You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Pampamahalaang Pamantasan ng Pangasinan

Kampus ng San Carlos

Kolehiyo ng Edukasyon

Departamento ng mga Wika

Lungsod San Carlos, Pangasinan (2420)

Mala-masusing
Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng
El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal
(Kabanata 3: Mga Alamat)

Inihanda ni:

Maricar D. Fernandez

Petsa ng Pagpasa:

25 Hulyo 2016
I. Mga Layunin

A. Natutukoy ang mga alamat na napapaloob sa kabanata

B. Naibubuod ang kabanata sa pamamagitan ng mga ibinigay na salita

C.Naibibigay ang sariling opinyon ukol sa tekstong binasa

II. Paksa

Paksa: Alamat

Tatalakaying Genra: Nobela

Pamagat ng Teksto: Kabanata 3 Mga Alamat

Mga Kagamitan: Cartolina, Manila paper

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 10 Alinsunod sa K-12 Curriculum

Pahina 20-25

Kasanayang Pampanitikan:

-Pagtukoy sa damdaming namumutawi sa pahayag

Kasanayang Pampag-iisip:

- Pagbibigay saloobin

Halagang Pangkatauhan:

- Pagsasabi ng mga katotohanan ukol sa isang tao o bagay

III. Yugtong Pagkatuto

A. Tuklasin

1. Pagganyak

a. Papangkatin ang klase sa lima. Sa pamamagitan ng Word Clipping ay bubuo ng


pagpapakahulugan sa bawat letra ng salitang ALAMAT. Sa loob ng limang minuto bawat
pangkat ay dapat tapos na.

2. Paglinang ng Talasalitaan

a. Jumbled Words. Iayos ang mga sumusunod na salita ayon sa kanilang tunay na
kinalalagyan.

skoyaleti

napitak

matala

nasta lacra

alaw as zasui
B. Paglalahad

Ang lahat ng bagay ay sinasabing may pinagmulan kung bakit nabubuo o


umuusbong. Kaya ngayon ay ating matutunghayan ang iba't ibang alamat na napapaloob
sa kabanata 3 ng El Filibusterismo.

C. Linangin

1. Pagbasa ng teksto.

2. Pinangkat ang klase sa limang grupo pagkatapos lalapit ang kinatawan at kukuha ng
pangyayari na pinira-piraso.

3. Magbabagyuhang-utak ang pangkat kung pang-ilang pangyayari ang kanilang nakuha.

Mga Gabay na Tanong

a. Anong mga kuwento ang inilahad sa kabanata?

b. Anong mga katotohanan ang ipinapakita ng mga ito?

D. Pagnilayan at Unawain

1. Pagpapaikot ng bote. Pagbibigay ng opinyon ukol sa tekstong tinalakay.

a. Bakit pinamagatang Mga Alamat ang Kabanata 3 ng El Filibusterismo?

b. Anong mga katangian ng tauhan ang maihahalintulad mo sa iyong sarili?

IV. Pagtataya

Panuto: Kumuha ng isang kapat na papel at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Letra
lamang ang isulat.

1. Sa anong akdang pampanitikan nabibilang ang teksto?

a. Maikling Kuwento

b. Nobela

c. Awit

d. Epiko

2. Anong damdamin ang namumutawi sa pahayag na ito? Napakamurang mga libing,


hindi po ba, Padre Camorra?

a. nasisiyahan

b. nalulungkot

c. naguguluhan

d. naiinis

3. Alin sa mga sumusunod ang hindi pinapaksa ng teksto?

a. Bigyan ng halaga ang mga taong namatay na

b. Gawing makabuluhan ang bawat desisyong gagawin


c. Ipagbigay alam sa lahat na pakamahalin ang atin kapwa

d. Maglahad ng mga impormasyong may katotohanan

4. Ano ang pinapaksa ng kabanata 3 sa El Filibusterismo?

a. tungkol sa mga alamat

b. tungkol sa mga bangkay

c. tungkol sa mga taong hindi kilala

d. tungkol sa mga taong mapagmalaki

5. Siya ang sinasabi sa alamat na kailangan pang tumagilid upang makapasok sa kuweba.

a. Don Custodio

b. Ben Zayb

c. Donya Jeronima

d. Simoun

V. Kasunduan

Panuto: Pumili ng isang alamat na iyong naibigan at iugnay ang mga ilang pangyayari
nito sa binasang teksto.

You might also like