You are on page 1of 2

Kauna-unahang School Paper Advisers’ Training ng APSTAP; ang hamon sa

paghahanda ng pagsasanay

Sa pangunguna ng Alliance of Private Schools in Tarlac Province (APSTAP) ay isinagawa ang


kauna-unahang School Paper Advisers’ Training sa muling pagbabalik ng pahayagang
pangkampus makalipas ang mahigit dalawang taon nitong pagkaantala bunsod ng pandemya.

Dinaluhan ito labingwalong SPA mula sa mga piling pribadong paaralan ng probinsya ng Tarlac
na ginanap sa Sto. Nino Academy Bamban Inc. sa loob ng limang araw mula ika-18 hanggang
ika-22 ng Hulyo.

Sinimulan ni Angelito Mansop, isa mga tagapayo ng APSTAP ang inisyatibong pagpaplano ng
mga gawain sa pagsasanay bilang tugon sa pagbabalik ng pahayagang pangkampus ngayong
napipisil na ang muling pagbabalik ng face to face classes sa Nobyembre.

Ayon pa sa naging pahayag ni Mansop ay malaking hamon ang pagbuo ng plano sa mga
ihahandang gawain sa pahayagang pampahayagan lalo na’t nagkaroon ng malaking pagbabago
sa larang ng pagsulat sa nakalipas na panahon.

“The number one challenge for me is how to inspire teacher to be SPA’s . . . how we are going to
tell them to join journalism despite of limited resources that we need for training” dagdag pa
niya sa kaniyang panayam.

Naging malaking hamon din ang paghahanap ng mga bagong SPA na lalahok sa nasabing
pagsasanay. Sa pakikipanayam kay Sister Caridad Bayani, isa mga kinatawan APSTAP at
Diocese of Tarlac na marami sa mga pribadong paaralan ngayon ang nahihirapan makahikayat
ng mga SPA na makibahagi sa larang ng pagsulat.

“Marami sa mga school ang nawalan na ng SPA, so ito ang nakitang remedy na nakiusap doon
sa mga dating SPA . . . na to continue into writing . . . kung sinong makakatulong sa atin” dagdag
pa niya.
Bukod sa pababang bilang ng mga SPA ay isa rin sa nakitang naging hamon pampinansyal.
Ayon kay Robert Pascual, trustee of APSTAP hindi naging madali ang dalawang taong pagiging
inaktibo ng APSTAP na nagresulta sa kawalan ng sapat na pondo para sa SPA’s Training.

“Challenge na nakita namin is primarily is ‘yong financial kasi 2 years tayong pandemic at
inactive ang APSTAP ngayon . . . kaya hindi nagiging enough ang assessment fee . . . hindi natin
kayang pondohan lahat ng activities natin” dagdag pa sa panayam ni Pascual.

Ang bagong mukha ng pagsasanay


Nagpatuloy sa pagbuo ng alternatibong plano ang APSTAP na maikatuparan ang SPA’s
Training. Layunin ng pagsasanay na ito na sa pamamagitan ng mga Core Group o ang piling
pribadong paaralan sa Tarlac na pagkatapos ng limang araw na pagsasanay ay sila naman ang
maging tagapagsanay sa iba pang pribadong paaralan ng probinsya.

“Why not sabi namin, change the concept at the same time developed our own set of speakers
tapos at the same time makasave tayo kasi walang pera ang APSTAP” dagdag pa ni Mansop.

Sa layuning ito muling naibalik ang hamon sa mga dumalong SPA dahil may malaking papel
silang gagampanan hindi lamang sa kanilang mga paaralan, maging sa mga karatig pang
pampribadong paaralan ng probinsya.

Ang nabuong planong ito ng APSTAP ang isa rin sa nakikitang hamon ni Sister Bayani sa
paghihikayat pa ng mga SPA na dumalo sa pagsasanay.

“One problem is how to reorganize the SPA . . . ‘di ba ang hirap mag-encourage ng SPA na
sumama sa training dahil sa challenge na they were to train other SPA’s” dagdag pa niya.

Sa kabilang banda positibo namang tinugunan ni Mansop ang hamong ito para sa SPA at
sinabing “instead of being a challenge, you are now the solution”.

You might also like