You are on page 1of 3

NOLI ME TANGERE KABANATA 31: ANG SERMON

Kilalanin muna natin ang mga tauhang mababanggit sa kabanata:

1. Padre Damaso – Ang prayle/pari na nagbigay ng sermon sa misa na tungkol sa mga maling gawi ng
mga Pilipino ngunit ang mga kritisismong ito ay malinaw na tumutukoy kay Crisostomo Ibarra.
2. Crisostomo Ibarra – Ang binatang laman ng sermon sa misa ni Padre Damaso kahit hindi tuwirang
sabihing siya ito.
3. Elias – Ang misteryosong lalaki na nagbigay ng babala kay Ibarra sa mangyayaring insidente.
4. Padre Salvi – Ang kasalukuyang kura paroko sa bayan at hindi natuwa sa nilalaman ng sermon ni
Padre Damaso. Siya rin ang sumesenyas sa pari na itigil na ito.
5. Kapitan Tiago – Ang ama ni Maria Clara na dumalo sa misa at nakikinig din sa sermon.
6. Maria Clara – Ang kasintahan ni Crisostomo Ibarra na dumalo sa misa at nakikinig rin sa sermon ni
Padre Damaso.
7. Ang mga mamamayan – Mga nakikinig sa sermon ni Padre Damaso kahit na hindi nila nauunawaan
dahil halos Kastila ang ginamit na salita sa misa.

BUOD NG KABANATA

 Nagsimula ang kabanata sa sermon si Padre Damaso sa paraan ng wikang Kastila at Tagalog na
nagmula sa Bibliya.
 Ang nilalaman ng kanyang sermon ay tungkol sa kanyang pag pupuri sa mga santo, ang patulad at
paghanga kay Haring David, ang mapagwaging si Gideon at ang isang tapat na mananampalataya na
si Roldan.
 Binigyan diin ng prayle na dapat tularan ng mga makasalanang Pilipino ang mapagwaging si Gideon,
ang matapang na si David, ang mapagtagumpay na si Roldan sa pagiging mabuting Kristyano.
 Ngunit, kasama sa kanyang sermon ang kristisismo niya sa mga Pilipino na binigkas niya sa wikang
Kastila kaya naman walang kaalam-alam ang mga Pilipino sa ibig niyang sabihin. Nagparinig rin ang
pari sa mga taong hindi nya nagugustuhan upang ipahiya.
 Alam ni Crisostomo Ibarra na siya ang pinariringgan ng pari ngunit isinawalang bahala niya lang ito.
 Karamihan sa mga nakikinig ay inaantok na dahil hindi maunawaan ang matagal na sermon ng prayle.
 Samantala, palihim namang nagtitinginan ang magkasintahang sina Maria Clara at Ibarra sa loob ng
simbahan habang sinimulan na ng pari ang kanyang sermon sa wikang Tagalog.
 Hindi naman natutuwa si Padre Salve sa mga sermon ni Padre Damaso kaya naman pilit niya na itong
hinuhudyatang tapusin na ang sermon ngunit hindi ito sinunod ng prayle at umabot pa ng kalahating
oras ang sermon.
 Sa loob ng simbahan ay patagong nakalapit si Elias kay Ibarra upang bigyang babala na huwag lalapit
sa bato dahil ibabaon ito sa hukay na maaring maging sanhi ng kanyang kamatayan. Walang
nakapansin na kahit kanino sa pagdating at pag-alis ni Elias

ISYUNG PANLIPUNAN NA MAKIKITA SA KABANATA

1. Diskriminasyon – Ipinakita sa kabanatang ito ang diskriminasyon sa lipunan na naging nilalaman ng


sermon ni Padre Damaso. Gamit ang kaniyang posisyon ay minaliit ang mga Pilipinong hindi niya
nagugustuhan. Pinakita niya ang malayong agwat ng mga mayayaman at mahihirap at dapat magbigay
ng paggalang sa mga mas nakatataas. Hanggang ngayon ay isyu pa rin ito ng Pilipinas at mukhang
bahagi na ito ng ating kultura. Nakakalungkot isipin na umaayon dapat ang respeto at paggalang sa
posisyon mo sa isang lipunan.

RESOLUSYON: Isang malungkot na katotohanang na ang isyung ito pandaigdigang problema. Ang
tanging solusyon lamag ito ay respeto, pang-unawa, at pakikiisa. Kaakibat ng pagrespeto ay ang
pagtanggap sa pagkakaiba-iba ng mga tao sa lipunan at sa kanilang mga pamumuhay. Marapat na
dala lagi natin ang pang-unawa sa magkakaibang sitwasyon sa lipunan upang madali para sa atin
na tulungan ang bawat isa. Sa pakikipagtulungan madali nalang din ang pakikiisa sa anumang
layuning panlipunan.

2. Pag-abuso sa Kapangyarihan – Kagaya na lamang ng ginawa ni Padre Damaso, ginamit niya ang
kaniyang kapangyarihan sa simbahan upang maliitin ang mga Pilipino. Ginamit niya rin ang posisyong
ito sa personal niyang galit kay Ibarra. Hindi na naging sermon ang naging lagay nito sa misa, bagkus
ito tahasan ng panunuligsan sa mga Pilipino.

RESOLUSYON: Marapat na tingnan natin ang hawak nating kapangyarihan bilang isang
responsibilidad – responsibilidad sa sarili, kapwa at lipunan. Ang tanging solusyon lang sa pang-
aabuso sa kapangyarihan na ito ay pagkilala at pag-unawa sa kung anong ibig sabihin ng
“kapangyarihan” at “responsibilidad” nang gayon ito ang gagawing gabay upang hindi ito maabuso sa
mga bagay na pampersonal lamang.

NOLI ME TANGERE KABANATA 32: ANG PANGHUGOS

Kilalanin muna natin ang mga tauhang mababanggit sa kabanata:

1. Crisostomo Ibarra – Ang binatang nagpatayo ng paaralan para sa mga kabataan ng San Diego. Nang
pumutok ang panghugos na nakalaan sa kaniya ay hindi siya nasaktan
2. Padre Salvi – Ang kura paroko ng San Diego at nagbasbas sa bagong paaralan.
3. Elias – Ang misteryosong bangkero na nagbigay babala kay Ibarra tungkol sa banta sa kanyang buhay
at nakakita sa taong dilaw.
4. Nol Juan – Isa sa mga tagapagpatupad ng panghugos at muntik nang ipahuli ng Alkalde Mayor.
5. Ang Taong Dilaw – Ang tao na namatay dahil sa pagsabog ng panghugos. Siya rin ang nagturo kay
Nol Juan kung paano gamitin ang panghugos.
6. Ang Alkalde Mayor – Ang namumunong opisyal ng San Diego.
7. Mga Guro at Estudyante – Ang mga naghanda ng mga putahe para sa mga dadalo sa seremonya.
8. Mga Musiko – Ang mga nagbigay-aliw sa mga taong dumalo sa seremonya.
9. Mga Taga-San Diego – Ang mga saksi sa nangyaring aksidente sa seremonya.

BUOD NG KABANATA

 Isang makasaysayang araw sa San Diego ang magaganap kung saan nagtipon-tipon ang mga
mamamayan upang saksihan ang pasinaya ng bagong paaralan na ipinatayo ni Crisostomo Ibarra. Sa
kabila ng kasiyahan, isang trahedya ang magdudulot ng kaguluhan na magpapatigil sa seremonya.
 Si Elias, ang misteryosong bangkero, ay nagmamasid lamang mula sa malayo. Inabangan niya ang
lalaking may dilaw na balat, ang taong may hawak sa panghugos, isang kagamitang ginagamit sa
pagtayo ng istruktura.
 Sa gitna ng seremony ay humulagpos ang lubid ng panghugos, nagbanta ito ng malaking panganib.
Nakaligtas si Ibarra sa tiyak na kamatayan nang hindi tumama sa kanya ang malaking bato mula sa
panghugos ngunit ang lalaking may dilaw na balat na nagkontrol ng panghugos ay hindi swertehin at
namatay sa insidente.
 Nang matapos ang gulo, sa kabila ng pangamba ay nagpakita ng malasakit at pananagutan si Ibarra.
Pinigilan niya ang alkalde mayor na ipahuli si Nol Juan, isang manggagawa na nakisaksi sa aksidente.
ISYUNG PANLIPUNAN NA MAKIKITA SA KABANATA

1. Mababaw na saklaw ng Katarungan at Hustisya – Makikita sa kabanatang mababaw na pagtingin sa


katarungan at hustisya. Ang isyung ito ay makikita sa sitwasyon ni Nol Juan. Bagama’t isang trahedya
ang nangyari sinubukan ng Alkalde Mayor na itapon ang sisi sa iba, partikular na kay Nol Juan. Ito ay
nagpapakita ng kawalan ng hustisya at ang pang-aabuso ng mga nasa posisyon.

RESOLUSYON: Huwag ilagay sa kamay ang batas. Matutong mag-imbestiga at humanap ng mga
matitibay na ebidensya sa isang kasalanan, huwag hatulan ang taong biktima lang din ng mga haka-
haka.

NOLI ME TANGERE KABANATA 33: MALAYANG KAISIPAN

Kilalanin muna natin ang mga tauhang mababanggit sa kabanata:

 Crisostomo Ibarra –Ang binatang edukado na nag-aral sa Europa at nagbalik sa bayan ng San Diego
para buksan ang paaralan na pangarap ng kanyang ama.
 Elias – Isang misteryosong tauhan na nagpakilala bilang bangkero at nagbigay babala kay Ibarra
tungkol sa balak ng kanyang mga kaaway. May mataas na kamalayan at malalim na pagkaunawa sa
mga pangyayari sa kanilang bayan.

BUOD NG KABANATA

 Nagkaroon ng mahalagang talastasan si Elias at Ibarra ukol sa mga kaaway na nagbabanta sa buhay
ng huli.
 Tila isang anghel na dumating nang walang anunsyo si Elias ay nagpahayag ng kanyang mga
natuklasan na banta laban kay Ibarra, partikular na sa pakana ng taong dilaw na nakatakdang
sumalakay sa kanya sa araw ng inagurasyon ng paaralan.
 Sa kanilang palitan ng kuro-kuro lumantad ang pangahas na pananaw ni Elias na nagpapakita ng
kanyang malalim na unawa at kritisismong panlipunan.
 Habang nakikinig nagnais si Ibarra na sana’y buhay pa ang taong dilaw upang madagdagan pa ang
kanilang kaalaman tungkol sa mga nagbabadyang panganib.
 Namangha si Ibarra sa mga natatanging opinyon ni Elias na hindi karaniwan sa isang karaniwang tao.
Napunta ang kanilang talakayan sa relihiyon at pananampalataya sa Diyos, kung saan nagpahayag si
Elias ng kanyang unti-unting pagkawala ng pananalig.
 Bago nagpaalam na si Elias ipinahayag niya ang kanyang katapatan at dedikasyon kay Ibarra. Iniiwan
niya ito na puno ng mga kaisipan at tanong na nagbibigay ng mas malalim na dimensyon sa kanilang
kuwentuhan.

ISYUNG PANLIPUNAN NA MAKIKITA SA KABANATA

1. Kawalan ng Hustisya para sa mga mahihirap – ipinakita sa kabanatang ito angkritikal na pagtingin
sa sistemang legal at hustisya sa bansa. Sa pamamagitan ng talumpati ni Elias tungkol sa posibilidad
na makalusot ang taong dilaw sa hustisya tinukoy naman ni Ibarra ang mga kakulangan at kahinaan ng
sistema ng hustisya sa lipunan. Hindi basta nakakamit ang hustisya para sa mga mahihirap at walang
kapangyarihan laban sa pamahalaan.

RESOLUSYON: Makalikha ng isang lipunan at mga lider na hindi aabuso sa kapangyarihan at kilala
ang karapatan ng mga tao dahil ang hustisya ay mananaig lamang kapag ang mga taong
nagpapatupad nito ay patas ang tingin sa kaniyang nasasakupan.

You might also like