You are on page 1of 4

Alegorya Ng Yungib (Sanaysay Mula Sa Greece)

Alegorya- ay isang kuwento, tula, o larawan na maaaring bigyang-kahulugan na ibunyag


ang isang nakatagong kahulugan.

o Ito ay karaniwang may paksang moral o pulitikal.

o Ito ay isang talinghaga kung saan ang mga ideya at mga prinsipyo ay inilarawan sa
mga tuntunin ng mga letra, mga numero at mga kaganapan.

Sanaysay - ay isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista


(pananaw) ng may katha.

o Ang mga sanaysay ay maaaring magkaroon ng mga elemento ng pagpuna,


opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, pang-araw-araw na pangyayari,
ala-ala ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao.

Uri ng Sanaysay

Sulating Pormal o Maanyo (Impersonal)

o ito'y maimpormasyon katulad ng naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman


sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo
sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay.

o Maanyo rin ito kung turingan sapagkat ito'y talagang pinag-aaralan.

o Maingat na pinili ang salita.

o Pampanitikan kaya makahulugan, matalinhaga , at matayutay.

o Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o
di kumikiling sa damdamin ng may-akda.

o Ang tono nito ay seryoso,pa intelektuwal, at walang halong pagbibiro.


Sulating Di-pormal (Impormal)

o ay nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksang karaniwan, pang


araw-araw at personal o isyung maaaring magpakilala ng personalidad ng manunulat o
pakikisangkot niya sa mga mambabasa.

o Idinidiin nito dito ang mga bagay-bagay ,mga karanasan ,at mga isyung bukod sa
kababakasan ng personalidad ng may-akda ay maaaring empatihayan o kasangkutan ng
mambabasang medya.

o Ang pananalita ay parang pinag-uusapan lamang, parang usapan lamang ng


magkakaibigan ang may-akda, ang tagapagsalita at mga mambabasa at ang tagapakinig
, kaya magaan at madaling maintindihan.

o Palakaibigan ang tono nito kaya pamilyar ang tono dahil ang paunahing gamit ay unang
panauhan.

o Subhektibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang


pananaw.

Ang mga pantas ng Griyego

1. Socrates (469 BC)


2. Plato (429-348 BC)
3. Aristotle (384-228 BC)

o Sila ay nagturo ng tamang daan upang lutasin ang suliranin ng tao.

o Sila din ang unang nagsiyasat at tumuklas sa totoong kalikasan ng tao.

a) Si Socrates ay isa sa pinakadakilang guro ng tao, ay ipinanganak sa Athens noong 469


BCC. Ibinunsod ng paniniwalang ang mapaunlad ang lipunan at ang kalagayan nito ang
siya ng pinaka-banal na Gawain ng kanyang panahon ay itinuon niya sa pagtuturo ang
kanyang sarili.

o Kanyang binalewala ang yaman at dangal na maging Sophists ng kanyang panahon,


isang kalagayang tinitingala sa mataas na antas ng lipunan at tagapayo ng mararangal
na tao.
o Ang pamamaraan na ginamit niya ay kilala sa tawag na Pamamaraang Socrates
(Socratic Method). Ito ay naglalaman ng dalawang (2) proseso: una ay ang tinatawag

o na ironic o kabaligtaran at ang pangalawa

o ay ang tinatawag na maieutic o ang patuluyang pagtatanong.

o Socrates: Ang Ignoranteng Tao ay Balon ng Kasamaan

o Naniniwala siyang mahalaga sa isang taong kilalaning mabuti ang sarili upang makita
ang saysay ng buhay.

o Upang matamo ang mga kasagutan tungkol sa sarili at lipunan, kailangang suriin ito sa
pamamagitan ng masusing pagtatanong.

o Marami ang nahikayat niya at naging tagasunod dahil na rin sa kanyang angking
karunungan.

o Hindi siya tumatanggap ng salapi bilang kabayaran.

o Nag-alala ang ilang may kapangyarihan sa Athens sa pangambang isang mapanganib


na kaisipan ang itinuturo ni Socrates, lalo na sa mga kabataan.

b) Si Plato (mga 427-347 B.C.E.) ay isang paganong pilosopong Griyego.

o Siya ay ipinanganak sa Atenas sa isang maharlikang pamilya at may mataas na pinag-


aralan.

o Malaki ang naging impluwensiya sa kaniya ng kilaláng pilosopo na si Socrates at ng


mga tagasunod ng matematiko at pilosopong si Pythagoras.

o itinuturing na isa sa pinakamaimpluwensiyang intelektuwal sa kasaysayan ng kulturang


Kanluranin.
o Sumulat siya ng mga akda sa mga paksang gaya ng etika, katarungan, karunungan,
pagiging katamtaman, debosyon, kaluluwa, at kagitingan.

o Ayon kay Plato: “[Kapag namatay,] kung ano talaga ang bumubuo sa atin,na tinatawag
nating imortal na kaluluwa, ay paroroon sa ibang mga diyos, . . para magsulit—isang
bagay na buong-tapang na hinaharap ng mabubuti, pero lubhang kinatatakutan ng
masasama.”
c) Si Aristotle- ay isang Griyegong pilosopo.

o Isa siyang mag-aaral ni Plato at ang guro ni Dakilang Alexander the Great.

o Nagsulat siya ng mga maraming aklat sa physics, panulaan, zoology, lohika,


pamahalaan,at biology at ibpa.

o Naging paksa niya rin ang edukasyon, mga banyagang kaugalian, panitikan, at
panulaan.

o Masasabing bumubuo ang kaniyang mga pinag samang mga akda ng isang
encyclopedia ng sinaunang Griyegong Kaalaman.

You might also like