You are on page 1of 9

ANG TEKSTONG

DESKRIPTIBO
Ang tekstong deskriptibo ay maihahalintulad sa isang
larawang ipininta o iginuhit kung saan kapag nakita ito ng
iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pingamulan
ng larawan. Subalit, sa halip na pintura o pangkulay, mga
salita ang ginagamit ng manunulat upang mabuo sa isipan
ng mambabasa ang paglalarawan sa tekstong deskriptibo.
Mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit ng
manunulat upang mabuo sa isipan ng mambabasa ang
paglalarawan sa tekstong deskriptibo. Mga pang-uri at
pang-abay ang karaniwang ginagamit ng manunulat upang
mailarawan ang bawat tauhan, tagpuan, mga kilos o galaw,
o anumang bagay na nais niyang mabigyang-buhay sa
imahinasyon ng mambabasa.
KARANIWANG BAHAGI LANG
NG IBANG TEKSTO ANG
TEKSTONG DESKRIPTIBO
Ang paglalarawang ginagawa sa tekstong
deskritibo ay lagging kabahagi ng iba pang uri
ng teksto particular ang tekstong naratibo
kung saan kinakailangang ilarawan ang mga
tauhan, ang tagpuan, ang damdamin, ang
tono ng pagsalaysay, at iba pa.
GAMIT NG COHESIVE DEVICES O
KOHESYONG GRAMATIKAL SA
PAGSULAT NG TEKSTONG
DESKRIPTIBO
Kinakailangan ang paggamit ng mga cohesive device o
kohesyong gramatikal. Ang mga ito kasi ay mahalaga sa
pagbibigay ng mas malinaw at maayos na daloy ng mga
kaisipan sa iang teksto.
Ang limang pangunahing cohesive device o kohesyong
gramatikal ay ang sumusunod:
Reperensiya (Reference), Substitusyon (Substitution),
ellipsis, pang-ugnay at leksikal.
1.REPERENSYA (REFERENCE)
-Ito ang paggamit ng mga salitang maaring tumutukoy o maging
reperensiya ng paksang pinag-uusapan ng pangungusap.
Halimbawa:
• Alipora
Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging
mabuting kaibigan.
• Katapora
Siya ay nagbigay sa akin ng inspirasyong bumangon sa umaga
at masiglang umuwi sa gabi. Ang matatamis niyang ngiti at mainit na
yhindi akap sa aking pagdating ay sapat para makapawi sa kapaguran
lang ang aking katawan kundi ng aking puso at damdamin. Siya si
Bella, ang bunso kong kapatid na mag-iisang taon pa lamang.
2.SUBTITUSYON (SUBSTITUTION)
-Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin
ang salita.
Halimbawa:
Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng bago.
3.ELLIPSIS
-May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit
inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa
mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang
pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.
Halimbawa:
Bumili si Gina ng apat at si Rina nama’y tatlo.
4.PANG-UGNAY
-Naggamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay
sa sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap.
Halimbawa:
Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak at ang
mga anak naman ay dapat magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga
magulang.
5.KOHESYONG LEKSIKAL
-Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng
kohesyon. Maaari itong mauri sa dalawa: ang reiterasyon at ang
kolekasyon.
a.REITERASYON
-Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses. Maaari
itong mauri sa tatlo: pag-uulit o repetisyon, pag-iisa-isa, at pag-bibigay-
kahulugan.
(1) PAG-UULIT O REPETISYON
-Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan. Ang mga
batang ito ay nagtatrabaho na sa murang gulang pa lang.

(2) PAG-IISA-ISA
-Nagtatanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na
ito ay talong, sitaw, kalabasa, at ampalaya.

(3) PAGBIBIGAY-KAHULUGAN
-Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa mga
pamilyang dukha. Mahirap sila kaya ang pagaaral ay naiisantabi
kapalit ng ilang baryang naiaakyat nila para sa hapag-kainan.
6.KOLOKASYON
-Mga salitang karaniwang nagagamit nang
magkapareha o may kaugnayan sa isa’t isa kaya’t
kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa.
Maaaring magkapareha o maaari ding magkasalungat.
Halimbawa:
• nanay – tatay, guro – mag-aaral, hilaga – timog,
doctor – pasyente
• puti – itim, maliit – malaki, mayaman – mahirap

You might also like