You are on page 1of 34

MGA KONSEPTONG

PANGWIKA

Modyul 1
Mabisang
Komunikasyon
 Ang komunikasyon ay
pagpapahayag at
pagpapalitan ng ideya,
opinyon, o
impormasyon sa
pamamagitan ng pagsasalita,
pagsulat, o pagsenyas.
(Barnhart,2014)
Mga Konseptong Pangwika

Wika instrumento ng komunikasyon na


binubuo ng mga tunog,simbolo at
mga
tuntunin
Wikang -wikang pinagtibay ng pambansang
Pambansa pamahalaan

-Filipino
Wikang wikang ginagamit sa pormal na
Panturo edukasyon
Wikang prinsipal na wikang ginagamit sa
Opisyal edukasyon, sa pamahalaan,sa
politika,sa komersyo at industrya
Bilingguwalsim magkahiwalay na paggamit ng Filipino
o at Ingles bilang midyum ng pagtuturo
Multilingguwalismo paggamit ng maraming wika
Register estilo sa pananalita; batay sa gamit
Homogenous isa lang ang gamit ng wika o wikang
puro
Heterogenous Iba-iba ang gamit ng wika o binubuo
ng iba’t ibang barayti ng wika
Lingguwistikong tawag sa isang grupo ng taong
Komunidad gumagamit ng isang barayti na wika,
isinasaalang-alang ang tungkol sa
idyolek, sosyolek, at dayalek ng
pangkat ng tao sa isang komunidad
Unang Wika wikang kinagisnan o wikang unang
natutuhan
Pangalawang wikang natutuhan kasunod ng unang
Wika wika
Wika; Katuturan at
Katangian

Modyul 2
KONSEPTONG PANGWIKA

 Ang wika ay instrumento ng komunikasyon.


Sa pamamagitan ng wika ay naipapahayag ng
tao ang kanyang kaisipan at saloobin sa
ibang tao. Nagagamit niya ito sa iba’t-ibang
aspekto ng kanyang buhay gaya ng pang-
ekonomiya, pampolitika, pang-edukasyon at
panlipunan.
Katangian ng Wika
1. Ang wika ay masistemang balangkas.

Lahat ng wika sa daigdig ay sistematikong


nakasasaayos sa isang tiyak na balangkas. Lahat ng
wika ay nakabatay sa tunog. Ponema ang tawag sa
makahulugang tunog ng isang wika samantalang
Ponolohiya naman ang tawag sa makaagham na
pag-aaral ng mga ito.
Katangian ng Wika
2. Ang wika ay sinasalitang tunog.

Bawat wika ay may kanya-kanyang set ng mga


makahulugang tunog o ponema. Makahulugan ang
isang tunog sa isang wika kapag ito ay nagtataglay
ng kahulugan o di kaya’y may kakayahang
makapagbabago ng kahulugan ng isang morpema o
salita.
Katangian ng Wika

3. Ang wika ay pinili at isinaayos.

Upang maging epektib ang komunikasyon, kailangang isaayos


natin ang paggamit ng wika. Sa lahat ng pagkakataon, pinipili
natin ang wikang gagamitin. Madalas ang pagpili ay
nagaganap sa ating subconscious at minsan ay sa ating
conscious na pag-iisip.

Bakit lagi nating pinipili ang wikang ating gagamitin?


Katangian ng Wika

4. Ang wika ay arbitraryo.

Bawat bansang may sariling wika ay may napagkakasunduang


sistema sa paggamiit ng wika. Hal. Kung paano ito bigkasin o
basahin, ilang titik ang buuin ng alfabeto, ano ang sistema ng
panghihiram sa wikang katutubo, dayuhan at iba pa.
Katangian ng Wika

5. Ang wika ay ginagamit.

Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng


kasangkapang hindi ginagamit ay nawawalan na ng saysay.
Hindi ba? Gayon din ang wika. Kapag hindi natin ito
ginagamit ay unti-unti itong mawawala at tuluyang
mamamatay. Ano ang saysay ng patay na wika? Wala.
Katangian ng Wika

6.Ang wika ay nakabatay sa kultura.

Paanong nagkakaiba ang mga wika sa daigdig? Ang sagot, dahil sa


pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at mga pangkat. Hindi
maaaring paghiwalayin ang wika at kultura. Ayon kay Salazar (sa Constantino
at Atienza 1996) kung ang kultura ay ang kabuuan ng isip, damdamin, gawi,
kaalaman at karanasan na nagatatakda ng maaring kakanyahan ng isang
kalipunan ng tao, ang wika ay hindi lamang daluyan kundi, higit pa rito,
tagapagpahayag at impukan-kuhanan ng alinmang kultura. Walang kulturang
hindi dala ang wika, na bilang sanlligan at kaluluwa ay isang bumubuo,
humuhubog at nagbibigay diwa sa kulturang ito.
Katangian ng Wika

7. Ang wika ay dinamiko.

Ang wika ay dinamiko kaya nakakaranas ito ng pagbabago


sapagkat ito ay buhay, mapanlikha at inovativ. Ayon kay
Hafalla (sa Pagkalinawan 2002) ang wika ay lumalawak at
yumayaman dahil sa mga gumagamit nito
Katangian ng Wika

8. Ang lahat ng wika ay nanghihiram.

Ang pagdevelop ng buhay na wika ay natural. Karaniwan sa


lahat ng wika ang sistemang panghihiram na gaya ng wikang
Filipino. Resolusyon 96-1 ng KWF (1996): Ang Filipino ay
dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng
panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di katutubong
wika. Ang panghihiram ay bahagi ng paglinang sa isang wika
para sa mabisang pagpapahayag at mahusay na pakikipag-
ugnayan sa iba’t ibang tao sa lipunan (Pagkaliwanan 2002).
Katangian ng Wika

9. Ang lahat ng wika ay may sariling kakanyahan.

Walang wika ang superior sa ibang wika, Ingles ang wikang


internasyunal, Latin o Griyego ang pinagmulan ng sibilisasyon
ngunit, hindi masasabing ito ay higit na mataas o
namumukod sa ibang wika. Lahat ng wika ay pantay-pantay.
Lahat ng wika ay may sariling kakanyahan o katangiang
maaaring hindi makikita sa ibang wika
Bakit Mahalaga ang Wika?
Kahalagahan ng wika

1. Ito ay gamit sa pakikipagtalastasanIto ay gamit upang maipahayag ang


sariliIto ay gamit upang magkaroon ng pagkakaunawaan.

2. Ito ay gamit upang magkaroon ng kaunlaran ang isang lipunan

3. Ito ay gamit sa pakikipagtalastasan.

You might also like