You are on page 1of 6

Modyul 2 sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino

ARALIN1
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO (Linggo 1-2)
Layunin:
1. Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa mga napakinggang pahayag mula sa mga panayam
at balita sa radyo at telebisyon.
2. Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa nabasang pahayag mula sa mga blog, social media
posts at iba pa.
3. Nasusuri at naisasaalang -alang ang mga lingguwistiko at kultural na pagkakaiba -iba sa lipunang
Pilipino sa mga pelikula at dulang napanood.
4. Naipapaliwanag nang pasalita ang iba’t ibang dahilan, anyo, at pamaraan ng paggamit ng wika sa
iba’t ibang sitwasyon.
Pagtalakay:
KOMUNIKASYON
 Ito ay isang paraan ng paghahatid at pagtanggap ng lahat ng uri ng mensahe na kinasasangkutan ng
magkakambal na proseso ng pagsasalita. pakikinig at pag-unawa. Walang magaganap na komunikasyon
kung walang nagsasaiita o kung may nagsasaiita man subalit walang nakikinig. (Pagkalinawan et. al.
2004)
 Ito ay isang prosesong dinamiko, tuluy-tuloy at nagbabago.
 Ito ay pasalita at pasulat na pagpapahayag ng iniisip at nadarama sa isang paraang mabisa at kalugud-
lugod.
 Ito ay isang mahalagang bahagi ng buhay ng isang tao. Malaking panahon ang iniuukol ng tao sa
pakikipagtalastasan.
KAKAYAHAN SA PAGGAMIT NG MGA ESTRATEHIYANG PANGKOMUNIKASYON

1. Kakayahan sa paggamit ng mga berbal (pasalita)


2. Di-berbal (paralinguistics) na pamaraan

BERBAL NA ESTRATEHIYA DI BERBAL NA ESTRATEHIYA


Paggamit ng Intonasyon Paggamit ng mga Galaw (Gestures)
Paggamit ng Hinto
Paggamit ng Diin

BAKIT MAHALAGA ANG DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON?


a. Inilalantad o ipinahihiwatig nito ang kalagayang emosyonal ng isang tao.
b. Nililinaw nito ang kahulugan ng isang mensahe.
c. Pinanatili nito ang interaksyong resiprokal ng tagapagdala at tagatanggap ng mensahe.

ANYO NG KOMUNIKASYONG DI-BERBAL


a. ORAS (CHRONEMICS)
Mahalaga ang oras. Ito ay isang bagay na kulang sa maraming tao. Ang paggamit ng
oras kung gayon ay maaaring kaakibatan ng mensahe.
b. ESPASYO (PROXEMICS)
Maaaring may kahulugan din ang espasyong inilalagay sa pagitan ng ating sarili at ng ibang
tao.
c. KATAWAN (KINESICS)
Maraming sinasabi ang katawan, minsan nga'y higit pa sa mga tunog na lumalabas sa bibig.
Kaya nga may tinatawag sa Ingles na body language.
d. PANDAMA (HAPTICS)
Ito ay tumutukoy sa paggamit ng sense of touch sa paghahatid ng mensahe. Sa ating Wika,
may iba- iba tayong tawag sa paraan sa pagHawak sa ibang tao o bagay at bawat paraan ay
may kanya-kanyang kahulugan.
e. SIMBOLO (ICONICS)
Sa paligid ay maraming makikitang malaking simbolo o icons na may malinaw na mensahe.
f. KULAY
Ang kulay ay maaari ring magpahiwatig ng damdarnin o oryentasyon.
g. PARALANGUAGE/VOCALICS
Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagbigkas sa isang salita. Ang salitang oo, halimbawa, ay
maaaring mangahulugan nang pagsuko, pagsang-ayon, galit, kawalan ng interes o
paghamon, depende kung paano iyon binigkas.
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
-Ito ang tawag sa abilidad sa angkop na paggamit ng mga pangungusap batay sa hinihingi ng isang interaksiyong
sosyal (Hymes 1972).

I. Kakayahang Lingguwistiko/Istruktural/
Gramatikal II. Kakayahang Sosyolingguwistiko
III. Kakayahang Pragmatiko
IV. Kakayahang Diskorsal
I. KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO
-Ito ay tumutukoy sa abilidad ng isang tao na makabuo at makaunawa ng maayos at makabuluhang pangungusap.
-Ito ay isang ideyal na sistema ng di-malay o likas na kaalaman ng tao hinggil sa gramatika na nagbibigay sa kaniya
ng kapasidad na gumamit at makaunawa ng wika.(Noam Chomsky 1965).

LINGGUWISTIKONG PAGTATANGHAL (Linguistic Performance)


-Ito ay tumutukoy sa aplikasyon ng sistema ng kaalaman sa pagsusulat o pagsasalita.
-Ito ay maaaring kapalooban ng mga interperensiya o sagabal.

Halimbawa:

Ang pagkautal ng isang tagapagsalita habang nagbibigay ng talumpati. (Hindi ito masasabing
kawalan o kakulangan sa kakayahang lingguwistiko. Maaaring ito ay dulot ng kanyang kaba na maituturing
na sagabal sa kaniyang lingguwistikong pagtatanghal.)

KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO SA WIKANG FILIPINO


Kakabit ng kakayahang lingguwistiko ng Pilipino ang wastong pagsunod sa tuntunin ng balarilang Filipino.
A. Mga Salitang Pangnilalaman:

1. Mga Nominal
a. Pangngalan(Noun) - ito ay nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook,
katangian, pangyayari, atbp.
b. Panghalip(Pronoun) - ito ay pamalit o panghalili sa pangngalan.

2. Pandiwa (Verb) - ito ay nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa pangkat ng mga


salita.

3. Mga Panuring
a. Pang-uri (Adjective) - ito ay nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at
panghalip.
b. Pang-abay(Adverb) - ito ay nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at
kapwa pang-abay.

B. Mga Salitang Pangkayarian:

1.Mga Pang-ugnay
a. Pangatnig (Preposition) - ito ay nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay.
b. Pang-angkop (Ligature) - ito ay katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.
c. Pang-ukol (Conjunction) - ito ay nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita.

2.Mga Pananda
a. Pantukoy - ito ay salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip.
b. Pangawing/Pangawil - ito ay salitang nagkakawing ng paksa o simuno at panaguri.

C. Wastong Palabaybayan o Ortograpiya ng Wikang Filipino

Pasalitang Pagbaybay
Paletra ang pasalitang pagbaybay sa wikang Filipino na nakaayon sa tunog-Ingles ng mga titik
maliban sa Ň (enye) na tunog Espanyol. Ibig sabihin, isa-isang binibigkas sa maayos na
pagkakasunod-sunod ang mga titik na bumubuo sa isang salita, pantig, daglat, inisyal, akronim,
simbolong pang-agham atbp.

Pasulat Pasalita
it /ay-ti/
PANTIG pag /pi-ey-dyi/
trans /ti-ar-ey-en-es/
Pasulat Pasalita
mahal /em-ey-eyts-ey-el/
SALITA libro /el-ay-bi-ar-o/
Dagupan /kapital di-ey-dyi-yu-pi-ey-en/
Pasulat Pasalita
/kapital ti-kapital si-kapital en-
DCNHS
kapital eyts-kapital es/
AKRONIM /kapital ey-kapital es-kapital i-
ASEAN
kapital ey-kapital en/
TLE /kapital ti-kapital el-kapital i/
KAKAYAHANG GRAMATIKAL
-Ito ay kakayahang umunawa at makabuo ng mga istruktura sa wika ayon sa mga tuntunin sa gramatika.
-Ito ay tumutukoy sa kahusayan sa talasalitaan
-Ito ay tumutukoy sa tamang pagbigkas
-Ito ay tumutukoy sa Pagbaybay
-Ito ay tumutukoy sa Pagbabantas
-Ito ang Pagbuo ng mga salita
-Ito ang Pagbuo ng mga pangungusap at talata
-Mahalaga ang mga mga kahusayang ito upang makapagpahayag nang tumpak

ISTRUKTURAL NA GRAMAR
-Ito ay isang paraan ng pag-aanalisa ng wikang pasulat at pasalita .
- Ibig sabihin...nakatuon ang pagsusuri sa mga elementong nakapaloob sa isang pangungusap. Gaya ng mga
sumusunod na elemento:
• fonims
• morfims
• preys
• klaws
• part of speech

FERDINAND DE SAUSSURE
• Ama ng Istruktural Gramar
• Lumaganap noong 20th century (1930-1950)
• “individual units within spoken and written communication were largely arbitraryo...”

KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIKO
 Ito ang kakayahang gamitin ang wika nang may naaangkop na panlipunang pagpapakahulugan
para sa isang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon.
Modelong SPEAKING (Dell Hymes, 1974)
S-settings at Scene -lugar at oras
P –participants- mga taong sangkot sa usapan
E – ends- layunin at mithiinng usapan gayundin ang maaaring bunga ngpag-uusap
A – act sequence- pagkakasunod-sunod ng mga pangyayar ihabang nagaganapang pag-uusap
K – keys- pangkalahatang tono o paraanng pagsasalita
I – instrumentalities- anyo at estilong ginagamit sa pag-uusap: pasalita, pasulat,harapan,kasamarin
ang uri ng wikang gamit
N-norms- kaangkupan at kaakmaanng usapan ng isang sitwasyon
G-genre- uri ng pananalita na nakalahadmulasa isangs sitwasyon: nagsasalaysay,nakikipagtalo,o
nagmamatuwid
ETNOGRAPIYA
 Nangngahulugang sistematikong pag-aaral sa tao at kultura sa pamamagitan ng personal na
pagdanas at pakikipag-ugnayan sa mga kalahok sa kanilang natural na kapaligiran.
PAGKILALA SA MGA VARAYTI NG WIKA
• Pormalidad at Impormalidad ng sitwasyon
• Ugnayan ng mga tagapagsalita
• Pagkakalilanlang etniko at pagkakapaloob sa isang pangkat
• Awtoridad at ugnayang pangkapangyarihan
Interference Phenomenon
 Lumilikha ng iba pang natatanging varayti ng Filipino-Ilokano-Filipino, Bikolnon-Filipino,
Kapampangan-Filipino, Hiligaynon-Filipino, at iba pa.

INTERLANGUAGE
• Tinatawag na mental grammar na nabubuo ng tao sa pagdating ng panahon sa proseso ng
pagkatuto niya sa pangalawang wika.
KAKAYAHANG PRAGMATIKO

Ano ang Pragmatiks?


 ang pragmatiks ay isang sangay ng lingguwistika na inilalarawan bilang pag-aaral ng ugnayan ng mga
anyong lingguwistiko at mga gumagamit nito.
 ayon kina lightbown at spada(2006), ang pragmatiko ay tumutukoy sa pag-aaral sa paggamit ng wika sa
isang partikular na konteksto upang magpahayag sa paraang diretsahan o may paggalang.

Pangkalahatang Gawain:
I. Piliin ang titik ng wastong sagot ayon sa hinihingi ng pahayag. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang.
___________1. Ito ay mga salitang naglalarawan sa katangian ng pangngalan.
a. Pangungusap b. Paalpabeto c. Pangalan d. Pang-uri
___________2. Nagsasabi ng katangian, damdamin, kulay, hitsura, lasa at amoy ng mga salitang pangngalan at
panghalip.
a. Pamilang b. Panlarawan c. Panunuran d. Patakaran
___________3. Pang-uring pamilang ng ginagamit sa pagbibilang.
a. Pamilang b. Panlarawan c. Panunuran d. Patakaran
___________4. Pang-uring nagsasabi ng pagkakasunod-sunod ng mga pangngalan at panghalip.
a. Pamilang b. Panlarawan c. Panunuran d. Patakaran
___________5. Pang-uri pamilang na nagsasabi ng bahagi ng isang kauuan.
a. Pamilang b. Panlarawan c. Panunuran d. Pamamahagi
___________6. Pang-uring na nagsasabi ng karamihan ng pangngalan at panghalip.
a. Pamilang b. Pamamahagi c. Panunuran d. Palansak

II. Isulat sa patlang ang titik ng hindi kasali sa pangkat ng mga salita.

___________7. Mga salitang naglalarawan:


a. mabagal b. malinis c. sa paaralan d. malakas
___________ 8. Mga salitang naglalarawan ng bilang.
a. sampu b. isang daan. c. matalino. d. dalawamput tatlo
___________9. Mga salitang naglalarawan ng hugis.
a. dilaw b. bilog c. parisukat d. parihaba
___________10. Katangian ng isang tao.
a. maanghang b. mabait c. masipag d. matalino
___________11. Naglalarawan sa isang lugar.
a. malayo b. makulit c. malinis d. malapit
___________12. Pang-uri
a. Matarik b. Maitim c. Maisampay d. Mabuti
___________13. Pamilang na ordinal
a. Limang bagahe c. Walong kaibigan
b. Unang markahan d. Tatlong segundo
___________14. Patakaran
a. Isang kahon b. Tatlong baso c. Apat na lapis d. Unang baitang
_________15. Panunuran
a. Unang baitang b. Pangatlong kalahok c. Pangwalong pangkat d. Limang libro

Kakayahang Lingguwistiko
Tumutukoy sa kakayahang umunawa at makabuo ng mga estruktura ng wika na sang-ayon sa tuntunin ng
gramatika
Kakayahang Sosyolingguwistik
Tumutukoy sa kakayahang umunawa ng mensahe batay sa pagtukoy sa sino, paano, kailan, saan at bakit nangyari
ang sitwasyong komunikatibo
Settings
lugar at oras ng usapan; naglalarawan sa kalikasan ng sitwasyon ng pag-uusap
Participants
mga taong sangkot sa usapan; ang nagsasalita at kinakausap
Ends
layunin at mithiin ng usapan gayundin ang maaaring bunga ng pag-uusap
Act Sequence
pagkakasunod-sunod ng pangyayari habang nagaganap ang usapan
Keys
pangkalahatang tono o paraan ng pagsasalita: promal o di pormal ang takbo ng usapan
Instrumentalities
anyo at estilong ginagamit sa pag-uusap: pasalita, pasulat, harapan, kasama rin ang uri ng wikang ginagamit
Norms
kaangkupan at kaakmaan ng usapan sa isang sitwasyon
Genre
uri ng pananalita na nakalahad mula sa isang sitwasyon: nagsasalaysay, nakikipagtalo, nagmamatuwid
Kakayahang Pragmatik
Tumutukoy sa kakayahang matukoy ang kahulugan ng sitwasyong sinasabi, di-sinasabi o ikinikilos ng taong
kausap
Speech Acts ni Jane L. Austin
- pagganap sa mga kilos at kung paanong ang kahulugan at kilos ay maiuugnay sa wika
- pagganap ng tagapaghatid o tagatanggap batay aa kanilang gampanin at kulturang umiiral
Cooperative Principle ni Grice
Ang mga kasangkot sa komunikasyon ay inaasahang makikiisa para sa isang makabuluhang pag-uugnayan
Maxims of Conversation
mga gabay sa pakikisangkot sa mga interaksyong interpersonal
Prinsipyo sa Kumbersasyon
1. Kantidad- dami ng impormasyong kailangang ibigay
2. Kalidad- katotohanan ng ibinibigay na impormasyon
3. Relasyon- halaga ng impormasyon
4. Pamamaraan- paraan ng pagbibigay ng impormasyon
Komunikasyong di-berbal
Binubuo ito ng mga simbolikal na kahulugan ng larawan ng mukha, kilos ng katawan, gamit ng bagay, distansiya ng
pakikipag-usap at iba pa na nagbibigay bisa sa pakikipagkomunika
Kakayahang Diskorsal
Tumutukoy sa kakayahang tiyakin ang kahulugang ipinapahayag ng mga teksto/ sitwasyon ayon sa konteksto

You might also like