You are on page 1of 1

Fornolles para sa kabataang manunulat : Magpatuloy kasi hindi madaling manalo

Hinikayat ng School Paper Adviser (SPA) at guro ng Ulip National High School (UNHS) Gng. Cheryl
Fornolles ang mga manumulat ng Ang Banaag na hindi dapat panghinaan ng loob sa halip dapat pa itong
magsipag na matuto at magpursigi upang makamit ang tagumpay sa susunod.

Ipinalabas ni Fornolles ang kaniyang pahayag tugon sa mga kabataang manunulat na sumali sa Division
Schools Press Conference (DSPC) na hindi pinalad na makapasok sa Regional Schools Press Conference
(RSPC) upang himukin ang mag-aaral na magpatuloy at hindi sumuko.

“After sa mga nagyari mas eager pa matuto, hindi dapat ma discourage sa pagkatalo instead maging
challenge na mas mag perform at mas mapaganda pa ang kanilang output”, aniya.

Inimungkahi din ng guro na mas magseryoso sa pagsasanay at magsulat palagi dahil hindi naman ganun
kadali na makamit ang tagumpay.

“Ipagpatuloy ang training, keep on writing ng mga articles para mas mahasa pa sa pagsulat kasi hindi
naman kaagad pagkasali mo panalo agad, it takes time and rigid na mga training to improve the articles
na isusulat”, wika ng SPA.

Samantala, nagpahayag naman ng pasasalamat si Will Arbert Garido, manunulat ng Ang Banaag at
nagwagi ng unang pwesto sa Photojournalism Filipino sa kanyang tagapagsanay at nangakong gagawin
ang lahat upang maipanalo at makaabot sa National Schools Press Conference (NSPC).

“Gagawin ko lahat para mapaunlad pa ang aking kakayahan para mapanalo ko ang laban sa RSPC at
makaabot sa Nationals,” wika ng manunulat.

Isinagawa ang Regional Schools Press Conference sa noong Pebrero 15 - 17 na dinalohan ng ibat-ibang
paaralan sa probinsya ng Davao de Oro upang matukoy ang mga kalahok para sa paparating na RSPC.

You might also like