You are on page 1of 6

1|P a g e IKATLONG LINGGO- UNANG MARKAHAN

ARALIN 3: PARABULA

PAGLALARAWAN SA SABJEK

Ang sabjek na ito ay naglalayong mapunan ng kaalaman, pag-unawa at mahalagang

pangkatauhan ang bawat mag-aaral. Ito rin ay magiging daluyan ng pagpapalitan ng karunungan
sa pagpapaunlad ng kamalayan sa gramatika at panitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng
interaktibong pamamaraan upang mahubog ang kanilang kakayahan sa kasanayang
pangkomunikatibo.

PAGLALARAWAN SA PAKSA

Ang parabula ay isang maikling kuwento na naglalayong magturo ng magandang-asal, ugali

at magbigay ng espiritwal na aral. Masasalamin sa mga parabula ang katotohanan, kabutihan at
kagandahang-asal. Ang katotohanan ay tumutukoy sa realistikong pangyayari at mga tauhan sa
parabula. Ang kabutihan at tumutukoy sa kabitihan ng mga tauhan samantalang ang
kagandahang-asalay tumutukoy sa mga pag-uugaling kalugod-lugod.

PANGKALAHATANG PAMPAGKATUTO

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang sa mga akdang

pampanitikang Mediterranean.

PAMANTAYANG PAGGANAP

Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga isinagawang critique sa

alinmang akdang pampanitikang Mediterranean.

MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES

1. Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad ng  katotohanan,

kabutihan, at kagandahang-asal.

2. Nabibigyang reaksyon ang mga kaisipan o ideya sa tinalakay na akda.

MGA LAYUNIN

1. Nasasagot nang maayos ang mga tanong sa akdang binasa.

2. Naipahahayag nang malinaw ang bahagi ng akda na nagpapakita ng   katotohahan,

kabutihan, at kagandahang-asal.

3. Nakasusulat ng isang maikling pagpapaliwanag o talata sa ilang bahagi ng parabula na

maaaring iugnay sa kasalukuyang pangyayari.

PARABULA

FILIPINO 10 Guro: Bb. Maraia S. Vanzuela

2|P a g e IKATLONG LINGGO- UNANG MARKAHAN

FILIPINO 10 Guro: Bb. Maraia S. Vanzuela

3|P a g e IKATLONG LINGGO- UNANG MARKAHAN

ALAMIN MO!
Ang parabula ay isang maikling kuwento na naglalayong magturo ng magandang asal,
ugali at magbigay ng espiritwal na aral. Masasalamin sa mga parabula ang katotohanan,
kabutihan at kagandahang-asal. Ang katotohanan ay tumutukoy sa realistikong pangyayari at
mga tauhan sa parabula. Ang kabutihan ay tumutukoy sa kabutihan  ng mga tauhan samantalang
ang kagandahang-asal ay tumutukoy sa mga pag-uugaling kalugod-lugod. 
Madalas hanguin ang mga kuwento sa mga turo ni Hesus at sa mga tala sa Bibliya. Ang pokus
sa mga parabula ay sa mga aral mula rito.
     Taglay rin ng parabula ang karaniwang mga elemento ng kuwento: mga tauhan, tagpuan, at
banghay. Ito ay may payak o simpleng banghay ngunit ay may malalim na simbolo.

 Subukang kilalanin ang mga parabula sa panitikang Filipino gamit ang mga larawang ito.

Larawan A Larawan B

Larawan C

FILIPINO 10 Guro: Bb. Maraia S. Vanzuela

4|P a g e IKATLONG LINGGO- UNANG MARKAHAN

Nakuha mo ba ang sagot? TAMA!

Larawan A - Ang Alibughang Anak
Larawan B - Ang Sampung Dalaga
Larawan C - Ang Mabuting Samaritano

PARABULA NG ASAROL

Isang magsasaka ang nag-araro ng kaniyang bukid araw-araw nang mga nagdaang taon.
Mahirap na trabaho pero sagana naman siya. Isang araw ay tinanong niya ang sarili bakit
nagpapakahirap siya.

May isang monghe na kumatok sa bahay niya at humihingi ng limos. Naisip niya na
maganda ang buhay ng monghe, walang masyadong responsibilidad. Kaya, nagpasya siyang
iwanan ang kaniyang mga ari-arian at magmonghe rin.

Pagkatapos niyang umalis ng bahay, naramdaman niyang walang kalaman-laman ang

kaniyang mga kamay. Nahirati kasi siyang laging hawak ang asarol sa araw-araw at ngayon ay
para siyang nanibago.

Bumalik siya sa kaniyang bahay, kinuha niya ang asarol at nag-isip siya kung ano ang
gagawin niya doon. Nanghihinayang siyang itapon iyon dahil sa matalim at makintab dahil sa
dalas nang gamit niya. Binalot niya ito at itinago sa loob ng bahay. Pagkatapos ay umalis ulit
siya. Ang magsasaka ay nagpumilit matupad ang mga kinakailangan para maging mabuting
monghe. Pero, hindi niya mapigilan ang pagbabalik-alala sa kaniyang asarol tuwing napapadaan
siya sa isang taniman. Umuuwi siya at hinihimas ang asarol pagkatapos ay balik ulit siya sa
templo.

Dumaan ang pito hanggang walong taon, naramdaman niyang tila hindi siya masaya sa
pagiging isang malayang monghe at pagkatapos niyang magpakabanal. Mayroong sagabal at
iyon ang nagpapabigat sa kaniyang kalooban. Umuwi siya sa bahay, kinuha niya ang asarol at
itinapon niya sa lawa. Pagkatapos lumubog ang asarol at tuwang-tuwa na nagsisigaw ang
magsasaka ‘’Nanalo ako, nagwagi ako.’’ Nang oras na iyon ay dumaan ang hari at ang batalyon
nito mula sa matagumpay na pakikidigma. Narinig niya ang monghe at tinanong,’’Ano ang
iyong napanalunan?Bakit ka masayang-masaya?’’

‘’Natalo ko ang masasamang damdamin na nasa aking puso. Pinalaya ko na ang aking sarili sa
mga materyal na bagay na siyang nagpapabigat sa akin na nais na maging isang nilalang.
Namasdan ng hari na masaya talaga ang monghe dahil sa siya ay malaya na sa mga pagnanasa sa
mga bagay na materyal. Nag-isip din siya. ‘’Nanalo nga ako pero ako ba ay masaya? Kinamkam
ko ang mga lupang hindi sa akin. Hindi ito ang tunay na tagumpay.

Napag-isip din ng hari na ang tunay na matagumpay ay ang karaniwang tao na napalaya ang
sarili sa pag-iimbot ng mga bagay na pang materyal ay ang tunay na nagwagi.

 Alamin ang kahulugan ng ilan sa mga salita.

1. sagana - marami
2. nagpasya - nagdesisyon
3. nahirati - nasanay
4. sagabal - hadlang
5. kinamkam - kinuha
6. pag-iimbot - pagkamakasarili

FILIPINO 10 Guro: Bb. Maraia S. Vanzuela

5|P a g e IKATLONG LINGGO- UNANG MARKAHAN

GAWAIN
Pangalan: _______________________ Baitang at Seksyon: ________________
Guro: Bb. Maraia S. Vanzuela Skor:

SAGUTIN MO!

A. Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan na hango mula sa parabulang binasa. Dalawang puntos
sa bawat bilang.

1-2. Paano naakit ang magsasaka na maging monghe?

______________________________________________________________________________

 3-4. Sa iyong palagay, tama ba ang desisyon ng magsasaka na magmonghe? Bakit?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

FILIPINO 10 Guro: Bb. Maraia S. Vanzuela

6|P a g e IKATLONG LINGGO- UNANG MARKAHAN

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

5-6. Ipaliwanag ang winika ng monghe sa hari:

     ''Natalo ko ang masasamang damdamin na nasa aking puso. Pinalaya ko ang aking sarili sa
mga materyal na bagay na siyang nagpapabigat sa akin bilang isang nilalang.''

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

7-8. Ano-ano ang aral ang nais iparating ng parabula sa mambabasa?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

B. Panuto: Suriin ang mga bahagi ng akdang nakalahad sa ibaba.  Ipaliwanag at alamin

kung ang bahaging ito ay nagsasaad ng katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal.
Isulat ang sagot sa kahon sa ibaba.

Unang Bahagi: Isang magsasaka ang nag-araro ng kaniyang bukid araw-araw nang mga
nagdaang taon. Mahirap na trabaho pero sagana naman siya. Isang araw ay tinanong niya ang
sarili kung bakit nagpapakahirap siya.

 Ikalawang Bahagi: Ang magsasaka ay nagpumilit maituwid ang mga kinakailangan para
maging mabuting monghe. Pero, hindi niya mapigilan ang pagbabalik-alala sa kaniyang asarol
tuwing mapapadaan siya sa sa isang taniman. Umuuwi siya at hinihimas ang asarol pagkatapos
ay babalik uli siya sa templo.

 Ikatlong Bahagi: Dumaan ang pito hanggang walong taon, naramdaman niyang tila hindi siya
masaya bilang malayang monghe pagkatapos niyang magpakabanal. Mayroong sagabal at iyon
ang nagpapabigat sa kaniyang kalooban. Umuwi siya sa bahay, kinuha niya ang asarol at
itinapon niya sa lawa.

 Ikaapat na Bahagi:  Nag-isip din siya.''Nanalo nga ako pero ako ba ay masaya? Kinamkam ko
ang mga lupang hindi sa akin. Hindi ito ang tunay na tagumpay.''

UNANG BAHAGI

________________________________________________________________________________

IKALAWANG BAHAGI

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
FILIPINO 10 Guro: Bb. Maraia S. Vanzuela
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

You might also like