You are on page 1of 3

Ella Mae L.

Maglunob BSED 3A

Paunang Pagtataya

Panuto: A. Bumuo ng isang sitwasyon kung saan ginagamit ang


unang wika at ikala wang wika sa isang komunikasyon gamit
ang kahon sa ibaba.

Si Ben ay lumaki sa syudad ng Iloilo at matatas na nagsasalita ng Hiligaynon


ngunit ng tumungtong na siya ng kolehiyo ay napilitan siyang lumuwas ng
Maynila mag-isa upang kumuha ng kursong Mass Communication na pangarap
na nito mula noong pagkabata pa. Nang magsimula siyang tumungtong sa
Maynila ay Filipino ang kaniyang ginagamit na wika sa pakikipagtalastasan
upang siya ay maunawaan ng mga taga-rito. Sa tuwing umuuwi naman ito ng
Iloilo ay malaya pa rin nitong nagagamit ang kaniyang unang wikang natutuhan
at ito ay ang Hiligaynon.

B. Sa iyong palagay ano ang mas mainam gamiting estratehiya sa


pagtuturo ng Filipino sa sekondarya? Patunayan.

Sa aking palagay ay mas mainam na gamiting estratehiya sa pagtuturo ng


Filipino sa Sekondarya ay paggamit ng una at ikalawang wika sapagkat
lubos na mas lubos na maliliwanagan ang mga estudyante ang kahulugan
ng isang salitang Filipino kung ito rin ay bibigyang pakahulugan o
paliwanag sa unang wika na siyang nauunawaan ng mas nakararami.

C. Ano ang tinatawag na yugto? Para sa iyo, ano-ano ang mga yugtong
imumungkahi mo upang makatulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa
Filipino?

Ang yugto ay ang bahagi o prosesong pinagdadaanan ng mga mag-aaral sa


pagkatututo ng isang wika. Ang mga yugto na iminumungkahi ko na
makatutulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa Filipino ay ang pagbabalik-
aral sa mga naunang natutunan ukol sa wikang Filipino, ang pagsasalin ng
mga salita sa unang wika tungo sa wikang Filipino at ang pagbuo ng isang
obra o produkto mula sa mga natutunan.
Panapos na Pagtataya

Pangalan: Ella Mae L. Maglunob Petsa: Disyembre 9, 2020


Kurso: BSED Seksyon: 3A
Asignatura: Filipino para sa Natatanging Gamit

Aktibiti 1: Ibigay/ Sagutin ang sumusunod na mga hinihingi/tanong

1. Paano natututunan ang ikalawang wika? Magbigay ng isang halimbawang


sitwasyon.

Natutunan natin ang ikalawang wika matapos nating matutuhan ang alin mang
wika. Sa pamamagitan ng panonood ng telebisyon, pakikinig sa radyo o kaya ay
sa paligid at pakikipag-usap sa isang dayo at may kaibang wika ay maaaring
matutunan unti-unti ang ikalawang wika.

2. Pumili ng isa sa sampung iba’t ibang lunsarang-paraan sa paglalahad ng aralin.


Palawigin ito sa pamamagitan ng/mga estratehiya na may kinalaman sa iyong
napiling paraan.

 Paglalahad sa pamamagitan ng liham;

Sa paglalahad ng isang aralin maaaring simula itong ilahad sa isang


liham. Mainam na magbalik aral at tanungin ang mga mag-aaral ukol sa
mga ideyang alam nito ukol sa una at ikalawang wika at simulang
talakayin ang nasabing aralin ayon sa nabuong banghay-aralin, Maaring
magbigay ng gawain sa mga mag-aaral kung saan bubuo sila ng isang
liham pangkaibigan gamit ang unang nakagisnang wika pagkatapos ay
isasalin nila ito sa ikalawang wikang alam nila.

3. Ibuod ang walong pangunahing suliranin ng lingguistika ayon kay Harold B.


Allen.

Ang wika ay isang sistema o kaparaanan ng pabigkas na hindi dapat simulang ituro
sa pamamagitan ng pagbabasa ng titik. Ito rin ay binubuo ng mga piling sagisag at
kaugalian na walang kapareho kung kaya’t nangangailan ng sapat na pagsasanay.
4. Sa apat na teorya sa pagkatuto ng una at ikalawang wikang nabanggit. Ano ang
pinaka mainam upang mas madaling matuto ang isang mag-aaral? Bakit?

Mula sa apat na teorya ng pagkatutuo ng una at ikalawang wikang nabanggit,


ang Teoryang Behaviorist ni BF Skinner ang sa palagay ko ang pinakamainam
tungo sa mas madaling pagkatuto ng isang pag-aaral sapagkat kung ating
mapapansin, ang mga bata ay natututo ng wika sa pamamagitan ng
panggagagad o paggaya ng kung anumang narinig nito.

5. Bakit mahalagang matutunan ng isang mag-aaral ang kanyang ikalawang wika?


Ipaliwanag.

Isa sa mga kahalagahang aking nakikita sa pagkatuto ng ikalawang wika ay ang


mas mabilis na pagkatuto ng mga mag-aaral sa ibang mga asignatura. Tulad na
lamang ng Araling Panlipunan at Edukasyon sa Pagpapakatao na gumamit ng
wikang Filipino sa pagtuturo.

You might also like