You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN

FILIPINO 7
ARALIN 2.2.3 ALAMAT

I. LAYUNIN:
(F7PD-IIc-d-8) Naihahambing ang binasang alamat sa napanood na alamat ayon sa
mga elemento nito.
(F7WG-IIc-d-8) Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa paghahambing
(higit/mas, di - gaano, di gasino, at iba pa)

A. Nakabubuo ng mga pangungusap gamit ang mga pahayag sa paghahambing.

II. PAKSANG ARALIN:

A. Paksa: Wika: Mga Pahayag sa Paghahambing at Kaantasan ng Pang-uri


B. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Ikalawang Edisyon, pahina 182-183
C. Kagamitang Pampagtuturo: Sipi ng mga halimbawa ng Mga pahayag sa
Paghahambing,Manila Paper, Pentel Pen, Packaging Tape

III. PAMAMARAAN:

A. PANIMULANG GAWAIN
a.1 Pagganyak

Sa pamamagitan ng larong pahulaan, pipili ang guro ng isang mag-


aaral. Ang mag-aaral na ito ang siyang maglalarawan sa bagay na huhulaan ng
buong klase. ( Maghahanda ang guro ng mga bagay na pahuhulaan.Itatala ng guro
ang sagot sa pisara.)
Tanong:
1. Ano ang pagkakaiba ng dalawang bagay na pinahulaan?

B. PAGLALAHAD
(Pamamaraan ng Pagtatalakay)

Input ng Guro: Mga Pahayag sa Paghahambing at Kaantasan ng Pang-


uri (Pinagyamang Pluma 7 182-183)

B. PAGSASANAY

A.Sa kabanata 1, Aralin 4 ay natutunan mo ang iba’t ibang 1lement ng isang


akda tulad ng tauhan, tagpuan at banghay. Ngayon ay gamitin ang kaalaman
mong ito upang mapaghambing ang binasang alamat ng “Isla ng Pitong
Makasalanan” sa isa sa mga paborito mong alamat o sa alamat na ipapanood
sa inyo ng iyong guro. Punan ang graphic organizer sa ibaba para sa gagawin
mong paghahambing.

Paghahambing ng Dalawang Alamat Ayon sa mga Elemento ng mga Ito

Elemento Alamat ng isla ng Pamagat ng isa


pitong pang alamat
Makasalanan
Tauhan
Tagpuan

Banghay:
Simula

Tunggalian

Kasukdulan

Kakalasan

Wakas
Mahalagang Aral
na Taglay ng
Alamat

B. Panuto: Gamitin mo nang maayos sa mga pangungusap ang sumusunod na


mga pahayag sa paghahambing. Gawing paksa sa mga bubuoing
pangungusap ang pagiging mabuting anak, kapatid o kapamilya.

1. Higit na mabuti
2. Di gaanong malakas
3. Mas masaya
4. Lalong mahirap
5. Di gasinong mabilis

C. PAGLALAHAT

1. Ano-ano ang mga pahayag sa paghahambing?


2. Ano-ano ang mga kaantasan ng pang-uri?

D. PAGLALAPAT

Panuto: Tulong-tulong na bubuo ang mga mag-aaral ng isang islogan na


ginagamitan ng mga pahayag sa paghahambing. Ang paksa ay tungkol sa Edukasyon.
IV. PAGTATAYA:

A. Panuto: Gamitan/ Punan ng wastong pahayag sa paghahambing ang bawat


pangungusap. Gawing gabay ang salitang-ugat sa loob ng panaklong
gayundin ang diwang taglay ng pangungusap.
1. Ang anak ay (buti)______ kung marunong siyang sumunod sa payo ng magulang.
2. Sa ngayon, (marami) ____________ kabataan ang nalululong sa paglalaro ng video games
kaysa noong nagdaang panahon.
3. Ang tamang paggabay sa mga anak ay (mainam) ________ pa ring paraan ng pagtuturo
kaysa sa labis na pamamalo o pananakit ng bata.
4. Natutuhan natin mula sa binasang alamat na sa lahat pala ng puwedeng gawin ng anak
na (masakit)_________ sa isang magulang ang pagsuway ng anak na humahantong sa
sarili niyang kapahamakan.
5. Kaya, bata, pilitin mo sanang maging (masunurin) ___________ ngayon kaysa noong
bago mo mapag-aralan ang ating aralin.

B. Panuto: Paghambingin ang “Alamat ng Pinya” sa “Alamat ng Sampagita” ayon sa


elemento ng mga ito. (Bibigyan ng kopya ang mga mag-aaral).

V. KASUNDUAN:

1. Gumawa ng limang pangungusap gamit ang iba’t ibang pahayag sa


paghahambing. Isulat sa kalahating bahagi ng papel.

You might also like