You are on page 1of 1

Ang Aking Impresyon sa Unang Pagkikita

Ang aking unang impresyon sa unang pagkikita ay ang pagkailang at agam – agam marahil, saliw ng
maraming pagalala ay pagkamainipin o dahil sa panibagong karanasan na aking kakaharapin. Ang
asignaturang Filipino o Intelektwalisasyon ay masasabi kong malaking hamon kaakibat nito ang kaisipan
na kaylangan gumamit ng sarilingwika. Mga salitang medyo malalim at matalinhaga.

Ang aking unang impresyon sa aking guro na si Bb. Karen G San Diego ay mabini at maayos. Maaaring
nakapantalon lamang ito at ang gayak ay kanluranin pero nasabi kong malakas ang dating. Medyo mabini
kumilos pero alista ang isip. Bihirang ngumiti, pero may kahulugan ang sinasabi. Naisip ko rin na sya ay
may asawa at anak. Nalimi ko rin na sya ay may edad na mahigit tatlumpo at nakapagtapos ng kursong
kanyang asignaturang ituturo. Naisip ko rin na sya marahil ay mabait sa estudyanteng masunurin pero
may kakaharaping konsekwensya kung ang asignatura ay babalewalain. Nabuo rin sa isip ko na mahusay
itong guro at may paggalang sa kapwa. Simple ang ayos at marunong makisama. Agaw pansin ang kanyang
mata na malikot at alam kong nagmamasid sa paligid nya. Tengang sapat lang na marinig ang buong klase
at estudyanteng nangangailan ng kanyang atensyon. Pangangatawan na husto o higit sa tamang timbang
pero nakahandang gumabay at gabayan. Mga braso at kamay na sapat ang haba pero nakahandang abutin
ang kailangain ng kanyang estudyante. Naisip ko rin na maari na s’ya ay hindi mapera pero sapat ang
kakayahan para humubog at magbahagi ang kanyang kakayahan sa mga kabataan,

You might also like