You are on page 1of 20

COR 2

KOMUNIKASYON at PANANALIKSIK sa
WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Inihanda ni:
Guro: Ms. Luzy P. Ashooriyan, LPT
Email: luzy.ashooriyan@dvci-edu.com
FB account: Mariah Ashooriyan
Mobile #: 09364444616/09122462322

Noted by: Approved by:


Marilou S. Tejero, LPT Rosie Dela Cruz, PhD.
SHS Principal Interim President

1
11-ABM
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Ika-11 Baitang
Accountancy, Strand ng Negosyo at Pamamahala
Deskripsyon ng Kurso: Pag-aaral tungo sa pananaliksik ukol sa kalikasan, katangian, pag-unlad,
gamit at paggamit ng Wikang Filipino sa mga sitwasyong komunikatibo at kultural sa lipunang
Pilipino.

KONSEPTONG PANGWIKA

Mga Kasanayang Pampagkatuto:

 Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong


pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, at mga panayam
 Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika

 Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood na sitwasyong pang komunikasyon sa telebisyon

 Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan

 Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba pa) sa pag- unawa sa mga konseptong
pangwika

Talasalitaan

Wika – isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng


pagsulat at pasalitang simbolo
Ponema – pinakamaliit na yunit ng makabuluhang tunog
Morpolohiya – makaagham na pag-aaral ng mga morpema o pagbuo ng salita
Ponolohiya – makaagham nap ag-aaral ng mga ponema
Siktaksis – makaagham nap ag-aaral ng mga pangungusap
Morpema – makabuluhang pagsasama ng mga tunog/maliit nay unit ng salita
Diskurso – makahulugang palitan ng mga pangungusap ng dalawa o higit pang tao

2
11-ABM
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
ARALIN 1

Ano nga ba talaga ang wika? Bakit ito’y totoong kumplikado at tunay na may kapangyarihan?

Ang salitang wika ay nagsimula sa salitang “lengua” na ang literal na kahulugan ay dila at
wika. Maraming kahulugan at kabuluhan ang wika tulad ng; ito ay behikulo ng paghahatid
ng mga impormasyon saan mang lugar ka naroon, sa paaralan, tahanan o kahit saan.
Instrumento din ito ng komunikasyon sa pamamagitan din ng wika, mabilis na
naipapalaganap ang kultura ng bawat pangkat. Higit sa lahat simbolo ito ng kalayaan. Sa
kabilang dako, nagkaroon ng ibang kahulugan at kabuluhan ang wika sa Wikang Pambansa,
Wikang Opisyal at Wikang Panturo.

Ang kahulugan ng wika bilang representasyon ng karanasan ay nag iiba sa bawat tao. Ito ay umuunlad at
patuloy na nagbabago. Kailanman ito’y hindi static. Ito ang pinakadakilang biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa tao ay
wika. Ito ang kasangkapan upang maipadama ng tao sa kanyang kapwa ang kanyang iniisip, nadarama at nakikita tungkol
sa paligid.

Wika: Kahulugan, Katangian at Kahalagahan

Iba’t-ibang Pakahulugan ng Wika

1. Gleason (1961) – ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at


isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakikipagtalastasan ng mga taong nasa iisang
kultura.
2. Finnocchiaro (1964) – ang wika ay isang sistemang arbitraryo ng simbolong pasalita na
nagbibigay pahintulot sa mga taong may kultura o ng mga taong natutunan ang ganoong kultura
upang makipagtalastasan o di kaya’y makipag-ugnayan.
3. Sturtevant (1968) – ang wika ay isang Sistema ng mga simbolong arbitraryo
ng mga tunog para sa komunikasyong
pantao.
4. Hill (1976) – ang wika ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong
pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita
at isinasaayos sa mga klase at padron na lumilikha at simetrikal na estraktura.
5. Brown (1980) – ang wika ay masasabing sistematiko. Set ng mga simbolikong
arbitraryo, pasalita, nagaganap sa isang kultura, pantao, at natatamo ng lahat ng tao.
6. Bouman (1990) – ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa isang
tiyak na lugar, para sa isang partikular na layunin na ginagamitan ng mga verbal at viswal na
signal para makapagpahayag.
3
11-ABM
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
7.
Webster (1990) – ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang
maituturing na komunidad.
8. Edward Sapir - ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,
damdamin at kaisipan.
Matatagpuan sa wika ang mga tanda at simbolo na nagkakaroon ng kahulugan ayon sa mga gumagamit nito. Ang mga
simbolo o tanda ay maaring salita, bilang, drowing, larawan o anumang hugis na kumakatawan sa konsepto, ideya o
bagay.
9. Lachica (1993) - Ang mga tao’y nabubuhay sa mga simbolo na kinukontrol naman nila. Ang kakayahan
ng mga tao na kontrolin ang mga simbolong ito ay napatangi sa kanya sa iba pang nilikha. Ito rin ang
ikinaiba ng tao sa hayop.
10. Carol (1964) - Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan.
11. Todd (1987) - Ang wika ay isang set o kabuuan ng ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon – hindi lamang
binibigkas na tanong kungdi’y ito’ sinusulat din.
Ang mga tunog at sagisag na ito ay arbitraryo at sistematiko. Dahil dito, ayon sa kanya, walang wikang magkpareho bagamat bawat
isa ay may sariling set ng tuntunin.

12. Bram – ang wika ay nakabalangkas na Sistema ng arbitraryo at tunog na binibigkas at sa pamamagitan nitoy’
nagkakaroon ng interaksyon ang isang pangkat ng tao.

Ano Kaya ang Katangian ng Wika?

1. Ang wika ay masistemang balangkas – Pangunahing katangian ng isang tunay na agham ang pagiging sistematik. Dahil may
katangiang makaagham ang isang wika, naging batayan ito upang umiral ang larangan ng Linggwistiks, malaliman ngayong
tinatalakay ang isang wika mula sa ponolohiya, morpolohiya, hanggang sa sintaks.

2. Ang wika ay sinasalitang tunog – Ponolohiya ang tawag sa pag-aaral ng tunog.


Ponema ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng tunog. Hindi lahat ng tunog ay binibigkas at hindi rin naman lahat ng tunog ay
makabuluhan.

3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos – upang hindi magdulot ng kalituhan sa iyong kausap, kailangang piliin ang tamang gamit ng
mga salita.

4. Ang wika ay arbitraryo – pagkakaroon ng sariling istilo ng paggamit ng wika, maging indibiduwal man o sa komunidad.

5. Ang wika ay patuloy na ginagamit – upang patuloy itong makilala at umunlad kailangan siyang gamitin araw-araw.

6. Ang wika ay nakabatay sa kultura – ginagamit ang wika ayon sa lugar na kinabibilangan nito.

7. Ang wika ay nagbabago – dahil sa modernisasyon, patuloy na nag-iiba, nadadagdagan, o maaaring mawala ang isang
wika.

4
11-ABM
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
ARALIN 2

Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas at may knostitusyonal na batayan ang pagiging
pambansang wika ng Filipino.

Sa unang bahagi ng Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Konstitusyon ng 1987, nakasaad na “Ang


wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
payamanin pa salig sa umiiral na wika
sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.”

Ano ang de jure? Ang “de jure” ay hango sa mga salitang Latin na nangangahulugang “batay sa batas.” Ibig sabihin, ang wikang
pambansa ay dapat itinakda at nakasaad sa batas ng isang bansa.

Ano ang de facto? Ang “de facto” ay hango rin sa mga salitang Latin na nangangahulugang “batay sa katotohanan o umiiral na
kondisyon.” Ibig sabihin, ang wikang pambansa ay ang wikang ginagamit ng mga mamamayan sa pakikipag-usap sa isa’t isa. Dahil ang
mga Pilipino ay may iba’t ibang unang wika, kailangang gumamit ng isang wika na naiintindihan ng lahat. Halimbawa,
nagkita ang magkaibigan na may magkaibang unang wika, sina Marie at Peter. Si Marie ay nagsasalita ng wikang Ilokano, samantalang
si Peter ay
nagsasalita ng wikang Hiligaynon. Nais nilang itanong kung saan tutungo ang isa’t isa. Sa Ilokano, nais itanong ni Marie na
“Papanam?” Sa Hiligaynon, nais itanong ni Peter na “Diin ka maadto?” Dahil magkaiba ng unang wika,

tiyak na hindi magkakaintindihan ang magkaibigan. Kung gayon, gagamitin nila ang wikang Filipino (batay sa Tagalog) upang
magkaunawaan. Itatanong nila sa isa’t isa na: “Saan ka pupunta?”

5
11-ABM
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
1934 – Nagkaroon ng Kumbensyong Konstitutional
 Lope K. Santos at Pangulong Manuel L. Quezon
1935 – Art. XIV Seksyon 3 ng 1935 na Saligang Batas
 Batas Komonwelt Blg 134 (Surian ng Wikang Pambansa)

1937 – iprinoklama ni Pangulong Quezon ang wikang Tagalog bilang batayan (Kautusang tagapagpaganap Blg 134)
1940 – inumpisahang ituro ang wikang pambansang batay Tagalog sa lahat ng paaralang pampubliko at
pribado
1946 – ipinahayag na Tagalog at Ingles ang opisyal na wika ng Pilipinas ( Batas Komonwelt Blg 570) 1959 –
pinalitan ng Pilipino ang wikang pambansa (Kautusang Pangkagawaran Blg 7)
1972 – nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa Kumbensyong Konstitusyonal 1987 – Art
XIV, Seksyon 6 ng Saligang Batas
 Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino

ARALIN 3
WIKANG OPISYAL

Ang wikang opisyal ay tumutukoy sa wikang itinatadhana ng batas sa opisyal na komunikasyon sa loob at labas ng mga ahensya ng
pamahalaan. Ibig sabihin, ito ang pangunahing daluyan ng komunikasyon ng gobyerno

sa kaniyang nasasakupan. Upang matiyak na malinaw at naiintindihan ng mga mamamayan ang ibinibigay na

kautusan at gabay ng pamahalaan, kailangan na ang wikang opisyal ng bansa ay alam ng lahat o ng nakararami. Ginagamit ng
pamahalaan ang wikang opisyal sa lahat ng opisyal na transaksyon at pakikipagtalastasan ng pamahalaan sa kaniyang nasasakupan o
sa iba pang pakikipag-ugnayan. Kagaya ng wikang pambansa at wikang panturo, ang wikang opisyal ay itinatakda rin ng batas. Ang

6
11-ABM
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
pagpili nito ay dumaan sa maraming konsultasyon sa iba’t ibang sektor at pangkat ng tao sa bansa.

 Isang wika or lenggwahe na binigyan ng bukod-tanging istatus sa Saligang Batas ng mga bansa, mga estado, at iba
pang teritoryo.
 Wikang kadalasang ginagamit sa lehislatibong mga sangay ng bansa

Mahahalagang Pangyayari sa Wikang Opisyal

Wikang Kastila ang naging unang wikang opisyal sa Pilipinas. Ito ang ginamit ng mga Espanyol sa mga opisyal na dokumento at
pahayag sa kanilang kolonyal na pamahalaan sa Pilipinas. • Sa panahong umiiral ang Pamahalaan ng Biak-na-Bato, idineklara ng
konstitusyon nito ang wikang Tagalog bilang wikang opisyal. • Sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 560, itinadhana ang wikang pambansa
na batay sa Tagalog bilang wikang opisyal. Ito ay nagtatakda ng paggamit ng Tagalog sa mga tanggapan simula noong Hulyo 4,
1946.

Sa panahon ng liderato ni Ferdinand Marcos, nilagdaan ang kautusan upang palakasin ang wikang pambansa bilang wikang opisyal. •
Ayon naman sa Artikulo 14, Seksiyon 7 ng 1987 Saligang Batas: Seksyon 7 Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga
wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hanggang walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay
pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong na mga wikang panturo doon. Dapat itaguyod nang kusa at
opsyonal ang Espanyol at Arabiko. Pinalakas pa ni Corazon Aquino ang Filipino sa pamamagitan ng Executive Order No. 335 noong
ika25 ng Agosto, 1988 na nag- aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, ahensya, at instrumentaliti ng pamahalaan na gumamit ng wikang
Filipino sa lahat ng uri ng komunikasyon. Tiyakang iniutos ng Executive Order 335 ang: ✓ Paggawa ng mahahalagang hakbang sa

paggamit ng wikang Filipino sa lahat ng opisyal na transaksyon; ✓ Pagtalakay ng isa o higit pang tauhang magtitiyak sa

komunikasyon at korespondensya sa wikang Filipino; ✓ Isalin sa Filipino ang lahat ng pangalan ng gusali, opisina, at mga palatandaan;

✓ Isalin sa Filipino ang panunumpa sa katungkulan ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan; at ✓ Maging bahagi sa
pagsasanay sa mga opisina ang kahusayan sa paggamit ng Filipino sa opisyal na komunikasyon at korespondensya.

ARALIN 4

Ang wikang panturo ay ang wikang itinalaga para gamitin sa mga paaralan sa bansa. Ibig sabihin, ito ang pormal na wikang
ginagamit sa pagtuturo upang matiyak na nauunawaan at natututuhan ng mga magaaral ang mga araling tinatalakay sa loob ng silid-
aralan.

Mahalaga na mayroong tukoy na wikang panturo upang matiyak ang pagkatuto at pagpapalalim ng kaalaman ng mga mag-aaral.

Kung gayon, ang wikang panturo ay ginagamit sa mga:


• libro at leksyon ng guro
• pakikipagtalastasan ng mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan
• anunsyo
• pangalan ng mga silid
• opisyal na kasulatan sa paaralan.

Ang wikang panturo ay itinatadhana ng batas, ginagamit ito sa pagpapadaloy ng mahahalagang kaalaman at impormasyon sa
7
11-ABM
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
larangan ng edukasyon sa Pilipinas. Sa usapang legal, ang paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo ay nakasaad sa
Artikulo 14, Seksyon 7 ng 1987 Saligang Batas. Seksyon 7 Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang
opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hanggang walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay
pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong na mga wikang panturo doon. Dapat itaguyod nang
kusa at opsyonal ang Espanyol at Arabiko.

Mahahalagang Pangyayari sa Wikang Panturo

Sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano, ipinakilala sa mga Pilipino ang pampublikong sistema ng edukasyon. Dito, lahat ng batang
nasa tamang gulang na ay maaaring makapag-aral sa mga paaralang ipinatayo ng pamahalaang kolonyal. Ang mga unang guro noon ay
mga Amerikano, tinawag na mga Thomasites. Dahil dito, Ingles ang naging wikang panturo. Gayunpaman, may mga pagkakataong iginiit pa
rin ng mga Pilipino ang paggamit ng wikang bernakular.

Sa panahon naman ng Pamahalaang Komonwelt, sinimulang gamitin ang itinakdang wikang pambansa bilang wikang panturo.
Dahil wikang Tagalog ang itinalagang batayan ng wikang pambansa, Tagalog rin ang naging wikang panturo. Nang sakupin ng mga
Hapones ang Pilipinas, itinatag nila ang Ikalawang Republika sa pamumuno ni Jose P. Laurel. Ipinagbawal ang paggamit ng
wikang Ingles sa mga paaralan. Sa halip, ipinagamit ang wikang bernakular at ipinag-utos ang pagtuturo ng wikang Nihonggo sa
mga paaralan.

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay pinasinayaan ang Ikatlong Republika ng Pilipinas. Nagpatupad ng Patakarang
Bilingguwal sa mga paaralan, kung saan hinati ang mga asignatura sa paaralan sa dalawang pangkat— mga asignaturang ituturo sa
wikang Filipino at mga asignaturang ituturo sa wikang Ingles. Sa pamamagitan ng Department of Education Order No. 79, Series of 2009,
opisyal na ipinakilala ang Mother Tongue-Based Multilingual Education o MTB-MLE.

Batay naman sa Department of Education Order No. 16, Series of 2012, inilista ang 12 wika, liban sa Filipino at Ingles, bilang wikang
panturo. Ang mga ito ay Ilokano, Pangasinense, Kapampangan, Tagalog, Bikol, Hiligaynon, Cebuano, Waray-waray, Chavacano,

8
11-ABM
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Maguindanaoan, Tausug, at Maranao. Sa pamamagitan naman ng Department of Education Order No. 28, Series of 2013,
dinagdagan ng pitong wika ang mga wikang bahagi ng MTB-MLE. Ang mga dagdag na wika ay Ibanag, Ivatan, Sambal, Akeanon,
Kinaray-a, Yakan, at Surigaonon.

Programang Mother Tongue-Based Multilingual Education

Ang programang Mother Tongue-Based Multilingual Education o MTB-MLE ay ginagamit mula kindergarten hanggang ikatlong
baitang. Ginagamit ang unang wika sa pagtuturo at pagpapaliwanag ng mga konsepto sa Matematika, Araling Panlipunan, MAPEH,
at Edukasyon sa Pagpapakatao. Ang wikang Filipino ay ginagamit sa asignaturang Filipino at ang Ingles naman sa asignaturang
English. Mula ikaapat na baitang hanggang ika-10 baitang, ginagamit ang Filipino sa Edukasyon sa Pagpapakatao, Araling
Panlipunan, at Filipino, samantalang Ingles naman sa Matematika, Agham, at MAPEH.

Tandaan na ang mga wikang panturo ay ang mga opisyal na wikang ginagamit sa mga paaralan upang matuto ang mga mag-aaral.
Ginagamit ang mga wikang panturo sa paggawa ng kagamitan sa pagtuturo, sa pakikipagtalastasan, at sa pagtatamo ng pormal na
edukasyon sa pangkalahatan. Nagbabago ito sa paglipas ng panahon dahil sa pangangailangan ng mga mag-aaral at bilang epekto
ng mga pagbabago sa lipunan. Gayunpaman, dapat nating bigyang pansin na ang wikang panturo ay susi sa mas epektibong
pagkatuto ng mga mag-aaral lalo na iyong mga nagsisimula pa lamang sa pag-aaral.

Mahalaga na mayroong opisyal na mga wikang panturo upang masiguro ang pagkatuto ng mga mag-aaral tungo sa pambansa at
pandaigdigang kamalayan.

Mga Lingua Franca sa Pilipinas

Ang lingua franca ay kilala rin sa tawag na interlingua. Ito ay tumutukoy sa wikang ginagamit ng tao o grupo ng tao na may
magkakaibang unang wika upang makapag-usap o magkaintindihan. Halimbawa, may apat na kabataang nagkita at nagkakilala sa
isang pambansang komperensya— isang Ilonggo, isang Ilokano, isang Bikolano, at isang Cebuano. Alam na nating magkakaiba ang
kanilang unang wika. Upang magkaintindihan, gagamit silang lahat ng isang wika lamang na pare- pareho nilang alam at
naiintindihan.

Sa Pilipinas, mayroong tinatayang 180 ang umiiral na wika. Magiging mahirap ang sitwasyon ng pakikipagtalastasan kung walang
lingua franca dahil hindi magkakaintindihan ang maraming Pilipino. Maaaring magdulot ito ng hindi pagkakaunawaan. Kung gayon,
mahalaga na magkaroon tayo ng iisang wika na gagamitin upang magkaunawaan—ang Filipino (batay sa Tagalog). Mayroon ding
itinuturing na lingua franca sa iba’t ibang rehiyon ng ating bansa. Sa Hilagang Luzon, Ilokano ang kinikilalang lingua franca. Tagalog
naman ang ginagamit na lingua franca sa Gitnang Luzon, Kamaynilaan, at Katimugang Luzon. Bikol ang lingua franca sa rehiyon ng
Bikol. Samantala, Hiligaynon ang interligua na ginagamit ng mga tao sa iba’t ibang lalawigan ng Panay o Kanlurang Visayas,
kasama na ang ilang bahagi ng Negros Occidental.

Ang lingua franca sa Silangang Visayas o bahaging Samar, Biliran, at Leyte ay Waray-waray. Para sa Gitnang Visayas at malaking
bahagi ng Mindanao, Cebuano ang interlingua. Samantala, ang pandaigdigang lingua franca ay wikang Ingles Tandaan, ang lingua

9
11-ABM
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
franca o interlingua ay ang wikang ginagamit ng tao o grupo ng mga tao upang magkaintindihan. Ang pambansang lingua franca ay
Filipino, samantala, ang mga panrehiyong lingua franca ay Ilokano, Tagalog, Bikol, Hiligaynon, Cebuano, Waray, at iba pa. Ang
wikang Filipino ay isang ganap na wika dahil ito ang kaluluwa ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng wikang ito, nagkakaunawaan ang mga
Pilipino. Ang pagkakaunawaan ay tulay para sa pambansang pagkakaisa. Ang pagkakaisa ay tulay tungo sa pambansang pagbabago
at pag- unlad. Gayundin, ang wikang Ingles bilang lingua franca ng daigdig ay mahalagang kasangkapan upang magkaunawaan at
magkaisa ang mga tao sa buong mundo.

ARALIN 5

 Ito ay paggamit at pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ay kanyang katutubong wika.
(Leonard Bloomfield,1935)
 Taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na makrong kasanayang pangwikang kinabibilangan ng pakikinig,
pagsasalita, pagbasa at pagsulat sa isa pang wika maliban sa kanyang unang wika. (John Macnamara, 1967)
 ang pagkakaroon ng dalawang wikang Panturo sa mga paaralan at wikang opisyal na iiral sa lahat ng mga pormal na
transaksyon sa pamahalaan o sa kalakalan. (Artikulo 15, Seksyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973)

 Magkahiwalay na paggamit ng Pilipino at Ingles bilang wikang Panturo mula Baitang- isa pataas sa mga tiyak na asignatura.
(D.O. No. 25, s. 1974)

MULTILINGGWALISMO
 Ang tawag sa patakarang pangwika kung saan nakasalig ito sa paggamit ng wikang pambansa at katutubong
wika bilang pangunahing midyum sa pakikipagtalastasan at pagtuturo, bagamat hindi kinakalimutan ang
wikang global bilang isang panlahat.

1. Konsepto – ideya, kaalaman, pananaw


2. Register – estilo sa pananalita, salita o termino na may iba’t ibang kahulugan ayon sa
larangang pinaggagamitan nito
3. Barayti – pagkakaiba-iba
4. Homogenous – isa lang ang gamit ng wika
5. Heterogenous – iba-iba ang gamit ng wika

 Mga wika/salitang particular ang gamit sa isang tiyak na disiplina.


 Ito ay pagkakaiba ng mga wikang sumusulpot at nagiging bahagi ng pamumuhay ng mga tao sa

10
11-ABM
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
iba’t-ibang larangano panig sa bansa.

Sa araw-araw na pakikisalamuha natin sa ating kapwa, wika ang ating pinakaginagamit at syempre ito
rin ang instrumento upang maipaabot ang ating mga iniisip at nadarama, hindi ba? Mayroon din

tayong iba’t ibang karanasan sa paggamit ng wika. Ikaw, ano ba ang naging karanasan mo sa paggamit
ng wika, Filipino man ito, Ingles o kaya Mother Tongue?

Sa gawaing ito, lubos mong makikilala ang register, barayti, homogenous at heterogenous bilang mga
konseptong pangwika. O, handa ka na ba?

BARAYTI – Tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng paggamit ng wika batay sa estilo, punto at iba pang salik pangwika na ginagamit
ng lipunan.

Iba’t Ibang Barayti ng Wika:

A. Dayalek – Barayti ng wika na nalilikha ng dimensyong heograpiko. Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na
rehiyon, lalawigan o pook.

Halimbawa:
Naga – Mahigoson ka talaga, Andres!
Sorsogon – Maparangahon ka nagad, Andres!
Naga – Magayonon ka, Marita!
Iriga – Naggayon na ka, Marita!

Iba pang halimbawa:


Legazpi – iyo (oo)
Guinubatan – amo
Naga – sogok (itlog)
Albay - bonay

Sosyolek – Barayti ng wika na nililikha at ginagamit ng isang pangkat o uring panlipunan. Halimbawa nito ay wika ng mga
estudyante, wika ng matatanda, wika ng mga kababaihan, wika ng mga bakla at ng iba pang pangkat.

Halimbawa:
Mag-malling muna kaya tayo gurl bago mag-edit ng video presentation.
Wow pare, ang tindi ng tingin mo sa chick!
Repapips, etneb na lang ang pera ko.

Idyolek – Ito ay natatangi at espisipikong paraan ng pagsasalita ng isang tao. Personal na dayalek ito ng isang tao na
nagiging marka o pagkakakilanlan niya. Halimbawa: Paraan ng pananalita nina Noli de Castro, Kris Aquino, at Gus Abelgas

Homogenous - Tumutukoy ito sa pagkakaroon ng iisang anyo at katangian ng wika. May kaugnayan din ito sa paggamit
ng isang partikular na wika.
Halimbawa: Makikita ito sa mahigpit ng pagtuturo ng mga gramatikal na estruktura at patakaran ng kung ano ang
11
11-ABM
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
istandard na Filipino o Ingles sa loob ng mga paaralan.
Heterogenous – Tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng uri at katangian ng wika. Iba-iba ang wika dahil sa lokasyong heograpiko,
pandarayuhan, sosyo- ekonomiko, politikal at edukasyonal na katangian ng isang partikular na lugar
o komunidad na gumagamit ng naturang wika.
Halimbawa: Dito sa ating bansa, ang pagiging multilingual ay nagsasabi na nag-iiba ang wika.

Sitwasyong Pangkomunikasyon

Ang wikang Filipino ay nangunguna sa komunikasyon sa halos lahat ng media ngayon. Ito ay isa sa mga paraan upang
magbigay impormasyon sa masa. Sa radyo, ito’y nangungunang mass media na abot kaya ng mga pinoy.

Pormal – ito ang mga salitang estandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng nakapag-
aral ng wika.

Halimbawa:

MANILA, Philippines — Nilagdaan kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 114 na nagi-
12
11-ABM
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
institutionalize ng Balik Probinsiya, Bagong Pag-Asa Program.
Layunin ng programa na mabawasan ang mga mamamayang nagsisiksikan sa Metro Manila.

Sa ilalim ng EO, itatayo ang Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Council na pamumunuan ng Executive Sectetary at tatayong
vice chairperson ang SocioEconomic Planning Secretary.Layunin din ng kautusan na paunlarin ang mga lalawigan upang
matigil na ang paglipat ng mga taga-probinsiya sa Metro Manila.

Pambansa – salitang ginagamit sa mga aklat pangwika, pampamahalaan at paaralan. Pampanitikan


– salitang ginagamit ng mga manunulat sa kanilang mga akda na karaniwang matatayog, masining at ginagamitan ng
idyoma.

Halimbawa:

Una, gusto naming gunitain na isa sa mga layunin nang iproklama ang pagkakaroon ng isang wikang pambansa batay sa
katutubong wika ay 'yong lunggati, 'yong aspiration na itong wika na ito ay maging sagisag para magbuklod ang mga
Filipino.

Ang Impormal na wika ay mga salitang karaniwan at madalas na gamitin sa pakikipag-usap sa mga kaibigan o kakilala.

Nauuri ang impormal na wika sa :

❖ Lalawiganin – ginagamit sa partikular na pook o lalawigan, madalas ang pagkakaroon ng punto sa pagsasalita ng mga taong
kabilang sa lugar na yaon.

Halimbawa:

Tanong: Ano po ang estado ng wikang Filipino?

Sagot: Kung ang pag-uusapan dito ay kung ito ba ay ginagamit ng mamamayan, natitiyak ko na ginagamit na ito ng halos lahat ng
tao sa Filipinas, magmula sa Batanes hanggang sa Tawi-Tawi. Nalibot ko na 'yung lahat halos ng pook sa Filipinas, at hindi ako
kailanman gumamit ng Ingles.

❖ Kolokyal – pagpapaikli ng isang salita, katulad ng meron sa mayroon, ‘asan sa nasaan, ‘lika sa
halika atbp.

Halimbawa:

1. Kaya sabi nila, ang kanilang hiling, baka dapat – lalo ngayong nagkakaroon ng mga kasunduang pangkapayapaan
sa Mindanao – eh baka dapat Filipino ang gamitin, sa halip na Ingles.

2. So, ang tawag sa lingustics nito ay lingua franca. Ibig sabihin, wika na ng bayan ang wikang Filipino. Kahit na isang
Ilokano o Bisaya ang nagkatagpo, mag-uusap sila sa pamamagitan ng wikang Filipino.

3. Ika nga, sabi dito, you cannot flog a dead horse. Meaning, paano mo papakainin ‘yung kabayo kung patay na? So hindi
ko kayo kabayo, just an analogy.

13
11-ABM
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Tinatawag na Balbal ang mga salitang nalilikha ng grupo ng tao upang maging wika nila at sila lang ang nakakaintindi.
Salitang kanto ang karamihan nito.

Halimbawa:
Mahigpit na pinaalalahanan ng gobyerno ang mga tao sa pagsunod sa “social distancing” at pagsuot ng mask sa pampublikong
lugar, ngunit tila “deadma” lang ang ilan nating mga kababayan. Subalit ang iba ay kering-keri ang pagsusuot ng mask lalo pa’t feel nila
ang design nito. Nai-imbyerna naman ang ilang netizens kapag nai-post sa social media ang hindi nila pagsusuot ng mask. Wiz daw
makahinga ang ilan kaya hindi sila nagsusuot ng mask.

Ang mga salitang i-incentivize, better compliance , nagko-contribute, tax, ay mga salitang pormal. Ngunit kailangang
gamitin natin ang wika na may pantay na katangian. Hindi ‘yong pinaghalong Ingles at Pilipino. Dito pumapasok ang

Bilingguwalismo. Ang kakayahan ng tao na gamitin ang dalawang wika na may pantay na galing. Halimbawa:

Pangatlo po is dadaan po tayo sa data ng SSS and BIR kasi formal sector. Dapat ito po 'yung gawin natin so that we can
target better kasi alam natin kung sino sila at i-incentivize po natin 'yung better compliance kasi 'yung mga nagko-contribute
ng tax at ng SSS, 'yan po ang unang tutulungan natin.

Kailangang gamitin ang wika ayon sa tamang sitwasyon. Nakikita sa uri ng wikang ginagamit mo ang katayuan mo sa
lipunan. Kaya nga, kung gusto mong igalang ka ng iba, dapat lumabas sa bibig mo ang mga salitang musika din sa
iyong pandinig.

Konseptong Pangwika:
Kaalaman, Pananaw at Karanasan

14
11-ABM
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Iba Pang kaalaman Hinggil sa wika Ayon sa mga lingguwista, may mahigit 5,000 wika na sinasalita sa buong mundo. Ang Pilipinas ay
isa sa mga bansang biniyayaan ng maraming wika: di kukulangin sa 180 ang wikang sinasalita sa Pilipinas.

Dahil maraming wika ang umiiral dito at may mga diyalekto o varayti ang mga wikang ito. Nakapaloob sa palagay na ito ang iba’t
ibang konsepto ng dayalektal na baryasyon sa wika dahil sa magkakaibang katayuan sa lipunan, pook na tinitirihan, paguugali at
interes ng mga Pilipino. Samantala, kapag ang isang bansa ay tanging iisang wika ang sinasalita ng mga mamamayan dito, ito ay
tinatawag na Homogenous.

Ang salitang homogenous, ayon sa Merriam-Webster Dictionary, ay nagmula sa salitang Griyego na homogenes mula sa hom- na
nangangahulugan ng uri o klase at genos na nangangahulugan ng kaangkan o kalahi. Kung ilalapat sa wika, tumutukoy ito sa
pagkakaroon ng iisang anyo at katangian ng wika.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

O, diba kayang-kaya mong sagutan ang unang gawain. Halika, may inihanda pa akong aralin para sa iyo.

Kaya ba tinawag na Heterogenous ang sitwasyong pangwika sa Pilipinas? Halimbawa:

At paano kung ang "self-expression" mo ay maging baduy? Na 'yan ang siguradong mangyayari dahil 'yan naman talaga ang
natural na kapalaran ng kahit anong nauuso-nalalaos at pinandidirihan.

Tanungin na lang ang lahat nang nagsuot ng shoulder pads at lagpas-bewang na sinturon noong medieval '80s. (2)
Tanungin na lang ang

lahat ng nagsuot ng oversized (at overpriced) Giordano na polo shirt. Tanungin na lang ang lahat ng sumakay sa uso at nagsuot
ng baggy-baston na acid-wash na maong nung high school.

15
11-ABM
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Ito ang katutubong wika, pasalita at pasulat sa Metro Manila, ang Pambansang Punong rehiyon, at sa iba pang sentrong
urban sa archipelago na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng alinmang wikang
buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram ng mga wika sa
Pilipinas at mga ‘di katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang baryabilidad ng wika para sa iba’t ibang sitwasyong
sosyal at para sa mga paksa ng talakayan at matalisik na pagpapahayag {KWFResolusyon Blg. 92-1

Siyempre, maaaring sa pamamagitan ng sanaysay, editoryal, talumpati, tula at maging sa pamamagitan ng modernong
teknolohiya. Dahil sa teknolohiya ay nagiging madali na sa atin ang ibahagi natin ang mahahalagang impormasyon,
pananaw at karanasan katulad ng blog, facebook, youtube atbp.

Ang blog ay isang uri ng website na regular na ina-update gamit ang bagong nilalaman. Karamihan sa mga blog ay
naglalaman ng maikli, impormal na artikulo na tinatawag na blog post. Ang mga post na ito ay karaniwang naglalaman
ng ilang kombinasyon ng teksto, mga larawan, video, at iba pang media. Sa kanyang Core, ang isang blog ay lamang ng
isang puwang sa web na maaari mong lumikha upang itala at ipahayag ang iyong mga opinyon, karanasan, at interes.

Halimbawa:

Mga minamahal kong fashionista,

Alam ko ang nasa isip ninyo ngayon. Hinuhusgahan niyo ang aking kasuotan. Ang ilan sa inyo ay sumisimple ng tingin
sa sapatos ko. Ang ilan sa inyo ay nagtataka kung bakit wala akong relo. Ang ilan naman marahil ay gustong malaman kung
ano ang tatak ng salamin ko.

Isang bagay lang ang sigurado ako: wala sa inyo ang hindi nag-effort sa wardrobe. Lahat kayo, lalo na ikaw na nasa
harap, sa second row, ‘yong naka-itim na sleeveless na may salamin na ahit ‘yong gilid ng buhok-gaano niyo katagal
pinlano 'yang

mga suot ninyo? Heto ang gusto kong malaman: ilang araw niyong pinagpaplanuhan ang mga OOTD ninyo? Naka-
kalendaryo na ba ’yang mga 'yan? Pino-problema niyo ba kung sino-sino na ang mga nakakita ng mga damit niyo? O
kung nagmumukha kayong mataba sa suot ninyo by asking the existential question: "Does this make me fat?" Alam niyo
naman ang simpleng sagot diyan, 'di ba? It's fat that makes you fat. Magtataka ka pa kung bakit ka lumolobo-tingnan mo nga
16
11-ABM
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
ang mga Instagram posts mo: Puro pagkain. Sa mga nakaitim dito, alam ko ang dahilan kung bakit. Bawas-bawas din ng pasta
at cake 'pag may time.

Ito ay tinatawag ding Unang wika – wikang natutuhan at ginamit ng isang tao mula pagkapanganak hanggang sa
panahon kung kailan lubos nang naunawaan at nagagamit ng isang tao ang nasabing wika. Kabilang dito ang mga
pangunahing wika gaya ng Tagalog o Waray o ang maliliit gaya ng Higaynon o Ivatan.

Tinatawag din itong Mother Tongue bilang wika ng isang etnolingguwistikong grupo kung saan nabibilang ang isang
indibiduwal, at hindi ang unang natutuhang wika. Halimbawa kung ang isang bata ay Iloko at mula sa angkan ng mga
taal na Iloko, ngunit simula pagkapanganak ay y tinuruan ng wikang Ingles, mananatiling Iloko ang kanyang katutubong
wika.

Una, ito ay nalalaman niya sa murang edad pa lamang. Pangalawa, siya ay may likas na’t may instinktibong kamalayan
sa wika. Pangatlo, may kakayahan siyang makabuo ng matatas at ispontanyong diskurso na gamit ng wika. Pang-apat,
kinikilala ang sarili bilang bahagi at kabahagi ng lingguwistikong komunidad. Panghuli, may puntong dayalektal ang
indibiduwal na taal sa katutubong wika.
Sa kabilang dako, ang ikalawang wika naman ay ang wikang natutuhan at ginagamit ng isang tao labas pa sa kaniyang
unang wika. Ang wikang ito ay hindi taal o katutubong wika para sa tagapagsalita ngunit isang wikang ginagamit din sa
lokalidad ng taong nagsasalita. Iba ang

ikalawang wika sa dayuhan o banyagang wika sapagkat ang dayuhang wika ay tumutukoy sa iisang wikang inaral lamang
ngunit hindi ginagamit o sinasalita sa lokalidad ng taong nag-aral nito.

Tumpak! Sapagkat bukod sa isa ito sa mga opisyal na wika ng Pilipinas ay laganap ang paggamit dito sa sistema ng
edukasyon at iba pang larangan habang banyaga ang wikang Aleman sapagkat hindi ito natural na ginagamit sa anumang
larangan o lugar sa Pilipinas, liban na lamang kung sadya itong pag-aaralan.

Kinilala si Krashen (1982) sa teorya ng Second Language Acquisition (SLA) na nagpalawig sa pagkakaiba sa acquiring
(likas o natural na pagtatamo) at learning (pagkatuto)ng wika. Ang acquisition o pagtatamo ay isang natural na proseso
habang ang learning o pag-aaral ay kinasasangkutan ng malay o sadyang desisyon napag-aralan ang wika.

17
11-ABM
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Tama! Ito ay isang termino na sosyolingguwistiks na tumutukoy sa isang grupo ng mga taong gumagamit ng iisang uri ng
barayti ng wika at nagkakaunawaan sa mga ispesipikong patakaran o mga alituntunin sa paggamit ng wika.

Ayon kay Yule (2014), ang wika at pamamaraan ng paggamit nito ay isang porma ng panlipunang identidad at ginagamit,
malay man o hindi, upang ipahiwatig o maging palatandaan ng pagiging kasapi ng isang tao sa isang tiyak an grupong
panlipunan.

UNANG WIKA

ANG UNANG WIKA O MAS KILALA SA TAWAG NA KATUTUBONG WIKA (KILALA RIN BILANG INANG
WIKA
O ARTERYAL NA WIKA) AY ANG WIKA NA NATUTUNAN NATIN MULA NG TAYO AY IPINANGANAK.
BATAYAN PARA SA PAGKAKILANLANG SOSYOLINGGWISTIKA ANG UNANG WIKA NG ISANG TAO.

Unang wika at pangalawang wika. Kung ikaw ay hindi taga Maynila o mga central na bahagi ng Luzon sigurado ay ikaw ay
may ibang wikang ginagamit maliban sa Tagalog. Nakatira ang mag-asawang pilipino na sina Geri at Lara sa Amerika.
Kaibahan ng unang wika sa pangalawang wika Ano ang pangalawang wika.

Kung ikaw ay hindi taga Maynila o mga central na bahagi ng Luzon sigurado ay ikaw ay may ibang wikang ginagamit
maliban sa Tagalog. Ano Ang Unang Wika At Pangalawang Wika. Filipino para sa mga Pilipino.

Ang Pangalawang Wika Ang pangalawang wika ay tumutukoy sa wikang natutuhan ng isang tao matapos matutuhan ang
kaniyang unang wika. Sagot UNANG WIKA AT PANGALAWANG WIKA Sa paksang ito ating tatalakayin kung ano nga
pa ang pangunahin at pangalawang wika at mga halimbawa nito. Terms in this set 17 barayti baryasyon.

Piliin ang mga kagamitan sa pagtuturo na ibinatay sa pagtupad ng una at ikalawang wika ng mga batang tinuturuan. Ayon
kila Skutnabb Kangas at Philippson ang unang wika ay maaaring maging alinman sa sumusunod. Ang Pilipinas ay may
angking kalamangan sa ibang mga bansa.

Ang pangalawang wika ayon sa dalubwika ay tumutukoy sa alinmang wikang natutuhan ng isang tao matapos niyang. Dahil
sa pagiging isang arikipelago maraming mga isla na may sarili nilang kultura at wika. -NAGKAKAROON NG
PANGALAWANG WIKA ANG ISANG INDIBIDWAL HABANG ITO AY LUMALAKI.

Unang wika Pangalawang wika at Ikatlong wika. Dito sa Pilipinas may ibat-ibang uri. Unang Wika Pangalawang Wika At
Iba qwy1vnzml1wm.

Bakit mahalaga ang unang wika at pangalawang wika. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng unang wika at pangalawang wika. Dito
nababago niya ang gamit ng grammar ng wika sa pammagitan ng pagdaragdag pagbabawas at pagbabago ng mga
alituntunin.

Ingles para sa mga Amerikano. - ang dahilan nito ay ang exposure o pagkalantad sa iba pang wika sa kanyang paligid. Ang
mga bata ay hindi natututo ng pangalawang wika nang mas mabilis at madali kaysa mga matatanda.

UNANG WIKA AT PANGALAWANG WIKA GROUP 6 UNANG. -MAARING MGA KAPWA KAPAG-ARAL
KALARO MAGULANG ANG PAARALAN AT IBAT IBANG MIDAY. PANGALAWANG WIKA Sa paksang ito
aalamin natin kung ano ang mga halimbawa ng pangalawang wika at kung saan ito matatagpuan.

Ito ay nauunawaan ng mga taong nasa komunidad na kinabibilangan niya kung saan ginagamit ang pangalawang wika bilang
opisyal na gamit sa komunikasyon edukasyon pakikipagkalakalan at iba pang gawain. LAGARTO Guro sa Filipino. Ibig
sabihin nasa wika ang tanging paraan upang maisalin ang kaalaman karanasan at alaala ng isang lahi o lipi at lipunan sa iba.

Unang wika man o pangalawang wika wika pa rin ang daluyan ng kaisipan at kamalayan ng isang lahi lipi at lipunan. Ang
unang wikang natutunan kanino pa man ito natutunan 3. Maaari silang magkaroon ng dobleng unang wika bilang resulta ng
18
11-ABM
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
mga magulang na nagmumula sa ibat ibang.

Ito ay dahil sa ibat-ibang wika na ginagamit sa Pilipinas. Halimbawa ng Unang Wika. UNANG WIKA-Ang kinamulatan at
natural na ginagamit ng isang tao.

Ano Ang Unang Wika At Pangalawang Wika?

Ano ang unang wika?

Ang unang wika ay isang wika na ang mga sanggol ay makukuha mula sa kapanganakan hanggang mga 7 o 8 taong gulang.
Maaari nilang panatilihin ang pag-aaral ng wika kahit na pagkatapos ng mga taon upang makabisado ang lahat ng idiomatic
expression, istruktura ng pangungusap, at marami pang mga lugar. Natutunan ng mga bata ang wika nang natural at walang
kahirap-hirap sa pamamagitan ng pakikinig sa kanilang mga magulang na nakikipag-ugnayan sa kanila sa kanila, o kahit na
makinig sa ibang mga bata na nakikipag-usap dito.

May mga sanggol na ipinanganak sa mga magulang na may iba't ibang lingguwistika. Kung, halimbawa, ang isang ama ay
Pranses at isang ina Espanyol, ang sanggol ay maaaring malantad sa mga wika sa parehong oras. Sa kasong iyon ang sanggol
ay sinabi na magkaroon ng dalawang unang wika. Maaari silang makabisita sa parehong wika habang lumalaki sila sa
pagkuha nito.

Ang unang wika ay madalas na nakatalaga sa sulat L2 sa pamamagitan ng mga propesyonal sa wika. Ngunit dahil ang mga
bata ay nakakuha ng natural na ito ay hindi nangangahulugang hindi nila dapat matutunan ito. Ang kanilang pag-aaral ay
maaaring reinforced sa silid-aralan upang bigyang-diin ang kaalaman ng mga panuntunan grammar, idiomatic expression,
metaphors, syntax, at marami pang mga konsepto.

Ating masasabi na ang panguhaning o unang wika ay ang wika na likas na sinasalita ng mga tao sa isang komunidad.
Halimbawa, kung ikaw ay nasa Cebu, kadalasan ay Bisaya ang iyong pangunahing wika. Ito rin ang wikang madalas nating
ginagamit sa pakikipagtalastasan sa loob ng bahay.

Pero, dahil sa pagka watak-watak ng mga isla sa Pilipinas at sa dami ng mga wika at diyalekto sa ating bansa, ginawang
pambansang wika ang Tagalog. Dahil dito, ang Tagalog ay ginagamit bilang wikang panturo sa buong bansa.

Ano ang pangalawang wika?

Ang pangalawang wika ay isang wika na karaniwang natutunan sa isang mas huling yugto. Ito ay isang di-katutubong wika.
Walang limitasyon ng pangalawang wika na matututuhan ng isa.

Ang isa ay maaaring makakuha ng maraming wika na kadalasang dinaglat bilang L2, L3, at L4 … Ang pangalawang wika ay
di-katutubong, at mahirap na maging matatas dito. Ang mga taong marunong sa pangalawang wika ay madalas na tinutukoy
19
11-ABM
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
bilang "malapit-katutubong" mga nagsasalita.
Ang pangalawang wika ay maaaring maging anumang wika hangga't ito ay hindi isang dila ng ina o katutubong wika. Ang
proseso ng pag-aaral na ito ay aktibo at hinihingi ng maraming mga pagsisikap upang maging pamilyar sa mga tuntunin ng
grammar, istraktura ng pangungusap, pagbigkas, bokabularyo at marami pang mga konsepto. Sa mga bansa kung saan ang
Ingles ay hindi isang katutubong wika, halimbawa, ang mga bata sa paaralan ay madalas na itinuturo sa Ingles bilang
sapilitang ikalawang wika upang maisama nila ang iba sa corporate world.
Ang pangalawang wika ay isang wika na natutunan sa isang mas huling yugto pagkatapos ng isang dila ng ina. Ang unang
wika, sa kabilang banda, ay isang wika na nakuha ng mga sanggol na natural mula sa kanilang mga magulang. Maaari silang
magkaroon ng dobleng unang wika bilang resulta ng mga magulang na nagmumula sa iba't ibang lingguwistika.

Karagdagan, ang Tagalog ay naging pangalawang wika para sa mga taong hindi nakatira sa mga probinsya na hindi Tagalog
ang pangunahing Wika. Samantala, ang mga residente naman sa mga lugar na ito ay Tagalog ang pangunahing wika at
Ingles naman ang pangalawa.
Ang pangalawang wika ay wikang natutuhan ng isang tao matapos niyang maunawaang lubos at magamit ang kanyang
sariling wika. Subalit, para sa karamihan ng mga Pilipino, ang Ingles ay nagiging pangatlong wika na dahil mayroon silang
“mother tongue”, Tagalog, at Ingles.

20
11-ABM
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino

You might also like