You are on page 1of 12

LIONGO: DAKILANG

DIYOS NG MGA
APRIKANO
MGA TAUHAN
 Liongo – isang mitolohikal na bayani ng mga mamamayan
ng Swahili at Pokonio sa silangan ng Kenya
 Mbwasho – ina ni Liongo; Siya lamang ang nakaaalam ng
lihim ng kanyang anak (Liongo)
 Sultan Ahmad – pinsan ni Liongo; Nais niyang mawala si
Liongo, kaya naman ipinakulong niya ito at ikinadena.

MGA TAGPUAN O PANAHON


■ Pitong bayan sa baybayin ng Kenya
■ Tana Delta
■ Shanga sa Fosa, isla ng Pate
PAGKILALA SA MAY-AKDA
Walang manunulat ang akdang ito sapagkat
ito ay matagal na panahon nang naisulat sa
Kenya. Ang nagbuod sa wikang Filipino ay si
Marina Gonzaga-Merida.

URI NG PANITIKAN
Tuluyan (Mito)
Ang pangunahing tauhan na si Liongo ay may
kakaibang lakas at kapangyarihan. Siya ay
isang higante at hindi agad-agad mamamatay.
LAYUNIN NG AKDA
Layunin ng akda na ipaliwanag sa mga
mambabasa ang kasaysayan, kultura at mga
paniniwala ng mga taga-Africa. Ang sistema ng
pamumuno sa Kenya ay naisaad sa mito, pati na
rin ang mga pook ay totoo.

TEMA O PAKSA NG AKDA


Ang akda ay may kaugnayan sa temang
pagkakanulo. Ipinakulong ni Sultan Ahmad
(pinsan ni Liongo) si Liongo. Sa bandang wakas,
si Liongo ay pinatay ng sarili niyang anak.
■ BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI

•PANIMULA - Si Liongo ay isinilang sa isa


sa pitong bayan sa baybayin ng Kenya.
Siya ay may taglay na lakas at kasintaas
ng higante. Hindi siya nasasaktan ng
anumang sandata ngunit kapag ang isang
karayom ay naiturok sa kanyang pusod,
siya ay mamamatay. si Mbwasho (kanyang
ina) lamang ang nakakaalam nito.
■ PAGTAAS NG PANGYAYARI - Si Liongo ay hari ng
Ozi at Ungwana sa Tana Delta at ng Shanga sa Fosa,
Isla ng Pate. Subalit ang hinirang na hari ay hindi
siya, bagkus ang kaniyang pinsang si Sultan Ahmad.
Maaring nagkagayon dahil sa impluwensiya ng Islam.
Maaaring nang dumating ang Islam ay nagkaroon ng
pagbabago sa paraan ng paghalili o pagpapalit ng
pamunuan sa trono mula sa matrilineal tungo sa
patrilineal. Ang matrilineal na sistema ng pamumuno
ay nakabatay sa angkan ng kababaihan (ina tungo sa
anak na babae).Samantala, ang patrilineal na sistema
ng pamumuno ay batay sa kalalakihan (ama tungo sa
anak na lalaki).
■ KASUKDULAN - Nais ni Sultan Ahmad na
mawala si Liongo, kaya ibinilanggo niya ito at
ikinadena. Isang mahaba at papuring awitin
na kaniyang nilikha (Liongo) at inawit ng mga
tao sa labas ng bilangguan. Ang koro ng awitin
ay nakalikha ng malakas na ingay na kumalag
sa tanikala ni Liongo nang hindi naririnig ng
mga bantay. Nang nakitang nakawala sa
bihag, nagsitakas ang mga guwardiya dahil sa
takot sapagkat hindi nila kayang talunin si
Liongo.
■ KAKALASAN -  Nagtungo si Liongo sa
kagabutan at nanirahan doon
kasama ang mga Watwa,ang mga
nananahan sa kagubatan. Natuto si
Liongo na pandayin ang kaniyang
kasanayan, sa paghawak ng busog at
pana
■ WAKAS - Kakaunti lamang ang mga datos
tungkol sa mga tagumpay ni Liongo sa
pakikipagdigma laban sa Galla (Wagala),
kung saan ang hari nito ay nagpasyang
ipakasal ang kaniyang anak na babae kay
Liongo upang mapabilang ang bayani sa
kaniyang pamilya. Si Liongo ay nagkaroon
ng anak na lalaki na kalaunan ay
nagtaksil at pumatay sa kaniya.
IDEYANG TAGLAY NG AKDA

Minsan kahit ikaw na ang


pinakamalakas,
pinakamakapangyarihan, kahit bayani
ka pa, may mga tao paring kagagalitan
at ipagkakanulo ka. Kung minsan, ang
mga malalapit pa sa buhay mo ang
gagawa ng masama sayo
TEORYANG PAMPANITIKAN

■ TEORYANG KLASISMO – Ang bawat kabanata ng


mitong ito ay naitatak at napanatiling buhay sa
pamamagitan ng mga awitin at pagsasaling-dila.  
■ TEORYANG DEKONSTRUKSYON – Sa mga mito,
ang pangunahing tauhan ang binibigyang dangal at
papuri. Ngunit sa mitong ito, kabaliktaran ang
nangyari. Si Liongo ay kinaiinisan ng marami.
■ TEORYANG HISTORIKAL – May mga kultura at
paniniwala ang mga taga-Africa na nabanggit dito.
(matrilineal at patrilineal)
         TEORYANG KLASISMO – Ang bawat kabanata ng mitong ito ay naitatak at napanatiling buhay sa pamamagitan ng mga awitin at pagsasaling-dila.  
         TEORYANG DEKONSTRUKSYON – Sa mga mito, ang pangunahing tauhan ang binibigyang dangal at papuri. Ngunit sa mitong ito, kabaliktaran ang nangyari. Si Liongo ay kinaiinisan ng maram
         TEORYANG HISTORIKAL – May mga kultura at paniniwala ang mga taga-Africa na nabanggit dito. (matrilineal at patrilineal)

You might also like