You are on page 1of 30

MARIAN LEARNING CENTER AND SCIENCE HIGH SCHOOL

Senior High School Department


Alangilan, Batangas City

Detailed Lesson Plan sa Filipino 9

I. Mga Kasanayan sa Pagkakatuto

Sa loob ng 40 minuto ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Naipapahayag ang sariling saloobin tungkol sa tiyak na paksa

B. Natutukoy ang kasalungat na salita

C. Naipapaliwanag ang salitang may higit sa isang kahulugan

D. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa sanaysay na binasa

E. Nasusuri ang kaisipang natatagpuan sa akda

F. Nasusuri ang pardon ng pag-iisip (thinking pattern) sa mga ideya at opinyong inilahad sa binasang
sanaysay

G. Nasusuri ang sariling ideya at ideya ng iba pa kapag nakikita ang sarili sa katauhan ng nagsasalita

H. Naisusulat ang sariling opinyon tungkol sa mga dapat at hindi dapat taglayin ng kabataang Asyano

I. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa pangangatwiran

J. Nakapaglalahad ng pangangatwiran

K. Nasusuri ang paraan ng pagpapahayag ng mg ideya at opinyon sa napanood na debate o kauri nito

L. Natutukoy ang pang-ugnay na ginamit sa pangungusap

M. Nakabubuo ng makabuluhang pangungusap gamit ang mga pang-ugnay

N. Nagagamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling paanaw

O. Nakikilahok sa isasasagawang debate o kauri nito

I. Paksang Aralin

A. Paksa : Tatlong Mukha ng Kasamaan (Pangangatiwiran/Pakikipagdebate)

Retorikal na Pang-ugnay

B. Sanggunian : Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma (Wika at Panitikan para sa Mataas na


Paaralan) pahina 80-100

C. Materyales : Powerpoint Presentation, Thumbsup and Down emoticon, Mask, Chart

D. Estratehiya: Graphic Organizer, Thinking Pattern, Double Journal Entry at Debate


II. Proseso ng Pagkatuto

A. Paghahandang Aktibidad/ Motibasyon

A.1. Panalangin

A.2.Pagbati, Pagtsetsek ng Liban at Pagtsetsek ng Takdang Aralin (if any)

A.3. Motibasyon ( Ano sa Tingin Mo? Tama Kaya?)

Pagbibigay opinyon tungkol sa Santiago 4:14 “Ang buhay ay paamg usok lamang, sandaling
lumitaw at agad nawawala” At pagguhit ng simbolo ng pinakamagandang nagawa mo sa laoob ng
maikling panahon lamang ng iyong buhay.

B. Presentasyon

Ang mag-aaral ay magkakakaroon ng debate o pagtatalo tungkol sa “Alin ang higit na


makabubuti para sa tao ang mayaman o matalino?” Mamarkahan ang debate batay sa pamantayan
sa ibaba:

Mga Pamantayan Laang Aking


Puntos Puntos

1. Katanggap-tanggap at makatotohanan ang mga impormasyon at katibayang 5


inihain batay sa paksa.

2. Napaniwala at nahikayat ang mga nakikinig na panigan ang inihaharap na 5


pananaw

3. Nagagamit nang wasto at batid ang takdang oras na laan sa pagbibigay ng 5


patunay, patatanungan at pagtutuligsa

4. Nakagamit ng pang-ugnay sa pakikipagtalo at naibigay ang uri ng mga ito 5

Kabuuang Puntos 20

5-napakahusay 4- Mahusay 3- Katamtaman

2- Di gaanong mahusay 1. Sadyang ‘di mahusay

C. Pagtalakay sa aralin

Ang mga mag-aaral ay nasasagot ang mga tanong tungkol sa sanaysay na binasa

1. Anu-ano ang tatlong mukha ng kasamaang binanggit sa selekyon- isa-isahin ang mga ito.

2. Ano naman ang tatlong bagay na hindi maiiwasan sa buhay ng sino mang tao? Sang-ayon ka ba sa mga
ito?

3. Ano ang gagawin mo o plano mo kapag dumating ka na sa mga nasabing oanahon?

4. Ano ang iyong pananaw tungkol sa limang katangian ng nilalaman mula ng siya ay isinilang na nabanggit
sa seleksoyon? Ano ang mga ito ang masasabi mong taglay mo?

5. Bakit tila naging napakalayo ng agwat ng mayaman at mahirap sa lipunan? Ano raw ang pangunahing
dahilan ng pagkagahaman ng isang nilalang.

6. Sa iyong palagay, bakit naging napakadali sa isang tao ang masilaw sa materyal na bagay?

7. Naniniwala ka ba sa kasabihang ang pera ang ugat ng kasamaan sa mundo? Pangangatwiran ang iyong
sagot?

8. Sang-ayon ka ba sa lahat ng sinasabi ng may-akda sa seleksiyon? Pangatwiran ang iyong sagot.


9. Anong pangunahing kaisipan at mensahe ang naging hatoid sa iyo sa seleksiyon binasa?

D. Paglalahad

Manonood ng isang debate o pangangatwiran. Susuriin ang paraan ng pagpapahayag ng ideya at


opinyon ng mga kalahok sa inyong napanood. Isulat ang magagandang paraang maaari mong makuha
bilang paghahanda sa pagdedebate. Pagbibigay ng guro ng kaunting paalala sa dapat isaalang-alang sa
debate ay hakbang sa pakikipagdebate.

At pagkatapos ay sasagutin ang mag-aaral ang susunod na katanungan:

1. Ano ang layunin ng isang pangangatwiran? Bakit mahalagang matutuhan ito?

2. Ano ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa isang mabisang pangangatiwiran?

3. Paano maisasagawa ang isang masining na pagtatalo?

4. Naranasann mo bang lumahok sa isang debate?

5. Ano-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang taong lalahok sa gawaing ito? Bakit?

E. Paglalapat

Pagbabasa ng mga pahayag na binanggit ni U Nu sa kanyang sanaysay. Pagkatapos ay sumulat ng


isang tungkol sa naging bungang kasakiman ng tao sa lipunan partikular sa bansang Burma (Myanmar)
gamit ang iba’t ibang uri ng pang-ugnay.

F. Ebalwasyon Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng mailing pagsusulit tungkol sa pang-ugay (Madali
Lang ‘Yan) pahina 97

III. Kasunduan

Ang mga mag-aaral ay bubuuo ng pangungusap sa bawat bilang gamit ng iba’t ibang uri ng
pang-ugnay (Subukin Natin, pahina 98)
MARIAN LEARNING CENTER AND SCIENCE HIGH SCHOOL
Senior High School Department
Alangilan, Batangas City

Detailed Lesson Plan sa Filipino 10

I. Mga Kasanayan sa Pagkakatuto

Sa loob ng 40 minuto ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Nabibigyang-puna ang bisa ng paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng matinding damdamin

B. Natutukoy ang salitang bubuo sa diwa ng pangungusap gamit ang kontekstuwal na pamamaraan

C. Naibibigay ang sariling interpretasyon kung bakit ang mga suliranin na ipinararanas ng may-akda sa
pangunahing tauhan ng epiko.

D. Nakikilala ang kawastuhan o kamalian ng mga pahayag batay sa binasa

E. Napapangatwiranan ang mga dahilan kung bakit mahalagang akdang pandaigdigan na sumasalin
sa isang akda ang epiko

F. Naisusulat ang paglalahad na pagpapahayag ng pananaw tungkol sa pagkakaiba at pagkakatulad


ng mga epikong pandaigdig

G. Nahihinuha kung bakit itinuturing na bayani ang kanilag lugar at kapanahuan ang piling tauhan sa
mga epiko

H. Nakukumbinsi ng iba upang basahin, tangkilikin at palaganapin ang mga epiko

I. Nagagamit ang angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari

II. Paksang Aralin

A. Paksa : Ang Pagbibinyag sa Savica (Epiko at Ilang Halimbawa Nitong Tanyag sa Buong
Mundo) Mga Salitang Hudyat ng Pagsisimula ng Pangyayari

B. Sanggunian : Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 10 (Wika at Panitikan para sa Mataas na


Paaralan) pahina 96-120

C. Materyales : Powerpoint Presentation, Chart, Illustration Board, Brochure

E. Estratehiya: Graphic Organizer, Brochure Making, Pagbasa ng Paawit

III. Proseso ng Pagkatuto


A. Paghahandang Aktibidad/ Motibasyon

A.1. Panalangin

A.2. Pagbati, Pagtsetsek ng Liban at Pagtsetsek ng Takdang Aralin (if any)

A.3. Motibasyon ( Balikan Mo ang Nakaraan )

Pagbibigay ng paliwanag sa ilang dokumento at larawan tungkol sa mahahalagang bahagi ng


buhay tulad ng binyag o bawtismo.

B. Presentasyon

Panood ng maikling videoclip tungkol sa bahagi ng epikong “Ang pagbibinyag ng Savica”. At


mula sa pinanood sasagutin ng mga mag-aaral ang katanungan na magbibigay linaw sa akdang
pinanood.

1. Sino ang nakalaban ng hukbo no Crtomir? Ano ang pananampalataya ng hukbong kanilang
nakalaban? Ano naman ang kina Crtomir?

2. Bakit sila natalo sa labang ito? Bukod sa dami at lakas ng hukbo ng kalaban, ano ang naging
kaugnayan ng pagkain sa pagkatalo ng hukbo nina Crtomir?

3. Sino ang tanging nakaligtas? Ano kaya ang nadama niya nang makita ang bawat isa sa mga
hukbong nasa kanyang panig ay hindi lang natalo kung hindi nangamatay lahat?

4. Paano ipinakita sa epiko ang kasamaang dulot ng digmaan? Makikita pa rin ba ang mga
pagngyayaring ito sa kasalukuyang panahon?

5. Anong pagbabago ang dinatnan ni Crtomir nang kanyang balikan ang kasintahang si Bogomilia?

6. Bakit ninais ni Bogamilia na ialay ang kanyang buong buhay sa paglilingkod sa Panginoon? Anong
panalangin niya ang nasagot na naging dahilan sa pagnanais niyang ito?

7. Paano nagbago ang takbo ng buhay ni Crtomir nang dahil sa pagiging Kristyano ng kanyang
kasintahan?

8. Bakit kaya pinamagatang “ Ang Pagbibinyag ng Savica” ang epikong ito? Ano ang simbolismo ng
pagbibinyag sa epikong ito?

9. Paano ipinakita sa epiko ang kahalagahan ng panalangin at pagkakaroon ng matibay na


pananampalataya sa Panginoon? Sa paanong paraan naman mapatunayan ang kahalagahan nito sa
iyong buhay?

C. Pagtalakay sa aralin

Ang ginataang bilo-bilo ay hindi lang masarap na meryendang pampamilya kundi maaari ring
ipagbili lang na meryendang pampamilya kundi maaari ring ipagbili sa mga kapitbahay at pagsimulan
ng isang munting negosyo.

Subukin ang kakayahan ng mag-aaral. Pagsusunod-sunurin ang mga hakbang sa pagluluto nito.
(Madali Lang ‘Yan) pahina 91.

Mula sa isinagawa ay aalamin at tatalakayin kung paano natukoy ang pagkakasunod-sunod ng


proseso gamit ang hudyat sa pagsusunod ng pangyayari kahit hindi alam kung paano talaga ito
gawin

D. Paglalahad
Sa edad ng mag-aaral inaasahang marami nang naitutulong sa mga gawaing-bahay tulad ng
paglilinis. Mas nakatitipid ng oras kung tama ang mga hakbang o prosesong ginamit sa paglilinis.
Surin at pag-aralan ang tatlong paraang nakalahad. Sagutin ang mga tanong pagkatapos sa (Subukin
Pa Natin) pahina 91-92

E. Paglalapat

Pagsasagawa ng Recipe Brochure na gumagamit ng angkop na hudyat sa pagkakasunod-sunod ng


mga pangyayari upang madaling masundan o maunawaan ang proseso.

 Mayroon ba kayong espesyal na recipe para sa pagbe-bake o pagluluto na sa tingin mo’y


patok kapag ipinagbili sa mga bazaar, tiyangge o weekend market? O kaya naman, may
produkto ka bang alam gawin na maaari ring ibenta at pagkakitaan?

F. Ebalwasyon

Ang mga mag-aaral ay kikilalanin kung tama o mali ang mga pahayag batay sa mga pangyayari sa
binasa sa Sagutin Natin C pahina 83.

IV. Kasunduan

Bumuo ng advertisement poster gamit ang isang oslo paper para mailahad ang paraang higit na
makakaakit sa kabataan ang iyong panawagan. Kumbinsihin o ganyakin mo ang mga tao lalo na ang
kabataang tulad mo upang basahin, tangkilikin, at palaganapin nila ang mga epiko.
MARIAN LEARNING CENTER AND SCIENCE HIGH SCHOOL
Senior High School Department
Alangilan, Batangas City

Detailed Lesson Plan sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino

I.Mga Kasanayan sa Pagkakatuto

Sa loob ng 60 minuto ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Natutukoy ang tungkulin ng wika

B. Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan--Ayon kay M.A.K.
Halliday

C. Nabibigyang halimabawa sa bawat paraan ng pagbabahagi ng wika

D. Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood na palabas sa
telebisyon at pelikula

E. Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan

II. Paksang Aralin

A. Paksa : Gamit ng Wika sa Lipunan

B. Sanggunian : Pinagyamang Pluma

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

C. Materyales : Powerpoint Presentation, Video clip, Radio Recordings,

D. Estratehiya: Inevitable Game, Tarzan Puzzle, Watch and Choose

III. Proseso ng Pagkatuto

A. Paghahandang Aktibidad/ Motibasyon


A.1. Panalangin

A.2. Pagbati, Pagtsetsek ng Liban at Pagtsetsek ng Takdang Aralin (if any)

A.3. Motibasyon ( Tarzan Puzzle )

Pagbuo ng puzzle na may larawan ng Tarzan. Matapos buoin ay alamin ang katangian ni Tarzan
mula sa larawan. At paghinuha kung paano ang paraan ng pagsasalita ni Tarzan.

( Sa hindi nakakakilala kay Tarzan, isa siyang tauhan sa kuwento na naulial sa gubat habang
sanggol pa lamang. Pinalaki siya ng mga unggoy na nakapulot sa kanya at dahil hindi nagsasalita ang
mga unggoy ay lumaki si Tarzan na mga tunog ng hayop ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa mga
unggoy at maging sa iba pang hayop sa gubat. Hanngang may dumating na mga tao sa gubat at dito
niya unti-unting natutuhan ang paggamit ng wika.)

Ang mga mag-aaral ay sasagutin ang sumusunod na katanungan.

1. Nagkakaintindihan ba si Tarzan at ang mga hayop sa gubat? Bakit?

2. Batay sa kuwneto ni Tarzan, nakita mo ba ang kahalagahan ng wika?

3. Kapag ang isang lipunan ay may iba’t ibang wikang ginagamit nagkakaunawaan ang mga
nainirahan dito? Sa paanong paraan?

B. Presentasyon

Bawat grupo ay magsasagawa ng maikling laro na kakikitaan ng sitwasyong magpapakita ng gamit ng


wika sa lipunan. Ang mga mag-aaral ay may pamantayan bilang gabay sa gawain.

Pamantayan 5 3 2

Paraan ng paglalahad ng Malinaw na malinaw na Malinaw na nailahad sa Hindi malinaw na


gamit ng wika nailahad sa mga mga sitwasyong nailalahad sa sitwasyong
halimbawang sitwasyon ng nagpapakita ng gamit ng nagpapakita ng gamit ng
wika sa lipunan wika sa lipunan. wika sa lipunan

Nilalaman May ilang halimbawang May halimbawang hango May halimbwang hindi
kapani-paniwala at hango sa mga totoong pangyayari kapani-paniwala at
sa mga totoong pangyayari sa buhay mistulang kathang-isip
sa buhay lamang

Pagiging Naipakita sa malikhain at Naipakita sa malikhaing Hindi gaanong nakatawag


Malikhain/Presentasyon kaahalihaliang paraan ang pamamaraan ang pansin at hindi ganoong
paggamit ng wika paggamit ng wika kalikhain ang presentasyon

C. Pagtalakay sa aralin

Pagpapakita ng larawan. Mula sa larawan tutukuyin ng mga mag-aaral kung ano gamit ng wika sa
lipunan.
Sa pamamagitan ng mga gamit ng wika paano naging susi sa pagbuo ng nagkakaisa at
nagkakaunawaang lipunan ang wika.

Poetic Conative Referencial


Emotive Phatic

D. Paglalahad

Tukuyin ang gamit ng wika at ipaliwanag kung bakit ito ang napili.

1. “Akala ko ba ay ok na? Nagdadrama ka na naman. ‘Di ba nga pagdating sa kapakanan ng pamilya, wlang
panga-panganay, walang ate-ate, walang bunso-bunso? Ang meron lang kapit-bisig!”

- Maya, Be Careful with My Heart, unang episode

2. “Minsan gusto ko nang ipagsigawan, kaya lang ako lang naman ang magmumukhang tanga. Bakit ba
naman kasi ang complicated magmahal?

-Basha, One More Chance

3. MACE: Gaano katagal bago mo siya nakalimutan?

ANTHONY: Matagal!

MACE: Gaano nga kataga? One year? Two? Three? Four? Five?

ANTHONY: Mahalaga pa ba ‘yun? Ang mahalaga nakalimutan

Mace at Anthony; That Thing Called Tadhana

E. Paglalapat

Makapagbibigay ng sariling halimbawa para sa bawat paraan ng pagbabahagi ng wika ayon sa


mga sinabi ni Jakobson (2003). Gawing malikhain ngunit makatotohanan dahil sadyang nasambit mo
ang mga paraang ito sa iong pakikipag-ugnayan sa iba.

Mga Paraan ng Pagbabahagi ng Wika

Pagpapahayag ng damdamin Panghihikayat (conative) Pagsisimula ng


(emotive) pakikipag-ugnayan (phatic)
Gusto mong hikayatin ang mga
May isang taong matagal mo procedure at direktor ng Isang bagong lipat na kamag-aral
nang lihim na minamahal subalit pelikulang Pilipino upang bumuo ang nakita mong nag-iisa at wala
hindi mo masabi sa kanya ang ng matitino at mahuhusay na pang kaibigan. Lumapit ka at
damdamin mo, Ilahad sa ibaba pelkikula tulad ng Heneral Luna nagsimula ng usapan para
ang sasabihin mo sa kanya kung sapagkat sawang-sawa ka na sa mapalagay ang loob niya.
sakaling magkaroon ka na ng mga paksang paulit-ulit na
lakas ng loob na ipihayag ito. tinatalakay sa pinilakang tabing.
Paano mo sila hihikayatin?

Paggamit bilang sanggunian Paggamit ng kuro-kuro Patalinghaga (poetic)


(referencial) (Metalinggual)
Muling isipn ang taong matagal
Lagi mong sinasabi sa kapatid Ang buwis na binabayaransa mo nang lihim na minamahal.
mong tigilan na niya ang labis na Pilipinas ay pinakamataas sa Lumikha ka ngayon ng
pagkain sa fastfood dahil hindi ito buong Asya subalit hindi pagpapahayag ng iyong
nakabubuti sa kalusugan. Ngayon mararamdaman ng karamihan damdamin para sa kanya sa
ay gumamit ka ng sanggunian ang serbisyong ibinabalik sa patalinghagang paraan. Maaring
para makita niyang hindi mo lang taumbayan kapalit ng mataas na isang maikling tula ang ialay mo
opinyon ang sinasabi mo sa buwis na ito. Magpahayag ka ng para sa kanya.
kanya kundi may sangguniang iyong kuro-kuro kaugnay ng
magpapatunay rito. usaping ito.

F. Ebalwasyon

Ang mga mag-aaral ay tutukuyin ang tungkulin ng wika sa bawat pahayag sa Sagutin Natin (pahina
65-66)

V. Kasunduan

Sagutin sa pamamagitan ng 3 pangungusap ang bawat pahayag.

1. Ngayong alam mo na ang kahalagahan ng wika, paano dapat gamitin ng mga pelikula o
palabas sa telebisyon ang wika?

2. Kailan mo maituturing na mali o umaabuso ang kanilang paggamit sa wika?

3. Ano- ano ang maaari mong imungkahi sa mga media practitioner upang magamit nila sa tama
ang wika?

MARIAN LEARNING CENTER AND SCIENCE HIGH SCHOOL


Senior High School Department
Alangilan, Batangas City
Detailed Lesson Plan sa Filipino sa Piling Larangan

I. Mga Kasanayan sa Pagkakatuto

Sa loob ng 60 minuto ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Nakapagpapahayag gamit ang pyramid diagram

B. Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa tinalakay na sulatin

C. Natutukoy ang mahahalagang bahagi ng sulatin

D. Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na sulating akademiko sa pamamagitan ng mga


binasang halimbawa

E. Nakapagsasagawa ng pananaliksik at ng palitang pangkritik sa isang sulatin

F. Naipahahayag ang saloobin hinggil sa mga proyektong naisagawa o naipatupad sa bansa

G. Nakasusulat ng panukalang proyekto

II. Paksang Aralin

A. Paksa : Pagsulat ng Panukalang Proyekto

B. Sanggunian : Pinagyamang Pluma

Filipino sa Piling Larangan (Akademik) 59-76

C. Materyales : Powerpoint Presentation, Pyramid, Sad and Happy Face, Transparent Plastic

D. Estratehiya: Graphic Organizer, SIMPLE Organization, Compare and Contrast Diagram

II. Proseso ng Pagkatuto

A. Paghahandang Aktibidad/ Motibasyon

A.1. Panalangin

A.2.Pagbati, Pagtsetsek ng Liban at Pagtsetsek ng Takdang Aralin (if any)

A.3. Motibasyon ( Pyramid )

Anong pinakahuling proyekto sa inyong paaralan o pamayanan ang iyong nabalitaan o


natatandahan na nagdulot ng malaking pakinabang para sa iyo at sa maraming tao?

Ibahagi o ipahayag mo ang ilang mahahalagang bagay hinggil sa nasabing proyekto sa


pamamagitan ng pagkokompleto sa isinagawang pyramid.

B. Presentasyon
Ang mag-aaral ay nakasusulat ng panukalang proyekto para sa pamayanan o paaralan.

Nabigyan ka ng pagkakataong manguna sa paggawa ng isang proyektong nais mong magawa o


maipatupad maaaring sa inyong pamayanan o sa paaralan. Bilang unang hakbang ay kailangang
sumulat ka muna ng isang panukalang proyekto upang mahiakayat mo ang kinauukalang suportahan
kang maipatupad ito.

Pamantayan Puntos

Nakasusulat ng organisado, malikhain, at 5


kapani-paniwalang panukalang proyekto

Makatotohanan at katanggap-tanggap ang 5


panukalang proyektong naisulat

Nakasulat ng panukalang proyektong batay sa 5


maiingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika

Nasalamin sa kabuoan ng sulatin ang 5


pagsasaalang-alang ng etika sa binubuong
akademikong sulatin

Kabuuang Puntos 20

C. Pagtalakay sa aralin

Ang mga mag-aaral ay susuruin ang halimbawa ng panukalang proyekto. Mula sa halimbawa
sasagutin nila ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang kahulugan ng salitang panukala? Ano ang kaugnayan nito sa paggawa ng isang proyekto?

2. Ano ang gamit ng pagsulat ng panukalang proyekto

3. Bakit kailangang sumulat o gumawa ng isang panukalang proyekto bago isagawa o ipatupad ang
nasabing proyekto?

4. Sa iyong palagay, lahat kaya ng proyektong ipinatupad sa inyong paaralan o pamayanan ay nagawan
muna ng pagsulat ng panukala bago ito ipatupad?

5. Balikan ang sinuring panukalang proyekto sa aralin at sagutin ang sumusunod na tanong:

a) Tungkol saan ang panukalang proyekto

b) Ano ang pangunahing layunin ng nasabing proyekto?

c) Makatarungan ba ang badyet na nakatala para sa nasabing proyekto?

d) Sa iyong pagay, talaga bang mapakinabangan ang nasabing proyekto?

6. Paano mo magagamit sa iyong buhay partikular sa hinagarap ang kasanayan sa pagsulat ng isang
panukalang proyekto?

D.Paglalahad

Mula sa nasaliksik ng mga panukalang proyekto sa inyong paaralan o pamayanan. Ihambing ang
panukalang proyektong nasaliksik saiksik ng isa mong kamag-aaral gamit ang Compare and Contrast
Diagram sa iba.

Panukalang ProyektongNasaliksik ng
Aking Kamag-aral
Panukalang Proyektong Aking Nasasaliksik

Paano ito nagkatulad?

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

E. Paglalapat

 Pagpapahayag ng saloobin na maaaring ilathala sa mga social media hinggil sa obserbasyon sa


pproyektong ipinatupad ng pamahalaan.

 Bangggitin kung talaga bang naging tapat ang nagpatupad ng mga ito at kung talagang naging
kapaki-pakinabang ba ang mga nasabing proyekto sa mamayan.

 Isama rin sa pahayg ang mga tanong sa iyong isipan tungkol sa mga nasabing proyekto lalo na’t alam
na alam mo na ngayon ang tamang paraan ng pagsulat ng isang panukala kapag may mga proyektong
dapat na ipatupad na alam mong isinasagawa lalo na sa pamahalaan.

 Sa huli ay maglalahad ng mga paraang alam mong makatutulong upang lalong maging tapat at
transparent ang oamahalaan sa pagpapatupad ng mga proyekto para sa bansa.

F. Ebalwasyon

Tukuyin ang hinihinging bahagi sa pagsulat ng panukalang proyekto sa Sagutin Natin B (pahina 72)

IV. Kasunduan

Balikan ang halimbawang binasang panukalang proyekto sa aralin at saka suriin ito batay sa tseklist
sa ibaba. Lagnyan ng tsek (/) ang mukhang masaya kung nakitang maayos na nasunod nito ang katangiang
dapat taglayin ng bahaging nakatala sa kaliwa at lagyan naman ng tsek (/) ang mukhang malungkoy kung
hindi. Sumulat ng maikling paliwanag tungkol sa napilling sagot.

Bahagi ng Panukalang Proyekto :) :( Paliwanag

Pamagat

Pagpapahayag ng Suliranin
Layunin

Plano ng Dapat gawin

Badget

Pakinabang
MARIAN LEARNING CENTER AND SCIENCE HIGH SCHOOL
Senior High School Department
Alangilan, Batangas City

Detailed Lesson Plan sa Filipino 9

I. Mga Kasanayan sa Pagkakatuto

Sa loob ng 40 minuto ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Nakapagpapahayag ng personal na adhikain sa buhay

B. Naipapaliwanag ang kahulugan ng mga salita habang nagbabago ang estruktura nito.

C. Natutukoy kung tama o mali ang mga pahayag

D. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa dulang binasa

E. Nakikilala ang mga tauhan at nasusuri ang nagingibabaw damdamin batay sa pahayag

F. Nababago ang lang pangyayari sa akda upang mailapat ang mga wakas

G. Napapahalagahan ang napanonood na dula sa pamamagitan ng pagpili at pagpapaliwanag ng


bahaging naiibigan

H. Nailalapat sa sarili, bilang isang Asyano, ang pangunahing kaisipan ng dulang binasa

I. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa paksang tinalakay

J. Nabubuo ang kritikal na paghusga sa karakterisasyon ng mga tauhan at sa epekto nito sa pagiging
masining ng akda batay sa napakinggang mga pahayag.

K. Nasusuri kung ang pahayag ay katotohanan o opinyon

L. Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan(sa totoo, talaga, tunay, iba pa)

M. Nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa dula

II. Paksang Aralin

A. Paksa : Makapaghihintay ang Amerika (Tauhan bilang Elemento ng Akdang


Pasasalaysay)

Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Makatotohanan at Opinyon

B. Sanggunian : Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma (Wika at Panitikan para sa Mataas na


Paaralan) Aklat 1 pahina 101-146

C. Materyales : Powerpoint Presentation, Larawan ng Graphic Organizer/Chart

D. Estratehiya: Graphic Organizer, Brain Drain, Dula

III. Proseso ng Pagkatuto


G. Paghahandang Aktibidad/ Motibasyon

A.1. Panalangin

A.2.Pagbati, Pagtsetsek ng Liban at Pagtsetsek ng Takdang Aralin (if any)

A.3. Motibasyon ( Ano sa Tingin Mo? Saan Kaya?)

Gumuhit ng eroplano at isulat kung saan bansa gusto magtrabaho at sa ulap ilagay ang iyong
dahilan kung bakit iyon ang napili mo.

H. Presentasyon

Ipagpalagay na ikaw ang isa sa kabataang naanyayahang maging kabahagi ng Samahan ng Manunuri
ng Panitikang Pilipino. Ang gawaing ipingagawa sa iyo ay ang pagsulat ng isang pagsusuri ng pagiging
makatotohanan ng ilang pangyayari sa dulang iyo ng nabasa.

Ang gagawing pagsusuri na makasunod sa rubric:

Mga Pamantayan Laang Aking


Puntos Puntos

Ang mga pangyayaring sinuro ay nakabatay sa isang dula 5

Makatotohanan at maliawang ang pagsusuring natapos 5

Maipahayag nang malinaw ang kaisipan, pananaw at saloobin tungkol sa sinuring 5


akda.

Kabuoang Puntos 15

5-Napakahusay 3-Katamtaman 2- Di gaanong mahusay

4-Mahusay 1- Sadyang hindi Mahusay

I. Pagtalakay sa aralin

Ang mga mag-aaral ay magsusuri ng katangian ng tauhan sa kanilang papanuoding maikling


presentasyon. Gagabayan ng mga tanong na:

1. Ano ang iba’t ibang uri ng tauhan? Isa-sahin na sabihin ang katangian ng mga ito.

2. Bakit mahalagang ang bawat tauhang nabanggit?

3. Ano kaya ang posibleng mangyari sa pinanoodkung iisang uri lang ng tauhan mayroon?

4. Ano ang pagkakaiba ng tauhang bilog sa tauhang lapad? Ano sa palagay mo ay makatotohanan ang
karakter?

5. Sa iyong buhay, anong uri ng tauhan ang madalas na maging ikaw? Ipaliwanag ang iyong sagot
J. Paglalahad

Pumili ng isang tauhan nagusthan sa akdang Makapaghihintay ang Amerika o Bata, Bata Paano Ka
Ginawa. Na natalakay. Isulat ang pinakanagustuhan mong linya o diyalogo nila sa loob ng kaho at saka
bigkasin sa harap ng klase ng may kinalaman sa katauhang ginampanan. Sa bawat presentasyon tutukuin
ang Elemento ng Akdang Pasalaysay

K. Paglalapat

Bumuo ng makatotohanang pahayag tungkol sa bansang Pilipinas batay sa graph na iyong sinuri sa
Kasanayang Panggramatika/Retorika. Gumamit magsaliksik ng iba oang datos tungkol sa mga OFW kung
kinakailangan. Isulat sa kwaderno ang sagot.

L. Ebalwasyon

Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng maikling pagsusulit na nagpapakilalang katotohanan at


opinyon sa Madali Lang ‘Yan (pahina 132)

M. Kasunduan

Suriin kung anong papel ang ginampanan ng mga tauhang nakatala rito sa ipaliwanag kung bakit it
ang iyong sagot. Sa huli ay bumuo ng kritikal na panghuhusga sa pagiging epektibo ng bawat tauhan at sa
epekto nito sa pagiging masining ng akda.

Mga Tauhan Fidel Ligaya Marta at Iba pa


(Maaaring magdagdag
ng tauhan)

Uri ng tauhan ayon sa


papel na ginampanan

Uri ng tauahan ayon sa


katauhan at ipaliwanag
ang sagot

Epektibo ba o hindi ang


tauhan na kanyang
ginampanan. Ipaliwanag
MARIAN LEARNING CENTER AND SCIENCE HIGH SCHOOL
Senior High School Department
Alangilan, Batangas City

Detailed Lesson Plan sa Filipino 10

I. Mga Kasanayan sa Pagkakatuto

Sa loob ng 40 minuto ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salita o ekspresyong ginamit sa akda batay sa konteksto


sa pangungusap

B. Nakapagbibigay ng kasingkahulugan at kasalungat ng salitang nakadiin sa pangungusap

C. Napatunayang ang mga pangyayari sa akda ay maaaring maganap sa tunay na buhay

D. Nakikilala ang mahahalagang detalyeng taglay ng binasa

E. Naipaliliwanag ang ilang pangyayaring nabasa o napakinggan na may kaugnayan sa kasalukuyang


mga pangyayari sa daigdig

F. Naisusulat ang paliwanag tungkol sa isyung pandaigdig na maiuugnay sa buhay ng mga Pilipino

G. Nakikibahagu sa rountable discussion kaugnay ng mga isyung pandaigdig

III. Paksang Aralin

A. Paksa : Munting Bariles ( Pagsasagawa ng Roundtable Discussion)

Panghalip at Uri nito.

B. Sanggunian : Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma

Aklat 1 pahina 96-120

C. Materyales : Powerpoint Presentation, Chart, Cartolina

E. Estratehiya: Graphic Organizer, Roundtable Discussion

III. Proseso ng Pagkatuto

A. Paghahandang Aktibidad/ Motibasyon

A.1. Panalangin

A.2.Pagbati, Pagtsetsek ng Liban at Pagtsetsek ng Takdang Aralin (if any)

A.3. Motibasyon ( Kung Ikaw ang Nasa Sitwasyon)

Pagtatanong sa mga mag-aaral kung ano ang gagawin kung may nag0alok sa iyo ngganitong
kasunduan:
 Tatanggap ka ng malaking halaga buwan-buwan kapalit ng isang mahalagang bagay tulad ng inyong
tahanan at luapin

 Kahit tumanggap ka na ng pera buwan-buwan ay mananatili ka pa rin at hindi papaalisin sa tahanan


at lupaing iyo hangga’t ikaw ay nabubuhay

 Mapupunta lamang ang ari-ariang io sa taong nagbabayad sa iyo kapag wala ka na o ika’y yumaon
na.

 Agad kong tatanggapin ang alok dahil_______________________________________________

 Pag-iisipan ko muna subalit malamang tanggapin ko ang alok dahil_______________________

 Hindi ako papayag sa alok dahil___________________________________________________

 Sa Iyong palaga, ano kaya ang maaaring ibunga ng pagsang-ayon sa ganitong kasunduan? Maglahad
ng tatlong hinuha:

 __________________________________________________________________________________

 __________________________________________________________________________________

 __________________________________________________________________________________

B. Presentasyon

Pangkatang Gawain

Pipili ng isang isyung pandaidig na iyong tatalakayin sa isang roundtable presentastion o


discussion. Maaaring pumili ng alinman sa sumusunod na paksang kaugnay ng mga isyung
pandaigdig.:

 Pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran

 Global Warming at ang epekto nito sa tao o kapaligiran

 Paglaganap ng kahirapan sa mundo

 Kawalan ng kapayapaan at pagkakaroon ng digmaan sa iba’t ibang bahagi ng mundo

 Child Labor

 Pagkagumon ng kabataan sa bisyong tulad ng sigarilyo, alak, at drugs na nakasisira sa kanilang


kalusugan at kinabukasan

 Labis na eksposure ng kabataan sa Internet at makabagongteknolokhiya

Magsagawa ng pananaliksik sa Internet kaugnay ng paksang napili ng inyong pangkat. Bumuo


ng dalawa hanggang tatlong tanong kaugnay ng paksa

Makibahagi sa pagsasagawa ng isang roundtable discussion,. Sunsan ang mga gabay sa


pagsasagawa nito

C. Pagtalakay sa aralin

Ang mga mag-aaral ay magsusuri ng pangunsap na mula sa kuwnetong binasa. At mula sa mga
pangungusap tatalakayin ang panghalip at mga uri nito.

D. Paglalahad

Kahanga-hanga ang panindigan nina Nanay Magloire, edith, Macefield, at Carl Fredricksen.
Tulad nila nasubukan mo na rin bang manindigan sa kahit na anong paraan. Ilahad ang karanasan
mong ito sa isang talata gamit ang lahat ng mga panghalip na nasa kahon. Maaari kang pang
magdagdag kung kinakailangan. Salungguhitan ang lahat ng panghalip na ginamit.

ako kami sila sito ganito

doon sino ano lahat saanman


Pamagat

______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

E. Paglalapat

Ang maikling kwento “Ang Munting Bariles” ay umiikot lamang sa dalawang tauhan. Tiyak na may
masasabi ka para sa bawat tauhan. Pagkakataon mo nang mabigy-puna, papuri, suhestiyo o payo para sa
kanila. Gumamit ng hidni baba sa limang panghalip bilang panuring sa bawat tauhan. Salungguhitan ang
mga panghalip na ginamit.

1. Para kay Chicot

2. Para kay Nanay Malogrei

F. Ebalwasyon

Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng maikling pagsusulit sa pagsusut sa panghalip sa Madali Lang
‘Yan (pahina 116)

G. Kasunduan

Magbigay ng paiwanag sa gagawin hinggil sa bawat sitwasyong nalakahad sa ibaba upang sa una pa
lang makaiwas at hindi na malulong pa sa MAGAGAWA NATIN (pahina 109-110)
MARIAN LEARNING CENTER AND SCIENCE HIGH SCHOOL
Senior High School Department
Alangilan, Batangas City

Semi-Detailed Lesson Plan sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino

I. Mga Kasanayan sa Pagkakatuto

Sa loob ng 40 minuto ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Nakikilala ang mga Detalye mula sa Binasa

B. Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga panyayaring may kaugnayan sa oag-unlad ng Wikang
Pambansa

C. Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari tungo sa pagkakabuo at pag-unlad ng Wikang


Pambansa

D. Nakapagbibigay ng opinyon o pnanaw kaugnay sa napakinggang pagtatalakay sa Wikang


Pambansa

E. Nakasusulat ng sanaysay na tumatalunton sa isang partikular na yugto ng kasaysayan ng WIkang


Pambansa

F. Nakapagsasagawa ng isang panayam tungkol sa aspektong kultural o lingguwistiko na napiling


komunidad

II.Paksang Aralin

A. Paksa : Kasaysayan ng Wikang Pambansa (Unang Bahagi)

Ang Pinagmulan ng Wika

B. Sanggunian : Pinagyamang Pluma

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino (73-92)

C. Materyales : Bond Paper, Marker, Envelope

D. Estratehiya: Pagsulat ng Panayam, Sanaysay, Read & React, Drawing

IV. Proseso ng Pagkatuto

A.Paghahandang Aktibidad/ Motibasyon

A.1. Panalangin

A.2.Pagbati, Pagtsetsek ng Liban at Pagtsetsek ng Takdang Aralin (if any)

A.3. Motibasyon ( Ano sa Tingin Mo? Saan Kaya?)

Gumuhit ng pinagmulan ng wika sa iyong sariling pagkakaalam. Ipaliwanag ang larawang iyong
binuo.
B.Presentasyon

Ang mag-aaral ay makikipanayam sa ilan sa mga kanilang kapwa mag-aaral at susuriin kung
mayroon ba silang wikangginagamit sa pakikipag-gnayan sa bawat isa at kung paano nakakaapekto
sa kanila ang pagkakaroon ng iisang wika o ang pagkakaroon ng magkakaibang wikang umiiral sa
kanilang komunidad. Gagawing gabay ang mga tuntunin sa pakikipagpanayan

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pakikipanayam

1. Bago ang Panayam

-Tiyakin ang layunin at saklaw ng panayam

-Humingi muna ng pahintulot sa kakapanayamin.

-Ihanda ang mga tanong. Toyaking malinaw at hindi paligoy-ligoy ang tanong

2. Habang Nakikipanayam

-Huwag gambalain ang pagsasalita sa kapanayam

-Isulat ang mahalagang tala

-Maging magalang sa pakikipag-usap

-Huwag ipahalata ang alinlangan o pagsang-ayon sa kanyang pahayag

-Tapusin ang panayam sa pamamagitan ng taos-pusong pasasalamat

3. Pagkatapos ng Panayam

-Iayos ang nakuhang tala

Ang mga talang nakalap mo ay iyong gagamitin sa isusulat mong sanaysaysay.

Gaiwng gabay ang rubric sa ibaba.

2 3 4

Katiyakan ng Layunin Hindi pa tiyak ang Nakabuo ng tiyak na Nakabubuo ng tiyak


layunin sa layunin sa pakikipanayam na layunin sa
pakikipanayam at pakikipanayam sa
mababakas na hindi ito ay naiparating sa
handa sa gagawin kakapanayam

Kahandaan ng mga Nakapaghahanda ng Nakapaghahanda ng Nakapaghanda ng


tanong mga tanong ngunit magkakaugnay na tanong lohikal,
hindi magkakaugnay nang maaga. magkakaugnay, at
epektibong tanong
nang maaga.

Pag-unawa sa Narinig ngunit hindi Narinig at nauunawaan Narinig at


Panayam nauunawaang mabuti ang mga sinasabi ng nauunawaang
ang mga sinasabi ng kausap batay sa ilang mabuo ang mga
kausap kaya walang bagay na naitala. sinabi ng kausap
masyadong batay sa
mahalagang bagay na mahahalagang
naitala bagay na naitala
C. Pagtalakay sa aralin

Ang mga mag-aaral ay makikinig sa mga tunog na mula sa iba’t ibang teorya at tutukuyin nila
kung saan nanggaling ang mga tunog na iyon. At matapos matukoy kung ano ang sandhi ng tunog
iuugnay ito sa mga teorya ng pinagmulan ng wika. Mula sa mga teorya tatalakayin ang mga panahon
kung ano ang sumakop sa Pilpinas at pag-alam ng naging impluwensiya ng mga ito.

D. Paglalahad

Masasabing hindi naging madali ang pinagdaanan ng wikang pambansa. Maraming


pagkakataong ito ay nanganganib na maisantabi na lamang. Natatandaan mo pa ba ang mga
pagkakataong ito? Balikan at isulat ang mga pangyayaring magpakitang muntik nang maisantabi ang
pambansang wika. Isulat ang pangyayari sa tamang kahon.

Panahon ng
Panahon ng mga Panahon ng mga Pagsasarili
Amerikano Hapones hanggang
Kasalukuyan

E. Paglalapat (Read and React)

Basahin ang mga pahayag..Ilahad ang sariling opinyon, pananaw, o kongkulsyon hinggil sa mga
pahayag na tumatalakay sa wikang pambansa. Sang-ayon ka ba sa mga ito? Mayroon pa ibang
kaisipang nais mong iugnay sa mga ito?

1. Read: Ayon kay Jean- Jazquez Roissseau, “ Ang pagkalikha ng wika ay hidni nagmula sa
pangangailangan nito ngunit nangangaling sa silakbo ng damdamin. Ang pangangailangan ay maaaring
makapaghati-hati sa mga tao at magtulak na namutawi sa bibig ng mga tao ang iyak, halakhak, sigaw,
galit na maaaring pinagmulan ng sinaunang wika”.

React:_____________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Sinasabing malaking bahagi ng ginawa ng mga katutubo noon ay hindi na matagpuan sapagkat
sinunog na mga dayuhang Espanyol ang mga ito dahil kagagawan daw ito ng diyablo. Maliban sa
dahilang iyon, nabuo sa kanilang sarili na maging sagabal iyon sa pagpapalaganap nila ng
pananampalatayang Katoliko.

React:_____________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3 Read: Noong panahon ng mga Espanyol, naging malaking usapain ang wikang gagamitin sa
pagpapalawak ng Kristiyano. Naniniwala ang mga Espanyol noong mga panahong iyon na mas mabisa
ang paggamit ng katutubong wika sa pagpapatahimik sa mamamayan kaysa sa libong sundalong
Espanyol.

React:_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

F. Ebalwasyon

Maraming mga teorya ang lumabas na nagtangkang ipaliwanag ang pingamulan ng wika. Ang
bawat pahayag ay nagpapaliwanag ng isa sa mga teoryang tinalakay . Tukuyin kung ano ito at isulat
sa puwang bago ang bilang.
___________1. Ang wika raw ay nagmula sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog na nilikha ng
mga hayop.

__________2. Batay sa teoryang ito, nagmula raw ang wika sa paggaya ng mga sinaunang tao sa mga
tunog ng kalikasan.

__________3. Syonsa teoryang ito ay may konekyon ang kumpas o galaw ng kamay ng tao sa paggalaw ng
dila. Ito raw ay naging sanhi ng pagkakatuto ng taong lumikha ng tunog at matutong magsalita.

__________4. Nagmula raw ang wika sa mga salitang namutawi sa mga bibig ng sinaunang tao nang
nakaramdam sila ng masisidhing damdamin tulad ng tuwa, galit, sakit, sarap, kalungkutan at pagkabili.

_________5. Nagmula raw ang wika sa pagsasama ng mga nagtatrabaho o nagtitipon.

V. Kasunduan

Sa araling ito ay nabasa at nauunawaan mo ang tatlong mahahalagang bahagi o yugto ng


kasaysayan. Nabatid mo rito ang ilang pangyayari tungo sa pagkabuo at pag-unlad ng Wikang
Pambansa. Pumili ng isang panahon at sumulat ng sanaysay na tumatalunton sa mga pangyayari sa
panahong ito. Talakayin mo rin ang naging ambag ng yugtong ito sa pagkakabuo ng wikang
pambansa. Bilang pagtatapos, isulat mo ang kahalagahan ng partikular na yugtong ito sa kasaysayan
na pagkakabuo at pag-unlad ng wikang pambansa.
MARIAN LEARNING CENTER AND SCIENCE HIGH SCHOOL
Senior High School Department
Alangilan, Batangas City

Semi-Detailed Lesson Plan sa Filipino sa Piling Larangan

I. Mga Kasanayan sa Pagkakatuto

Sa loob ng 40 minuto ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Nababalikang ang dating kaalaman hinggil sa sining ng pangangatwiran

B. Natutukoy ang tamang pahay hinggil sa pagsulat ng posisyong papel

C. Nakapagsusunod-sunod ang mga hakbang sa pagsulat ng posisyong papel

D. Naiisa-isa ang balangkas sa pagbuo ng posisyong papel

E. Nakapagsasaliksik at nakapagsusuri ng isang posisyong papel

F. Nakapagbibigay ng sariling paninindigan at nasasabi ang kahalagahan nito

G. Nakasusulat ng posisyong papel hinggil sa isang napaanahong isyu

II.Paksang Aralin

A. Paksa : Pagsulat ng Posisyong Papel

B. Sanggunian : Pinagyamang Pluma

Filipino sa Piling Larangan (akdemik)

E. Materyales : Bond Paper, Marker, Thumbs up and down emoticon

F. Estratehiya: Pagsulat Posisyong Papel, Concept Map, RAPS, Frayer Concept Model
Organizer

III. Proseso ng Pagkatuto

A.Paghahandang Aktibidad/ Motibasyon

A.1. Panalangin

A.2.Pagbati, Pagtsetsek ng Liban at Pagtsetsek ng Takdang Aralin (if any)

A.3. Motibasyon ( Frayer Concept Model Organizer)

Ano-ano ang natatandaan mo tungkol sa pangangatiwiran na natalakay ninyo nang ilang


beses sa mga nakaraang aralin sa Filipino? Ibahagi ang iyong kaalaman gamit ang Frayer
Concept Model Organize

B.Presentasyon
Ang mag-aaral ay nakapagsasaliksik ng isang halimbawa ng napapanahong posisyong papel sa
inyong silid-aklatan o Internet. Suriin ang nasaliksik na halimabawa bilang paghahanda sa isang
posisyong papel na iyong gagawin sa huling bahagi ng araling ito. Gamitin ang balangkas na RAPS sa
gawaing ito.

(Read) Pamagat ng Nabasang Posisyong Papel

(About) Tungkol Saan ang Posisyong Papel

(Point 1 ) Punto 1
(Point 2) Punto 2

(Summary) Buod ng Binasang Posisyong Papel

C. Pagtalakay sa aralin

Gamit ang Concept Map isa-sahin ang balangkas sa pagsulat ng posisyong papel. Lagyan ng
maikling paliwanag bawat bahagi

II.
I.

Balangkas ng
Posisyong
Papel

IV.
III.

D. Paglalahad

Ang kakayahang maninidigan o tumayo para sa isang paniniwala o katotohanan ay isa sa


mahahalagang katangiang dapat taglayin sa pagsulat ng posisyong papel. Naggpapakita ito ng katatagan
at katalinuhan ng isang taong hindi kaagad-agad maaaring mahikayat o maimpluwensiyahan ninuman.
Maraming mga ilang mga isyung nakaapekto sa mga kabataan, Ibigay ang iyong paninindigan sa ilang
mga isyung ito at aglajad ng mga punto kung paano ito nakatulong o nakatutulong para sa iyong
kabutihan. Sa uli ay bumuo ng sariling kongklusyon kung bakit mahalagang magkaroon ng paninindigan sa
buhay.

Paggamit ng
tablet o iba Ang aking paninindigan..
pang gadget sa
___________________________________________________________
pag-aaral sa
___________________________________________________________
halip na aklat
___________________________________________________________
sa paaralan
___________________________________________________________

Pagdaragdag Ang aking paninindigan..


ng dalawang
taon sa Basic ___________________________________________________________
Education (K to ___________________________________________________________
12 Program, ___________________________________________________________
Senior HS) ___________________________________________________________

Malayang
paggamit ng
Internet at
social media

E. Paglalapat (Read and React)

Nakasusulat ng posisyong papel hinggil sa isang napapanahong isyu

Ipahayag mo nang buong-buo ang iyong paninidgan sa isa sa mga isyung nakatala sa Magagawa
Natin. Sumulat ka ng isang posisyong papel upang maipakita ang katotohanan at katibayan ng iyong
pagmakatuwid at makahikayat ang mga kabataang tulad mo na maganda at tama ang iyong
pagmamakatuwid at makahikayat ang kabataang tulad mo na maganda at tama ang iyong
pinaniniwalaang panig. Maaaring pumili ng iba pang paksang malapit sa iyong pusong alam mong may
malakaing kaugnayan sa buhay ng mga kabataang gaya mo sa kasalukuyan nang may pahintulot ng iyong
guro.

Pamantayan Puntos

Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng posisyong papel 5

Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kahiaka-hikayat na posisyong papel 5

Nakasusulat ng posisyong papel batay sa matibay ang ebidensiya ng posisyong 5


papel na paggamit ng wika

Nakabatay sa pananaliksik at matibay ang ebidensiya ng posisyong papel na 5


nabuo

Kabuoang Puntos 20
F. Ebalwasyon

Sagutan ang Sagutin Natin tungkol sa tamang pahayag hinggil sa pagsulat ng posisyong papel sa
pahina 88

VI. Kasunduan

Bumuo ng sanaysay tungkol sa kahalagan ng pagsulat ng posisyong papel.

You might also like