You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Pampamahalaang Pamantasan ng Pangasinan

Kampus ng San Carlos

Kolehiyo ng Edukasyon

Departamento ng mga Wika

Lungsod San Carlos, Pangasinan (2420)

Mala-masusing
Banghay-Aralin
Sa Pagtuturo ng El Filibusterismo
ni Dr. Jose Rizal
(Kabanata 4: Kabesang Tales)

Inihanda ni:

Maricar D. Fernandez

Petsa ng Pagpasa:

25 Hulyo 2016
I. Mga Layunin

A. Nakikilala ang mga pangunahing tauhan sa teksto

B. Naipaliliwanag ang mga salitang binigyan ng kahulugan

C. Naitatanghal ang mga mahahalagang pangyayari mula sa kabanata 4

II. Paksa

Paksa: Alipin

Tatalakaying Genra: Nobela

Pamagat ng Teksto: Kabanata 4: Kabesang Tales

Mga Kagamitan: Cartolina, kahon at manila paper

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 10 Alinsunod sa K-12 Curriculum

Pahina 36-41

Kasanayang Pampanitikan:

- Dugtungang Pagkukuwento

Kasanayang Pampag-iisip:

-Pagbibigay opinyon

Halagang Pangkatauhan:

- Pagtatanggol sa mga naaapi

III. Yugtong Pagkatuto

A. Tuklasin

1. Pagganyak

a. Papangkatin sa apat ang klase. Mayroong mga salitang ibibigay sa kanila na bibigyan
ng kahulugan ayon sa kanilang napag-usapan

b. Sa pamamagitan ng number heads together ang bawat kinatawan ay siyang


magpapaliwanag ng kanilang salita.

2. Paglinang ng Talasalitaan

a. Pagtatambalin ng mga mag-aaral ang sumusunod na salita ayon sa kanilang kasalungat.

Mayaman Maralita

Matigas Malambot

Kaligayahan Kalungkutan

Tumangis Tumawa
Nanalo Natalo

B. Paglalahad

Ang isang tao'y hindi dapat alipinin nang dahil lamang sa kanyang pagkakautang
marapat na bigyan siya ng panahon upang mabayaran ito huwag iyong sinisingil siya sa
maling pamamaraan. Ngayon ay ating masasaksihan kung paanong ang isang tao ay
ginawang alipin dahil sa kanyang pagkakautang.

C. Linangin

1.Pagbasa ng teksto.

2. Bibigyan ang bawat pangkat bahagi ng teksto pagkatapos ay pagsunod-sunurin ito mula
una hanggang sa huling pangyayari.

3. Narito ang ilang mga tanong.

1. Bakit nalagay sa ganoong katayuan si Juli? Mali ba ang kanyang naging desisyon?

2. Ano naman ang nagtulak kay Kabesang Tales upang ipagtanggol nito ang kinasadlakan
ni Juli?

D. Pagnilayan at Unawain

1. Mahiwagang Tanong. Pagbibigay ng reaksiyon sa mga sumusunod na tanong.

a.Makatwiran ba ang pang-aalipin sa iyong kapwa?

b. Bilang isang mag-aaral, paano mo gagamitin ang iyong kakayahan upang ipagtanggol
ang mga naaapi?

IV. Pagtataya

Panuto: Isulat ang K kung ang pahayag ay tama at T naman kung mali.

_____1. Ang pamagat ng kabanata 4 sa El Filibusterismo ay Mga Alamat.

_____2. Ang padron ay ang listahan ng mga mamamayan sa isang nayon.

_____3. Ipinagbili ni Juli ang lahat ng kanyang alahas pati na ang bigay ni Basilio.

_____4. Basilio ang pangalan ng kasintahan ni Juli.

_____5. Si Hermana Bali ang nag-alok kay Juli na mamasukan muna sa kaniya.

V. Kasunduan

Panuto: Pumili ng isang pangyayari sa kabanata 4 na iyong naiibigan at iguhit ito sa


inyong kuwaderno.

You might also like