You are on page 1of 3

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

REGION IV-A CALABARZON


DIVISION OF RIZAL

SOUTHVILLE 8C NATIONAL HIGH SCHOOL


San Isidro, Rodriguez Rizal

Ika-5 ng Agosto
7-EMERALD (1:05-1:55)

BANGHAY-ARALIN SA EDUKASYON SA FILIPINO 7

PAKSA
Aralin 1.6: Ang Alamat ng Palendag

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (Content Standard)


Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng
Mindanao.

PAMANTAYANG PAGGANAP (Performance Standard)


Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismo.

MAHALAGANG TANONG
Ano-ano kaya ang dapat gawin ng isang tao upang unti-unti siyang makapagsimulang
muli o makapag-move on mula sa isang kabiguan?

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO
1. Nakikilala ang kasingkahulugan ng mga bagong salita.
2. Nakikilala ang mga detalye ng binasa.
3. Nakapaglalahad ng mga paraan ng tamang pagharap sa pagsubok o kabiguan.

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa: Ang Alamat ng Palendag

B. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7, pp. 123-131

C. Kagamitan: DLP, Powerpoint Presentation, monitor, remote

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
 Pagbati
 Panalangin
 Pagtiyak ng kalinisan at kaayusan ng silid-aralan
 Pagtsek ng lumiban
 Pagbabalik-aral

B. Pangganyak
Magkakaroon ng maikling pagbabahagi ng opinyon/saloobin kaugnay ng pagluha ng
isang tao.
1. Kailan ka ba huling lumuha?
2. Batay sa iyong obserbasyon o sariling karanasan, ano-ano nga ba ang nagiging
dahilan sa pagluha ng isang tao?
C. Gawaing Pangkasanayan
Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat ng madiin sa hanay
A batay sa konteksto ng pangungusap. Hanapin ang sagot sa hanay B.

A B
1. Madarama ang bigat ng suliraning a. inubos
dinadala ng dalaga sa kanyang tahimik
na paghikbi.
2. Ang kalungkutan ng dalaga ay tunay na b. nakasaling
nakaantig sa aking damdamin.
3. Inatasan ng hari ang kawal upang mamuno c. pagluha
sa isang digmaan.
4. Ipinadala ng hari ang binata sa isang d. sundalo
mahalagang misyon kaya kinailangan
niyang iwan ang minamahal.
5. Ginugol niya ang oras sa kanyang habihan upang e. tungkulin
makalimot sumandali sa kanyang kasawian.

D. Pagtalakay sa Aralin
Salitang pagbasa ng akdang “Alamat ng Palendag” at pagpapasagot sa mga
sumusunod na tanong.

1. Ayon sa binasang alamat, anong bagay ang pinagmulan ng instrumentong


palendag?
2. Sa paanong paraan nakaranas ng kabiguan ang dalaga sa akdang binasa?
3. Sa iyong palagay, nararapat nga ba ang ginawa niyang tahimik na pagluha
hanggang sa mabutas ang kawayang pinapatakan ng kanyang luha dahil sa kabiguan
niya sa pag-ibig? Bakit oo o bakit hindi?

Pangkatang Gawain: Hahatiin ang klase sa limang pangkat. Bawat pangkat ay


bibigyan ng gawain na ibabahagi sa klase.

Kung makakausap mo ang dalaga, ano ang sasabihin mo sa kanya patungkol sa


muling pagbangon mula sa isang kasawian?

Pangkat 1 – Jingle
Pangkat 2 – Role Play
Pangkat 3 – Reporting
Pangkat 4 – Talk Show
Pangkat 5 – Tula/Awit

RUBRIKS
Maayos at mahusay na presentasyon. 60%
Pakikilahok at pagtutulungan ng buong 40%
miyembro
KABUUAN 100%

E. Paglalahat
Paano unti-unting makapagsimulang muli o makapag-move on ang isang tao mula sa
anumang uri ng pagsubok o kabiguan?

IV. PAGTATAYA
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sumusunod na mga tanong batay sa
binasang alamat.

1. Ang dalaga sa alamat ay isang _____________


a. mananahi c. manghahabi
b. tagaburda d. magsasaka
2. Ang kasintahan naman ng dalaga ay isang _______________
a. manlalakbay c. kawal
b. datu d. mangangalakal
3. Hindi na natupad ng binata ang pangakong pagbabalik sa kasintahan dahil siya ay
______________.
a. ikinasal sa ibang babae
b. natalo sa sinalihang labanan
c. namatay habang naglalakbay
d. nakatagpo ng magandang kapalaran
4. Ang palendag ay isang instrumentong pangmusikang tinutugtog na parang isang
_______
a. gitara c. tambol
b. plawta d. piyano
5. Ayon sa alamat, ang unang bersiyon ng instrumentong ito ay nalikha sa
pamamagitan ng _____________
a. pagtusok dito ng karayom na gamit sa paghahabi
b. pag-ihip ng malakas sa kapirasong kawayan
c. paggamit ng makina para mabutas ang kawayan
d. laging pagpatak ng luha sa bahagi ng kawayan

V. Kasunduan
Mag-isip ng dalawang pagsubok o kabiguan na hinarap at napagtagumpayan. Isulat ang
mga hakbang na ginawa upang malagpasan ang mga ito.

Inihanda ni:
IRENE F. SY
Guro sa Filipino 7

Sinuri ni:
MILAGROS SEROMA

Pinagtibay ni:
ESMALIA P. CABALANG, Ed.D
Principal II

You might also like