You are on page 1of 1

EPILOGO

Simula nang ikalawang semestre, sa una ay nababalisa ako, hindi


makakatulog sa nerbiyos ngunit pinalakas ko ang aking loob upang labanan
ito. Mas marami akong natutunan sa face-to-face, at gumawa ako ng mas
maraming alaala kasama ang aking mga kaklase at kaibigan. Ang Filipino 13
ay nakatulong sa akin na mapabuti ang aking sarili hindi lamang bilang
isang Atenean kundi bilang isang Pilipino. Nakita ko ang mga pagkakataon
na kaya kong umunlad sa aking sanay sa pagsusulat habang sinasagot ko
ang ibinibigay na mg aktibidad. Nasiyahan ako sa bawat sandali, at ang
aking mga karanasan habang tinatalakay at pinalalim namin ang aming
pag-unawa sa paksa ay nakatulong sa pagpapalaki ng aking pagmamahal sa
aking wika at bansa.

Nang malaman kong gagawa ako ng portpolyo ko, natuwa ako dahil ito
ay naging isang opurtunidad sa akin na ibahagi ang lahat ng aking mga
gawa at karanasan. Inihanda ko na ang aking sarili para sa paglikha ng aking
portpolyo lalo na kung paano ko ito mabibigyan ng istraktura at buhay. Ang
mga hamon na aking hinaharap ay ang aking kasanayan sa gramatika at
pagsulat sa Filipino. Nahihirapan ako sa pagsusulat sa Filipino, ngunit
kailangan ko pa ring gawin ang aking makakaya upang matapos ang aking
portpolyo sa tamang oras, at sa pinakamagandang resulta na aking
hinahangad.

Sa pagtatapos ng taon ng pag-aaral at pagpaalam sa paaralan na


tumulong sa akin na mapabuti ang aking sarili at higit na maunawaan ang
kapaligiran at komunidad, nasisiyahan ako na maging bahagi ng pamilyang
ito. Ang pagiging Atenean ay nakakatulong sa akin na magbigay ng
inspirasyon sa ibang tao at maghandog ng tulong sa iba. Ang dalawang taon
na ginugol ko dito sa AdDU ay parang panaginip pa rin; nagsimula galing
online classes hanggang face-to-face classes, totoong mabilis lumipas ng
panahon. Dahil sa aking mga karanasan, natutuwa akong sabihin na ako ay
isang manlalaban at sa susunod ay lalaban parin para sa aking sarili.

Carmel Raven F. Cernal 12 - Berthieu

You might also like