You are on page 1of 23

KOMUNIKASYON AT

PANANALIKSIK SA
WIKA AT
KULTURANG
PILIPINO
WIKA
Wika ang nagdadamit sa kaisipan…
Wika ang kalamnang kasuotan, ang katawan ng kaisipan.
--- Thomas Carlyle
WIKA
 Ang salitang Ingles na language ay mula
sa Latin na lingua at Pranses na lengua na
ang ibig sabihin ay dila. Ang metaporikal
na relasyon ng wika at dila ay umiiral sa
maraming wika at patunay ito sa historikal
na pagkaprominente ng sinasalitang wika.
PAGKALINAWAN ET.AL. 2002

 Ang wika ay instrumento ng komunikasyon. Sa


pamamagitan ng wika ay naipapahayag ng tao ang
kanyang kaisipan at saloobin sa ibang tao. Nagagamit
niya ito sa iba’t ibang aspekto ng kanyang buhay
gaya ng pang-ekonomiya, pampulitika, pang-
edukasyon at panlipunan. Sa ganitong paraan,
nalilinang niya ang kanyang sarili at ang kapaligiran
sa pamamagitan ng wikang ginagamit niya.
WEBSTER (1974 sa Bernales, 2011)

 Ang wika ay isang sistema ng


komunikasyon sa pagitan ng mga
tao sa pamamagitan ng mga
pasulat o pasalitang simbolo.
GLEASON (1961)
 Ang wika ay masistemang balangkas
ng sinasalitang tunog na pinili at
isinaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit sa pakikipagtalastasan ng
mga taong nasa iisang kultura.
FINNOCCHIARO (1964)
 Ang wika ay isang sistemang arbitraryo
ng simbolong pasalita na nagbibigay
pahintulot sa mga taong may kultura o
ng mga taong natutunan ang ganoong
kultura upang makipagtalastasan o di
kaya’y makipag-ugnayan.
STURTEVANT (1968)
 Ang wika ay isang sistema ng
mga simbolong arbitraryo ng
mga tunog para sa
komunikasyong pantao
HILL (1976)
 Ang wika ay ang pinakapangunahin at
pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong
pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng
mga tunog na nalilikha ng aparato sa
pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at
padron na lumilikha at simetrikal na estraktura
BROWN (1980)
 Ang wika ay masasabing
sistematikong set ng mga
simbolikong arbitraryo, pasalita,
nagaganap sa isang kultura, pantao at
natatamo ng lahat ng tao.
BOUMAN (1990)
 Ang wika ay isang paraan ng
komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa
isang tiyak na lugar, para sa isang
particular na layunin na ginagamitan ng
mga verbal at viswal na signal para
makapagpahayag
WEBSTER 1990
 Ang wika ay kalipunan ng
mga salitang ginagamit at
naiintindihan ng isang
maituturing na komunidad
KATANGIAN NG WIKA
 Masistemang balangkas
 Sinasalitang tunog
 Pinili at isinaayos
 Arbitraryo
 Ginagamit
 Nakabatay sa kultura
 Dinamiko
 Ang lahat ng wika ay nanghihiram.
 Ang lahat ng wika ay may sariling kakanyahan.
1. Ang wika ay masistemang balangkas.

 Lahat ng wika sa daigdig ay sistematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas.


Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog.
 Ponema ang tawag sa makahulugang tunog ng isang wika samantalang
ponolohiya naman ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga ito.
 Kapag ang mga ponemang ito ay pinagsama, maaaring makabuo ng maliit na
yunit ng salita na tinatawag na morpema. Ang morpemang mabubuo ay maaaring
isang salitang-ugat, panlapi o morpemang ponema.
 Morpolohiya naman ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga morpema.
 Samantala, kapag ang mga salita ay ating pinag-ugnay-ugnay, maaari naman
tayong makabuo ng mga pangungusap. Kapag nagkaroon na ng makahulugang
palitan ng mga pangungusap ang dalawa o higit pang tao ay nagkakaroon na ng
tinatawag na diskurso.
2. Ang wika ay sinasalitang tunog.

 Bawat wika ay may kanya-kanyang set ng


mga makahulugang tunog o ponema.
 Makahulugan ang isang tunog sa isang wika
kapag ito ay nagtataglay ng kahulugan o di
kaya’y may kakayahang makapagpabago ng
kahulugan ng isang morpema o salita.
3. Ang wika ay pinili at isinaayos.

 Upang maging epektib ang komunikasyon,


kailangang isaayos natin ang paggamit ng
wika. Sa lahat ng pagkakataon, pinipili
natin ang wikang gagamitin. Madalas ang
pagpili ay nagaganap sa ating subconscious
at minsan ay sa ating conscious na pag-iisip.
4. Ang wika ay arbitraryo.
 Bawat bansang may sariling wika ay may
napagkasunduang sistema sa paggamit ng
wika. Halimbawa, kung paano ito bigkasin
o basahin, ilang titik ang buuin ng
alfabeto, ano ang sistema ng panghihiram
sa wikang katutubo, dayuhan at iba pa.
5. Ang wika ay ginagamit.
 Ang wika ay kasangkapan sa
komunikasyon at katulad ng kasangkapang
hindi ginagamit ay nawawalan na ng
saysay. Gayon din ang wika. Kapag hindi
natin ito ginagamit ay unti-unti itong
nawawala at tuluyang namamatay.
6. Ang wika ay nakabatay sa kultura.

 Paanong nagkakaiba ang mga wika sa daigdig?


 Dahil sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at mga pangkat.
Hindi maaaring paghiwalayin ang wika at kultura.
 Ayon kay Salazar (sa Constantino at Atienza 1996) kung ang kultura ay
nag kabuuan ng isip, damdamin, gawi, kaalaman at karanasan na
nagtatakda ng maaaring kakanyahan ng isang kalipunan ng tao, ang wika
ay hindi lamang daluyan kundi, higit pa rito, tagapagpahayag at impok-
kuhanan ng alinmang kultura.
 Walang kulturang hindi dala ang wika, na bilang sanligan ng kaluluwa ay
isang bumubuo, humuhubog at nagbibigay diwa sa kulturang ito.
7. Ang wika ay dinamiko.
 Ang wika ay dinamiko kaya nakakaranas ito ng pagbabago
sapagkat ito ay buhay, mapanlikha, at innovative. Ayon kay
Hafalla (sa Pagkalinawan 2002) ang wika ay lumalawak at
yumayaman dahil sa mga gumagamit nito.
 Sa pag-unlad ng larangan ng pangkalakalan, medisina at
siyensiya, ang tao ay nakalilikha, nakabubuo at
nakapanghihiram ng mga bagong salita at katawagang
magagamit para sa pagpapahayag ng mga ideya sa larangang
iyon.
8. Ang lahat ng wika ay nanghihiram.

 Ang pagdebelop ng buhay na eika ay natural. Karaniwan sa lahat


ng wika ang sistemang panghihiram gaya ng wikang Filipino.
Resolusyon 96-1 ng KWF (1996).
 Ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa
pamamagitan ng panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di
katutubong wika.
 Ang panghihiram ay bahagi ng paglinang sa isang wika para sa
mabisang pagpapahayag at mahusay na pakikipag-ugnayan sa
iba’t ibang tao sa lipunan (Pagkalinawan, 2002)
9. Ang lahat ng wika ay may sariling
kakanyahan.
 Walang wika ang superior sa ibang wika, Ingles ang
wikang internasyunal, Latin o Griyego ang
pinagmulan ng sibilisasyon ngunit, hindi masasabing
ito ay higit na mataas o namumukod sa ibang wika.
 Lahat ng wika ay pantay-pantay.
 Lahat ng wika ay may sariling kakanyahan o
katangiang maaaring hindi makikita sa ibang wika.

You might also like