You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN

FILIPINO 7
ARALIN 2.2.2 ALAMAT

I. LAYUNIN:

(F7PT-IIc-d-8) Naibibigay ang sariling interpretasyon sa mga salitang paulit-ulit na


ginamit sa akda.
(F7PS-IIc-d-8) Nanghihikayat na pahalagahan ang aral na nakapaloob sa binasang
alamat.

A. Nakagagamit ng mga salitang paulit-ulit na ginamit sa akda sa


pangungusap.
II. PAKSANG ARALIN:

A. Paksa: Panitikan: Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan


B. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Ikalawang Edisyon
C. Kagamitang Pampagtuturo: Sipi ng alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan

III. PAMAMARAAN:

A. PANIMULANG GAWAIN

1.Pagganyak

a.Pagtatanong:
1. Ikaw ba ay taong mahilig gumamit ng isang salita na paulit-ulit?
Bakit?
2. Ano-ano kaya ang mga dahilan at kung minsan ay paulit-ulit
nating ginagamit/ binabanggit ang isang salita/ lipon ng mga
salita?

2. Pag-alis ng Sagabal
(Pangkatang Gawain)

Panuto: Magbigay ng sarili ninyong interpretasyon sa mga salita /


parirala na nasa loob ng bilohaba sa pamamagitan ng
paglalahad ng mga salitang maaaring iugnay sa
bawat isa. Isulat ang sagot sa mga kahon.

Mapagmahal
na ama
Mga suwail
na anak

estranghero

2.a Pag-uulat ng bawat Pangkat

B. PAGLALAHAD

1. Muling pagpapabasa ng alamat.( Ang Alamat ng Pitong Makasalanan)

C. PAGTALAKAY

1. Isa-isahin ang mga salitang paulit-ulit na ginamit sa akda at bigyang


interpretasyon ang mga ito, kung bakit kaya paulit –ulit na ginamit ang
mga ito sa akda,
2. Paano natin mapahalagahan ang aral na nakapaloob sa binasang alamat?

D.PAGLALAHAT

Sa pangkalahatan, tungkol saan ang tinalakay natin sa araw na ito?Ano


ang mensaheng napapaloob sa binasang alamat? Bakit kailangan nating
pahalagahan ito?

E. PAGLALAPAT

Kung ikaw ang tatanungin, sa anong paraan mo maipakita ang


pagpapahalaga sa aral na nakapaloob sa binasang alamat, na makahihikayat sa
iba pang babasa ng nasabing nito?

IV. PAGTATAYA:

A. Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Ibigay ang sa tingin mo ay


nararapat gawin ng isang kabataan na nagpapakita ng panghihikayat na
pahalagahan ang aral na nakapaloob ditto.
1. Sabado ng gabi, abala ka sa panonood ng telebisyon habang naglalaro ng iyong
paboritong video game sa iyong tablet nang tawagin ka ng iyong nanay upang
tumulong sa paghahanda ng mesang kainan. Ang nararapat gawin ng isang anak sa
pagkakataong tulad nito ay:_____________________________________________

____________________________________________________________________.

2. Kahit hindi ka pa nakapagpapaalam sa iyong magulang ay nangako ka na sa iyong


kaklaseng sasama sa sleepover sa kanilang bahay para ipagdiwang ang kanyang
kaarawan. Nang magsabi ka sa iyong magulang ay hindi ka nila pinayagan dahil
naniniwala silang hindi ligtas para sa isang kabataang tulad mo ang makitulog sa ibang
bahay. Ang dapat gawin ng isang anak sa sitwasyong tulad nito ay:_________

____________________________________________________________________.

B. Panuto: Ibigay ang iyong sariling interpretasyon sa mga sumusunod na salita na


paulit-ulit na ginamit sa akda.

1. pagmamakaawa ng ama

2. humagulgol ang matanda

3. abala sa mga gawaing bahay

V. KASUNDUAN:

1. Magbasa ng panibagong alamat mula sa Bisaya at tukuyin ang aral na


nakapaloob dito.

Tanong:

Paano mo hihikayatin ang mambabasa na pahalagahan ang aral na nakapaloob dito?

You might also like