You are on page 1of 6

Rebyu sa Filipino (PANITIKAN)

Marso 2017 Licensure Examination for Teachers (LET)

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag at piliin ang tamang titik na
tumutugon sa iyong sagot.

1. Ano ang kauna-unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas?


a. Nuestra Senora del Rosario c. Barlaan at Josaphat
b. Urbana at Feliza d. Doctrina Cristiana
2. Anong dulang panlibangan ang naglalarawan ng paglalaban ng Muslim at Kristiyano?
a. Moriones c. Panunuluyan
b. Moro-moro d. Karilyo
3. Alin sa sumusunod ang naglalahad ng kaugalian ng isang lahi o katutubo na itinuturing
na isa sa dulang panlibangan sa mga huling taon ng pananakop ng kastila?
a. Santacrusan c. Saynete
b. Pamanhikan d. Karagatan
4. Anong tulang patnigan ang kahalili ng karagatan?
a. Duplo c. Batutian
b. Balagtasan d. Bukanegan
5. Ano ang kauna-unahang nobelang tagalog na isinalin ni Padre Antonio de Borja?
a. Barlaan at Josaphat c. Urbana at Feliza
b. Si Tandang Basiong Macunat d. Florante at Laura
6. Anong akdang panrelihiyon ang nagsasalaysay sa buhay at pagpapakasakit ni Kristo?
a. Senakulo c. Karilyo
b. Tibag d. Lagaylay
7. Ano ang ipinapakahulugan ng panagalang Honesto?
a. Kagandahang-asal c. masayahin at masunurin
b. kalinisang budhi d. mabait at matulungin
8. Sino sa mga sumusunod ang “Ama ng Tuluyang Klasika sa Tagalog”?
a. Jose dela Cruz c. Antonio de Borja
b. Modesto de Castro d. Francisco Balagtas
9. Sino sa mga unang tunay na makatang Tagalog?
a. Francisco Balagtas c. Felipe de Jesus
b. Pedro Bukaneg d. Modesto de Castro
10. Alin sa mga akdang ito ang halimbawa ng isang awit?
a. Florante at Laura c. Bernardo Caprio
b. Ibong Adarna d. Barlaan at Josaphat
11. Mula sa tulang Kay Celia ni Francisco Balagtas.
Ikaw ang bulaklak niring dili-dili
Celiang sagisag mo`y ang M.A.R
Sa birheng mag-ina`y ipamintakasi
Ang tapat mong lingcod na si F. B.

Mula pa rin sa tula/awit, ano ang buong pangalan ng naghandog ng tula


kay Celia?

a. Francisco Balagtas c. Francisco Buenaventura


b. Francisco Buenconsejo d. Francisco Bernabe

12. Anong dulang musical ang binubuo ng mga pagsasalaysay na sinasabayan ng sayaw at tugtugin?
a. santacruzan c. trahedya
b. parsa d. sarswela
13. Alin sa mga sumusunod ang pinalitan ng alpabetong romano?
a. bokabularyo c. alibata
b. gramatika d. sanskrito
14. Alin sa sumusunod ang kantahing bayan ng mga Ilokano?
a. Sarung Banggi c. Atin Cu Pung Singsing
b. Leron Leron Sinta d. Pamulinawen
15. Ano ang pinakamatandang epiko ng Pilipinas ayon kay Otley Beyer?
a. Indarapatra at Sulayman c. Hudhud
b. Alim d. Biag ni Lam-ang

16. Sino sa mga sumusunod ang sumulat ng epiko ng Ilokano?


a. Pedro Bukaneg c. Francisco Balagtas
b. Jose Corazon De Jesus d. Modesto De Castro

17. Ano ang Katangian ng Panitikan bago dumating ang mga kastila?
a. Mayaman sa mga lathalain, sanaysay at tula
b. May impluwensiya ng kulturang Indonesyo- Malayo
c. Naging daan sa kamalayang pangkaisipan ng mga Pilipino
d. Naging sanligan ng gawaing panlipunan at pampamahalaan

18. “May isang prinsesa sa tore nakatira


Balita sa kaharian, pambihirang ganda
Bawal tumingala upang siya`y Makita
Anong gagawin ng binatang sumisinta?

Ito`y isang karunungang-bayan na tinaguriang


I. Palaisipan
II. Salawikain
III. Bugtong

a. I at II c. III lang
b. II at III d. I lang
19. Ang pahayag na “ Kung anong bukambibig siyang laman ng dibdib” ay isang halimbawa ng

a. Tugmaan c. bugtong
b. Tula d. salawikain

20. Alin ang genre ng panitikan na nagbibigay ng kuro-kuro, damdamin o opinion sa mga bagay-bagay,
tao o anumang nais pag-ukulan ng pansin?

a. Tula c. Sanaysay
b. Dula d. Kuwento

Matulog ka na bunso
Ang ina mo ay malayo
Hindi naman masundo
May putik at may balaho

21. Ang awit sa itaas ay tinatawag na

a. Oyayi c. kumintang
b. Tikam d. soliranin

22. Ano ang unang panitikan ng mga Pilipino?

a. Pasalindila c. patula
b. Pakuwento d. pasulat

23. Ano ang tawag sa awit pangkasal?


a. Oyayi c. diona
b. Kundiman d. soliranin
24. Ang Atin Cu Pung Singsing ay awiting bayan ng mga

a. Ilokano c. Bikolano
b. Waray d. Kapampangan
25. Alin sa sumusuond ang ginagamit sa pangkukulam at pag-ingkanto?

a. Bulong c. dung-aw
b. Dalit d. kundiman

26. Alin ang tinuturing na pinakamatandang epikong nasulat noong panahon ng bato at may himig
Griyego?

a. Bidasari c. Biag ni Lam-ang


b. Ibalon d. alim

27. Alin sa sumusunod ang pinakamahaba at pinakamatandang epiko ng panay na may 18 salaysay at
sinakop ng tatlong henerasyon?

a. Maragtas c. Hinilawod
b. Alim d. Haraya

28. Ano ang awiting-bayan ng mga katutubo sa kanilang seremonya sa kasalan?

a. Talindaw c. Dalit
b. Kumintang d. Diona

29. Anong akda ang inialay ni Rizal sa kanyang inang-bayan?

a. Noli Me Tangere c. Huling Paalam


b. Sa Kabatang Pilipino d. El Filibusterismo

30. Sino sa mga sumusunod ang hindi propagandista?

a. Pio Valenzuela c. Pedro Paterno


b. Rafael Palma d. Jose Ma. Panganiban

31. Ano ang akdang tumuligsa sa mga prayleng masiba, ambisyoso at immoral na pagkatao?

a. Fray Botod c. Dasalan at Tocsohan


b. Noche Buena d. Caiigat Cayo

32. Anong anyo ng panitikan ang ginagamit ng mga propagandista?

a. Nobela at Tula c. Tula at Sanaysay


b. Dula at Tula d. Maikling kuwento

33. Sino ang sumulat ng nobelang Ninay?

a. Mariano Ponce c. Pedro Paterno


b. Graciano Lopez –Jaena d. Pascual Poblete

34. Sino ang kinilalang mananalumpati na nagtatag ng La Solidaridad?

a. Jose Palma c. Mariano Ponce


b. Pedro P. Paterno d. Graciano Lopez-Jaena
35. Sino ang kauna-unahang nagsalin sa Tagalog ng “Mi Ultimo Adios” ni Dr. Jose Rizal?

a. Jose Gatmaitan c. Apolinario Mabini


b. Jose Corazon De Jesus d. Andres Bonifacio

36. Kaninog Obra Maestra ang “A La Patria”?

a. Andres Bonifacio c. Jose Rizal


b. Emilio Jacinto d. Apolinario Mabini

37. Kanino inihandog ni Dr. Jose Rizal ang El Filibusterismo?

a. Kanyang bayan c. kanyang kasintahan


b. Kabataang Filipino d. tatlong pari

38. Anong akda ang tumutukoy tungkol sa katamaran ng mga Pilipino?

a. Sobre la Indolencia delos Filipinos


b. Filipinos Dentro decien Anos
c. A La Juventud Filipino
d. Mi Ultimo Adios

39. Alin sa mga sumusunod ang kilalang akda ni Marcelo H. Del Pilar?

a. Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas


b. Katapusang Hibik ng Pilipinas
c. Hibik ng Pilipinas sa inang espanya
d. Pag-ibig sa tinubuang lupa

40. Anong akda ni Marcelo H. del Pilar ang nagsisiwalat ng mga katiwaliang ginawa ng mga prayle sa
Filipino?

a. Cadaquilaan ng Dios c. Dasalan at Tocsohan


b. La Soberana en Pilipinas d.. Caiigat cayo

41. Sino ang bayaning gumagamit ng kalipunan ng mga dasal satirical bilang panunuligsa sa mga prayle?

a. Marcelo H. del Pilar c. Jose Rizal


b. Graciano Lopez-Jaena d. Pedro Paterno

42. Sino sa mga sumusunod ang may sagisag na Pingkian at Dimas-ilaw?

a. Gregorio Del Pilar c. Emilio Jacinto


b. Marcelo del Pilar d. Juan Luna

43. Sino sa mga sumusunod na bayani ang may sagisag na Tikbalang, Naning, at Kalipulako?

a. Antonio Luna c. Andres Bonifacio


b. Emilio Jacinto d. Mariano Ponce

44. Ano ang taguri ni Emilio Jacinto sa panitik?

a. Dimas-Ilaw c. Plaridel
b. Dimasalang d. Agapito Bagumbayan

45. Sino ang tinaguriang “ Ama ng Demokrasyang Pilipino’?


a. Emilio Jacinto c. Emilio Aguinaldo
b. Apolinario Mabini d. Andres Bonifacio

46. Sino ang sumulat ng “ Himno Nacional Filipina”?

a. Antonio Luna c. Jose Palma


b. Pascual Poblete d. Jose Panganiban

47. Alin sa sumusunod ang HINDI sagisag ni Andres Bonifacio?

a. May Pag-asa c. Bagumbayan


b. Agapito d. Pingkian

48. Sino sa sumusunod ang “utak ng katipunan”?

a. Andres Bonifacio c. Emilio Aguinaldo


b. Apolinario Mabini d. Emilio Jacinto

49. Sino sa sumusunod ang “utak ng himagsikan”?

a. Andres Bonifacio c. Emilio Aguinaldo


b. Apolinario Mabini d. Emilio Jacinto

50. Sino ang naglapat ng musika ng Himno Nacional Filipino?

a. Jose Palma c. Jose Velasquez


b. Julian Felipe d. Clemente Zulueta

51. Sino ang tinaguriang “ Ama ng Maikling Kuwentong Tagalog’?

a. Valeriano Pena c. Lope K. Santos


b. Deogracias Rosario d. Severino Reyes

52. Sino ang ama ng dulaan at sarswla?

a. Aurelio Tolentino c. Severino Reyes


b. Hermogenes Ilagan d. Julian Cruz Balmaceda

53. Ano sagisag panulat ni Florentino Collantes?

a. Verdugo c. Huseng Batute


b. Kuntil-Butil d. Husing Sisiw

54. Sino ang tinagurian “Ama ng Nobelang Tagalog”?

a. Severino Reyes c. Valeriano Pena


b. Deogracias Rosario d. Lope K. Santos

55. Kaninong sagisag ang Lola Basyang?

a. Lope Santos c. Alejandro Abadilla


b. Severino Reyes d. Valeriano Pena

56. Sino ang tinaguriang kauna-unahang nakilalang mandudulang Pilipino?

a. Aurelio Tolentino c. Julian Cruz- Balmaceda


b. Hermogenes Ilagan d. Severino Reyes
57. “ Aking adhika Makita kang sakdal laya”
Ang taludtod ay mula sa tulang “ Bayan ko” ni

a. Jose Ma. Rivera c. Teodoro Gener


b. Idelfonso Santos d. Jose Corazon De Jesus

58. Sino ang kauna-unahang Hari ng Balagtasan?

a. Jose Ma. Rivera c. Teodoro Gener


b. Idelfonso Santos d. Jose Corazon De Jesus

59. Si Amado V. Hernandez ay tinaguriang makata ng

a. Mangingisada c. magsasaka
b. Manggagawa d. bilanggo

60. Ano ang kauna-unahang Nobela na tumatalakay sa sosyolismo ng Pilipinas?

a. Banaag at Sikat c. Madaling-araw


b. Bayang Malaya d. Lihim ng isang Pulo

61. Sino ang tinaguriang “ Apo ng mga mananagalog’?

a. Lope K. Santos c. Florentino Collantes


b. Jose Corazon De Jesus d. Amado Hernandez

62. Sino ang tinaguriang “ Prinsepe ng Panulaang Tagalog”?

a. Jose Corazon de Jesus c. Florentino Collantes


b. Alejandro Abadilla d. Deogracias Rosario

63. Sino ang pinakatanyag na Pilipinong manunulat sa Ingles sa larangan ng maikling katha at tula. Kilala
rin siya sa sagisag na “Doveglion”.

a. Jorge Bacobo c. Jose Garcia Villa


b. Zoilo Galang d. angela Manalang Gloria

64. Ito ay batayan ng pananampalataya ng Kristiyanismo.

a. Bibiliya c. Aklat ng mga buhay


b. Koran d. Aklat ng mga patay

65. Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at karanasan sa iba`t


ibang damdamin.

a. Talambuhay c. Panitikan
b. Kuwento d. Nobela

You might also like