You are on page 1of 27

Pag-aari ng Pamahalaan Senior High

HINDI IPINAGBIBILI School


NOT

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Kuwarter 1 - Modyul 1:
Konseptong Pangwika 1
Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas
Filipino – Ikalabing-isang Baitang
Alternative Delivery Mode
Kuwarter 1 - Modyul 1: Konseptong Pangwika 1
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula at iba pa) na
ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng
materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Alain Del B. Pascua

Mga Bumubuo ng Modyul para sa Mag-aaral

Manunulat: Luzviminda B. Binolhay


Mga Tagasuri: Anita M. Gomez, PSDS
Maria Dulce Cuerquiz, MT
Mga Tagaguhit at Nag-layout: Mr. Ryan Roa
Ms. Mary Sieras
Mr. Allan Guibone
Mrs. Alma Sheila Alorro
Mga Tagapangasiwa
Tagapangulo: Cherry Mae L. Limbaco, PhD, CESO V
Tagapamanihala

Pangalawang Tagapangulo:

Alicia E. Anghay, PhD, CESE


Pumapangalawang Tagapamanihala

Mga Miyembro: Lorebina C. Carrasco, OIC-CID Chief


Sol P. Aceron, PhD, EPS-Filipino
Brenda P. Galarpe, SSP- 1
Aniceta T. Batallones, MAFIL
Joel D. Potane, LRMS Manager
Lanie O. Signo, Librarian II
Gemma Pajayon, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Cagayan de Oro
Office Address: Fr. William F. Masterson Ave Upper Balulang Cagayan de Oro
Telefax: (08822)855-0048
E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph

SeniorSenior High School


High School
Komunikasyon at
Pananaliksik sa
Wika at Kulturang
Pilipino
Kuwarter 1 - Modyul 1
Konseptong Pangwika 1

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador


mula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat naming
ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng inyong
mga puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
depeddivofcdo@gmail.com

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


This page is intentionally blank
Talaan ng Nilalaman

Para Saan ang Modyul Na Ito ......................................................................................................i


Ano ang Inaasahan Mo..................................................................................................................i
Paano Mo Matutunan .................................................................................................................. i
Mga Icon ng Modyul......................................................................................................................ii

Ano ang Nalalaman Mo............................................................................................................... iii

Aralin 1: Wika at Wikang Pambansa


Alamin.................................................................................................................... 1
Tuklasin: Pagpapahayag ng Opinyon......................................................... 1
Suriin: Pagpapanood ng Talumpati............................................................. 2
Pagyamanin: Pagsulat ng Kahalagahan ng Wika....................................... 3
Suriin: Kahulugan ng Wika.......................................................................... 3
Pagyamanin: Kahalagahan ng Wika........................................................... 4
Isaisip: Pagsulat ng Talata…...................................................................... 5
Isagawa: Pagguhit ng Poster...................................................................... 6

Aralin 2: Wikang Panturo at Wikang Opisyal


Alamin …………………………………………………………………………… 7
Balikan: Balik-aral ...................................................................................... 7
Alamin: Wika............................................................................................... 8
Tuklasin: Wikang Panturo at Wikang opisyal............................................. 8
Suriin: Paglinang ng Talasalitaan.............................................................. 11
Isaisip: Pagbuo ng Larawan...................................................................... 11
Isagawa: Pagsulat ng Sanaysay…........................................................... 12

Lagom …………………………………………………………………………………………… 12
Tayahin (Pangwakas na Pagtataya) …………………………………………………………. 13
Susi sa Pagwawasto........................................................................................................ 14
Mga Sanggunian............................................................................................................. 15
This page is intentionally blank
Para Saan ang Modyul na Ito
Ang modyul na ito ay tungkol sa mga konseptong pangwika na matutunghayan ang
mga pagpapakahulugan sa wika, kahalagahan ng wika, gayundin ang maikling kasaysayan
ng wikang pambansa.
Sadyang inihanda ang modyul na ito upang makatuklas ng mga bagong konsepto at
kaalaman sa paggamit ng mga kaalamang matutuhan sa pakikipagtalastasan. Ang mga
gawain ay maingat na inihanda upang lubos na malinang ang kakayahan sa pakikinig,
pagsasalita, pagbabasa, pagsusulat at panonood. Tutulungan ka ng modyul na ito na
matukoy ang kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika at maiuugnay ang mga
konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo,
talumpati at mga panayam.
Sa araling ito, ang kahalagahan ng wika ay binibigyang pansin upang matarok na
ang wika ay sangkap at ugnayan sa pakikipagkapwa-tao, ito ay pagkakakilanlan ng isang
bansa. Gagabayan ka ng modyul na ito sa iyong paglalakbay at pagtuklas sa mundo ng
kaalaman ng sitwasyong pangwika.

Ang modyul na ito ay may dalawang aralin:

 Aralin 1 - Wika at Wikang Pambansa

 Aralin 2 - Wikang Panturo at Wikang Opisyal

Ano ang Inaasahan Mo

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:

1. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika (F11PT-


1a-85);
2. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong
pangkomunikasyon sa radyo, talumpati at mga panayam (F11PN-1a-86).

Paano Mo Matutunan
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
 Basahin at unawaing mabuti ang mga konseptong pangwika.
 Sundin ang bawat panuto na ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
 Sagutin ang lahat ng ibinigay na gawain at pagsasanay.
i

Mga Icon ng Modyul

Inihanay ang mga layunin sa aralin. Mahalagang


ALAMIN maunawaan ng mga mag-aaral kung ano ang
maaasahan nila sa aralin.
Panimulang pagtataya o gawain upang matukoy ang
SUBUKIN lawak ng kaalaman ng mag-aaral ukol sa
tatalakaying paksa.
Binabalikan ang mga dating kaalaman ng mga mag-
aaral tungkol sa paksa ng bawat aralin. Mahalagang
BALIKAN matukoy ito upang matiyak na may napadagdag
pang kaalaman.

Inilalahad dito ang mismong aralin sa pamamagitan


ng kwento, pagsasanay, tula, awitin, sitwasyon at iba
TUKLASIN pang paraan. Ginagalugad dito ang mga ideyang
magkikintal ng mahalagang kaisipan.

Inilalahad dito ang mga tanong sa sumusubok sa


pagkaunawa ng mag-aaral sa aralin. Maaari rin itong
SURIIN pagtalakay sa paksa.

Makapagsagawa ang mga mag-aaral ng mga


gawaing magpapatotoo ng kanilang natutuhan.
PAGYAMANIN
Magtitipon sila ng kanilang likhang mga sulatin at
gawain batay sa natutunan sa aralin.
Patutunayan ng mga mag-aaral ang karunungan at
ISAISIP kaalamang kanyang natutunan sa pamamagitan ng
pagsusulit ,gawain at pagsasanay.
Pagtitipon ng mga natamong kaalaman at kasanayan
ng mga mag-aaral sa gawaing replektibo upang
ISAGAWA
mailalapat sa tunay na buhay.

Tatayain ang mga mag-aaral ayon sa antas ng


pagkatuto mula sa natamong kasanayan.
TAYAHIN

Mabibigyan ng karagdagang pagsasanay upang


KARAGDAGANG malinang ang kakayahang pampagkatuto ng mga
GAWAIN mag-aaral.

Mga kasagutan sa anumang pagtataya, pagsasanay


SUSI NG at mga Gawain.
PAGWAWASTO
ii

Ano ang Nalalaman Mo

Panimulang Pagtataya

Bago mo ipagpatuloy ang pag-aaral sa modyul na ito, subukin mong sagutin ang
pagsusulit na ito upang malaman natin kung ano na ang iyong nalalaman.

Basahing mabuti ang bawat pangungusap sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa
nakalaang patlang bago ang bilang.

_____1. Ginagamit ang wikang Filipino upang magkaintindihan ang mga Pilipinong may iba’t
ibang wikang kinagisnan. Ang Filipino rito ay wika bilang __________.
a. wikang Pambansa c. linggwa franca
b. wikang opisyal d. wikang panturo
_____2. Kung ang wika ay ginagamit bilang wika sa mga transaksyon at/o komunikasyon sa
gobyerno, pasulat man o pasalita, gamit ito bilang __________.
a. linggua franca c. wikang opisyal
b. wikang Pambansa d. wikang panturo
_____3. Ayon sa kanya, ang wika ay isang sistema ng mga tunog na isinaayos na parang
arbitraryo.
a. Paz Hernandez c. Charles Darwin
b. Henry Allan Gleason, Jr. d. Lope K. Santos
_____4. Ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon
ng mga etnikong grupo.
a. Filipino c. Bisaya
b. Ilokano d. Waray
_____5. Ayon kay _________ na ang wika ay sistema ng tunog o sagisag na ginagamit ng
mga tao sa komunikasyon.
a. Sapiro c. Gleason
b. Hemphill d. Hutch
_____6. Ipinapahayag sa Sek.7 artikulo bilang ______ ng Saligang batas ng 1987 na
wikang opisyal sa Pilipinas ay Filipino hangga’t walang itinatadhana na batas ng
wikang Ingles.
a. XV c. XIV
b. XII d. XVI
_____7. Ano ang ating wikang Pambansa?
a. Ingles c. Tagalog
b. Ilocano d. Filipino
_____8. Ayon kay _________ ang wika ay isang makataong pamamaraan ng paghahatid ng
mga kaisipan, damdamin at kaparaanan na lumikha ng tunog.
a. Gleason c. Quezon
b. Sapiro d. Hemphill
_____9. Anong wika ang ginagamit bilang wikang panturo sa paaralan?
a. Tagalog at Bisaya c. Ingles at Filipino
b. Maranao at Bisaya d. Ingles at Kastila
_____10. Ang tawag sa wikang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon.
a. Wikang Panturo c. Wikang Pambansa
b. Wikang Opisyal d. Wikang Pandaigdig
iii

Aralin Wika at Wikang Pambansa


1
Baitang: 11 Markahan: Una
Panahong Igugugol: Unang Linggo

Alamin

Inaasahang pagkatapos ng aralin na ito ang mga mag-aaral ay:

1. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika


(F11PT-1a-85)

Tuklasin

Gawin Mo

Gawain 1.1. PAGPAPAHAYAG NG OPINYON O HINDI. Isulat ang O kung nagpapahayag


ng opinyon ang pangungusap sa bawat bilang at ekis (X) naman kung hindi.
___ 1. Wika ang daluyan ng kaisipan at kamalayan ng isang lahi.
___ 2. Ayon sa mga eksperto, wika ang tulay sa pakikisalamuha sa iba.
___ 3. Wikang panturo ang gamit upang magkaroon ng mataas na antas ng edukasyon.
___ 4. Ayon sa mga dalubwika, ang wika ay sistema ng komunikasyon.
___ 5. Ang wikang mapipili bilang wikang pambansa ay magagamit bilang wikang panturo
hanggang sa unibersidad.

Gawain 1.2. PAGBIBIGAY NG SARILING KAHULUGAN. Magbigay ng sariling kahulugan


tungkol sa wika gamit ang graphic organizer. Isulat sa kahon ang iyong sagot.

WIKA
1
Gawain 1.3. PAGKILALA SA LARAWAN. Kilala mo ba ang nasa larawan? Siya si Manuel
L. Quezon. Ano-ano ang alam mo tungkol sa kaniya? Isulat ang mga sagot sa ibaba.

Source: https://bit.ly/2ZruTSE

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Suriin

Gawain 1.4. PAGPAPANOOD NG TALUMPATI. Panoorin ang isang bahagi ng talumpati ni


Pangulong Benigno Aquino III para sa State of the Nation Address (SONA) mula sa link
na ito: State of the Nation Address 2015 (clean feed) RTV Malacañang
https://www.youtube.com/watch?v=ikdZuI2Eog4.

Ang simula ng SONA ay nasa 1:05 ng video. Mayroon kayong sampung minuto upang
mapanood ito. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod:

1. Masasabi bang higit mong nararamdaman o nauunawaan ang mensahe ng talumpati


ng pangulo dahil wikang Filipino ang ginamit niya sa pagbigkas nito? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Ano ang nararamdaman mo para sa isang pangulong gumagamit ng wikang Filipino
sa kaniyang pagbibigay ng ulat sa bayan? Maituturing bang kahanga-hanga o hindi
ang ginagawa niyang ito? Ipaliwanag ang iyong panig.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Pagyamanin
Gawain 1.5. KAHALAGAHAN NG WIKA. Sa napakinggan mong talumpati ng pangulo.
Isulat sa mga kahon ang kahalagahan ng wika.

Kahalagahan ng Wika

Suriin
Sa bahaging ito ay malalaman mo ang kahulugan ng wika. Sinabi sa aklat ni
Dayag (2016), na ang wika’y mahalagang instrument ng komunikasyon. Makatutulong sa
pagkakaroon ng mabungang interaksyon. Tunghayan natin ang iba’t ibang pakahulugan ng
wika.
Ang salitang Latin na lingua ay nangangahulugang “dila” at “wika” o lengguwahe.

Ayon kina Paz, Hernandez, at Peneyra (2003:1), ang wika ay tulay na


ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o
pangangailangan natin. Ito ay behikulo ng ating ekspresyon at komunikasyon
na epektibong nagagamit. Ginagamit ng tao ang wika sa kaniyang pag-iisip, sa
kaniyang pakikipag-ugnayan, at pakikipag-usap sa sarili.
Ayon kay Henry Allan Gleason, Jr., isang lingguwista at propesor
emeritus sa University of Toronto, ang wika ay masistemang balangkas ng mga
tunog na pinili at isinaayos sa pamaraang arbitaryo upang magamit ng mga
taong nabibilang sa isang kultura.
Binibigyang pagpapakahulugan ng Cambridge Dictionary ang wika sa
ganitong paraan: ito ay isang sistema ng komunikasyong nagtataglay ng mga
tunog, salita, at gramatikong ginagamit sa pakikipagtalastasan ng mga
mamamayan sa isang bayan o sa iba’t ibang uri ng gawain.
Samantala, ang siyentipikong si Charles Darwin ay naniniwalang ang
wika ay isang sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagbe-bake ng cake, o ng
pagsusulat. Hindi rin daw ito tunay na likas sapagkat ang bawat wika ay
kailangan munang pag-aralan bago matutuhan.
Ang Pilipinas ay isang kapuluang binubuo ng iba’t ibang pangkat ng
mga Pilipinong gumagamit ng iba’t ibang wika at diyalekto. Sa Saligang Batas
1987 ay pinagtibay ng Komisyong Konstitusyunal na binuo ni dating Pangulong
Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino. Nakasaad
sa Artikulo XIV, Seksyon 6 ang probisyon tungkol sa wika na nagsasabing:

“Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang


nililinang, ito ay dapat pagyabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral
na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Pagyamanin
Gawain 1.6. PAGSAGOT SA KATANUNGAN. Sagutin ang sumusunod na katanungan.

1. Ano-ano ang kahalagahan ng wika sa buhay ng tao?

4
2. Sa sinabi ni Charles Darwin na “hindi tunay na likas ang wika sapagkat kailangan
muna itong pag-aralan bago matutuhan”, ipaliwanag ang linyang ito.

3. Para sa iyo, bakit kaya kailangan na iisa lang ang ating wikang Pambansa?

4. Sa iyong palagay bakit kaya kailangang itatag ang Surian ng Wikang Pambansa?

Isaisip

Gawain 1.7 PAGSULAT NG TALATA. Panuto: Sumulat ng talata tungkol sa “Bakit


mahalaga ang wika at sa paanong paraan naging instrumento sa pakikipagtalastasan”?

_________________________________________________

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
___
5

Isagawa

Gawain 1.8. PAGGUHIT NG POSTER. Panuto: Gumuhit ng isang poster na nagpapakita


na mahalaga ang wika sa buhay ng tao. Iguhit sa ibaba.
6
Aralin Wikang Panturo at Wikang Opisyal
2
Baitang: 11 Markahan: Una
Panahong Igugugol: Unang Linggo

Alamin

Inaasahang pagkatapos ng aralin na ito ang mga mag-aaral ay:

1. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong


pangkomunikasyon sa radyo, talumpati at mga panayam (F11PN-1b-86)

Balikan
Gawain 2.1. IPABATID SA BAWAT LETRA

May malaki bang impluwensiya ang wika sa iyong buhay? Paano mo ito
pinapahalagahan? Subukin mong sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng pagbuo ng
akrostik mula sa salitang wika.

W -

I -

K -

A -
7

Alamin
Gawain 2.2. PAGSAGOT SA KATANUNGAN.Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa
patlang kung Oo o Hindi ang sagot kaugnay ng bawat tanong.

Mga Tanong

1. _____ Alam ko ba ang kahalagahan ng wika sa araw-araw na takbo ng aking


buhay?
2. _____ Dapat bang may wikang pambanasang ginagamit ang mamamayan ng
isang bansa?
3. _____ Daan ba sa pag-unlad ang pagkakaroon ng maraming wika?
4. _____ Kailangan ba ang wika upang magkaunawaan ng kausap?
5. _____ Tatak ba ng isang lahi ang wika?

Tuklasin
Tunghayan ang Round Table Discussion ng ilang mag-aaral tungkol sa paksang mga
konseptong pangwika: wika, wikang pambansa, wikang panturo, wikang opisyal.
Sa pangunguna ng kanilang lider na si Angelo Carrtte, pinag-uusapan nila ang
paksang tatalakayin ng kanilang pangkat, ang tungkol sa mga konseptong pangwika.
Kasama sa pangkat sina Maxine, Stephanie, Nathalie, Angela, at Messiah.

Angelo Carrtte: Handa na ba kayo sa tatalakayin natin para sa klase bukas? Pag-usapan
natin at isa-isahin ang mga ito.
Maxine: Sige ako ang mauuna. Wika ang napunta sa akin. Gaya ng napagkasunduan natin,
gagawan ng handout ang tatalakayin kaya’t kumuha na kayo ng tig-iisa para
sasabayan ninyo ako.
Ayon kay Hutch (1991), ang wika ay sisitema ng tunog o sagisag na ginagamit
ng tao sa komunikasyon. Ang pagsasalita ng tao ay tinutukoy na sistema ng
tunog. Binubuo ng sagisag ang isang wika. Sa nabanggit na depinisyon, tinutukoy
rin na ang wika ay para sa tao. Bagaman ang mga hayop ay mayroon ding paraan
sa komunikasyon, hindi tinatawag na wika ang mga ito. Samakatuwid, ang wikang
tinutukoy sa pagtatalakay na ito ay ginagamit ng tao sa pakikipag-ugnayan sa
kanyang kapwa tao.
Ipinahayag ni Otanes (1990), na ang wika ay isang napakasalimuot na
kasangkapan sa pakikipagtalastasan. Kailangang malaman ang mga
pangkalahatang katangian ng wika.
Angelo Carrtte: Mahusay! Talagang malawak ang naging pananaliksik ni Maxine. Si
Stephanie naman. Wika rin ang itinakda sa iyo, di ba?
Stephanie: Tama ka. Narito naman ang iba pang kahulugan ng wika. Ginawan ko ito ng
tsart.
8
Sapiro Hemphill
Gleason
(Sapiro sa Ruzol ( Hemphil sa Ruzol
(1961)
2014:15) 2014:15)
Ang wika ay masistemang Ang wika ay isang lakas at Ang wika ay isang
balangkas ng mga makataong pamamaraan masistemang kabuuan ng
sinasalitang tunog na pinili ng paghahatid ng mga mga sagisag na sinsalita o
at isinaayos sa paraang kaisipan,damdamin,at binibigkas na
arbitaryo na ginagamit sa hangarin sa pamamagitan pinagkaisahan o
pakikipagkomunikasyon ng ng isang kusang-loob na kinaugalian ng isang
mga taong kabilang sa kaparaanan na lumikha ng pangkat ng mga tao, at sa
isang kultura tunog. pamamagitan nito’y
nagkakaugnay, nagkaka-
unawaan at nagkakaisa
ang mga tao.

Angelo Carrtte: Mahusay rin. Kung susuriin ang mga kahulugang inilahad tungkol sa wika,
iisa ang pinatutunguhan nito, na ginagamit ito sa masistemang paraan
upang mapahayag ng tao ang kaniyang kaisipan at damdamin nang
maayos at may layunin.
Si Nathalie naman ang magtatalakay sa konseptong pangwika na wikang
pambansa.
Nathalie: Okey, handa na ako.

Wikang Pambansa

Sinasabing wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan ang wikang Pambansa


na ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnayan sa mamamayang kaniyang sakop. At
kung ang bansa ay multilingguwal na tulad ng Pilipinas, dapat lang asahan na ang wikang
pambansa ang magiging tulay na wika sa pag-uugnayan ng iba’t ibang pangkat sa kapuluan
na may kani-kanilang katutubong wikang ginagamit. Bukod dito, ito rin ang pambansang
daluyan ng komunikasyon tulad ng telebisyon, radyo, at mga pahayagan, gayon din naman
ang mga kilalang politiko, komentaresta, mga manunulat at makatang gustong maabot ang
buong bansa.

Angelo Carrtte: Wow! Hindi nagpatalo si Nathalie Pakinggan naman natin si Angela sa
pagtatalakay niya.
Angela: Handa na ako. Gamit ang wikang panturo upang magtamo ng mataas na antas ng
edukasyon.
9
Wikang Panturo

Ang wikang pambansa na itinadhana ng batas ay gagamitin bilang wikang panturo.


Gagamitin ito upang makatulong sa pagtatamo ng mataas na antas ng edukasyon.
Mahalaga ang mabilis na pag-unawa sa tulong ng wikang panturo upang makaagapay sa
akademikong pag-unlad. Magiging makahulugan ang pagkatuto gamit ang wikang panturo.
Gaya ng isinasaad sa Probisyong Pangwika ng Artikulo XIV ng Saligang-batas ng 1987,
Sek. 6 kaugnay ng wikang panturo na:

Sek.6 – Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.Samantalang nililnang,


ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa
Pilipinas at ibang pang mga wika. Dapat magsagawa ng mga hakbangin ang
pamahalaan upang ilunsad at puspusang itaguyod ang Filipino bilang midyum ng
opisyal na komunikasyon at bilang wika ng panturo sa sistemang edukasyon.

Angelo Carrtte: Napakakomprehensibong ng talakay mo, Angela. Sige, si Messiah naman


ang pakinggan natin para sa huling konseptong pangwika – ang wikang opisyal.
Messiah: Okey, ako naman.

Wikang Opisyal

Tinatawag na wikang opisyal ang pangunahing wikang ginagamit sa edukasyon, sa


pamahalaan, sa politikal, sa komersiyo at industriya. Ipinahayag naman sa Sek.7 ng Artikulo
XIV ng Saligang-batas ng 1987 na: “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang
wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang itinadhana ang batas, Ingles.”
Tinatanggap din ang Ingles ay isa sa wikang opisyal maliban sa Filipino. Maaari itong
gamitin sa pakikipagkomunikasyon at edukasyon, hangga’t walang batas nagbabawal
gamitin ang Ingles sa nasabing sitwasyon, kaagapay ito ng Filipino bilang wikang opisyal.

Angelo Carrtte: Nakatutuwa naman at talagang handang-handa na tayo para sa talakayan


bukas. Maidaragdag na, “dahil sa ang wika ay buhay, patuloy na umiinog ito sa
mga pagbabagong makaharap nito. Maging kahulugan o depinisyon ay may iba’t
ibang pahayag tungkol dito.” Sige, bukas na natin alamin. Tayo na. Umuwi na tayo
at maghanda para bukas.

Lahat: Tama ka! Para maging maayos ang pagtatalakay natin bukas.

(Hango sa Batayang Aklat ng Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ni


Magdalena O. Jocson)
10

Suriin

Gawain 2.3. PAGLINANG NG TALASALITAAN. Ipaliwanag ang kahulugan ng mga


konseptong pangwika: wika, wikang pambansa, wikang paturo, at wikang opisyal sa tulong
ng mga sitwasyong naranasan o maaring maranasan. Gayahin ang kasunod na pormat sa
sagutang papel.

Pagpapaliwanag sa kahulugan sa
Salita
tulong ng mga sitwasyon.

1. Wika

2. Wikang pambansa

3. Wikang panturo

4. Wikang Opisyal

Isaisip
Gawain 2.4. NILALAMAN NG AKING PUSO. Bumuo ng larawan ng iyong puso na
naglalarawan ng dapat mong pahalagahan ang mga konseptong pangwika. Ilahad din kung
paano mo ito mapangalagaan.

Ang nilalaman ng Aking Puso

Mga dapat kong pahalagahan sa mga


konseptong pangwika

Mga paraan upang mapangalaagaan ito


11

Isagawa

Gawain 2.5. PAGSULAT NG SANAYSAY. Batay sa iyong sagot sa Gawain 2.4, sumulat
ng isang sanaysay na nagpapaliwanag ng Dapat Pahalagahan at Pangalagaan ang mga
Konseptong Pangwika at isaalang-alang ang mga elemento ng isang sanaysay. Isulat sa
sagutang papel. Suriin ang isinulat na sanaysay tungkol sa mga konseptong pangwika.
Magkaroon ng sariling pagtataya gamit ang kasunod na kraytirya. Gawin sa sagutang papel.

Ganap na
Bahagyang Hindi
Kraytirya Naisagaw
Naisagawa Naisagawa
a
1.Organisasyon sa pagkakasulat ng
sanaysay.
2.Kaangkupan ng ginamit na antas
ng wika.
3.Naging malinaw ang batayan ng
pagkasulat.
4.Magkakaugnay ang mga
pagpapaliwanag.
5.Kawastuhang ng mga pahayag na
ginamit sa pagpapaliwanag.
6.Malinaw na masusuri ang uri ng
sanaysay na isinulat.

Lagom

Ayon sa aklat ni Magdalena O. Jocson sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino na ang pagtukoy sa kahulugan ng mga konseptong pangwika,kailangan
ang literal na kahulugan nito na maaring kunin sa diksyunaryo o iba pang babasahing
pangwika.Maaari din ito sa pamamagitan ng panayam sa mga taong eksperto sa larangan
ito.Higit sa lahat ang karanasan ng mga taong gumagamit ng wika o nagpapahalaga rito na
gamit sa aktuwal na buhay sa araw-araw na pakikisalimuha sa iba’t ibang tao,ay maaaring
batayan din sa pagtukoy sa kahulugan ng mga konseptong pangwika.Sa araling ito
natutunghayan ang kahulugan ng ilang konseptong pangwika(wika,wikang
pambansa,wikang panturo,at wikang opisyal).
Mayroong iba’t ibang kahulugan ang wika mula sa mga dalubwika tulad ng:
“Wika ay binubuo ng tunog at sagisag na ginagamit ng mga tao sa
pakikipagkomunikasyon upang magkaunawaan.”
“Wikang Pambansa naman pinagtibay ng pambansang pamahalaan at ginagamit sa
pamamahala at pakikipag-ugnaya sa mamamayan.”
“Wikang panturo ang ginagamit upang magtamo ng mataas na antas ng
edukasyon.”
“Tinatawag naman na wikang opisyal ang principal na wikang ginagamit sa
edukasyon, sa pamahalaan at sa politika, sa komersiyo at industriya.”

Sipi mula sa aklat na “Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika


at Kulturang Pilipino ni Magdalena O. Jocson
12

Tayahin

Pangwakas na Pagtataya

_____1. Ginagamit ang wikang Filipino upang magkaintindihan ang mga Pilipinong may iba’t
ibang wikang kinagisnan. Ang Filipino rito ay wika bilang __________.
c. wikang Pambansa c. linggwa franca
d. wikang opisyal d. wikang panturo
_____2. Kung ang wika ay ginagamit bilang wika sa mga transaksyon at/o komunikasyon sa
gobyerno, pasulat man o pasalita, gamit ito bilang __________.
c. linggua franca c. wikang opisyal
d. wikang Pambansa d. wikang panturo
_____3. Ayon sa kanya, ang wika ay isang sistema ng mga tunog na isinaayos na parang
arbitraryo.
c. Paz Hernandez c. Charles Darwin
d. Henry Allan Gleason, Jr. d. Lope K. Santos
_____4. Ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon
ng mga etnikong grupo.
c. Filipino c. Bisaya
d. Ilokano d. Waray
_____5. Ayon kay _________ na ang wika ay sistema ng tunog o sagisag na ginagamit ng
mga tao sa komunikasyon.
c. Sapiro c. Gleason
d. Hemphill d. Hutch
_____6. Ipinapahayag sa Sek.7 artikulo bilang ______ ng Saligang batas ng 1987 na
wikang opisyal sa Pilipinas ay Filipino hangga’t walang itinatadhana na batas ng
wikang Ingles.
c. XV c. XIV
d. XII d. XVI
_____7. Ano ang ating wikang Pambansa?
c. Ingles c. Tagalog
d. Ilocano d. Filipino
_____8. Ayon kay _________ ang wika ay isang makataong pamamaraan ng paghahatid ng
mga kaisipan, damdamin at kaparaanan na lumikha ng tunog.
c. Gleason c. Quezon
d. Sapiro d. Hemphill
_____9. Anong wika ang ginagamit bilang wikang panturo sa paaralan?
c. Tagalog at Bisaya c. Ingles at Filipino
d. Maranao at Bisaya d. Ingles at Kastila
_____10. Ang tawag sa wikang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon.
c. Wikang Panturo c. Wikang Pambansa
d. Wikang Opisyal d. Wikang Pandaigdig
13

Susi sa Pagwawasto
A .10
C .9
B .8
D .7
C .6
C .5
A .4
B .3
B .2
A .1
Panimulang Pagtataya/ Pangwakas na Pagtataya
X .5
O .4
X .3
O .2
X .1
Gawain 1.1. Pagpapahayag ng Opinyon
Aralin 1
Sagot: Nasa guro ang pagpapasiya kung tama .1

Gawain 1.2 Pagbibigay ng sariling kahulugan


Sagot: Nasa guro ang pagpapasiya kung
tama .1

Gawain 1.3 Pagkilala sa


Larawan
Sagot: Nasa guro ang pagpapasiya kung tama
.1
Gawain 1.8. Pagguhit ng
Poster

Sagot: Nasa guro ang pagpapasiya kung tama


.1
Gawain 1.7. Pagsulat ng
Talata

Nasa guro ang pagpapasiya kung


tama .4
Nasa guro ang pagpapasiya kung
tama .3
Nasa guro ang pagpapasiya kung
tama .2
Sagot: Nasa guro ang pagpapasia kung
tama .1
Gawain 1.6. Pagsagot sa
Katanungan

Sagot: Nasa guro ang pagpapasiya kung tama


.1
Gawain 1.5 Kahalagahan ng
Wika
Nasa guro ang pagpapasiya kung tama
14
MGA SANGGUNIAN

Dayag, Alma M., et al. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino. Quezon City, Phoenix Publishing House, Inc. 2016.

Jocson, Magdalena O., Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino:


Batayang Aklat. 1253 Gregorio Avenue, Quezon City, Vibal Group, Inc. 2016.
15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

DepEd Division of Cagayan de Oro City


Fr. William F. Masterson Ave Upper BalulangCagayan de Oro
Telefax: ((08822)855-0048
E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph

You might also like