You are on page 1of 1

Pagbabalik-tanaw Noli Me Tangere

Sa kuwento ng Noli Me Tangere, bumalik si Crisostomo sa bayan ng San Diego mula sa Europe
dahil sa pagkamatay ng kaniyang ama na si Don Rafael Ibarra at upang pakasalan si Maria Clara.
Handa na sana siyang magpatawad kung hinayaan siyang mamuhay nang tahimik; ngunit ginugulo
pa rin siya ng kaniyang mga bangungot. Tinugis siya ng mga guwardiya sibil dahil ginamit ang
pangalang Ibarra bilang pinuno ng isang kilusan. Nakatakas siya sa tulong ni Elias at ipinamalita ng
mga tumutugis ang kaniyang kamatayan.

Ang Alahero
Sa El Filibusterismo, ang pagkakaalam ng mga prayle ay sampung taon nang patay si Crisostomo
Ibarra kaya sa muling pagbabalik ng binata ay nagpakilala siya bilang Simoun, isang alahero. Dala
niya ang napakaraming kayamanan, tulad ng mga antigong brilyante, kuwintas, hikaw, at perlas, na
ipinagbibili niya sa mayayaman at may matataas na katungkulan. Kung ikukumpara sa pagkatao ni
Crisostomo, si Simoun ay mas liberal, matapang, at tuso. Iisa lamang ang kaniyang layunin sa
kaniyang pagbabalik—ang mailigtas at maitakas sa kumbento si Maria Clara.
Upang maisakatuparan ito, binalak niyang magpasiklab ng isang rebolusyon na siyang magiging
sanhi upang mabuksan ang pintuan ng kumbento. At hindi ito magagawa ni Simoun kung wala ang
tulong ng dalawa pang lalaking naging mapanghimagsik matapos maranasan ang matitinding dagok
sa kanilang buhay: sina Basilio at Kabesang Tales.

Kahinaan ni Simoun
Dalawang beses na nagplano si Simoun upang maisagawa ang inaasam na rebelyon. Una rito ay
ang paghahanda niya upang maitakas sa kumbento si Maria Clara. Si Basilio ang kaniyang
kinausap at ginamit upang maitakas ang dalaga. Inamin din ni Simoun na ginamit niya ang lakas at
salapi upang impluwensiyahan ang mga inapi, tulad ni Kabesang Tales at ng mga kasamahan
nitong tulisan.
Sa kasamaang-palad, huli na para maisagawa ang pagtakas kay Maria Clara dahil patay na ang
dalaga. Nang malaman ito ni Simoun, nawala siya sa sarili at kinabukasan ay hindi na siya
tumatanggap ng sinomang panauhin. Dinamdam niya ang kaniyang mga kasawian at nagkasakit.

You might also like