You are on page 1of 4

Paaralan TIBLAC NATIONAL HIGH SCHOOL Baitang 11

Guro JENNY KRIS T. BANGNGABANG Asignatura Filipino

GRADES 1 TO 12
Petsa at NOVEMBER 3, 2021 Markahan Unang
Pang-araw-araw na Markahan
Tala sa Pagtuturo
Oras

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at
Pangnilalaman gamit ng wika sa lipunang Pilipino

B. Pamantayan sa Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa


Pagganap aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad

C. Mga Kasanayan Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman,


sa Pagkatuto pananaw, at mga karanasan_F11PD – Ib – 86
(isulat ang code ng
bawat kasanayan)

II. NILALAMAN Mga Konseptong Pangwika: Pag-uugnay sa Sariling Kaalaman, Pananaw


at Karanasan

III. KAGAMITANG Module (LAS) Pahina 32-42 at Power Point Presentation


PANTURO

IV. PAMAMARAAN
A.Balik-aral sa Ang Klase ay aatasang bigyang kahulugan at halimbawa ang mga
nakaraang aralin Salitang ibibigay ng Guro. Sa pamamagitan nito ay malalaman ng guro
at/o kung may naaalala pa ang mga mag-aaral sa nakaraang aralin.
pagsisimula
ng aralin Patalasan ng isip
1. JEJEMON
2. BEKIMON O GAY LINGO
3. KOLOKYAL
4. BALBAL
5. SOSYOLEK

B. Paghahabi sa Salita Mo, Panindigan Mo!


layunin ng Aralin
Magbibigay ng sariling opinion ang mga mag-aaral patungkol sa
kasabihang “ Ang Karanasan ang pinaka mahusay na guro upang
matuto ang isang tao”

C. Pag-uugnay ng Pagkatapos ng pagbibigay ng opinion sa nasabing kasabihan ay


mga halimbawa sa sasabihin na may kaugnayan ang mga ito sa talakayan ngayong araw.
bagong Aralin #1
D. Pagtalakay ng Talakayin natin ang mga sumusunod.
bagong konsepto at
paglalahad ng 1. Wikang Bilinggualismo
bagong kasanayan paggamit ng dalawang uri ng lenggwahe o wika. Mula sa
#1 partikular na rehiyon o probinsiya na ating kinabibilangan tayo ay
may sariling dayalektong ginagamit sa loob ng ating tahanan.
Pagtungtong naman natin sa paaralan ay may mga
wikang tinturo ang ating mga guro tulad na lamang ng Ingles.
Mga wikang natutunan at nadedebelop nating gamitin sa
pakikipag-usap natin sa ating mga kaeskwela at mga guro

2. Wikang Multilinggualismo
Ito ay ang pinaiiral na patakarang pangwika sa
edukasyon. Ito ay ang pagpapatupad ng Mother Tongue-based
Multilinggual Education o MTB-MLE ay nangangahulugan ng
paggamit ng unang wika ng mga estudyante sa isang partikular
na lugar
Halimbawa: Sa ilokos, ilokano ang wikang panturo

3. Unang Wika
Ito ay tinatawag ding “wikang sinuso sa ina” o “inang
wika” dahil ito ang unang wikang natutuhan ng isang bata.

4. Pangalawang Wika
Ang tawag sa iba pang wikang matutuhan ng isang tao
pagkaraang matutuhan ang kaniyang unang wika.
Halimbawa: kalanguya ang unang wika ng mga taga Ambaguio. Filipino
ang pangalawang wika nila.

5. Wikang Pambansa_FILIPINO
Ang Wikang Filipino ay ang katutubong wika (ang mother tongue)
na ginagamit sa ating bansang Pilipinas bilang wika ng
komunikasyon.

E. Pagtalakay ng Pagkatapos ng talakayan, sasagutin ng mga mag-aaral ang mga


bagong konsepto at sumusunod na gawain:
paglalahad ng
bagong kasanayan Gawain 1: Pag-uugnay ng mga konseptong Pangwika sa Sariling
#2 Kaalaman (Nasa pahina 36 sa inyong mga module)

Panuto: (May pagpipilian) Suriin ang mga sumusunod na pahayag at


tukuyin kung paano maiuugnay sa kasalukuyang sitwasyon ang
binasang kaugnay ng konseptong pangwikang bilinggualismo at
multilinggualismo. Piliin sa Loob ng Kahon ang letra ng katumbas na
sagot sa bawat bilang.

Ang wika ay kaakibat na ng buhay ng tao. Dahil dito, nababatid


ng bawat indibidwal ang mga nagaganap sa kanyang paligid,
komunidad at maging sa kanyang bansa. Bahagi na rin ng ating pang-
araw-araw na buhay ang balita. Ito man ay sa pahayagan, radyo,
telebisyon o sa ibang tao.
Bibigyan ko kayo ng isang sipi ng teksto patungkol sa Covid-19
(Ibibigay ng guro sa mga mag-aaral ang sipi ng isang teksto patungkol
sa covid-19)at sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa.....

Gawain 2: Pag-uugnay ng mga Konseptong Pangwika sa Sariling


Pananaw. (pahina 37 sa inyong module)

Panuto: basahin ang teksto at sagutin ng may pagsusuri ang mga


konseptong pangwika na nakapaloob dito gamit ang Personal na
Kalikasan at kagandaan

 Bilang isang estudyante, paano ka makatutulong sa pagbaba ng


kaso ng Covid-19? Maglahad ng Tatlong paraan.
F. Paglinang sa Isang epektibong paraan ng iyong pagkatuto ang pag-uugnay ng mga
Kabihasaan konseptong pangwika sa iyong sariling karanasan bilang mag-aaral.
(tungo sa (Edukasyon sa pagpapakatao)
Formative
Assessment 3) Gawain 3: Pag-uugnay ng mga Konseptong Pangwika sa Sariling
Karanasan

Panuto: Basahing mabuti ang sitwasyon at sagutin ng may katapatan


ang tanong na nakapaloob sa kahon. Gawin ito sa inyong kwaderno.

Sitwasyon A: Inutusan ka ng iyong ina na magpadala ng sulat sa


inyong punong barangay dahil ang inyong mga kapitbahay ay hindi
sumusunod sa panukala ng IATF tungkol sa mga dapat gawin upang
maiwasan ang pandemyang COVID-19.

Bilang anak, paano mo susundin ang utos ng iyong ina na hindi ka


lalabag sa panukala ng IATF? Paano mo ito sasabihin gamit ang iyong
unang wika?

Sitwasyon B: inatasan ka ng iyong punong guro na magbahagi ng isang


talumpati sa mga kabataang naging biktima ng pandemyang COVID 19
upang maibsan ang kanilang nararamdamang pangamba dahil patuloy
na tumataas ang bilang ng mga naging positibo.

Bilang mag-aaral na may pagpapahalaga sa kapwa, paano mo


kakausapin ang iyong punong guro kung papayag ka o hindi sa
kanyang inatas gamit ang pambansang wika.

G. Paglalapat ng Mula sa mga Gawain na inyong isinagawa, napatunayan ninyo


aralin sa pang- bilang isang mag-aaral na napakahalagang iugnau ang mga konseptong
araw-araw na pangwika sa mga karanasan sa buhay. At hindi lamang ang mga
buhay konseptong pangwika kundi lahat ng mga nais mong pag-aralan o
matutuhan ay mas napapadali ito kung mayroong pag-uugnay na
nagaganap.
Mas mabilis ang pagkatuto kung naiuugnay mo mismo ang mga
paksang iyong pinag-aaralan sa iyong sariling buhay, at maging sa
komunidad o lipunang iyong ginagalawan.

H. Paglalahat ng Repleksyon
aralin Napag-alaman ko na _______________________________________________

Napagtanto ko na _________________________________________________

Ang aking gagawin ay ______________________________________________

I. Pagtataya ng Ibigay ang kahulugan ng bawat salita na nasa ibaba base sa ating
aralin natalakay kanina.
1. Bilinggualismo
2. Multilinggualismo
3. Unang wika
4. Pangalawang wika
5. Wikang Filipino
J. Karagdagang Pagsulat ng Maikling Sanaysay
Gawain/Takda *Bago natin wakasan ang ating talakayan sa araw na ito, pumili lamang
ng isang pangkat mula sa inyong komunidad, hal. Pangkat ng mga bakla,
tomboy, tambay at iba pa. Sumulat ng isang sanaysay patungkol sa
wikang ginagamit nila at iugnay mo ito sa kasalukuyang sitwasyon.

Naniniwala akong higit na malawak ang iyong kaalaman hinggil sa


konseptong pangwika. Panatilihin lamang na laging bukas ang isipan sa
pagkatuto.

Inihanda ni:

JENNY KRIS T. BANGNGABANG


Subject Teacher

Pinuna ni:

MARIA LEONORA L. CORTADO


School Head

You might also like