You are on page 1of 4

Paaralan TIBLAC NATIONAL HIGH SCHOOL Baitang 11

Guro JENNY KRIS T. BANGNGABANG Asignatura Filipino

GRADES 1 TO 12
Pang-araw-araw na Petsa at JUNE 28, 2022 Markahan Ika-apat
Tala sa Pagtuturo Oras (1:00-2:00 pm) na
pAP
Markahan

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng masinop na pananaliksik
Pangnilalaman
B. Pamantayan sa Nakabubuo ng isang maikling pananaliksik na napapanahon ang paksa
Pagganap
C. Mga Kasanayan Nagagamit ang mga katwirang lohikal at ugnayan ng mga ideya sa
sa Pagkatuto pagsulat ng isang pananaliksik F11WG –IVgh – 92
(isulat ang code ng
bawat kasanayan)
II. NILALAMAN Paglalahad ng Resulta, Pagsinop ng Tala at Bibliograpiya ng
Pananaliksik
III. KAGAMITANG Module (LAS) at Power Point Presentation
PANTURO
IV. PAMAMARAAN
A.Balik-aral sa *Pagbati
nakaraang *Classroom Management
aralin *Pagpapaalala sa Health Protocol
at/o
pagsisimula Sa pamamagitan ng AKROSTIK, Bibigyang kahulugan ng mga mag-aaral
ng aralin ang salitang RESERTSER mula sa kanilang sariling karanasan/ ideya
tungkol sa pananaliksik.
Gawain 1: Akrostik
R-
E-
S-
E-
R-
T-
S-
E-
R-
B. Paghahabi sa Ipaliwanag sa mag-aaral ang mga gagawin at inaasahan para sa aralin.
layunin ng Aralin A. Nakapagbibigay ideya kung ano ang pananaliksik;
B. Matapat na nasasagot ang mga tanong mula sa module;
C. Nailalapat sa pang-araw-araw na buhay ang napag-aralan sa
pamamagitan ng PIE CHART;
D. Naibubuod ang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong;
E. Nasusuri at nasasagot nang may katapatan ang pagsasanay na
naibigay; at
F. Masayang nakikibahagi sa talakayan.
C. Pag-uugnay ng *Hayaang magbahagi ng sariling karanasan/ideya ang mga mag-aaral
mga halimbawa sa *Pagkatapos magbahagi ng kanya-kanyang ideya ang mga mag-aaral ay
bagong Aralin talakayin kung ano ang pananaliksik upang iugnay sa bagong aralin.
D. Pagtalakay ng Talakayin natin ang mga sumusunod.
bagong konsepto 1. PANANALIKSIK
at paglalahad ng Isang maingat, maayos at masinop na pag-aaral ng
bagong kasanayan pagsisiyasat tungkol sa isang bagay. Isa itong intelektwal na
#1 pamamaraang naglalayong maglahad sa halip na manghikayat
*Ayon kay Buenaventura, 2006
Ang PANANALIKSIK ay paraang sistematiko, pormal, matiyaga, at
hindi madaliang pagkuha ng datos.
*Ayon kay Rubin, 2006
Ang sulating PANANALIKSIK ay bunga ng isang maingat at
masinop na pag-aaral at pagsisiyasat tungkol sa isang paksa.
*Ayon kay Semorlan, 1999
Ang PANANALIKSIK ay mapanuri at kritikal na pag-aaral ukol sa
isang isyu, konsepto at problema
*Ayon kay Aquino, 1994
Ang PANANALIKSIK ay sistematikong paghahanap sa mga
mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o
suliranin
*Ayon kay Good, 1993
Ang PANANALIKSIK ay isang maingat, kritikal at disiplinadong
pag-alam sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay
sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa
klasipikasyon at resolusyon
E. Pagtalakay ng Pagkatapos ng talakayan, sasagutin ng mga mag-aaral ang mga
bagong konsepto sumusunod na gawain, sa gawaing ito ay mai-aaply nila dito ang
at paglalahad ng kanilang napag-aralan sa MATHEMATICS.
bagong kasanayan
#2 Gawain 1: Pagsasanay #3
A. Panuto Suriin, kompyutin ang porsyenteng hilera na nasa
talahanayan at sagutin ang mga tanong kaugnay nito.
Bilang ng nagtapos sa bawat barangay ng Grade 12 taong 2019-2020 sa Luna National High School Luyao, Luna, Isabela
Lugar Layo ng barangay sa Paaralan Bilang %
Hal: Centro 1 10 metro 7 4.24
Centro 2 400 metro 25
Centro 3 400 metro 5
Concepcion 5 km 8
Dadap 4 km 12
Lalog 1 4 km 8
Lalog 2 5 km 5
Luyao 10 metro 6
Macanao 400 metro 19
Macugay 7 km 2
Mambabanga 6 km 1
Pulay 5 km 13
Puroc 4 km 14
San Miguel 3 km 18
San Isidro 7 km 3
Santo Domingo 8 km 7
Union Kalinga 6 km 2
Binarsang, Reina Mercedes 9 km 8
Santor, Reina Mercedes 4 km 2
Kabuuan N= 100%

F. Paglinang sa *Sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong, makakatulong ito sa mga


Kabihasaan mag-aaral upang mas malinang pa ang kanilang kaalaman tungkol sa
(tungo sa kahalagahan ng pananaliksik sa buhay ng bawat isa.
Formative
Assessment 3) Gawain 2: Tanong ko, Sagot Mo!

1. Magtala ng kahit tatlong kahalagahan ng pananaliksik.

2. Sa palagay mo, bakit sinasabing walang sinomang makakaiwas sa


pananaliksik? Panindigan ang sagot.

3. Bilang isang mag-aaral, ano ang naitutulong ng pananaliksik sa


iyong pag-aaral?
G. Paglalapat ng *Panahon ang batayan ng gawaing pananaliksik. Gaano man kaganda
aralin sa pang- ang paksa, ang pinakamahalagang batayan ay ang kakayahang
araw-araw na matapos o maisakatuparan ang gagawing pananaliksik
buhay
Sa pamamagitan ng Pie Graph, makikita dito kung paano ginugugol ng
mga mag-aaral ang kanilang oras sa araw-araw.

Gawain 2: Pagsasanay 3, (PIE GRAPH). pahina 66


A.
Panuto Tiyak na may inisyal na pag-unawa ka na kung ano ang
pie chart at kung saan ito karaniwang ginagamit. Sa pamamagitan
ng isang pie chart, ipakita sa dayagram 3 kung paano mo
ginugugol ang oras sa araw-araw.

Rubrik ng Pagtatasa
Batayan ng Grado Kaukulang Puntos Kabuuang
Grado
Makabuluhan at tiyak ang nilalaman ng 10
Graph
Nagbigay ng angkop na pagsusuri sa 10
impormasyon at mahusay na gamit sa wika
Nakawiwili, malikhain, mapagganyak at 10
makulay ang disenyo ng graph
Malinaw ang paliwanag sa halaga ng biswal 10
na elemento sa pananaliksik na sinuri
Awtentiko, malinis at presentable ang 10
pagkagawa
Kabuuang Grado 50

1. Gaano kahalaga ang pananaliksik sa buhay ng isang tao?

H. Paglalahat ng Repleksyon tungkol sa PANANALIKSIK


aralin Napag-alaman ko na _______________________________________________

Napagtanto ko na _________________________________________________

Ang aking gagawin ay ______________________________________________


I. Pagtataya ng Batay sa tinalakay, ipasasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod.
aralin
1. Nalaman ko na ang pananaliksik
ay_____________________________________________________________________
_

_______________________________________________________________________
_
2. mahalaga ang pananaliksik sa buhay ng tao dahil_________

J. Karagdagang Ang Aking mga Plano/Pangarap sa Buhay


Gawain/Takda
*Bago wawakasan ang talakayan sa araw na ito, aatasan ang mag mag-
aaral na magtala ng kahit tatlong pangarap/plano sa buhay at
itala/isulat din kung paano o kung ano ang kanilang gagawing hakbang
upang matupad ang kanilang panagrap/palano na itinala.

Pangwakas:
Naniniwala akong higit na malawak ang iyong kaalaman hinggil
sa pananaliksik. Dakila na ang pananaliksik sa sarili nitong kahulugan at
kabuluhan, ngunit lalong mailalatag ang halaga ng pananaliksik kung
isaalang-alang ang pangangailangan ng lipunang kinalulugaran nito.
Laging tandaan na ang layunin ng pananaliksik ay ipakita sa
pamamagitan ng matitibay o solidong mga datos na ang isang mga bagay
ay mahalaga, kapaki-pakinabang, may bagong sinasabi, nagpapatunay
sa mga bagay na totoo o di-totoo, at marami pang iba.

Inihanda ni:

JENNY KRIS T. BANGNGABANG


Subject Teacher

Pinuna ni:

MARIA LEONORA L. CORTADO


School Head

You might also like