You are on page 1of 2

1.

PAGKILALA SA MAY AKDA


Ito ay hindi nangangahulugan ng pagsusuri sa pagkatao ng may – akda kundi sa mga bagay na nagudyok sa
kanyang likhain ang isang akda.
2. URI NG PANITIKAN
Patukoy sa mga anyo ng panitikang sinulat sa himig o damdaming taglay nito
3. LAYUNIN NG MAY – AKDA
Pagsusuri sa kahalagahan ng akda kung bakit sinulat. Layunin ba nitong pagpakilos o manghikayat, manuligsa,
magprotesta at iba pa.
4. TEMA O PAKSA NG AKDA
Ito ba’y makabuluhan, napapanahon, makatotohanan, at mag – aangat o tutugon sa sensirilidad ng mambabasa?
5. MGA TAUHAN / KARAKTER SA AKDA
Ang karakter ba’y anyo ng mga taong likha ng lipunang ginagalawan, mga tauhang hindi nalilikha sa panahong
kinabibilangan o mga tauhang lumikha, nagwawasak, nabubuhay 0 namamatay
6. TAGPUAN / PANAHON
Binibigyang – pansin sa panuring pampanitikan ang kasaysayan, kapaligiran at panahong saklaw ng isang akda
bilang mga saksi at sanhi ng kalagayan o katayuan ng isang indibidwal, ng kanyang kaugnayan sa kapwa at sa
lipunan.
7. NILALAMAN / BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
Isa bang gasgas ng pangyayari ang inilalahad sa akda? May kakaiba bas a nilalamang taglay? Dati o luma na bang
mga pangyayaring may bagong bihis, anyo, anggulo, o pananaw? Paano binuo ang balangkas ng akda? May
kaisahan ba ang pagkakapit ng mga pangyayari mula sa simula hanggang wakas? Ano ang mensaheng
ipinahihiwatig ng kabuuan ng akda? May natutunan k aba sa nilalaman ng akda?
8. MGA KAISIPAN / IDEYANG TAGLAY NG AKDA
Ang isang akdang pampanitikan ay nagtataglay at nagpapaliwanag sa mga kaisipang umiiral, tinatanggap at
pinatutunayan ng mga tiyak na sitwasyon o karanasan. Maaari ding ang mga kaisipang ito ay sasalungatin,
pabulaanan, mabago o palitan. Ito ba ay mga katotohanang unibersal, likas sa tao at lipunan, mga batas ng
kalikasan, Sistema ng mga ideya o paniniwalang kumokontrol sa buhay? Mahalagang masuri sa akda ang mga
kaisipang ginagamit na batayan sa paglalahad ng mga pangyayari.
9. ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA
Epektibo baa ng paraan ng paggamit ng mga salita? Angkop ba sa antas ng pang –unawa ng mga mambabasa
ang pagkakabuo ng akda? May bias kaya ang istilo ng pagkakasulat sa nilalaman ng akda? Ito ba’y may
kahalagahang tutugon sa panlasa ng mga mambabasa at sa katangian ng isang mahusay na akda?
10. BUOD
Hindi kailangang ibuod ng mahaba ang istorya ng akda. Ang pagbanggit sa mahahalagang detalye ang bigyang –
tugon.
Ang pagsulat ng isang panunuri ay ngangangailangan ng sapat na kaalaman, kahandaan at kakayahan sa panig ng
manunuri. Kailangang makita ang pagiging maingat at lubos na pagkaunawa sa akdang sinusuri. Ang pagiging
obhetibo sa pagsusuri ay kailangang isaalang – alang.

You might also like