You are on page 1of 2

Si Apolinario Mabini (1864-1903), kilala bilang Dakilang Paralitiko at

Utak ng Rebolusyon, ay pangalawa sa walong anak nina Inocencio


Mabini at Dionisia Maranan, sa baryo Talaga, Tanauan, Batangas.

Noong siya ay bata pa, nagpakita na siya ng hindi pangkaraniwang


talino at pagkahilig sa pag-aaral. Sa Maynila noong 1881, nakamit
niya ang isang partial scholarship na nagbigay-daan upang makapag-
aral siya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran. Natapos niya ang
kanyang Batsilyer sa Sining noong 1887. Nag-aral din siya ng
abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas mula 1888 hanggang 1894.

Noong 1893, isa siya sa mga bumuhay ng La Liga Filipina na siyang


nagbibigay-suporta sa Kilusang Pang-reporma. Noong taong 1896
naman, nagkaroon siya ng matinding sakit na nagdulot sa kanya na
maging paralitiko habambuhay. Hinuli siya ng mga gwardiya sibil
noong 10 Oktubre 1896, dahil sa pagkakaroon niya ng koneksyon sa
mga repormista. Sumailalim siya sa house arrest sa ospital ng San
Juan de Dios at nang kinalaunan ay pinalaya na rin dahil sa kanyang
kondisyon.

Nang bumalik sa Pilipinas si Emilio Aguinaldo noong 19 Mayo 1898,


pinasundo niya si Mabini sa Laguna at matapos ang kanilang
pagpupulong noong 12 Hunyo 1898, si Mabini ay naging punong
tagapayo ni Aguinaldo. Isa sa mga pinakamahalagang
rekomendasyon ni Mabini ay ang pag-aalis ng Diktadurya ng
pamahalaan ni Aguinaldo at ang pagpapalit nito sa isang
rebolusyonaryong pamahalaan. Nagsilbi rin siya sa kabinete ni
Aguinaldo bilang Pangulo ng Konseho ng nga Kalihim at bilang
Kalihim ng Ugnayang Panlabas. Isa pa sa mga importanteng
dokumento na kanyang nagawa ay ang Programa Constitucional de
la Republica Filipina, isang konstitusyon na kanyang iminungkahi para
sa Republika ng Pilipinas. Ang introduksyon sa balangkas ng
konstitusyong ito ay ang El Verdadero Decalogo, na isinulat upang
gisingin ang makabayang diwa ng mga Pilipino .

Nang sumiklab ang gyera sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano,


tumakas si Mabini papuntang Nueva Ecija at nadakip ng mga
Amerikano sa Cuyapo noong 10 Disyembre 1898. Nanatiling bilanggo
si Mabini hanggang 23 Setyembre 1900. Nanirahan siya sa isang
maliit na dampa sa Nagtahan, Maynila, at kumikita sa pamamagitan
ng pagsusulat sa mga lokal na pahayagan. Ang artikulo niyang El
Simil de Alejandro ay nagdulot sa kanyang muling pagkadakip at
pagkatapon sa Guam kasama ang iba pang mga Pilipino. Habang
nasa Guam, naisulat niya ang La Revolucion Filipina.

Namatay si Mabini noong 13 Mayo 1903, sa gulang na 39 dahil sa


kolera.

You might also like