AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO LAYUNIN Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika;
Naiuugnay ang mga konseptong
pangwika sa mga napakinggang sitwasyong; pangkomunikasyon sa radyo, talumpati at mga panayam; at LAYUNIN Naiuugnay ang mga konseptong pang wika sa mga napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa telebisyon. Sa iyong palagay, ano-ano ang palatandaan na malaya na ang isang bansa? Ano-ano ang pambansang pagkakakilanlan na taglay ng isang malayang bansa? WIKA PANUTO: Ibigay ang katumbas na kahulugan ng mga salita. SALITA KAHULUGAN 1. Lodi 2. Chaka 3. Waley 4. Kalerki 5. Petmalu Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra na iniuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao. 1. Gleason (1961) – ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakikipagtalastasan ng mga taong nasa iisang kultura. Halimbawa : Ang wika ay sinasalitang tunog o binubuo ng mga tunog. Gayunman hindi lahat ng tunog ay makabuluhan o may hatid na makabuluhang kahulugan , hindi lahat ng tunog ay itinuturing na wika. 2. Finnocchiaro (1964) – ang wika ay isang sistemang arbitraryo ng simbolong pasalita na nagbibigay pahintulot sa mga taong may kultura o ng mga taong natutunan ang ganoong kultura upang makipagtalastasan o di kaya’y makipag-ugnayan. Halimbawa : Ang simbulo ay binubuo ng mga biswal na larawan , guhit , o hugis na kumakatawan sa isa o maraming kahulugan. 3. Sturtevant (1968) – ang wika ay isang Sistema ng mga simbolong arbitraryo ng mga tunog para sa komunikasyong pantao. Halimbawa : Lumutang ang konseptong “ ponosentrismo “ na nangangahulugang “ una ang bigkas bago ang sulat “ . Ibig sabihin din nito, nakasandig sa sistema ng mga tunog ang pundasyon ng anumang wika ng tao. 4. Hill (1976) – ang wika ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at padron na lumilikha at simetrikal na estraktura. Halimbawa : Binibigkas na tunog at ito ay tumutukoy sa ponema ( pinakamaliit na yunit ng tunog na nagtataglay ng kahulugan ). 5. Brown (1980) – ang wika ay masasabing sistematiko. Set ng mga simbolikong arbitraryo, pasalita, nagaganap sa isang kultura, pantao, at natatamo ng lahat ng tao. Halimbawa : Ang mga ponema ay pinili sa pamamaraang napagkasunduan ng mga taong gumagamit ng wika o batay sa kapasyahan sang-ayon sa preperensya ng grupo ng mga tao. 6. Bouman (1990) – ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa isang tiyak na lugar, para sa isang partikular na layunin na ginagamitan ng mga verbal at viswal na signal para makapagpahayag. Halimbawa : Pinakamabisang instrumento ang wika upang makipagtalastasan ang tao sa kanyang kapwa bagamat maaaring makipag- ugnayan sa pamamagitan ng mga senyas , pagguhit o mga simbolo. 7. Webster (1990) – ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunidad. Halimbawa : Nalikha ang wika upang magkaunawaan ang mga tao . Natural lamang na ang mga Hapon ay hindi dagling makauunawa ng Filipino sapagkat malaki ang kaibahan ng kanilang ibinubulalas na salita sa mga Pilipino. MGA NAUNANG TEORYA HINGGIL SA WIKA 1. Teoryang Ding-dong Ipinalalagay ng teoryang ito na ang lahat sa kapaligiran ay may sariling tunog na kumakatawan sa nasabing bagay. 2. Teoryang Bow-wow Ang tunog na nalilikha ng kalikasan, anuman ang pinagmulan, ang ginagagad ng tao. Ikinakabit nila ang tunog na ito upang sabihin ang pinanggalingan o tukuyin ang pinagmulan. 3. Teoryang Pooh-pooh Ipinalalagay na ang tao ang siyang lumikha ng tunog at siya ring nagbibigay kahulugan dito batay na rin sa kanyang nadarama. 4. Teoryang Yo-he-ho Ito ang teoryang nagsasabi na ang tao ay bumabanggit ng mga salita kapag siya ay gumagamit ng pisikal na lakas. 5. Teoryang Ta-ta Ang ta-ta ay nangangahulugang paalam o goodbye na binibigkas ng dila nang pataas-pababa katulad din ng pagkampay ng kamay. 6. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay Ang pagkilos, pagsayaw, pagsigaw, pagbulong ng mga taong kalahok o gumaganap sa mga ritwal at sinaunang selebrasyon o okasyon ay lumilikha ng mga Tunog at pag-usal ng mga salita na sa kalaunan ay nabibigyan ng kaukulang kahulugan ng mga tao. Paano nakatulong sa pag-unlad ng wika sa daigdig ang mga teorya? MGA KATANGIAN NG WIKA 1. Ang wika ay sinasalitang tunog. Kakailanganin ng tao ng aparato sa pagsasalita ( speech apparatus ) upang mabigkas at mabigyang modipikasyon ang tunog. Mahalaga sa tao ang kanyang diapram, enerhiyang nagmumula sa baga, babagtingang tinig o vocal cords na nagisilbing artikulador, at ang mga sangkap sa loob ng bibig tulad ng dila, ngipin, guwang ng ilong, gayundin ang matigas at malambot na ngala-ngala . 2. Nabubuo ang wika sang-ayon sa mga taong gumagamit nito sa loob ng mahabang panahon ( Rubin, 1992 ). Ang wika ay set ng mga tuntuning pinagkasunduan at tinatanggap nang may pagsang-ayon ng lahat ng tagapagsalita nito. Sapagkat napagkasunduan o arbitraryo ang wika, nagagawang pagsaluhan ng isang komunidad wika ang kumbensyong panlipunan na nagbiibigay dito ng kolektibong pagkakakilanlan bilang isang pangkat o grupo. 3. Likas ang wika, ibig sabihin , lahat ay may kakayahang matutong gumamit ng wika anuman ang lahi, kultura, o katayuan sa buhay. 4. Ang wika ay dinamiko . Upang mapanatiling masigla at buhay ang lahat ng wika, kailangang makasabay ito sa pagbabago ng panahon. Nagbabago ang paraan ng pananalita mg mga tao maging ang angking kahulugan ng salita sa paglipas ng panahon. 5. Ang wika ay masistemang balangkas. Bago matutong bumasa ang isang bata, kailangan muna nitong matutong kumilala ng tunog ( ponolohiya ) . Itinuturing naakabuluhan ang isang tunog kung may kakanyahan itong makapagpabago ng kahulugan. 6. Bawat wika ay tuwirang nakaugnay sa kultura ng sambayanang gumagamit nito. Wika ang pangunahing tagapagbantayog ng mga kaugalian, pagpapahalaga, at karunungang mayroon ang isang komunidad. Ang wika at kultura ay hindi kailanman maihihiwalay sa isa’t isa. 7. Ang wika ay ginagamit sa komunikasyon. Kailangang patuloy na gamitin ang wika upang mapanatili itong masigla at buhay. Kailangang kalingain sa komunikasyon ang wika upang patuloy itong yumabong at umunlad. KAHALAGAHAN NG WIKA PANUTO: Pagtapat-tapatin. Hanapin sa HANAY B ang sagot na tumutukoy sa kahulugan at kahulugan ng konseptong pangwika. Tugunan ang hinihinging kasagutan sa bawat bilang. 1. Bakit mahalaga ang wika sa: a. Sarili b. Lipunan c. Kapwa 2. Magbigay ng tatlong pagkakataon o sitwasyon kung saan ginagamit ang wika. Sa iyong palagay, paano nakatutulong ang pagkakaroon ng isang wikang nauunawaan ng lahat batay sa sumusunod na pook o sitwasyon? ●Sitwasyon sa loob ng silid- aralan. ●Sitwasyon sa loob ng tanggapan ng pamahalaan ●Sitwasyon sa loob ng pamilihan Wikang Opisyal Itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. -Sa atas ng Konstitusyon ng 1899, ang opisyal na wika ng Republika ng Malolos ay Espanyol bagaman itinadhana ring “opisyal” ang gamit sa mga wikang sinasalita sa kapuluan. -sa Konstitusyong 1935, Itinadhana na ang Ingles at Espanyol ang wikang opisyal habang hinihintay ang pagkakabuo ng isang wikang Pambansa. Hunyo 7 1940- sa bisa ng batas Komonwelt Blg. 570 ay ipinahayag na wikang opisyal ang Wikang Pambansa mula Hulyo 4, 1946. Mula noon ay patuloy ang mga hakbang upang pasiglahin ang paggamit ng Wikang Pambansa-ipinahayag noong 1959 na “Pilipino” ang opisyal na pangalan. -Sa Konstitusyon ng 1987- nakasaad ba wikang opisyal ang Filipino. Sa iyong pananaw, bakit hindi inangkin ng mga Pilipino ang wikang Espanyol bilang wikang Pambansa natin gayong matagal na panahon tayo sinakop ng mga Espanyol? MONOLINGGUWALISMO Ayon kay Richards at Schmidt (2002), ang monolingguwal ay isang indibiduwal na may iisangwika lamang ang nagagamit. Retrieved from: http://www.readingmatrix.com/ar ticles /shen/article.pdf Mula sa salitang ‘mono’ ay magkakaroon na ng pagkakakilanlan na ang monolingguwal ay ang pagkakaroon ng iisang lingguwahe o wika. Sa isang bansa o nasyon, kung ito ay isang monolingguwal bansa nangangahulugang iisang wika ang umiiral bilang wika ng komersiyo, negosyo at pakikipagtalastasan sa pang-araw- araw na buhay ng mamamayan nito. Bukod rito, ang gagamiting wikang panturo sa lahat ng asignatura olarangan ay iisang wika. BILINGGUWALISMO Ayon kay Weinrich (1935), ito ang katawagan sa paggamit ng dalawang wika ng magkasalitan at ang taong gumagamit nito ay tinatawag na bilingguwal. Retrieved from:https://prezi.com/yv3gewuuk gqb/bilingguwalismo/ Ito ay nangangahulugang ang bilingguwalismo ay isang penomenang pangwika na ginagamit sa sosyolinggwistiks. Dito pinapakita ang ugnayan ng tao sa lipunan sa pamamagitan ng komunikasyon na ginagamitan ng dalawang wika. Ayon kay Bloomfield (1935), ito ay tumutukoy sa pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ay kanyang katutubong wika. MULTILINGGUWALISMO Ayon kay Leman (2014), Ang mga tao ay maaaring matawag na multilingguwal kung maalam sila sa pagsasalita ng dalawa o higit pang wika, anuman ang antas ng kakayahan. Ang lahat ng bansa maliban sa isa ay kung hindi bilingguwal ay multilingguwal. Ito ay sa kadahilanan ng kolonyalismo o hindi kaya naman sa impluwensiya ng dayuhan pagdating sa mga kalakalan. POLIGLOT Ang poliglot ay kasingkahulugan ng multilingguwalismo sa ilang mga salik. Dahil sa pagkakapareho ng dalawa ay nakakalikha ito ng kalituhan sa pagtingin ng isang indibiduwal. Ang pagkakaiba nito sa multilingguwalismo ay ang dahilan ng isang indibiduwal sa pag-aaral ng mga wika. Sa anong pafgkakataon mahusay na magagamit ang pagiging bilingguwal ng isang nagsasalita o nakikipagkomunikasyon? Maituturing bang multilingguwal ang mga Pilipino? PANUTO: Manood ng isang tanging episode ng napiling programa. Pagkatapos, suriin ang kabuoan ng programa kung paano ginamit ang wikang Filipino. PAMANTAYAN PUNTOS Nilalaman 10 Gramatika 10 Presentasyon 10 Kabuoan 30 Pangkat 1- Isang teleserye Pangkat 2- Isang Variety Show Pangkat 3- Isang talk Show Pangkat 4- Isang News Program Pangkat 5- Isang Documentary PANUTO: Gumawa ng isang sanaysay na nagpapakita ng kahinaan at kalakasan ng monolingguwalismo, bilingguwalismo multilingguwalismo at poliglot. PAMANTAYAN PUNTOS Nilalaman 10 Gramatika 10 Kalinisan 5 Kabuoan 25 Register ng Wika Nagkakaroon ng pagbabago ang wika sa taong nagsasalita o gumagamit ng wika. Kung sino ang kausap o tagapakinig (tenor of discourse) anong paksa ang pinag- uusapan (field of discourse) at paraan o paano nag-uusap (mode of discourse). a. Paraan o paano nag-uusap (mode of discourse) - usapang pasalita o usapang pasulat. Sa usapang pasulat mas pormal ang mga salita, sumusunod sa mekaniks ng pagsulat, gumagamit ng bantas at sa pagsulat. Kung pasalita maaring nangangatwiran, may pagkamagalang, nagliligawan, na aaway, balita, showbiz. Halimbawa: 1. Nagbayad po kami nang tama at nasa oras, bakit po kami pinutulan ng linya ng ilaw? 2. Magandang araw po. Kami po ay kasapi ng Kabataan Barangay, naatasan po kami na gumawa ng sensus tungkol sa bilang ng mgananinirahan sa ating pook. 3. Mag-aral kayong mabuti para sa inyong kinabukasan: 4. Nakalulungkot isipin na pumanaw na ang pinagpipitaganan at hinahangaan na alagad ng sining 5. Hindi na tumitigil ang pagtaas ng halaga ng langis kailangan tayong magtipid sa lahat ng bagay