You are on page 1of 3

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 12

FILIPINO SA PILING LARANG

Localization and Differentiated Lesson Plan

Pamanatayang Pangnilalaman: Naunawaan ang kalikasan, layunin, at paraan ng pagsulat ng


iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan

Pamanatayan sa Pagganap: Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang


anyo ng sulatin
Kasanayang Pampagkatuto:
1. Napagtitibay ang natamong kasanayan sa pagsulat ng talumpati sa pamamagitan ng
pinakinggang halimbawa
2. Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng mga piniling
akademikong sulatin
I. Layunin
A. Nakakapagsagawa ng isang mahusay na sanaysay gamit ang kakayahang lingwistik
bilang piyesa ng talumapati
B. Naisasabuhay ang kahalagahan ng talumpati sa buhay ng tao lalong lalo na sa sa
pakikipagugnayan sa komunidad
C. Nakakabuo ng talumpati na ang piyesa ay tungkol sa kapaligiran at mga pangyayari
tungkol sa sa komunidad
II. Paksang-Aralin
A. Paksa: Talumpati (Pagsulat ng piyesa sa bibigkasing talumpati)
B. Sanggunian: Eugen Y. Evasco at Will P. Ortiz, Filipino: Pagbasa at Pagsulat sa Piling
Larang (Akademik), C and E Publishing Inc.
C. Kagamitan: handouts, powerpoint presentation, piyesa, video
D.Istratehiya para sa differentiated na pagtuturo: powerpoint presentation, video
presentation
III. Pamamaraan
TUKLASIN
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
2. Pagganyak
Panonood ng video ng talumpati ng pangulong Duterte. Pagtatanong tungkol sa
kung nakapanood na sa telebisyon kung ano sinasabi ng isang taong
naparangalan sa Gabi ng Parangal. Anong uri ng talumpati ang
inyong napakinggan batay sa inyong napanood?
LINANGIN
B. Paglalahad ng Aralin
Palalahad ng mga konsepto tungkol sa talumpati gamit ang kakayahang
sosyolinggwistik sa pamamagitan ng powerpoint presentations at handouts.
Magkakaroon ng interaktibong talakayan sa klase.

C. Pagtalakay sa Aralin
Tatalakayin ang kahalagahan ng gamit ng wika sa pagbuo ng isang sanaysay bilang
piyesa sa gagawing pagtatalumpati. Tatalakayin ang iba’t ibang uri at anyo ng talumpati.
D. Paglalapat
Hahatiin ang klase sa lima. Bawat pangkat ay bibigyan ng paksang gagawin bilang
paghahanda sa talumpati. Indibidwal ang pagkakagawa ng piyesa sa loob ng grupo.
Pangkat 1: Talumpati ng Pagtatapos
Pangkat 2: Talumpati ng Pag-aalay
Pangkat 3: Talumpati ng Pagtanggap
Pangkat 4: Impormatibong Talumpati (tungkol sa kapaligiran)
Pangkat 5: Talumpati ng Pamamaalam
Pamantayan sa pagtataya sa gagawing piyesa sa pagtatalumpati

Panukatan Deskripsiyon Puntos


Nilalaman Malinaw at maayos ang pagkakalahad ng 35%
ideya. Malaman at impormatibo ang piyesa ng
talumpati.
Organisasyon Sinunod ng piyesa ng talumpati ang tamang 15%
pagkakaayos ng talakay. Lohikal ang
pagpapaunlad ng ideya.
Gamit ng Wika Paggawa ng wasto at angkop na 25%
pangungusap batay sa uri ng talumpating
ibinigay. Kakayahang pangkomunikasyon na
naipapakita sa pamamagitan ng kaalaman sa
angkop na gamit ng wika at kung sino ang
direktang pinatutungkulan o ang awdiyens o
manonood ng gagawing talumpati.
Malikhaing Estratehiya Madaling maunawaan ng karaniwang 25%
mambabasa ang piyesang ginawa para sa
pagtatalumpati.
100%
Kabuuan
(Pagnilayan/Unawain)

E. Paglalahat
Ano ang kahalagahan ng talumpati sa buhay ng isang tao, sa kanyang
komunidad? Bakit kailangang alamin o pag-aralan ito? Ano ang layunin sa
pagsusulat ng talumpati?

IV. Takdang Aralin


Manood ng dalawang spoken poetry sa internet at alamin kung ano ang
pagkakatulad ng dalawa, sa emosyon at damdamin. May pagkakatulad ba ito sa pormal
na talumpati na nakita ninyo sa halimbawa?

Inihanda ni:
Ma. Anne S. Bernales

Pinansin ni:
Gng. Angeline A. Subang
Ulo ng Depatamento

You might also like