmulan ng lipi ng mga
puti. IV.Sa wakas, ito ang siyang pinagmulan ng lahing kayumanggi.

V.Dahil sa kasanayan na ni Bathala sa paghuhurno, ang ikatlong salang Niya ay naging kasiya-siya sapagkat hustong-
husto sa pagkakaluto, hindi sunog at lalong- lalo namang hindi hilaw.

Panitikang Kayumanggi, Rosario U. Mag-atas, et al.

Mga Tanong:

1. Tungkol saan ang tekstong nabanggit sa itaas? A. pagpasyang lumikha ng tao B. kasanayang lumikha ng tao
C. pagluluto ng iba’t ibang tao D. pinagmulan ng lahi/lipi sa mundo
2. Ano ang panandang ginamit sa pagpapahayag ng simula? A. isang araw B. noong una C. sa wakas D. Ikatlo
3. Alin sa sumusunod ang di-kabilang sa gitnang pangyayari? A. I at IV B. I at III C. III at V D. II at IV
4. Ano ang mga panandang ginamit sa simula, gitna at wakas? A. noong una, sa muli, ikatlo, wakas B. isang araw, baka,
sa muli, kaya C. sa wakas, lalong-lalo, noong una, sa muli D. isang araw, noong una, ikatlo,kaya
5. Alin ang tamang pagsunod-sunod ng mga pangyayari sa teksto? A. I, II,III,IV,V B. II,I,III,V,IV C. II,I,III,IV,V D. I,III,II,IV,V
Panuto: Punan ang nawawalang salita sa ibaba upang mabuo ang mga pahayag. Hanapin sa loob ng kahon ang
angkop na kasagutan nito. ( Maaaring magdoble ang sagot depende sa hinihingi ng pahayag.)

pang-ugnay mambabasa pananda(ng) simula gitna


wakas hudyat

Sa modyul na ito, natutuhan kong may mga tungkuling ginampanan ang mga pananda sa

1.__________, 2.__________ at 3.___________.

Nalaman ko rin na ang mga4. ___________na tulad ng sa umpisa, sumunod, sa huli at iba pa ay tinawag na mga
5.___________ na namamagitan sa pangungusap o bahagi ng teksto.

Lubos ko ring natutuhan na sa 6._________ kailangang pukawin ang interes ng tagapakinig o ng


7._____________samantalang sa 8._________mabuting panatilihin ang kawing-kawing na pangyayari habang sa
9._________ kailangan ang mga pangyayaring maiiwan sa isipan ng tagapakinig o mambabasa na maaaring gamitan ng
10.______________ naghuhudyat ng makahulugang pagtatapos .
LEARNING ACTIVITY SHEET
QUARTER 3 WEEK-4
FILIPNO 7
NAME: __________________________ Grade & Section: _________________

Kasanayang Pampagkatuto

Pagkatapos mong isagawa ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang: ➢ nakapagbubuod ng tekstong binasa sa tulong ng
pangunahin at pantulong na kaisipan. (F7PB-IIIf-g-17)

Suriin

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang teksto upang makuha at masagot ninyo ng
tama susunod na gawain.
ANG NINGNING AT ANG LIWANAG (Emilio Jacinto)

Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira sa paningin. Ang liwanag ay kinakailangan ng mata upang
mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay.

Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay nagniningning; ngunit sumusugat sa kamay ng
nagaganyak na dumampot. Ang ningning ay madaya.

Ating hanapin ang liwanag, tayo’y huwag mabighani sa ningning. Sa katunayan ng masamang nakaugalian.
Nagdaan ang isang karwaheng maningning na hinihila ng kabayong matulin. Tayo’y nagpupugay at ang isasaloob ay
mahal na tao ang nakalulan. Datapwa’y marahil naman ay isang magnanakaw; marahil sa ilalim ng kanyang
ipinatatanghal na kamahalan at mga hiyas na tinataglay ay natatago ang isang pusong sukaban.

Nagdaraan ang isang maralita na nahihirapan sa pinapasan. Tayo’y mapapangiti at isasaloob. Saan kaya
ninakaw? Datapwa’y maliwanag nating nakikita sa pawis ng kanyang noo at sa hapo ng kanyang katawan na siya’y
nabubuhay sa sipag at kapagalang tunay.

Ay! Sa ating pang-uga-ugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtaksil sa liwanag.

Ito na nga ang dahilan kung kaya ang mga loob na inaakay ng kapalaran at ng kasakiman ay nagpupumilit na
lumitaw na maningning, lalong-lalo na nga ang mga hari at mga pinuno na pinagkatiwalaan ng sa ikagiginhawa ng
kanilang mga kampon, at walang iba kundi ang mamalagi sa kapangyarihan sukdang ikainis at ikamatay ng bayan na
nagbigay sa kanila ng kapangyarihan.

Tayo’y mapagsampalataya sa ningning; huwag nating pagtakhan na ang ibig mabuhay sa dugo ng ating mga
ugat ay magbalatkayo ng maningning.

Ay! Kung ang ating dinudulugan at hinahainan ng puspos na galang ay ang maliwanag at magandang-asal at
matapat na loob, ang kahit sino ay walang mapagningning pagkat di natin pahahalagahan, at ang mga isip at akalang
ano pa man ay hindi hihiwalay sa maliwanag na banal na landas ng katwiran.

Ang kaliluhan at ang katampalasanan ay humahanap ng ningning upang huwag mapagmalas ng mga matang
tumatanghal ang kanilang kapangitan; ngunit ang kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay hubad, mahinhin, at
maliwanag na napatatanaw sa paningin.

Mapalad ang araw ng liwanag! Ay! Ang anak ng bayan, ang kapatid ko, ay matutoto kayang kumuha ng
halimbawa at lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan?

PANUTO: Punan ng tamang sagot ang patlang upang mabuo ang kaisipan. Hanapin ang mga kasagutan sa loob ng kahon.

kaisipan sanaysay pangungusap ideya teksto pantulong na kaisipan


huling pangungusap pangunahing kaisipan larawan paksang pangungusap
mambabasa
Ang pangunahing kaisipan ay mensaheng nakapaloob sa larawan o sa isang (1)_______________. Sinasabi
nito kung ano ang ibig sabihin ng kabuuang (2)_______________, ng mga (3)_______________, o ng (4)
_______________. May pagkakataong hindi lantad sa talata ang (5) ________________. Ito ay kadalasang makikita
sa unang pangungusap at (6) _______________ ng isang akda o teksto.

Ang (7) _______________ o pansuportang detalye ay nagtataglay ng mahalagang impormasyon, kaisipan o


mga detalye o mga susing pangungusap na may kaugnayan sa (8) _______________. Ito ay nagbibigaylinaw
pangunahing ideya o kaispan upang lubos itong maunawaan ng mga (9) _______________. Nagtataglay din ito ng
mahahalagang impormasyon na tumutulong upang lubusang maunawaan ang pangunahing ideya o
(10)_______________ ng isang teksto tulad ng petsa, pangalan, lugar, paglalarawan, datos at iba pang mahahalagang
impormasyon na nagbibigay suporta sa pangunahing ideya.

PANUTO: . Bilugan ang titik ng


tamang sagot.

Isa sa pinakamasustansiyang prutas ang saging dahil malaki ang naitutulong nito sa ating kalusugan. Ayon sa
karamihan, ang saging ay hindi prutas kundi isang “berry.” Maituturing na “herb” ang puno nito. Nagtataglay rin ng
sustansiyang tumutulong sa pagpapabilis ng pagbuo ng mga nasirang “tissue” sa ating katawan ang saging.

1. Ano ang pangunahing kaisipan sa teksto

A. Maituturing na “herb” ang puno ng saging.


B. Isa sa masustansiyang prutas ang saging dahil malaki ang naitutulong nito sa ating katawan.
C. Ang saging ay hindi prutas kundi isang “berry.”
D. Malaki ang naitutulong ng saging sa ating katawan.

2. Ito ay mensaheng napapaloob sa larawan o sa isang sanaysay. Sinasabi nito kung ano ang ibig sabihin ng kabuuang larawan, ng mga
pangungusap, o ng teksto.

A. Pangunahing kaisipan
C. Pamagat
B. Pantulong na kaisipan
D. A at B

Ang ningning ay madaya. Ito ay nakasisilaw at nakasisira sa paningin. Sa ating pag-uugali ay lubhang nangapit
ang pagsamba sa ningning at pagtakwil sa liwanag.

3. Batay sa teksto sa loob ng kahon, alin ang pangunahing kaisipan?


A. Ito ay nakasisilaw at nakasisira sa paningin.
B. Pagtakwil sa liwanag.
C.Sa ating pag-uugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning.
D. Ang ningning ay madaya dahil ito’y nakasisilaw at nakasisira sa paningin.
4. Nagtataglay ng mahahalagang impormasyon, kaisipan o mga detalye o mga susing pangungusap na may kaugnayan sa
paksang pangungusap.

A. Pangunahing kaisipan
B. Pantulong na kaisipan
C. Pamagat
D. A at B
5. Bakit mahalagang kilalanin ang mga detalyeng nagbibigay-suporta sa

A. Dahil ito ang susi sa lubusang pag-unawa ng pangunahing kaisipan. B. Dahil nakatutulong ang mga ito upang
madaling matandaan ang mahahalagang impormasyon sa isang teksto. C. Upang maunawaan ang pagkakabuo ng isang
teksto. D. A, B, at C

Sanggunian:
Pinagyamang Pluma 7 Unang Edisyon Pahina 340-341 Awtor Koordineytor: Alma M. Dayag et al
Modyul sa Filipino Baitang 8 Pahina 147-151 Mga may akda: Abdon M. Balde Jr. et al
LEARNING ACTIVITY SHEET
QUARTER 3 WEEK-5
FILIPINO 7
NAME: __________________________ Grade & Section: _________________

Kasanayang Pampagkatuto

❖ Nasusuri ang mga elemento at sosyo-historikal na konsteksto ng napanood/nabasang dulang pantelebisyon


(F7PD-IIIf-g-15)
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto.

Walang Sugat
Ni: Severino Reyes
Unang Bahagi

IV TAGPO

(musika) Koro at Lukas

LUKAS: Tayo na’t ating dalawin, mga tagarito sa atin.


KORO: Dalhan sila ng makakain at bihisan ay gayundin.
ISANG BABAE: Naubos na ang lalaki.
LAHAT NG BABAE: Lahat na’y hinuhuli; mga babae na kami.
LUKAS: Marami pang lalaki.
LAHAT NG LALAKI: Huwag malumbay….kami’y nasa bahay at nakahandang tunay, laan sa lahat ng bagay
LAHAT NG BABAE: (sasalitain) mga lalaking walang damdam, kaming babae’y pabayaan, di namin kayo
kailangan.
ISANG LALAKI: Makikita ko si Tatang.
ISANG LALAKI: Kaka ko’y gayundin naman.
ISANG BABAE: Asawa’y paroroonan.
ISANG BABAE: Anak ko’y nang matingnan.
LAHAT: Tayo na’t sumakay sa tren, bumili pa ng bibilhin at sa kanila’y dalhin masarap na pagkain.
MGA BABAE: Tayo na, tayo na
LAHAT: Sumakay sa tren
MGA LALAKI: Doon sa estasyon. Panuto
LAHAT: Ating hihintin.(Papasok lahat)( Itataas ang telong maikli)
V TAGPO (Bilangguan sa Bulakan, patyo ng Gobyerno, maraming mga bilannggong nakatali sa mga rehas) (Ang mga prayle at si
Marcelong Alcalde) Salitain
RELIHIYOSO 1.0: Ah, si Kapitan Luis! Ito’y tagaroon sa amin; masamang tao ito…
MARCELO: Mason po yata Among?
RELIHIYOSO 1.0: Kung hindi man mason, marahil filibustero, sapagkat kung siya’y sumulat maraming K, cabayo K. MARCELO:
Hindi po ako kabayo, Among!
RELIHIYOSO 1.0: Hindi ko sinasabing kabayo ikaw, kundi, kung isulat niya ang kabayo, may K, na lahat ng C, pinapalitan ng K.
Masamang tao iyan, mabuti mamatay siya.
RELIHIYOSO 2.0: Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan Miguel, at ang Juez de Paz, ay daragdagan ng rasyon. MARCELO: Hindi
sila makakain, eh!
RELIHIYOSO 2.0: Hindi man ang rasyon ang sinasabi ko sa iyo na dagdagan, ay ang pagkain, hindi, ano sa akin kundi sila
kumain? Mabuti nga mamatay silang lahat. Ang rasyon na sinasabi ko sa iyo ay ang palo, maraming palo ang kailangan.
MAECELO: Opo, Among, hirap na po ang mga katawan nila at nakaaawa po namang magsidaing, isang lingo na pong paluan
ito, at isang lingo namang walang tulog sila!
RELIHIYOSO 2.0: Loko ito! Walang awa-awa? Nayon walan awa-awa, duro que duro. awa-awa. Ilan kaban ang rasyon? Ang
rasyon nan palo, ha.
MARCELO: Dati po’y tatlong kaban at maikatlo sa isang araw na tinutuluyan, ngayon po’y limang kaban, at makalima po sa
isang araw.
RELIHIYOSO 2.0: Samakatuwid ay limang beses 25, at makalimang 125, ay Huston 625 (binibilang ang daliri). Kakaunti pa!
(Bibigyan si Marcelo ng kwalta at tabako)
MARCELO: Salamat po, Among!
RELIHIYOSO 1.0: Kahapon ilan ang namatay?
MARCELO: Wala po sana, dapatwa’t nang mag-uumaga po ay pito lamang.
RELIHIYOSO 1.0: Bakit ganon? (Gulat)
MARCELO: Dahil po si kapitan Inggo ay pinagsaulan ng hininga.
RELIHIYOSO 1.0: Si Kapitan Inggo pinagsaulan ng hininga! Narito si Kapitan. Putin, at ibig daw makita si Kapitan Inggo na asawa
niya. Kung ganoon ay hindi na mamamatay si Kapitan Inggo?
MARCELO: Mamamatay pong walang pagsala: wala na pong laman ang dalawang pigi sa kapapalo, at ang
dalawang braso po’y litaw na ang mga buto, nagigit sa pagkakagapos.
RELIHIYOSO 1.0: May buhay-pusa si Kapitan Inggo! Saan naroroon ngayon?
MARCELO: Nariyan po sa kabilang silid, at tinutuluyan uli ng limang kaban.
RELIHIYOSO 1.0: Mabuti, mabuti, Marcelo, huwag mong kalilimutan, na si Kapitan Inggo ay araw-araw papaluin at
ibibilad at buhusan ng tubig ang ilong, at huwag bibigyan ng mabuting tulugan, ha?
MARCELO: Opo, Among. ( Sa mga kasama niya) Compaῆeros, habeis traido el dinero para el Gobernador?
RELIHIYOSO 2,3,4: Si,si, hemos traido.
RELIHIYOSO 1.0: Marcelo, dalhin dito si Kapitan Inggo.
MARCELO: Hindi po makalakad eh!
RELIHIYOSO:1.0: Dalhin dito pati ang papag. Mana Putin, mana dalaw, parito kayo.
(magsisilabas ang mga dalaw)
VII TAGPO
TENYONG: Tatang ikaw po’y ititihaya ko nang hindi mangalay…..
INGGO: Huwag na… anak ko…hindi na maari…luray-luray na ang katawan…Tayo’y maghihiwalay nang walang
pagsala! Bunso huwag mong pabayaan ang inang mo!Putin, ay Putin….JuanaJulia…kayo na lamang ang inaasahan
kong kakalinga. Sa kanila…ang kaluluwa ko’y ihahain ko na kay Bathala.
TENYONG: Diyos na may kapangyarihan! Ano’t iyong ipinagkaloob ang ganitong hirap? Inang masdan mo po at
masama ang lagay ni Tatang. Inang tingnan mo’t naghihingalo…Tatang…Tatang…
PUTIN: Inggo ko…Inggo…
TENYONG: Patay na!
(Magsihagulhol ng iyak)

IX TAGPO
(Tenyong at mga kasamang lalaki)
TENYONG: Mga kasama, magsikuha ng gulok, at ang may rebolber ay dalhin.
ISA: Ako’y mayroong iniingatan.
ISA PA: Ako’y mayroon din
TENYONG: Tayo na sa estasyon ng Guiguinto.
ISA: Nalalaman mo bang silang mangagsilulan?
TENYONG: Oo, walang pagsala, narinig ko ang salitaan nila at nabatid ko tuloy na sasabihin daw nila sa Heneral na
tayo’y pagababarilin na.
ISA: Mga tampalasan!
ISA PA: Walang patawad!
JULIA: Tenyong… Tenyong…
TENYONG: Julia, di maaari ang ako ay di-pasa-parang; ako ay hinihintay ng mga kapatid. Tumugtog na ang oras ng
pananawagan na naaaping ina, sa pinto ng nagpaubayang anak; ang ina natin ay nangangailangan ng tunay nating
pagdamay; dito sa dibdib ko’y tumitimo ang nakalulunos na niyang himutok, ang nakapanlulumo niyang daing:
“May anak ako,” aniya, ngayo’y kapanahunan ako’y ibangon na ninyo sa pagkalugami”. Oras na, Julia ko, ng
paglagot ng matibay na tanikalang mahigit sa tatlong daang taong sinasangayad; hindi dapat tulutang….mga iaanak
natin ay magising pa sa pagkalagim-lagim na pagkaalipin.
JULIA: Wala akong maitututol, tanggapin na lamang ang huling tagubilin!

(Tugtuging nagpakilala ng damdamin. Pagdating ng bahaging masaya ay maririnig ang sigawan sa loob. Mga Prayle
at mga kasama ni Tenyong at si Tenyong) Sa loob Mga lahi ni Lucifer! Magsisi na kayo; oras na ninyo! Ikaw ang
pumatay sa ama ko-Perdon! Walang utang na di pinagbabayran! (Hagaran at mapapatay ang mga Prayle, isa ay
mabibitin na sasama sa tren. Yaman ng Pamana, Wika at panitikan

Alam mo ba?
Ang dula ay akdang tuluyan na naglalahad ng isang kuwento ng dalawa o higit pang tao at ito’y
itatanghal sa mga dulaan o tanghalan. Ito ay mayroong tatlong bahagi ang simula, gitna at wakas. Sa simula -
mamalas dito ang tagpuan, tauhan at sulyap sa suliranin. Ang tagpuan ay kung kailan at saan naganap ang mga
panyayari. Tauhan naman ang mga kumikilos at nagbibigay –buhay sa dula. Bawat dula ay may suliranin, ito ay ang
kinakaharap na problema ng pangunahing tauhan Sa gitna matatagpuan ang saglit na kasiglahan na
naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang nasasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ay ang
pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng tauhan sa mga suliranin kahaharapin na maaring sa sarli, kapwa o
kalikasan. at kasukdulan matatagpuan natin ang pinakamadulang bahagi kung saan magtatagumpay ba o mabibigo
ang pangunahing tauhan. Ang wakas naman ay nagtataglay ng kakalasan at ang kalutasan. Sa kakalasan unti-
unting natutukoy ang kalutasan sa mga suliranin. Nawawaksi at natatapos naman ang mga suliranin at tunggalian
sa dula sa kalutasan. Historikal-sosyohikal kung inilalahad dito ang kalagayang panlipunan ng mga Pilipino
noong panahon ng mga Espanyol. Ang isang taong ayaw sumunod sa kanilang patakaran ay agad hinuhuli at
ikinukulong. Pinapatungan din nila ng ibang kaso hanggang mamatay sa loob ng kulungan. Ipinapakita dito na
kakampi ng mga prayle ang mayayaman at mga makapangyarihan. Ang mga mahihirap ay itinuturing nilang
mangmang, walang puwang sa lipunan. Ito ang lipunan natin noon na inilalarawan sa dulang ito.

Gawain
Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

___1.) “Huwag malumbay….kami’y nasa bahay at nakahandang tunay, laan sa lahat ng bagay. ” Anong elemento
ito? A. simula B. gitna C. wakas D. kasukdulan

___ 2. Anong bahagi ng dula ang pahayag? “Oo, walang pagsala, narinig ko ang salitaan nila at nabatid ko tuloy na
sasabihin daw nila sa Heneral na tayo’y pagbabarilin na.” A. simula B. gitna C. wakas D. kasukdulan

___ 3. “Dati po’y tatlong kaban at maikatlo sa isang araw na tinutuluyan, ngayon po’y limang kaban, at makalima po sa
isang araw.” Anong bahagi ito ng dula? A. simula B. gitna C. wakas D. kasukdulan

___ 4. May buhay-pusa si Kapitan Inggo! Saan naroroon ngayon? Anong elemento ng dula ang sinalungguhitan
salita? A. tagpuan B. tauhan C. tunggalian D. kasukdulan

___ 5. Anong uring dula ang binasa? A. pangkalikasan B. kritikal C. sosyo-historikal D. mapanuri

Panuto: Suriin kung saang bahagi matatagpuan ang sumusunod. Isulat kung itoy simula, gitna, o wakas.

____________ 6. Natatapos at nawawaksi ang suliranin sa dula.


____________ 7. Kailan at saan naganap ang mga panyayari
____________ 8. Pakikipagsapalaran ng tauhan sa mga suliranin kahaharapin na
maaring sa sarli, kapwa o kalikasan.
____________ 9. Sa bahaging ito makikita ang gumaganap sa dula.
____________ 10. Matatagpuan natin ang pinakamadulang bahagi kung saan
magtatagumpay ba o mabibigo ang pangunahing tauhan.

Sanggunian:

Elvira R. Liwanag,. (2010).Yaman ng Pamana:Wiak at Panitiakn . Filipino IV. Pilipinas: Vibal Publishing House Inc., pp. 23-
32

You might also like