You are on page 1of 14

Republika ng Pilipinas

PAMPAMAHALAANG PAMANTASAN NG PANGASINAN


Kampus ng San Carlos
KOLEHIYO NG EDUKASYON
DEPARTAMENTO NG MGA WIKA
Lungsod San Carlos, Pangasinan (2420)

Mala-masusing
Banghay-Aralin
sa Pagtuturo ng
FLORANTE AT LAURA
Aralin 13: Taos na Pagdamay
(Ikawalong Baitang)

Inihanda ni:

CAMILLE I. PASAOA
BSE III-FILIPINO

Petsa ng Pagpasa:
25 HULYO 2016

Araw ng Pakitang-turo:
25 HULYO 2016

I. Mga Layunin
A. Nalalapatan ng himig ang isang tula;
B. Nakikilala ang uri ng pagtulong sa kapwa;
C. Nakapagbabahagian ng kanya-kanyang karanasan tungkol sa pagdamay at
pagtulong; at
D. Nakapag-iisip ng iba pang paraan ng pagtulong sa pangunahing tauhan gamit
ang MAP(Make A Plan organizer).

II. Paksa
Paksa: Pagtulong o Pagdamay
Tatalakaying Genra: Tula
Pamagat ng Teksto: TAOS NA PAGDAMAY ni Francisco Balagtas Baltazar
Mga Kagamitan: ispiker, projector, laptop, garapon, ginupit na mga letra, papel na
bituin, papel na de-kolor
Sanggunian: FLORANTE AT LAURA
Isang Napapanahong Pagtatalakay ni Francisco Balagtas
Panitikan
pahina 71-74
Kasanayang Pampanitikan:
- Paglapat ng himig sa isang tula
- Pagtukoy kung tungkol saan ang napanood
- Paglalapat ng sarili sa kinalalagyan ng pangunahing tauhan
- Paggamit ng MAP(Make A Plan organizer) sa pagtatala ng plano
Kasanayang Pampag-iisip:
- Pag-aanalisa sa kung kanino angkop ang panag-uring ibinigay
- Pagbibigay ng reaksiyon sa napanood
- Pagpapahayag ng sariling ekspresyon
Halagang Pangkatauhan:
- Pagtulong at pagdamay ng bukal sa kalooban

III. Yugto ng Pagkatuto

A. Tuklasin

1. Pagganyak
Papangkatin sa tatlo ang klase. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng mga letra
at bubuuin ang mga inaasahang salita sa ibaba.
 Maaasahan
 Matulungin
 Maaruga
Ididikit sa pisara ang salitang nabuo. Matapos mabuo ang salita, bibigyan
ang bawat pangkat ng tatlong bituin, mag-uusap ang grupo kung sino sa
klase ang magandang halimbawa ng tatlong salitang nabuo. Pipili ng
kinatawan na siyang magpapaliwanag at ibibigay ang bituin sa tatlong
taong napili ng bawat grupo.

2. Paglinang ng Talasalitaan
a. Pabubunutin ang bawat pangkat. Gamit ang pares na de-kolor na
papel, isusulat ng bawat pangkat ang salitang nakapahilis sa
pangungusap na nabunot at ang kasingkahulugan nito sa panibagong
papel. Ididikit at pagtatabihin sa pisara ang magkasingkahulugan.
Mga Pangungusap na Ipabubunot:

1.Kapos ang kanyang dila na magsaysay pa kung ano ang nangyari sa kanya.
2.Ang lugami niyang katawan ay tuluyang dinapuan ng matinding sakit.
3.Mahigpis niyang niyapos si Aladin, tanda ng kanyang pasasalamat.
4.Hindi umidlip sa buong magdamag si Aladin.
5.Nagpasalamat ng malaki si Florante nang malamang kinandili siya ni Aladin.
6.Si Florante ay nahikayat din ni Aladin na tumikim ng kahit na kaunting pagkain.

B. Paglalahad
1. Pagpapanuod sa klase ng video na pinamagatang Help Each Other & Love
Each Other. Never Stop Sharing (https://youtu.be/u8tzswRot70)
a. Pagbibigay ng reaksiyon sa napanood.
b. Pagtukoy kung tungkol saan ang napanood.

2. Ang pagtulong o pagdamay ay isang gawaing dakila. Ang gawaing ito’y hindi
namimili ng oras, panahon, lugar at maging ang taong iyong pag-aalayan nito.
Hindi mo man kalahi o kadugo ang taong nangangailangan ng tulong ay huwag
mag-atubiling tumulong. Dahil maniwala ka, napakasarap sa pakiramdam ang
tumulong ng bukal sa iyong kapwa. Ngayo’y tatalakayin natin ang isang aralin
mula sa Florante at Laura na pinamagatang, TAOS NA PAGDAMAY.

C. Linangin
1. Hahatiin ang labing anim na saknong sa tatlong pangkat. Ang makukuhang
saknong ay lalapatan ng himig. Itatanghal ito sa harap ng klase.
2. Pipili ng kinatawan ang bawat pangkat na magpapaliwanag sa kung ano ang
gustong iparating ng buong saknong na nilapatan ng himig.
3. Number Heads Together. Magkakaroon ng bilang ang bawat miyembro ng
pangkat. Bubunot ng tanong ang guro, babanggit ng bilang ng mag-aaral na
sasagot at kung saang grupo ito.

Mga Gabay na Tanong:


a. Ano ang paraang ginawa ni Aladin upang manumbalik sa Florante sa
maayos na kalagayan? Isalaysay.
b. Sa tuwing maririnig ni Aladin ang himutok ni Florante, anong damdamin
ang namamayani sa kanyang dibdib? Bakit?
c. Ilarawan ang pagkakaiba ng piskal na sakit ng puso dahil sa kasawian sa
pag-ibig.
d. Sa paanong paraan matutulungan ni Aladin si Florante kung sakaling
malaman nito ang puno’t dulo ng mga paghihirap ni Florante.

D. Pagnilayan at Unawain
Magpapaikot ng garapon kasabay ng isang awitin, kung kanino titigil ang
garapon ay siyang bubunot ng tanong at siya ring pipili kung sino ang
sasagot sa tanong na nabunot.

Mga gabay na tanong:


1.Anu-anong mga bagay ang nagawa mo upang maipakita na ang iyong
pagtulong sa kapwa ay walang pinipiling kulay, lahi o maging kalagayan
ng pamumuhay?
2. Magbigay ng sariling ekspresyon sa tuwing naririnig mo ang salitang
pag-asa.
3. Kailan mo ba masasabing taos ang pagdamay ng isang tao?
4. Kung may taos na pagdamay, mayroon din bang pagdamay na hindi
taos? Ano ito at paano ito nangyayari?

E. Ilapat
1.May mga pagkakataon ba sa iyong buhay na naranasan mo rin ang
pangangailangan sa isang taos-pusong pagdamay? Sino ang taong hindi
nagkait ng tulong sa iyo? Paano mo siya pinasalamatan? Ilahad ang iyong
ginawa.

Pangkatang Gawain
1. Kung ikaw si Aladin, ano pa ang maaari mong gawin upang
matulungan si Florante? Gumawa ng plano sa tulong ng MAP
(Make a Plan)

MGA PARAAN

Pagtulong kay Florante

IV. Pagtataya
I. Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

______ 1. Nagpasalamat ng malaki si Florante nang malamang kinandili siya ng isang taong
kasalungat niya ng paniniwala. Sino ang kumandili kay Florante?
a.
b. Aladin d. Menalipo
c. Laura e. Adolfo
_______ 2. Anong uri ng pahayag ang nasa iba?

158
Doon sa naunang hinintuang dako
nang masok sa gubat ang bayaning Moro,
sa isang malinis, malapad na bato
kusang pinagyaman ang lugaming pangko

a. deskriptiv c. narativ
b. imperatib d. a at c
_______ 3. Sa pahayag na nabanggit sa itaas, ano ang ibig ipakahulugan ng huling taludtod?
a. pinadami ang paghihirap na dala
b. pinadami ang mabigat na dala
c. pinagpahinga ang lugmok na braso’t dala nito
d. ang nagdudusang pangako ay kusang pinadadami
_______ 4. “Mula ng hirap mo’y ibig kong matatap, at nang kung may daa’y malagyan ng
lunas.” Kanino sinasabi ang pahayag?
a. Aladin c. Gererong Muslim
b. Florante d. Wala sa nabanggit
_______ 5. Ano ang angkop na aral sa araling ito?
a. pagtulong na walang hinihingging kapalit
b. hindi pinipili ang taong tutulungan
c. ibigay ang lahat ng makakaya
d. huwag kalimutang magpasalat sa taong tumulong sa iyo

II. Sanaysay.
Panuto: Sagutin ang tanong sa pamamagitan ng maikling sanaysay. Isulat ang sagot sa malinis
na papel. (5 puntos)

Naglalakad ka sa kalsada kumakain ng masarap na masarap at paborito mong sorbetes na


hawak mo sa kaliwang kamay at hawak mo sa kanang kamay ang iyong selpon, nakadikit sa
iyong tenga at kausap ang taong iyong hinahangaan na nagpapatulong sa kanyang takdang
aralin nang makasabay mo ang isang matandang uugod-ugod bitbit ang nakasakong gulay na
ilalako niya sana sa palengke upang may maipangbili ng mailulutong bigas. Ano ang gagawin
mo?

V. Kasunduan

A. Sumulat ng isang tula para sa taong hindi niyo malilimutan dahil sa nagawang
pagtulong at pagdamay nito sa inyo. Isulat sa malinis na papel.

Republika ng Pilipinas
PAMPAMAHALAANG PAMANTASAN NG PANGASINAN
Kampus ng San Carlos
KOLEHIYO NG EDUKASYON
DEPARTAMENTO NG MGA WIKA
Lungsod San Carlos, Pangasinan (2420)
Mala-masusing
Banghay-Aralin
sa Pagtuturo ng
FLORANTE AT LAURA
Aralin 14: Alaala ng Kamusmusan
(Ikawalong Baitang)

Inihanda ni:

CAMILLE I. PASAOA
BSE III-FILIPINO

Petsa ng Pagpasa:
25 HULYO 2016

Araw ng Pakitang-turo:
25 HULYO 2016

I. Mga Layunin
A.Nakikilala ang aral na nais iparating ng teksto sa pamamagitan ng pangkatang
pagsagot ng mga tanong;
B. Naitatanghal ang ilang mahalagang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan; at
C.Nailalarawan ang kanya-kanyang karanasan sa pagpapalaki at pag-aaruga ng magulang
sa pamamagitan ng think-pair-share.

II. Paksa
Paksa: Pagpapahalaga at Pagtanaw ng utang na loob
Tatalakaying Genra: Tula
Pamagat ng Teksto: ALAALA NG KAMUSMUSAN ni Francisco Balagtas Baltazar
Mga Kagamitan: radyo, show me board at marker
Sanggunian: FLORANTE AT LAURA
Isang Napapanahong Pagtatalakay ni Francisco Balagtas
Panitikan
pahina 77-80
Kasanayang Pampanitikan:
- Pagtatanghal ng mahalagang pangyayari sa binasa
- Pagpapaliwanag sa isang matalinhagang salita
- Paggamit ng FAW(Form A Word organizer) sa pagtatala
Kasanayang Pampag-iisip:
- Pagbibigay ng reaksiyon sa napakinggan
- Pagbabahagi ng sariling karanasan
Halagang Pangkatauhan:
- Pagpapahalaga sa ginawang pagpapalaki ng magulang at pagtanaw ng utang
na loob sa bagay na ito

III. Yugto ng Pagkatuto

A. Tuklasin

1.Pagganyak
(Charade)
Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat. Pipili ng isang magsasagawa ng aksyon at
pabilisang huhula ang bawat pangkat. Ang may pinakamaraming puntos ang siyang panalo.
Mga Huhulaan:
 Nanganganak
 Nagpapalit ng diaper ng bata
 Nagtitimpla ng gatas
 Nagpapatulog ng bata
 Namamalo ng bata

2.Paglinang ng Talasalitaan

Panuto: Lagyan ng  ang kasing kahulugan ng mga salitang naka-italisado sa mga


pangungusap sa ibaba.

1.Ang luhang bumabalong sa kanyang mga mata’y pilit lamang.


___umaagos ___bumubukal
___dumadaloy ___nanggagaling
2.Tinudla ni Aladin ang ibon at kaagad itong namatay.
___sinaksak ___binaril
___tinirador ___pinana
3.Ang hiyas sa kanyang dibdib ay biglang simanbilat.
___sinaklot ___pinigtas
___kinuha ___pinilas
4.Ang tugon ni Florante sa tanong niya ay hindi narinig.
___sabi ___mungkahi
___sagot ___alibay
5.Siya ay isang sakim.
___buwitre ___ganid
___matakaw ___mabait
B. Paglalahad
1.Iparirinig ang kantang “Anak” ni Freddie Aguilar.
2.Tatanungin ang klase kung: a. Anong pumasok sa kanilang isipan
habang pinapakinggan ang kanta? b. Ano ang ibig ipahiwatig nito?
3. Base sa kantang napakinggan, talaga namang hindi madali ang
pagpapalaki ng anak. Tulad ng pag-aalaga sa atin n gating mga magulang. Noong
tayo’y mga sanggol pa lamang, napupuyat sila, napapagod, pero hindi tayo
nakakarinig ng paninisi. Ang mga bagay na ito ay dapat nating ipagpasalamat at
tanawin na ang na loob habang tayo ay nabubuhay, bagay na huwag natin dapat
kalimutan na suklian. Ngayo’y tatalakayin natin ang isang tula na nagpapakita ng
pagsasariwa ng mga alaala niya nang siya’y musmus pa lamang. Bahagi ng
Florante at Laura na pinamagatang “Alaala sa Kamusmusan.”

C. Linangin

i. Bibigyan ng kopya ang bawat pangkat. Ipababasa ito at bibigyan ng


limang minuto ang bawat pangkat upang bumuo ng maikling
pagtatanghal upang maipakita ang mahalagang pangyayari sa binasa.
ii. Gamit ang mga nakatagong tanong sa ilalim ng ilang upuan tatakbo ang
talakayan.
Mga gabay na tanong:
a.Ano ang naging gampanin ng mga ipinakitang pangyayari sa
pagbibinata ni Florante?
b.May ipinahiwatig ba ang mga panganib na sinuong ni Florante
sapul pa sa kanyang pagkabata?
c. Ano sa palagay mo ang dahilan ng mga pagsubok na ito?
d. Ano ang aral na nais iparating ng binasa?
D. Pagnilayan at Unawain
Pangkatang Gawain
i. Sa pamamagitan ng “show me board” susulat ng isang hanggang tatlong
salitang gagamitin upang maipaliwanag ang taguring “Floranteng
bulaklak kong bugtong.”
Pipili ng kinatawan na siyang magpapaliwanag sa harap ng klase.
ii. Gamit muli ang show me board, magtala ng mga katangian na dapat
taglayin ng mga magulang upang lumaking mabuting bata ang kanilang
anak. Pagkatapos, gamitin ang FAW(Form a Word) upang makabuo ng
isang akronim na laging magpapaalala sayo sa katangian ito.
Halimbawa:
Maalalahanin
Alay ang buhay sa anak
Hangad ay kaligayahan ng anak
Alalang-alala sa lagay ng anak
Laging nakalaang magbigay ng payo

E. Ilapat
Think-Pair-Share
1.Alalahanin ang hindi malilimutang karanasan sa pagpapalaki sayo ng
iyong magulang. Pagkatapos, humanap ng kapareha sa inyong grupo at
magbahagihan ng karanasan. Humanap ng magboboluntaryong magbabahagi ng
karanasan ng kapareha at kung anong natutunan dito.

IV. Pagtataya
I. Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
____1.Siyang pribadong tanungan ng Hari ng Albanya at ama ni Florante.
a. Aladin c. Floresca
b. Briseo d. Linceo
____2.Kaanu-ano ni Florante ang nagligtas sa kanya mula sa isang buwitre at pinatay ito gamit
ang pana.
a. Kapatid c. Pinsan
b. Ama d. Kaibigan
____3. Anong damdamin ang namumutawi sa pahayag?
176
“Bakit naging tao ako sa Albanya,
bayan ng ama ko, at di sa Crotona,
masayang syudad na lupa ni ina?
disin ang buhay ko’y di lubhang nagdudusa.

a. Nagsisisi c. Nananawagan
b. Nagtataka d. Nangangarap
____4.Sino ang tinutukoy sa pahayag na nasa ibaba?
178
“Kung sa kabaita’y uliran ang lahat
at sa katapanga’y pang-ulo sa s’yudad;
walang kasindunong magmahal sa anak,
umakay, magturo sa gagawing dapat
a. Prinsesa Floresca c. Duke Briseo
b. Haring Linseo d. Lahat ng Nabanggit
____5.Kanino ikinukwento ni Florante ang tungkol sa kanyang kamusmusan?
a. Menalipo c. Aladin
b. Haring Linceo d. Duke Briseo
II. Panuto: Isulat sa patlang ang BET-NA-BET kung ang sitwasyon ay nagpapahiwatig ng kapuri-
puring katangian ng mga miyembro ng isang huwarang pamilya at WAS-KO-BET naman kung
hindi.

____________1. Pinag-aaral lamang ng mga magulang ang anak upang magkaroon sila ng gabay
kapag sila ay tumanda na.
____________2. WAlang tiwala sa anak ang mga magulang sa siyang gumawa ng desisyon para
sa kanila.
____________3. Edukasyon lamang ang tanging pamanang maiiwan ng mga magulang sa mga
anak kaya dapat itong pahalagahan.
____________4. Ginagawa ng mga magulang ang pangangalaga sa kalusugan ng mga anak
upang hindi sila magkasakit.
___________5. Tanda ng pag-iingat sa mga anak ang pag-aalala ng mga magulang kung
mahuhuli sa oras ang dating ng mga anak.

V. Takdang Aralin

Basahin ang Aralin 15 na pimagatang “Ang Laki sa Layaw…” at magtala ng mga mahahalagang
pahayag at ipaliwanag kung bakit ito mahalaga. Isulat sa isang malinis na papel.
Republika ng Pilipinas
PAMPAMAHALAANG PAMANTASAN NG PANGASINAN
Kampus ng San Carlos
KOLEHIYO NG EDUKASYON
DEPARTAMENTO NG MGA WIKA
Lungsod San Carlos, Pangasinan (2420)
Mala-masusing
Banghay-Aralin
sa Pagtuturo ng
FLORANTE AT LAURA
Aralin 15: “Ang Laki sa Layaw…”
(Ikawalong Baitang)

Inihanda ni:

CAMILLE I. PASAOA
BSE III-FILIPINO

Petsa ng Pagpasa:
25 HULYO 2016

Araw ng Pakitang-turo:
25 HULYO 2016

I. Mga Layunin
A. Nakikilala kung anong uri ng ama si Duke Briseo;
B. Nailalarawan ang sariling ama sa pamamgitan ng simbolo at naikwekwento kung bakit
iyon ang napiling simbolo; at
C. Naipapakita ang maling asal na dapat baguhin ng anak sa tuwing nagbibilin ang mga
magulang.
II. Paksa
Paksa: Pagpapahalaga sa mga aral ng magulang
Tatalakaying Genra: Tula
Pamagat ng Teksto: “ANG LAKI SA LAYAW…” ni Francisco Balagtas Baltazar
Mga Kagamitan: karton para sa gagawing parang nametag, mga larawan at kopon
Sanggunian: FLORANTE AT LAURA
Isang Napapanahong Pagtatalakay ni Francisco Balagtas
Panitikan
pahina 84-87
Kasanayang Pampanitikan:
- Dugtungang pagbabasa
- Pagguhit ng simbolo
- Pagpili ng mahahalagang pahayag sa akda
Kasanayang Pampag-iisip:
- Pagbibigay ng reaksiyon at solusyon sa isang problema

Halagang Pangkatauhan:
- Pagpapahalaga at pagsunod sa mga aral at bilin ng magulang

III. Yugto ng Pagkatuto

A. Tuklasin

1.Pagganyak
Hahatiin sa dalawang pangkat ang klase. Ang dalawang malaking pisara sa harap
ay magsisilbing freedom wall ng bawat grupo. Isa-isang magsusulat dito ng kanilang mga
nais hingin sa kanilang mga magulang. Pagkatapos, pipili doon ang guro ng ilan

2.Paglinang ng Talasalitaan

Sa dalawang pangkat sa klase, pipili ng tiglilimang representatib, bibigyan ng mga


salita na mistulang nametag. Pagkatapos, hahanapin sa kabilang grupo ang
kasingkahulugan nito.

Pangkat 1 Pangkat 2

Malawig Malago

Pamawi Pang-alis

Lisanin Iwanan

Magbata Magdusa

paglinggap pagpapalaki

F. Paglalahad
Picture Puzzle

1.Mula sa dalawang pangkat, hahatiin mula ito sa dalawa upang


magkaroon ng apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay bubuuin ang mga
pirapirasong larawan, ididikit sa pisara. Pipili ng isang magpapaliwanag sa harap
ng klase kung ano ang ipinapakita ng larawan.
Mga larawang bubuuin:
 Amang sinesermonan ang anak
 Pinapalong Anak
 Amang yakap ang anak
 Amang iniaabot ang malaking regalo sa anak
2.Makikita sa larawang nakadikit sa pisara ang iba’t ibang pagpapakita ng
pagmamahal ng ama sa kanyang anak. Anu’t ano pa man, ang mga bagay na
ito ay ginagawa para lamang sa atin. Ngayo’y basahin natin ang isang akda na
pinamagatang “Ang laki sa layaw…”

G. Linangin
i. Dugtungang pagbabasa
ii. Magsasaad ng mga mahahalagang pahayag at ipaliwanag.

H. Pagnilayan at Unawain
Team Stay, One Stray
Bibigyan ng tig-iisang tanong ang bawat pangkat. Bibigyan sila ng tatlong minuto
upang magbagyuhang-isip. Pipili ng isang kinatawan na siyang lilibot at
magbabahagi ng tanong at sagot sa ibang pangkat.
Mga gabay na tanong:
i. Naniniwala ka ba na naging makulay at nakatutuwa ang buhay-kabataan
ni ni Florante? Pangatwiranan ang iyong sagot.
ii. Ilarawan ang ipinakitang katangian ni Florante sa akda? Magbigay
pruweba.
iii. Paano pinalaki nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca ang kanilang anak na
si Florante? Tukuyin kung anong uri ng ama si Duke Briseo.
iv. Ipaliwanag ang saknong bilang 202.
I. Ilapat
Indibidwal na Gawain
1.Sa isang malinis na kopon, gumuhit ng simbolo na naglalarawan sa ugali ng
inyong ama pagdating sa pangangaral at pagtatagubilin sa inyo. Ipaliwanag.
2.Matapos ang talakayan, may napagtanto ka ba na maling inaasal mo sa tuwing
pinapagalitan ka at binibilin ng ama? Ano ito? Anong gagawin mo upang
maitama at maiwasan ang pagkakamaling ito?
3.Ibahagi sa klase.
IV. Pagtataya
I. Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
____1. Ano ang damdamin ng saknong sa ibaba?

202

“Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad


sa bait at mni’t sa hatol ay salat;
masaklap na bunga ng maling paglingap,
habag ng magulang sa irog na anak.

a. Nagagalit c. Nakikipagtalo
b. Nangangaral d. Naninisi

____2. Sino ang tinutukoy sa pahayag?

205
“Pag-aral sa akin ay ipinatungkol
sa isang mabait, maestrong marunong;”
a. Pitaco b. Atenor
c. Antenor d. Atenas
____3. Nakilala ni Florante na ang bata ay hindi kailanman dapat palakihin sa tuwa at ligaya.
Dahil dito, ang bata ay karaniwang lumalaking ________________________.

a. Masiyahin at palatawa
b. Mahina at marupok
c. Walang kinabukasan
d. Pilosopo at mapang-asar

____4. Masasabi mo bang laki sa layaw si Florante?


a. Oo, dahil ibinibigay ng kanyang magulang ang lahat ng kanyang gusto.
b. Oo, dahil iisa lang siyang anak at nais ng kanyang ama na maging masaya siya lagi.
c. Hindi, dahil hindi siya hinayaan ng kanyang magulang na lumaki lamang sa tuwa at saya.
d. Hindi, dahil pinagagalitan din siya ng kanyang magulang.
____5. Ang lugar na ito ay lugar kung saan ipinadala si Florante upang mag-aral at siyang
lugar kung saan namulat ang kanyang bulag na isip.

a. Albanya c. Atenas
b. Antenor d. Persya

II.Sanaysay
Panuto: Sagutin ito sa lima hanggang sampung pangungusap. Isulat ang sagot sa isang malinis
na papel.

Batid mong ang iyong pinakamatalik na kaibigan ay nalululong sa bawal na gamot at sa iba’t
ibang bisyo sanhi ng maling pagpapalaki at pagpapalayaw ng kanyang mga magulang. Ito ay
lingid sa kaalaman ng kanyang mga magulang. Paano mo sasabihin ang lahat sa kanyang mga
magulang nang hindi sasama o maghihinanakit sa iyo ang kaibigan mo?

V. Takdang Aralin

Sumulat ng maikling kwento na nagpapakita ng balatkayong kabaitan at kung paano ito


mababago. Gumamit ng kopon sa pagsulat.

You might also like