You are on page 1of 8

EL FILIBUSTERISMO: ISANG

PAGSUSURI

Ipinasa Ni: Kristian Lyle Q. Banta ng 10-


Integrity
Ipinasa Kay: Riza Anysius Fetalvero
I. Panimula
Ang “Dr.Jose Rizal’s El Filibusterismo,” isang dulang pang-entablado na hatid ng
Gantimpala Theater Foundation, ay nagpakita ng malikhaing pagtatanghal,
makapangyarihang eksena, at nakapupukaw-damdaming tunog at musika,
hango pa sa isinulat ni Dr. Jose Rizal na pangalawang nobela, ang El
FIlibusterismo. Ang nasabing akda ay inialay ni Rizal para sa tatlong paring
martir, ang GOMBURZA. Isinulat din niya ito upang bigyan ang mga mambabasa
ng mas malinaw na larawan ng katiwalian sa politika, karahasan at kalupitan ng
panahon kung saan naganap ang nobela.
II. Buod
Kasunod ng mga madetalyeng pangyayari ukol sa mga karakter ng Noli Me
Tangere, ang bagong katauhang si Crisostomo Ibarra bilang si Simoun - isang
Amerikanong mag-aalahas – ay lalong nagpalubha sa konteksto ng paghihiganti,
karahasan at karuwagan sa El Filibusterismo. Gamit ang kanyang kayamanan at
katapatan sa Gobernador-Heneral ng Espanya, kalaunan ay hinangad niya ang
paghihiganti sa mga prayle habang pinaplanong itakas ang kanyang
pinakamamahal na si Maria Clara mula sa kumbento ng Sta, Clara, isang buhay
na impiyerno para kay Maria Clara. Lihim niyang kinuha ang mga tauhan na
gagamitin niya habang naghanda para sa nalalapit na pag-aalsa. Si Kabesang
Tales ay isa sa mga panauhang iyon. Ginamit ni Simoun ang kanyang handulong
at galit upang himukin siyang maghiganti sa mga naganap sa kanyang pamilya.
Ang kanyang ama na si Tandang Selo ay agad na naging kasangkot sa pag-
hihimagsik, bilang tanda ng kanyang poot at hinagpis sa mga Kastila, partikular
ang mga prayle. Pangalawa si Quiroga. Siya ay isang Tsinong negosyante na
binigyan ng tulong-pinansyal ni Simoun kapalit ng pagpapahintulot na ilagak sa
kanyang tahanan ang mga baril na magagamit sa darating atake. Hinikayat
naman ni Simoun si Placido Penitente - isang mag-aaral na nagkaroong ng ‘di-
pagkakaunawaan sa kanyang gurong prayle hinggil sa kanyang baluktot na pag-
uugali. Hindi naging mahirap para kay Simoun na kumbinsihin ang kanyang mga
kasamahan, dahil sila rin ay may galit sa mga Kastila. Si Basilio ay sadyang
natatangi sa kanila. Sa kabila ng kasawian ng nakaraan, nagpasiya siyang
ipagpatuloy ang buhay na walang paghihiganti sa kaibuturan ng kanyang puso.
Tanaw niya ang malaking utang na loob kay Kapitan Tiyago sa pagpapaaral sa
kanya at ang maginhawang buhay na kapiling ang kanyang sinisintang si Juli;
wala na siyang dapat pang hihilingin. Ngunit pinaglaruan siya ng kapalaran. Dahil
sa kapabayaan ng kanyang mga kaklase at miyembro ng Akademya ng Wikang
Kastila sa pag-insulto at pangungutya sa mga prayle, inakusahan sila sa
pagsasapaktaan laban sa pamamahala ng mga prayleng Kastila. Ang mga
nagkalat na karatula ay isang malakas na ebidensya laban sa kanila. Siya ay
nabilanggo at piangkaitan ng lahat ng kayamanan at kasaganahan buhay. Bilang
karagdagan sa kanyang pagkubkob, ang trahedya na pagkamatay ni Juli ay
lumitaw matapos makausap si Padre Camorra upang humingi ng tulong sa
kanyang paglaya. Higit na nagipit si Basilio nang pumanaw si Kapitan Tiyago na
hindi man lamang nag-iiwan ng isang kusing bilang pamana. Ang mga
pagdurusa ng nakaraan na unti-unti bumalik sa kanyang isipan ang naghimok sa
kanya upang sumanib sa nanghihinang Simoun. Ang huli ay nilamon ng lumbay
sa pagkamatay ng nag-isang babae na patnugot ng kanyang lakas at inspirasyon
na manatiling buhay. Ngunit nang nagpasiya si Basilio na makipag-alyansa sa
kanya, agad na nanumbalik ang kanyang diwa ng paghihiganti. Dahil sa walang
pasubaling debosyon ni Isagani para kay Paulita Gomez, ang pagtatangka ni
Simoun na bombahin ang sambahayan ni Kapitan Tiyago ay nauwi sa kabiguan,
kung saan nakatanggap sina Juanito Pelaez at Paulita Gomez ng magarang
lampara sa kanilang maringal na piging bilang isang regalo sa kanilang pag-
iisang dibdib. Bukod dito, ang kaganapan ay nagkaloob ng sapat na
kumpirmasyon kay Padre Salvi na sina Simoun at Crisostomo Ibarra ay iisa.
Agad naman siyang pinabihag. Dagling tumungo ang sugatang Simoun kay
Padre Florentino upang tumakas, na siyang umaasa na mapangangatwiran ang
kanyang mga aksyon, ngunit ang lahat ng kanyang mga paniniwala ay mahigpit
na sinalungat ng pari. Sa sandaling nakatanggap sila ng liham na nag-uutos na
isuko ang taong itinatago ni Padre Florentino, agad na umigting sa kanyang isip
na mas masahol na siya’y magpatiwakal sa ilalim ng mga Kastila. Yumao siya na
hindi yumuko sa anumang pananampalataya o sa mapang-abusong sistema ng
dayuhan na nang-alipin sa kanya. Ang kanyang kayamanan at labi ay itinapon sa
dagat ni Padre Florentino, at lumubog ito sa kailaliman ng karagatan. Ito ay
mananatiling tago hanggang sa matagpuan ito ng hinaharap.

III. PAGSUSURI
A. Ayon sa Nilalaman
1. Paksa
Ipinapakita ng dula ang laganap na kondisyon ng mga Pilipino noon, tulad
ng ng marahas na pang-aabuso ng mga Kastila, ang pangangailangan ng
edukasyon bilang instrumentong pampamulat, at ang mithiin ng
pakakapantay-pantay ng sinuman, anuman ang katayuan sa buhay. Ipinakita
rin ng dula ang pagkakaiba ng paghihiganti at ang totoong pagbabago ni
Crisostomo Ibarra na sa ngayon ay si Simoun. Katulad nito, malinaw na
inilahad ng dula na hindi kailanman lunas ang paghihiganti, tama man o mali
ang layunin. Ang paniniwalang ito ay lumitaw noong tinanong ni Simoun si
Padre Florentino, matapos mawasak ang kanyang plano. Nais niyang
bigyang-kaliwanagan kung bakit hindi pinagbayaran ng mga taga-abuso ng
Pilipinas ang kanilang mga kilos at kung bakit nabigo ang kanyang plano.
Tugon rito ni Padre Florentino na maaaring hindi siya ipinagpala ng
tagumpay dahil hindi matuwid ang kanyang diskarte o pamamaraan.

2. Pamagat
Ang pamagat ng dulang pang-entablado ay hango sa mismong pamagat ng
nobela pinangkuhan nito, ang El FIlibusterismo, o “Ang Paghahari ng
Kasakiman, ay tumatalakay sa mga kanser ng lipunan, isang pampulitakang
nagpapadama, nagpapagising at nagpapaalab ng mga damdamin ng bawat
mamamayang Pilipino sa pagbabalik-tanaw sa 333 taon na pananakop ng
mga Español sa Pilipinas na nagsimula nagsimula noong 1521.

B. Ayon sa Artistiko at Teknikal na Kaanyuan


1. Mga Balangkas ng Pangyayari
Karaniwan na ang paksa ng paghihiganti sa pagsulat, at ito ay malinaw
na naipakita sa konseptong nanaig sa El Filibusterismo. Si Ibarra, na
nagbunsod bilang si Simoun, ay nagbalik sa bansa upang palayain ang
kanyang sinisintang si Maria Clara at balikan ang mga naglalapastangan at
umaalipusta kay inang bayan. Lumikha si Simoun ng maraming iba't ibang
paraan upang pabagsakin ang mga katauhang nasasangkot sa kanyang
paghihiganti. Ang pang-entabladong adaptasyon ng El Filibusterismo ng
Gantimpala Theater Foundation ay nakaangkla sa huling kabanata ng
nobela, ang “Sa Landas ng Paglaya.” Ang kwento ay inilalahad sa
pamamaraaan ng pagbibigay-pokus sa pakikipag-usap nina Simoun at Padre
Florentino. Ang pagbabalik-tanaw o flashback na may halong kasalukuyang
kaganapan ay ginamit bilang primaryang kasangkapan upang maiparating
ang mensahe ng nobela, Ang mga kabanata ay isinadula sa lente ng
kasalukuyang perspektiba nina Simoun at Padre Florentino. Ang mga
eksentang kinuha mula sa mga pahina ng nobela ay binuo at itinanghal
bilang mga makabuluhang bahagi ng pagsusuri ni Simoun sa kanyang
konsensya tungo sa pagtuklas niya sa pagsisisi, na siyang mauuwi sa
kanyang kapatawaran sa dulo.

2. Mga Tauhan
Ilan sa mga pangunahing tauhan ay sina
 Roeder Camañag bilang si Simoun: Ang tunay niyang katauhan ay si
Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga
prayle. Siya ang magarbong alahero na laging nakasalaming may
kulay. Siya ang tagapayo ng Kapitan General
 Paul Jake Paule bilang si Kabesang Tales: Binuwisan ng mga ang
lupang kanyang sinasakahan kaya’t naghangad siyang ng pagmamay-
ari rito.
 Aaron Dioquino bilang si Isagani: Siya ang makatang kasintahan ni
Paulita Gomez, at pamangkin ni Padre Florentino. Isa sa mga
estudyanteng nasulong sa Akademya ng Wikang Kastila.
 Morris Sevilla bilang si Basilio: Siya ang pinakamamahal ni Juli, na
kumukuha ng kurso sa medisina.
 Joe Gruta bilang si Padre Florentino: Siya ang tumatayong ama ni
Isagani. Siya ang natatanging tauhang pinagkatiwalaan ni Simoun ng
kanyang lihim.

3. Tagpuan
Ang nobelang ay nilikha ni Dr. Jose Rizal sa kapanahunan ng
pananakop ng Espanya sa ating bansa, kung gayon, ito ay kumakatawan sa
mga kaganapan at kalagayan ng panahong ito. Ang El Filibusterismo ay
karugtong ng naunang nobela ni Dr. Jose Rizal, na pinamagatang Noli Me
Tangere, kung saan ang mga kaganapan ay itinakda 13 taon makalipas
matapos ang Noli Me Tangere at naganap rin sa Pilipinas sa panahon ng
Kastila.

4. Tunog o Musika
Ang mga tunog at musika na ginamit sa dulang pang-entablado, sa
pangunguna ni Nonoy Ambrocio, ang Set and Technical Director, ay
kasangkapan upang mabuo ang emosyon at damdaming nais ipadama ng
dula sa kanyang mga manonood. Napakahusay ng paglalapat ng tunog at
sound effects sa mga eksena sa dula sapagkat tamang-tama at angkop ang
mga ito upang maipakita ang mensahe ng mga pangayayri. Mapapansin na
kapag may matinding aksyon na nagaganap, ang tunog at musika ay
umaayon sa eksena at nagiging maragsa at malakas. Sa kabila banda,
kapag ang eksena ay malungkot at nagpapakita ng pagdaramdam ng
karakter, ang musika ay nagiging mahinahon, mahina, ngunit marubdob.

5. Disenyong Pamproduksyon
Sa layon ng disenyong pamproduksyon, kinakailangang mag-iisip at lumikha
ng mga bagay na sumasaklaw sa mga pisikal na aspeto pati na rin ang mga
pang-andar o gumagalaw na produkto na siyang instrument upang higit na
malarawan sa isip ng mga manonood ang nagaganap sa eksena. Sa
pamumuno nina Kimberly Somaza, ang Production Manager, Star Alferez,
ang Assistant Production Manager, at si Rowena San Miguel, ang Stage
Director, nakalikha ang buong production ng mga set pieces at props na
nagiging kagamitan upang mas mapatibay ang diwa ng eksena.
Napakamalikhain ang naging paggamit ng aparatong bumubukas (iyong
pintuan) at platapormang lumalabas at pumapasok upang maipakita ang mga
pag-uusap ni Padre Florentino at Simoun. Naging malikhain rin ang paggamit
ng dalawang silid sa magkabilang dulo ng entablado na siyang naging
tahanan ni Tatang Selo at Huli at bilangguan nina Isagani at Basilio, na
siyang nagsilbi ring pasukan at labasan ng mga tagatanghal. Mahusay rin
ang paggamit ng nakataas na plataporma (platform) o entablado na siyang
naging kubyerta, Tahanan ni Kapitan Tiyago, at pinagtagpuan ng marami
pang eksena. Naging mahusay rin ang paggamit ng ilaw, sa pangungulo nina
Luis Galang, ang Lighting Director, at si Wenzel Fernandez, ang Assistant
Lighting Director. Ang ilaw ang magsilbing kasangkapan upang itakda ang
damdamin ng bawat eksena. Makikita ang pagbabago ng ilaw, mula sa pula,
nasumisimbolo sa malagim na eksena, madilim na ilaw, na sumisimbolo sa
misteryosong eksena, dilaw na ilaw para sa mga pang-karaniwang eksena, at
ang pagpatay at pagbuhay ng ilaw bilang transisyon sa pagitan ng mga
eksena. Hindi rin nagpahuli ang kasuotan at pananamit ng mga karakter, sa
liderato ni Vangie Inocencio, ang Costume Designer. Tila ba nabuhay ang
mga tauhan sa nobela ni Rizal, sa katauhan ng mga karakter, sa kanilang
makukulay at magagarbong kasuotan.

C. Ayon sa Kahalagahang Moral


Ang El Filibuesterismo ay isang malagim at malalim na nobela. Ang nobelang
ito ay ginanap at isinulat noong dilim na paniniil at kalupitan ng mga Kastila
kung saan ang pagsibol o pagpapalawak ng tema ay hawak ng isang pwersang
may kapangyarihang impluwensiyahan ang mga kilos at gawi ng mga karakter,
mula sa pinakawalang-halang aksyon hanggang sa pinakamakabuluhang
galaw, na nauuwi lamang sa trahedya. Ito ay kasakiman. Ang layunin ng dulang
itinanghal ay malinaw na ilahad ang mukha ng kasakimang namamalagi sa
akda ni Rizal at ilarawan ang kahulugan ni Rizal sa kasakiman na siyang susi
sa lagim at kasamaan na umaalipin sa isip, puso, at kaluluwa ng lipunan,
papalayo sa tiyak na landas tungo sa tunay na kalayaan. Si Simoun, ang
pangunahing karakter sa nobela, ang naghimok sa kabataan na makibaka, sa
kanyang layuning maghiganti, at itakas si Maria Clara mula sa kumbento.
Ngunit hanggang saan nga ba dapat dalihin ang mithiing makapaghiganti,
tungo sa kadiliman o sa kaliwanagan? Ang mga aksiyon ni Simoun upang
makamit ang kayang inaasam ay sumasalamin sa isang sikat na perspektibo ni
Niccolò Machiavelli, "The ends justify the means." Ano nga ba ang moralidad
ng paghihiganti? Sapat lamang ba ang maghiganti basta’t makamit mo ang
mithiing mas nakabubuti sa lahat, kahit may dala itong pinsala at
kapahamakan? Handa si Simoun na gawin ang kahit ano, marahas man ito o
makakikitil ng buhay, upang makamit ang mithiing ito. Sadayang ang
madamdaming hangarin ang bumulag sa kanyang pagpapasiya. Sa huli, ang
marubdob niyang pagnanais na maghiganti ay nagbunga ng kanyang
kasawian.

You might also like