You are on page 1of 14

MGA URI NG

MAIKLING
KUWENTO
Kwento ng Kababalaghan
Ito ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
Kwento ng Katatakutan
Ito ay aglalaman ng mga pangyayaring kasindak-
sindak.
Kwento ng Katatawanan
Ito ay mga salaysayin na nagbibigay-aliw at
nagpapasaya sa mambabasa.
Kwento ng Katutubong Kulay
Binibigyang diin ang kapaligiran at mga pananamit ng
mga tauhan, ang uri ng kanilang pamumuhay, at
hanapbuhay ng mga tao sa naturang lugar.
Kwento ng Madulang Pangyayari
Ito ang mga salaysayin kung saan binibigyang diin ang
kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na
nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
Kwento ng Pag-ibig
Tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tauhan sa kwento.
Kwento ng Pakikipagsapalaran
Nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento
ng pakikipagsapalaran.
Kwento ng Sikolohiko
Ang salaysaying ito ay bihirang isulat sapagkat may
kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan. Ipinadarama
dito sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa
harap ng isang pangyayari at kalagayan.
Kwento ng Tauhan
Dito inilalarawan ang mga pangyayaring
pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang
mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng
isang mambabasa.
Kwentong Bayan
Inilalahad dito ang mga kwentong pinag-uusapan sa
kasalukuyan ng buong bayan.
 Simula
Ipinapakilala ang mga tauhan, tagpuan, at ang suliraning kakaharapin ng
pangunahing tauhan.
 Gitna
Ang gitna ay binubuo ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan.
 Wakas
Ang wakas ay binubuo ng kakalasan at katapusan ng kwento. Ang kakalasan ang
bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa
maigting na pangyayari sa kasukdulan, at ang katapusan ang bahaging
kababasahan ng magiging resolusyon ng kwento. Maaring masaya o malungkot,
pagkatalo o pagkapanalo. Ngunit may mga kwento na hindi laging winawakasan
sa pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung minsan,
hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas para hayaan ang mambabasa na
humatol o magpasya kung ano sa palagay nito ang maaring kahinatnan ng
kwento.
 Wakas
Ang wakas ay binubuo ng kakalasan at katapusan ng kwento. Ang
kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng
takbo ng kwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan,
at ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging
resolusyon ng kwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o
pagkapanalo. Ngunit may mga kwento na hindi laging
winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na
mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin
ang wakas para hayaan ang mambabasa na humatol o magpasya
kung ano sa palagay nito ang maaring kahinatnan ng kwento.
ELEMENTO NG
MAIKLING
KUWENTO
TAUHAN
Ang nagbibigay buhay sa ating maikling kuwento
Ang mga nagsisipagganap sa ating maikling kuwento
Protagonista
Antagonista
Pantulong na tauhan
TAGPUAN

Ang panahon o lugar ng pinangyarihan ng ating


maikling kuwento
BANGHAY

Ito ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari


sa kwento.
Panimula
Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga
mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala
ang iba sa mga tauhan at tagpuan ng kwento.
Suliranin
Ito ang problemang haharapin o kinahaharap ng
tauhan sa kwento.
Saglitna Kasiglahan
Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhang masasangkot sa suliranin.
Tunggalian
Ang tunggalian ay may apat na uri: tao laban sa tao, tao
laban sa sarili, tao laban sa lipunan, at tao laban sa
kapaligiran o kalikasan
Kasukdulan
Dito nakakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o
kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
Kakalasan
Ang tulay sa wakas ng kwento. Ang unti-
unting pagbaba ng takbo ng ating kuwento
Wakas
Ang resolusyon o ang kahihinatnan ng
kwento.
Pananaw
tumatalakay kung sino ang nagsasalita o
nagsasalaysay ng ating kuwento.
Paksang Diwa o Tema
Ito ang pinaka kaluluwa ng maikling kwento.
Kaisipan
Ito naman ang mensahe ng kwento.

You might also like