Professional Documents
Culture Documents
KABANATA I
ANG WIKA AT ANG MAHAHALAGANG KONSEPTONG PANG WIKA
Layunin ng kabanata:
Maraming Ibat’t ibang wika sa daigdig at bawat isa’y may kahulugan. Ngunit kung hindi akko marunong ng wikang ginagamit ng
aking kausap, hindi kami magkakaunawaan.” -1 Korinto 14:10-11
Kahulugan ng Wika
Ang wika ay bahagi ng ating kultura. Ang wika bilang kultura ay koliktibong kaban ng karanasan ng tao sa tiyak na lugar
at panahon ng kaniyang kasaysayan. Sa isang wika makikilala ng bayan ang kanyang kultura at matututuhan niya itong angkinin at
ipagmalaki.
Ang wika ay mabisang kasangkapan ng tao sa pakikipag-unawaan sa kanyang kapwa Ito ay biyayang galing sa Diyos
upang ipaabot ng tao ang kanyang iniisip, nadarama, nakikita at nararanasan sa kanyang kapaligirang ginagalawan. Samakatuwid,
ito ay isang daan sa pakikipagsapalaran at pagsulong ng bansa sa iba’t ibang aspeto ng buhay.
Ang wika ay isang sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong may iisang kultura. (Henry Gleason)
Itinuturing ang wika bilang saplot ng kaisipan; gayunman, mas angkop marahil sabihing ang wika ay ang saplot-kalamnan,
ang mismong katawan ng kasipan. (Thomas Caryle)
Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o
makipagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao. (Pamela Constantino at Galileo Zafra)
Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat at pasalitang simbulo
(Webster, 1974)
Ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. (Archibald Hill, What is language,
c1980s)
Kakanyahan ng Wika
1. Ang wika ay tunog – nagsisimula ang isang wika sa mga tunog na nagsisilbing berbal na mga simnolong nabubuo at
nirerepresenta ng mga letra.
2. Ang wika ay arbitraryo – pinagkakasunduan ng isang grupo ng taong gumagamit ng wika gayundin, ang bawat wika ay may
kakaibang katangiang nabubukod sa iba pang wika.
3. Ang wika ay masistema – ang anumang wika ay may sinusunod na organisasyon at may taglay na istruktura (ponolohiya,
morpolohiya, sintaks, semantika at pragmatiks).
Filipino Bilang Ikalawang Wika 1
Ponema – tumutukoy sa makabuluhang tunog ng isang wika.
Ponolohiya – makaagham na pag-aaral ng makabuluhang tunog sa isang wika
Morpema – tumutukoy sa pinakamaliit na yunit ng isang salita.
Morpolohiya – makaagham na pag-aaral sa mga morpema ng isang wika.
Sintaks – tumutukoy sa masistemang palabuuan ng mga sugnay, parirala at pangungusap.
Semantiks – Pag-aaral sa kahulugan ng isang wika.
Pragmatiks - Pag-aaral kung papaano iniimpluwensyahan ng konteksto ang paraan ng paghahatid ng impormasyon
ng mga sentens. Samakatwid, ito ay pag-aaral ng aktwal na pagsasalita.
4. Ang wika ay sinasalita – nabubuo ang wika sa tulong ng mga aparato at iba’t ibang sangkap sa pagsasalita tulad ng labi, dila,
ngipin, ilong, lalamunan at iba pa.
5. Ang wika ay nakabuhol sa kultura – Pinatutunayan lamang na walang superyor na wika sapagkat ang bawat wika ay may
sariling kakanyahang kultural. Ibigsabihin, hinuhubog ng wika ang kultura at hinuhubog naman ng kultura ang wika (Sapir at
Whorf, w.p.)
6. Ang wika ay daynamiko – nagbabago ang wika batay sa nagbabagong panahon. Nagkakaroon ng mga bagong salita at
nakapaglilinang din ng bagong pagpapakahulugan batay sa sumusulong na panahon. Halimbawa: Ang toxic noon ay lason
ngayon ay labis na pagkapagod.
7. Ang wika ay malikhain – paggamit ng wika sa sariling kaparaanan at batay sa sumusulong na mga pangkat ng taong may
itinatampok na identidad. Binigyang-diin nito ang pagigingdistinct na anyo ng ekspresyon o paggamit ng wika sa pagpapahayag
ng saloobin, damdamin o naiisip. Hallimbawa: ang sumisibol na pamamaraan ng mga jejemon at bekimon.
8. Ang wika ay makapangyarihan – ginagamit ang wika sa pagtatamo ng impluwensiya para makapagpabago ng pananaw,
makaimpluwensya ng kaisipan, makabuo ng mga bagong ideya, makapaapekto sa pagsusulong ng mga pamamaraan at polisiya
at higit ay makapagpakilos.
DIYALEKTO - Batay sa lugar, panahon at katayuan sa buhay. Nakikita ito kaugnay ng pinanggagalingang lugar ng
tagapagsalita o grupo ng tagapagsalita sa isa sa tationg dimensyon: espasyo, panahon at katayuang sosyal. Nagkakaiba rin sa
tono, bigkas, at talasalitaan.
IDYOLEK -Isang varayti na kaugnay ng personal na kakanyahan ng tagapagsalita o wikang ginagamit ng partikular na
indibidwal. Kumakatawan din ito sa paraan ng pananalita ng pamayanang ito. Pampersonal na gamit ito ng wika na kadalasang
yunik sa kanyang pagkatao .. Indibidwal na pagkakaiba
SOSYOLEK Ang sosyal na varayti ng wika. Ito ay tumutukoy sa mga register o jargon na salitang nabubuo. Ito ay nagbabago
o pabagu –bago. Kabilang dito ang mga salitang balabal.
LINGUA FRANCA Pagkakaroon ng wikang maguugnay sa dalawa o higit pang tao o grupo ng tao na may kanya-kanyang
sariling wika. Ang malinaw na halimbawa nito ay ang wikang Ingles na ngayo’y tinuturing na lingua franca ng mundo.
Oktubre 27, 1936 – Paglikha Surian ng Wikang Pambansa na ang layuning makapgpaunlad at makapgpatibay ng isang
wikang panlahat na batay sa isang wikang umiiral.
Enero 12,1937 – Hinirang ni Pangulong Manuel L. Quezon ang mga kagawad na bubuo ng Suriang Wikang Pambansa.
Disyembre 30,1937 – Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ipinahayag ng Pangulong Quezon ang Wikang Pambansa ng
Pilipinas na batay sa TAGALOG.
Hunyo 18,1937 – Pagbibigay ng mga dahilan sa pagpahayag na ang Tagalog ang Wikang Pambansa:
Filipino Bilang Ikalawang Wika 2
1. Tagalog ang wikang pambansa sa dahilng ito’y nahahawig sa maraming wikain ng bansa.
2. Ang bilang ng mga salitang wikang banyaga ay matatagpuan din sa lahat halos na talatinigan ng inang wikain sa
Pilipinas.
3. Mayaman ang Tagalog sapagkat sa pamamagitan ng paglalapi at pagtatambal ay dumarami ang mga salita.
4. Napakadali pag –aralan ng Tagalog.
Setyembre 23,1955 – Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg.186. Ipinahayag na ang pagdiriwang
ng Linggo ng Wikang Pambansa taun –taon simula ika - 13 hanggang ika -19 ng Agosto. Napakaloob sa panahong saklaw
ang pagdiriwang ng kaarawan ni Quezon (Agosto 19).
Agosto 13, 1959 – Pinalabas ng Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon. Tinutukoy nito na nag Wikang
Pambansa ang salitang Pilipino.
Octubre 24,1967 - Nilagda ni Panglung Marcos ng isang kautusan na ang Pilipino ang gagamitin ng mga opisina at mga
gusali ng pamahalaan.
Pebrero 2,1987 – Pinagtibay ng Bagong Kostitusyon ng Pilipinas sa Artikulo XIV, seksyon 6 -9 na nagsasaad na ang
Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Kahalagahan ng Wika
Sa sarili
Sa lipunan Sa Kapwa
WIKA
Instrumento ng Komunikasyon - Hindi na mahalaga ang mataas na kaalaman sa wika, sapat na ang nagkakaunawaan gamit
ang wika
Nagbubuklod ng Bansa - Wika ang naging dahilan upang magkaisa ang mga tao, umunlad at makamit ang kalayaan
Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip- Nagpapalawak ng ating imahinasyon, pagpapakita ng emosyon at leybel ng wika
Nag-iingat at nagpapalaganap ng kaalaman – Paglalakbay, Pagsasalin, Pagtatala, Midyum ng Karunungan
TUNGKULIN NG WIKA
KAANTASAN NG WIKA
Filipino Bilang Ikalawang Wika 3
A. PORMAL - Ito ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakakarami lalo na ng mga
nakapag – aral ng wika.
1. PAMBANSA - Ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/ pambalarila sa lahat ng mga paaralan.
Ito rin ang wikang kadalasang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan. Halimbawa: Asawa, Anak,
Tahanan
2. Pampanitikan o Panretorika -Ito naman ang mga salitang ginagamit ng mga manunulat sa kanilang mga akdang
pampanitikan. Ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalim, makukulay at masining. Halimbawa: Kahati sa
buhay Bunga ng pag-ibig Pusod ng pagmamahalan
B. IMPORMAL - Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap at
pakikipagtalastasan
1. Lalawiganin - Ginagamit ito sa mga partikular na pook o lalawigan lamang. Makikilala rin ito sa pagkakaroon ng kakaibang
tono o ang tintawag ng marami na punto.
Halimbawa: Papanaw ka na ? (Aalis ka na?) Nakain ka na? (Kumain ka na?) Buang! (Baliw!)
2. Kolokyal - Ito’y mga pang – araw –araw na saita na ginagamit sa mga pagkakataong inpormal. Maaring may kagaspangan
ng kaunti ang salita ngunit maari rin itong refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpaaikli ng isa, dalawa o
higit pang salita lalo na sa pasalitang komunikasyon ay mauuri rin sa antas nito.
Halimbawa: Nasan, pa`no, sa’kin, Kelan, Meron ka bang dala?
3. Balbal - Ito ang tintawag sa Ingles na slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas na ito; ikalawa sa antas
bulgar.
Halimbawa: Chicks (dalagang bata pa)
Orange (beinte pesos)
Pinoy (Pilipino)
Karaniwang paraan ng pagbuo ng salitang balbal:
1. Paghango sa mga salitang katutubo
Halimbawa: Gurang (matanda) Bayot (bakla) Barat (kuripot)
2. Panghihiram sa mga wikang banyaga
Halimbawa: Epek (effect) Futbol (naalis, natalsik) Tong (wheels)
3. Pagbibigay ng kahulugan ng salitang tagalog
Halimbawa: Buwaya (crocodiles – greedy) Bata (child – girlfriend) Durog (powdered – high in addiction) Papa (father –
lover
4. Pagpapaikli
Halimbawa: Pakialam – paki Tiyak – tyak
5. Pagbabaliktad Buong Salita
Halimbawa: Etned – bente Kita – atik Papantig Halimbawa: Dehin – hindi Ngetpa – Panget Tipar – Part: Security – Sikyo
Brain Damage – Brenda Panghihiram at Pagdaragdag Halimbawa: Get – Gets/Getsing Cry – Crayola
GAWAIN 1.0
Pangalan: Kurso/taon:
Petsa: Student No.
PAGSASANAY 1.0
Pangalan: Kurso/taon:
Petsa: Student No.
REPLEKSYON
Rubriks
Mungkahing Babasahin
Arrogante, Jose A., et.al. (2000), Sining ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Navotas Press, National Book Store
Compilation of Reports, Introduction to Descriptive Linguistics, MAED-Filipino, RMTU-Graduate School
Mga Sanggunian
Ampil, R., et al. (2010). Akademikong Filipino sa Komunikasyong Global. Manila City. University of Santo Tomas Publishing House.
Arrogante, Jose A., et.al. (2000), Sining ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Navotas Press, National Book Store
Tanawan-Sunga, Dolores, S, et. al., Istruktura ng Wikang Filipino, Navotas Press, National Book
Mayos, Norma, S., et.al. (2006), Ang guro ng Bagong Milenyo: Mga Kagamitang Panturo sa Filipino, JIMCY Publishing House