You are on page 1of 6

DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE

Mangagoy, Bislig City


COLLEGE OF BUSINESS MANAGEMENT

Bilang ng Modyul 1
Pamagat ng Modyul Batayang Kaalaman sa Wika

Bilang ng Oras APAT NA ORAS


Linggo 1
Petsa Aug. 24 – 28, 2020

Paksa:
1. Wika
a. Kahulugan
b. Kalikasan
c. Katangian
Layunin:
1. Natutukoy ang kahulugan ng wika
2. Napapahalagan ang bawat tungkulin ng mga ito.
3. Nakakagawa ng isang sanaysay na nakapagpapahalaga sa wika.

Introduksyon

Ang wika ay bahagi ng ating kultura. Ang wika bilang kultura ay koliktibong kaban ng karanasan
ng tao sa tiyak na lugar at panahon ng kaniyang kasaysayan. Sa isang
wika makikilala ng bayan ang kanyang kultura at matututuhan niya
itong angkinin at ipagmalaki.
Ang wika ay mabisang kasangkapan ng tao sa pakikipag-
unawaan sa kanyang kapwa Ito ay biyayang galing sa Diyos upang
ipaabot ng tao ang kanyang iniisip, nadarama, nakikita at nararanasan
sa kanyang kapaligirang ginagalawan. Samakatuwid, ito ay isang daan
sa pakikipagsapalaran at pagsulong ng bansa sa iba’t ibang aspeto ng
buhay. Ang wika ay isang sistematikong balangkas ng mga sinasalitang
tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong may iisang kultura.
(Henry Gleason)

TALAKAYAN

Kahalagahan ng Wika

Mahalaga ang wika sapagkat:

1. ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon;


2. ginagamit ito upang malinaw at efektivong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao;
3. sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan;
4. at isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman.

May iba’t ibang katangian ang wika

1. Ang wika ay likas at katutubo, kasabay ito ng tao sa pagsilang sa mundo


2. May kayarian at nakabubuo ng marming salitang may mga kahulugan ang isang wika
3. May pagbabago ang wika, di napipigilan para umunlad
4. May sariling kakanyahang di-inaasahan, ang wika ay nalilikha ng tao upang ilahad ang
nais ipakahulugan sa kanyang mga kaisipan (nanghihiram sa ibang wika upang

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF BUSINESS MANAGEMENT

makaagapay sa mga pagbabagong nagaganap sa kapaligiran)


5. May kahulugan ang salita na batay sa taglay na ponolohiya, palatunugan at diin
6. Nauuri ang wika sa kaanyuan, kaantasan, ponolohiya at kalikasan.

Iba pang mga katangian ng wika:

1. Ang wika ay masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog
(fonema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita
(morfema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga
pangungusap. Ang pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa
pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.

a. Ponolohiya o fonoloji – pag-aaral ng fonema o ponema; ang fonema ay tawag sa


makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika. Halimbawa ay ang mga
fonemang /l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/ at /t/ na kung pagsama-samahin sa makabuluhang
ayos ay mabubuo ang salitang [lumipat].

b. Morpolohiya o morfoloji – pag-aaral ng morfema; ang morfema ay tawag sa


pinamakamaliit na makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa Filipino ang tatlong
uri ng morfema ay ang salitang-ugat, panlapi at fonema.

Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing, doktor, dentista


Panlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-han
Fonema = a
*tauhan, maglaba, doktora

c. Sintaksis – pag-aaral ng sintaks; sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga


pangungusap sa isang wika. Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at
posible namang pagbaligtaran ito. Samantalang sa Ingles laging nauuna ang paksa.

Hal. Mataas ang puno.


Ang puno ay mataas.
The tree is tall. (hindi maaaring ‘Tall is the tree.’ o ‘Tall the tree.’)

d. Semantiks – pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap;


ang mga salita sa pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa
pangungusap upang maging malinaw ang nais ipahayag.

2. Ang wika ay sinasalitang tunog

Ito ay sinasalita na galing sa magkasunud-sunod na tunog na humuhugis sa paraan ng mga iba’t


ibang kasangkapan sa pagsasalita na tinatawag na mga bahagi ng pagsasalita o speech organs

3. Ang wika ay arbitraryon simbolo ng mga tunog

Sa katangiang ito, ang mga salita ay tumututok sa mga salitang simbolo. Napapaloob sa
katawagang ito ang dualismo na isang pananagaisag at isang kahulugan
Halimbawa:

Kung ikaw ay nasa Pangasinan, kailangan ang wikang iyong sinasalita ay ang wikang gamitin sa
Pangasinan upang magkaroon ka ng direktang ugnayan sa lipunang iyong ginagalawan.

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF BUSINESS MANAGEMENT

Ang pagiging "arbitrary" ng wika ay maari ring maiayon sa konbensyunal na pagpapakahulugan


ng salitang ginagamit. Walang kaugnayan ang salitang ginagamit sa ipinakakahulugan nito. Isang
halimbawa ay ang salitang "aso" sa ingles ang gamiting salita ay "dog", sa Ilokano, ito ay "aso", sa
Pangasinan ito ay "aso" maaaring pareho ang mga salitang ginamit dahil ang mga gumagamit ng wika ay
napagkayariang ito ang gamiting salita kaya't ito ang pangkalahatang gamit sa salitang "aso"

4. Ang wika ay komunikasyon

Muli, ito ay kasangkapan ng komunikasyon ng dalawa o higit pang nag-uusap na mga tao. Sa
ganitong paraan, maipapahayag ang mga damdamin, kaisipan, pangarap, imahinasyon, layunin, at
pangangailangan ng tao.

5. Ang wika ay pantao

Ang wika ay isang eksklusibong pag-aari ng mga tao nga sila mismong lumikha at sila rin ang
gumagamit. Dala-dala ng mga tao nito bilang kasangkapan ng pakikipagtalastasan

6. Ang wika ay kaugnay ng kultura


Paanong nagkakaiba-iba ang wika sa daigdig? Ang sagot ay makikita sa pagkakaiba-iba ng mga
kultura ng mga bansa at pangkat. Ito ang paliwanag kung bakit may mga kaisipan sa isang wika ang
walang katumbas sa ibang wika. Pansinin natin ang pagkakaiba ng wikang Filipino sa Ingles. Anu-ano ang
iba't ibang anyo ng "ice formations" sa Ingles? Ngunit ano ang katumbas ng mga iyon sa Filipino? Maaring
yelo at niyebe lamang, ngunit ano ang katumbas natin sa iba pa? Wala, dahil hindi naman bahagi sa ating
kultura ang "glacier", "icebergs", "forz", "hailstorm" at iba pa.

7. Ang wika ay ginagamit

Kailangan itong gamitin na instrumento sa komunikasyon. Unti-unting mawawala ito kapag hindi
ginagamit.

8. Ang wika ay natatangi

May kaibahan ang bawat wika sa ibang wika. Walng dalawang wika na magkatulad. Ang bawat
wika ay may sariling sistema ng palatunugan, palabuuan, at palaugnayan; at may sariling set ng mga
bahagi.

9. Ang wika ay dinamiko

Ito ay buhay at patuloy sa pagbabago nang dahil sa patuloy rin na nagbabago ang pamumuhay ng
tao at iniangkop ang wika sa mabilis na tkbo ng buhay na dulot ng agham at teknolohiya.
Halimbawa: BOMBA
Kahulugan:
a. Pampasabog
b. Igipan ng tubig mula sa lupa
c. Kagamitan sa palalagay ng hangin
d. Bansag sa malalaswa at mapanghalay na larawan at pelikula
e. Sikreto o baho ng mga kilalang tao

10. Ang wika ay malikhain

Ang anumang wika ay may abilidad na makabuo ng walang katapusang dami ng pangungusap.

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF BUSINESS MANAGEMENT

11. Ang wika ay makapangyarihan.


Maaaring maging kasangkapan upang labanan ang bagay na salungat sa wastong pamamalakad at
pagtrato sa tao. Isang halimbawa nito ay ang wastong pamamalakad at pagtrato sa tao. Isang halimbawa
nito ay ang walang kamatayang akdang "Uncle Tom's Cabin" na isinulat ni Stowe. Dahil sa nobelang ito,
nagkaroon ng lakas ang mga aliping itim na ipaglaban ang kanilang mga karapatang pantao laban sa mga
Amerikano. Ang salita, sinulat man o sinabi ay isang lakas na humihigop sa mundo. Ito ay nagpapatino o
nagpapabaliw, bumubuo o nagwawasak, nagpapakilos o nagpapahinto.

12. Ang wika ay kagila-gilalas.


Bagama't ang pag-aaral ng wika ay isang agham, kayraming salita pa rin ang kay hirap ipaliwanag.
Pansinin ang mga halimbawa:

a. may ham nga ba sa "hamburger"? (beef ang laman nito at hindi hamo)
b. may itlog nga ba sa gulay na "eggplant"?

13. Ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at
istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na komon sa ibang wika samantalang may
katangian namang natatangi sa bawat wika.

Halimbawa:
Wikang Swahili – atanipena (magugustuhan niya ako)
Wikang Filipino – Opo, po
Wikang Subanon – gmangga (mangga)
Wikang Ingles – girl/girls (batang babae/mga batang babae)
Wikang Tausug – tibua (hampasin mo), pugaa (pigain mo)
Wikang French – Francois (pangngalan /fransh-wa/)

Mapapansin sa wikang Swahili (isang wika sa Kanlurang Afrika) isang salita lamang
ngunit katumbas na ng isang buong pangungusap na yunik sa wikang ito. Sa Filipino
lamang matatagpuan ang mga salitang opo at po bilang paggalang. Sa Subanon naman,
mayroong di pangkaraniwang ayos ng mga fonema gaya ng di-kompatibol na dalawang
magkasunod na katinig sa iisang pantig na wala sa karamihang wika. Sa Ingles naman,
isang fonema lamang ang idinagdag ngunit nagdudulot ng makabuluhang pagbabago.
Sa Tausug naman ang pagkabit ng fonemang /a/ ay nagdudulot na ng paggawa sa kilos
na saad ng salitang-ugat. Sa French naman, mayroon silang natatanging sistema sa
pagbigkas ng mga tunog pangwika.

Mga Gawain

Pagtiyak sa Kaalaman
Sa tulong ng concept map.isa-isahin ang pagkakaiba ng mga katangian ng wika na tinalakay at binasa
ninyo.Magbigay lamang ng tatlong katangian sa bawat katangian ng wika.Lagyan ng pangkalahatang
paliwanag ukol sa mahalagang papel ng tatlong katangian ng wika sa paglinang ng komunikasyon at
panlipunang pakikipagpag-ugnayan ng isang indibidwal.

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF BUSINESS MANAGEMENT

Paliwanag

_________________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.

Gawain Blg 2.Nakabubuo ng diyalogo o pahayag ang tatlong speech bubbles na nagpapakita ng
katangian ng wika.Siguruhin may ugnayan ang bawat isa.

Pagpapahalaga

Kung bibigyan ka ng pagkakataong magdagdag ng isang katangian ng wika,ano-ano ito?Ano sa


palagay mo ang magiging ambag sa wika ng bawat batas na iyong akda.

Katangian ng wika :_______________________________________

Paliwanag
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________

ELMER A.TARIPE
Instructor
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF BUSINESS MANAGEMENT

Rubrik sa pagtatasa ng isinulat na mga pahayag

Mayaman sa nasaliksik na impormasyon 20%


Malinaw ang pagtatalakay at paghahanay ng mga kaisipan 15%
Tama ang gamit ng bantas,baybay at kapitalisasyon 10%
Nakawiwiling basahin 5%
________________________
Kabuuan 50 %

41-50-Lubhang kasi-siya ang husay sa pagsulat


31-40-Kasi-siya ang husay sa pagsulat
16-30-Katamtaman ang husay sa pagsulat
0-15-Kailangan pang pagbutihin

Mga Sanggunian

Zafico,Marvin,M.et.al,Kontekswalisadong Komunikasyon sa Filipino,Jimczyville Publications,Malabon


City,2016
Maranan,H.Mario,Kontekswalisadong Komunikasyon sa Filipino,Mindshapers
Co.Inc,Intramuros,Manila,2018

ELMER A.TARIPE
Instructor

You might also like